Merjie’s Point of View Muntik ko nang hindi makilala ang sarili ko pagkatapos akong bihisan at pakinisin ng todo ni Ms. Kaye at Ms. Cheska. Tapos kinuhanan ako ng picture ni Ms. Lise para raw sa poster namin. Hiyang hiya ako sa kanila pero gustong-gusto ko ang kinalabasan. Naka-perm ang buhok ko. Kahit liparin pa ng hangin, keri nang mag-stay ang kulot sa dulo effect. May highlights pa ngayon. Hindi ko alam ang ginawa ni Ms. Cheska para mag glow nang ganito ang skin ko. At ang mga damit, sabi ni Ms. Kaye, luma na raw ang style kasi six months ago na raw. Natawa nga ako e. Kapag 6 months ago na ang damit, wala na sa uso. E ang mga damit ko, mga five years ago na. Tinuruan nya ako kung paano mag-pair ng mga damit. Kung anong accessories ang gagamitin at kung anong shoes ang iteterno. Na

