SAIDDIE'S POV
Sana po please Lord.. Sana pumayag sila mama ko. Gustong gusto ko makapunta ng Tagaytay with my friends at take note sa Rest house pa nila Karl. Kagabi ay nagpaalam na ako sa kanila kaso wala pang final desisyon ang ilaw ng tahanang ito. Wala akong problema pagdating kay padir. Madali siyang kausap isang lambing lambing lang eh natiklop na si tatay sa akin. Spoiled lang naman ako sa kanya. Pero kay nanay, bokya ako. Bukod sa malayo daw ang Tagaytay ay hindi ko sila kasama. Hayst sana maging successful ang plano namin ni tatay.
Madilim palang sa labas ay ginigising na ako ni tatay. Ang plano, ang MABAIT MODE VERSION 2.0 na kami lang ni tatay ang nakakaalam.
"Saiddie, baby, gising na! Nakasalang na ang unang batch sa washing machine, nakasalang na din sinaing. Aalis na ako ha mamamalengke na ang tatay. Mag walis walis ka na dyan."
Pupungas pungas pa ay bumangon na ako. Kailangan ko tong gawin. Para sa Tagaytay hehehehe! Nag umpisa na akong magwalis at magpagpag ng alikabok. Oooppss dahan dahan lang baka atakihin ng allergy, lalo di makasama.
Maya maya ay dumating na si tatay. Inumpisahan na niyang lutuin ang paborito ni nanay ang Sinigang na baboy ala nick.
"Tatay! Galingan mo dyan ha baka di yan uumeffect sa Dragon ng tahanang Mendoza"
"Aba aba mahal kong prinsesa, alam mo naman di ba ito ang.."
"Nagpa t***k ng puso sa ina ng tahanang Mendoza!" pagtutuloy ko pa sa paboritong linya ni tatay.
Habang naghihintay na maluto ay nag eespadahan pa kami ni tatay gamit ang okra, kangkong at sitaw. Paborito ko ang weekend dahil walang pasok si Tatay Nick na isang Engineer sa Factory sa FCIE sa Dasma. Both kuya and tatay are Engineers, si kuya ay Mechanical. Nag aayos na isya ng mga papers para makasampa na ng barko. Si tatay naman Industrial. Kaya ako pag nag college na ko, hindi malayong nasa ganong field din ang kuhain kong course. Namana ko sa kanila ang hilig sa pag drawing. Magaling ata si tatay sa pagdrawing at sketch kaya may nagtuturo sa akin ng mga technique.
7am na kaya naligo na ako at si tatay naman..
"Prinsesa ko wag ka muna magbibihis ng pang japorms ha. Dapat mapapayag muna natin si nanay or... Isuot mo na sa ilalim ng pang bahay mo. Alam mo naman nanay mo may pagkadragon un. Lalo ka di papayagan nun pag nakitang ayos na ayos ka na. Hala bilis katukin mo kami pag nakaligo ka na. Lalambingin ko muna" sabay kindat pa sa akin.
Sinunod ko nga si tatay nasa ilalim na ng pambahay ang pangporma ko. Kinatok ko na sila at maya maya nga, nakapiring pa si nanay paglabas akay akay ni tatay.
"Dahan dahan nanay baka madapa" nguso nguso pa ng upuan para iayos ko. "Tada! Nagluto kami ni bunso ng paborito mo! Naglinis na kami at naglaba na nanay!"
Napapangiti ako kay tatay. Kasi ganyang ganyan din ang ugali ko eh. Namana ko yan kay tatay pati pagiging malambing ko.
"Kaya pala naaamoy ko na agad yang masarap na ulam na yan. Alam mo tatay alam na alam mo na kahinaan ko eh no. At ikaw naman prinsesa namin halika nga. Hubarin mo na yang pangbahay mo anak. Kitang kita ko yang dress na suot suot mo sa loob ng damit na yan."
"Yehey! Ganda ganda talaga ng nanay ko na ito. Ang bait bait pa." Hinalik halikan ko si nanay at niyakap yakap. Siya na din nag ayos ng damit ko.
"Nak mag iingat ha? Nakausap na ng Tatay mo ung tatay ni Fritz, basta mag iingat ha! Buti na lang sasakyan pala nila Fritz ang gagamitin ninyo."
