CHAPTER 2

540 Words
Redgie’s Point of View “Uy, Redgie, sasama ka ba sa amin? Aakyat kaming Tagaytay,” tanong ni Ton-ton. Kasamahan ko sa team. Palabas na kami sa gym kung saan ginanap ang practice namin. “Sige. Saan tayo magkikita-kita?” sagot ko. Huminto ako sa tapat ng kotse ko. “Sa Grace Hotel, malapit sa Country Club. Daming magandang babae doon.” Tumaas taas ang kilay nito. Ah. Iyong exclusive for men na club. “Okay sige. Kita tayo— mga seven PM?” tanong ko. “Hindi mo ba panonoorin muna ang game ng Ginebra?” tanong nito. “Huwag na. Alam naman na natin ang result— kangkong,” sagot ko. “Gago ka, marinig ka ng fan ng Ginebra, babatuhin ka ng bote.” Tumatawa itong umiling sa akin. Tumatawa rin akong sumakay sa kotse ko. Kangkong naman talaga. Nag-text sa akin si Ton-ton nang nasa Tagaytay, Rotonda na ako. Ton-ton: Talo ang Ginebra. Ako: Sabi sayo e. Pumunta ka na dito. Nasa Tagaytay na ako. Ton-ton: Gago ka talaga. Nagdilang anghel ka. Hindi ko na sinagot si Ton at dumiretso na ako sa Grace Hotel. Maganda ang pagkakatayo ng Grace Hotel. Mayroong dalawang seven-storey na building na nakatayo. Ongoing pa rin ang pagtatayo nila ng mga villas. Over-looking ito sa Taal— at sa hindi ko alam kung paano nila nagawa— mayroong mga Cherry Blossom na nakatanim sa paligid. Mayroong mga mini-community dito. Stores, boutiques, spa, vet clinic, restaurants, bars, photo studio, fast food, 24 hours convenience store at marami pang small stall— one-stop shop kumbaga. Nag-check in ako sa hotel at swerte dahil mayroon pang available room sa seventh floor. Bumaba ako sa Below Negative bar para makapwesto na. Papunta na rin naman ang ibang kasama ko— ang mga naniwala sa akin na matatalo ang Ginebra. Si Ton— malamang mamaya pa ‘yon. Sakto, may live band. Bukod sa 90’s na kanta ng Eraserheads at Rivermaya, napansin ko ang vocalist ng banda. Maputi, medyo matangkad para sa isang babae. Nasa 5’5” siguro siya. Kulay brown ang buhok na medyo magulo na kakagalaw nito sa stage. Mapula ang labi dahil sa lipstick, maputi ang ngipin, madilim ang mata, matangos ang maliit na ilong nito at napakaganda ng katawan. Parang mas bagay sa kanyang maging model kaysa singer. Pero para patas lang, maganda ang boses niya. Ano kaya ang pangalan niya? Habang kumakanta siya ng babaeng kamukha ni Paraluman, dumating na isa-isa ang mga ka-team ko. Iyong mga binata lang. Hindi na kasi namin maaya ang mga may asawa na. Bantay-sarado na. Pagkatapos ng session ng banda, bumaba ang mga ito at pinalitan ng isang acoustic singer. Kinawayan ng isang ka-team ko ang drummer. Tropa pala sila. “Kamusta, Baste?” tanong ni Brian. They made their hand shake. “Ka-team ko nga pala,” isa kaming ipinakilala ni Brian sa kausap. “Ganda ng boses ng singer niyo,” hirit ko. Chance ko na ‘to. Tumawa si Baste saka si Brian. “Kalaban ‘yon,” Brian replied. “Huh?” Anong kalaban? “Ginebra fan ‘yon. At huwag mong sasabihan ng kangkong kung ayaw mong masapak,” Baste replied while laughing. Tangina, kalaban pa. Ano bang mayroon sa Ginebra?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD