Redgie’s Point of View Maagang nagpaalam si Merj kagabi. Matutulog na raw siya. May lakad daw siya bukas ng umaga. Ayaw naman sabihin kung saan. Dahil wala akong magawa, nagpunta ako sa gym. Magpapapawis muna ako bago pumunta sa Tagaytay. Bumili na kaya ako ng bahay doon? Tutal napapadalas ako. Naabutan ko ang ibang mga team mates ko sa gym. “Akala namin nasa Tagaytay ka,” bati ni Ton-ton pagkakita sa akin. “May lakad daw siya e.” “Usually tulog lang lagi ‘yon kapag umaga,” Ton-ton commented. “May pupuntahan yata,” I replied. Pumwesto ako sa thread mill. “E bakit ganyan ang mukha mo? Hindi lang sinabi sayo kung saan pupunta parang break up agad ang mood mo.” “Hindi nga nagte-text sa akin.” “Tawagan mo.” Napatingin ako kay Ton-ton na nasa kabilang thread mill. Napangisi ito at bin