"Pangako nanay at tatay. Mag iingat po ako. Hindi po ako kakain ng seafoods, hindi po ako lalampa lampa, magbabait po ako, maglalagay ako ng towel sa likod, iinom ako ng madaming tubig at higit sa lahat... Babalik ako na maganda at malakas pa din Promise" taas kamay ko pang sabi sa kanila
"Siya ok na ang daming sinabi. Nakaready na kagabi ba ang baon na hinanda ko. Kuhain mo sa ref. Yung damit mong extra nasa bag mo na."
Nakakatouch talaga ang nanay kong to. Mahal na mahal ako eh. Kaya napayakap na lang ako sa kanya.
"Love you nay, tay."
THOM'S POV
Kaya ko ba talagang sumama sa kanila sa Tagaytay? Knowing na ang kaibigan ko ay magtatapat na sa taong mahal ko. Martirl na kung martir but I promised Karl na magpapaubaya ako.
"Beep! Beep!"
Sa palagay ko ay wala na akong choice. Tinatamad na binitbit ko na ang backpack ko at matamlay na lumabas ng kwarto.
"Ma! Alis na po kami nandito na si Karl. See you later."
"Ok nak ingat kayo ha. Call me pagdating ninyo doon." ska siya humalik sa akin.
"Kuya! Pasalubong ha. Gusto ko yung tamarind na binibili natin sa Tagaytay. Sarap nun eh." pahabol ni Choy sa akin.
"Sige sige magbabait ka dito ha! Bye ma!"
Naunang dumating sila Saiddie sa SM. May mineet pa kasi ang papa ni Fritz kaya dito ang naging kitaan namin. Nakita kong tuwang tuwa si Saids habang kausap niya si Claude. Ang cute niya sobra. Ang cute cute niya sa suot niyang floral dress na hanggang ibabaw ng tuhod at naka Nike pink na rubbershoes. Ang kenkoy talaga niyang kumilos kaya siguro na inlove ako sa kanya. Hindi siya nahihiya kung ano mang ikilos niya. Lahat natural na kilos lang. Hihintayin ko tong babae na to. Pangako ko yan sa sarili ko. Di man ngayon, balang araw pag hindi sila ang nagkatuluyan ni Karl.
Napalingon siya sa amin. Abot tainga ang ngiti niya. Halatang halata na excited na siyang makaalis. Habang palapit siya ay kay Karl siya nakatingin at kitang kita ang ngiti habang binabati niya ito.
"Tagal ninyo naman! Naiinip na kami. Buti na lang nagpa Mcdo ang papa ni Fritz hehehe! Aalis na ba tayo?"
"Inip na agad ang aleng maliit na to. Cute cute naman ng damit mo. Para kang flower vase. Hahahhaha!" pang aasar ni Karl
"Hala! Thom oh! Tingnan mo si Karl inaasar na naman ako." pagsusumbong niya sa akin.
"Hahaha! Talaga naman Saids! Ooops joke lang" sabi ko na naka peace sign pa sa kanya. Ayoko mahalata niya na nasasaktan ako kaya dadaanin ko na lang sa ganto.
"Heh! Bahala na nga kayo dyan." nagwalk out pa ang aleng maliit.
Mahigit isang oras din ang biniyahe namin bago namin marating ang rest house nila Karl. Lagi kami dito nagbabakasyon nila Karl pag summer kasama pa sila Mama. Matigil na lang ng naghiwalay sila Mama at Papa. Yes they were separated last year lang. It still a big question mark for me. Hindi pa sila handang magkwento sa amin and I respect them.
Ang usapan, after lunch ay yayayain namin ang mga girls sa ilog na malapit dito sa rest house nila. Pwede doong maligo at may pinagawang cottage na ang Daddy ni Karl dito na pwede naming tambayan. Sa tingin ko di ko kakayanin na makita ang ganap na magtapat na si Karl kay Saids. Magdadahilan na lang ako na masakit ang ulo ko.
KARL'S POV
Habang nakain kami ng tanghalian, hindi ko mapigilan ang kaba na mararamdaman ko. Napatingin ako kay Ayie. Nakamaong shorts na siya at spaghetti strap na pang itaas. Bagay lang aa kulay ng balat niya ang kulay na napili niya. Mahilig siya sa kulay lilac, violet, purple ahh basta lahat ng kashade ng mga nabanggit ko.
Napatingin ako kay Fritz. Tinanguan ko siya. Hudyat ng pagsisimula ng aming plano. Kinindatan na din niya ang iba pang tropa.
