Redgie’s Point of View Ibang klase. Pati kasal hindi pinalagpas ng mga ito. Mas nauna kaming umalis kaysa sa banda ni Baste kagabi pero heto sila, last practice bago ang kasal. Lumapit ako para maasar lang si Merjie na looking good sa suot na peach na gown. Simple lang ang gown niya. Floor length. Ibang-iba siya ngayon kumpara kagabi na maitim ang ilalim ng mata sa eyeliner at pagkapula-pulang labi na akala mo nagdudugo. “Baste,” tawag ko sa katropa ni Ton-ton. “Uy, ang aga mo ah,” sagot nito. “Naamoy ko ang kape sa kwarto ko kaya bumaba ako. Lagi ba kayong tumutugtog sa kasal dito?” tanong ko. “Merj, Canon D?” tanong ng pianist nila. Tumango naman ito. “Minsan lang kapag maganda ang bigayan,” sagot ni Baste. Kinuha ni Merjie ang Violin niya. Wala akong alam sa music pero sa tingin