Sama sama kaming naglalakad papuntang ilog. Malapit lang ito sa rest house namin kaya madali lang namin mararating. Kasabay kong naglalakad si Ayie. Kinukulit kulit ko siya habang naglalakad kami. Kinukulbit ko sa likod at saka ko sasabihin na hindi ako un. Asar talo kasi siya lagi kaya trip ko laging asarin.
Nagulat ako ng bigla siyang magsalita.
"Anyare kaya doon kay Thom no? Bigla sumakit ulo niya. Mahiluhin pala siya sa biyahe? Laki laking tao, hiluhin pala. Hehehe!"
"Hayaan mo na muna siyang magpahinga. Magiging oks lang yun."
"Ang weird pa naman niya kagabi."
"Ha? Bakit naman?
" Tumawag kasi siya sakin kagabi. Tapos parang baliw, di masabi sabi yung sasabihin niya. Pautal utal pa nga. Baka may sakit nga siya Karl."
Natahimik ako bigla. Ano kaya yung gustong sabihin ni Thom? Naisip kaya niyang baliin ang pangako niya sa akin?
"Sabi niya may binabasa daw kasi siyang story kagabi gusto niya daw ako tanungin kung tama yung ginawa nung lalaki doon. Ang lakas nga ng tawa ko ang sabi niya yun daw kasing lalaki sa kwento nagkagusto sa babae, kaso nung magtatapat na daw eh nalaman niyang gusto din ng kaibigan ng lalaki yung babae. So ang naging desisyon nung lalaki, magparaya na lang kasi kaibigan niya yung isang lalaki eh. Ang gulo ba ng kwento ko? Bat ganyan tingin mo sa akin?
"Eh ano naman sinagot mo?"
Natatawa siya sa akin bago sumagot. "Alam mo magkaibigan nga kayo. Hahahha! Dapat pala sayo na lang nagtanong ako pa nga nadamay."
"Pero ano nga sagot mo?" tanong ko ulit sa kanya.
"Eh sabi ko bakit kasi di na lang silang dalawa yung nagtapat doon sa girl. Pareho pala nilang gusto edi sana di sila nahihirapan. Ayy kaso pala no ngayon ko lang naisip, baka pala maging magkaaway sila no? Sympre magiging magkaribal sila diba?"
Natulala ako sa sinabi niya. Nakuha niya ang punto namin ni Thom. Patawad Thom alam kong ayaw mo lang masaksihan itong gagawin ko. Bakit kasi pareho pa ang tinibok ng puso natin.
Tinawag ako ni Fritz." Karl! "
Hudyat na yon. Nagtakbuhan sila sa pag akyat sa puno tapos kami ni Ayie ang naiwan.
SAIDDIE'S POV
"Hoy! Ano yang ginagawa ninyo! Bumaba nga kayo dyan! Alam ninyo na nga di ako marunong umakyat sa puno nakakainis tong mga to. Karl ohhh!!!!"
Paglingon ko wala na si Karl sa likod ko. Hala nasan na yun? "Karl! Uiiii nasan kaba? Ang bubully ninyo ha!"
"AYIE!" Tawag ni Karl sa akin. Nakita ko siya sa gitna ng ilog. May bato doon na naka usli na para bang sinadya para gawing stage o upuan sa gitna ng ilog. Ngiting ngiti pa si Karl habang nakatayo doon sa batong iyon habang parang may hawak na kung ano sa likod niya.
"AYIE!" sabay tingin niya sa taas ng puno. Biglang inilaglag ng mga tropa ang isang dulo ng hawak nilang, ano ba yun tela o tarpaulin? Nanlaki mata ko sa nabasa ko! OMG! Totoo ba to. Nakatitig pa din ako sa nakasulat doon. "I LIKE YOU AYIE! CAN I COURT YOU?"
Ano ba to panaginip? Wala sa loob na napatingin ako kay Karl. My hawak na itong mga sunflowers na parang bagong pitas pa. Ang lakas ng t***k ng puso ko. Ano ba ito? Di na ata ako makahinga sa bilis at lakas ng t***k ng puso ko. Ican't move parang napako na ang mga paa ko sa lupa.
Lumapit si Karl sa akin halata pang kinakabahan.
"Ayie! I like you! Di ko alam kung kailan pa nagstart basta na feel ko bigla. Please allow me to court you.?