Merjie’s Point of View
Sobra ang antok ko kinabukasan. Kapag dumarating sila Ma’am Diane napaparami ang kanta namin e. Lalo na kapag naki-join ang mga kaibigan niya sa kantahan. Mini-concert ang dating.
Si Yumi, six AM pa lang, tawag na nang tawag. Tinono ko lang ang Violin ko, tapos pumunta na ako sa Grace Hotel.
Kailangan ko ng kape.
Pagdating ko sa Grace, inabutan kaagad ako ng kape ni Yumi. Ay, bless you girl. Tinakpan ko na ng sangkatukak na concealer ang eyebags ko para hndi naman halata. Buti na lang generic ‘yong mga kanta. Madali lang at familiar kami. Habang nag-aayos ang caterer at florist, nag-practice muna ako. Maya-maya pa darating ang mga kabanda ko. Kapag narindi na sila sa tawag ni Yumi.
Naamoy ko ang mabangong cupcakes. Tinignan ko si Yumi kung nakatingin sa gawi ko. Nang masiguro kong busy siya sa florist, pumunta ako sa bakeshop ni Bella. Siya ang mayroong pinakamasarap na cupcakes sa buong Tagaytay. The best, bagay na bagay sa kape ko ang cupcakes niya.
“Bella…” tawag ko nang makapasok ako sa napaka-cozy niyang shop. Nginitian ako ng service crew niya. Kilala na nila ako dahil nakakasama ko sila sa mga kasal.
“Nasa kitchen po si Ma’am Bella. Pasok na po kayo, Ma’am Merjie,” nakangiting sabi ng isa sa crew. Nag-aayos sila ng mga cupcakes sa estante. Bumili ako ng kalahating dosena at ipinatabi iyon. Tumango naman ito.
“Grabe namang cake ‘yan, mataas pa sayo.” Nagulat ako nang makapasok ako sa kitchen at makita ang five tier na cake na ginagawa nito.
“Finishing na lang. Kanina pa ako inaagad ni Yumi. Pambihirang babae ‘yon, hindi yata natutulog,” sagot ni Bella na abala sa paglalagay ng flower accent sa cake na ginawa niya. I made face.
“Anong oras ka ba ginising?” tanong ko. Tumayo si Bella at tumingin sa akin. “Three AM. Kakatulog ko lang no’n e. Tinapos ko pa ang mga cupcakes na paninda ko ngayon. Mukhang nahatak ka na naman ni Yumi. Wala ka bang gig kagabi at buhay na buhay ka nang ganito kaaga?”
“Six AM naman niya ako tinawagan kaso alas syete ko na siya sinagot.” Matangkad si Bella. Halos kasing tangkad ni Ma’am Marie Sebastian— isa sa pinaka-mayaman at cool na babaeng kilala ko. Maganda si Bella, pang-beauty queen pa ang Lola mo. Ewan ko ba bakit ayaw nitong sumali.
“Tapos na rin. Pwede na akong magpahinga,” sabi ni Bella, matapos nitong ilagay ang huling rose petals. Pure white ang cake tapos bloody red ang accent. Grabe, ang ganda ng cake.
Lumabas kami ng kitchen ni Bella. She turned on the aircon, so her cake will remain beautiful until ma-turn over niya ito kay Yumi. Napansin kong mayroon ding maliliit na cupcakes na ide-decorate nito sa palibot ng higanteng cake.
“Kilala mo ba kung sino ang ikakasal?” tanong ko kay Bella nang umupo ito sa table na pinag-iwanan ko ng kape ko.
“Anak ng isang businessman. Hindi ko kilala personally. Wala ako noong nag-cake tasting sila,” sagot ni Bella.
Nagku-kwentuhan pa kami nang mayroong pumasok na customer. Naningkit ang mata ko nang makita si Redgie Rivero.
“Aba, look who’s here. Mukhang naligo ka ngayon, Merjie ah, hindi ka mukhang gusgusin, at naka-formal gown ka pa,” pang-aasar nito. I rolled my eyes. Nagpaalam ako kay Bella at binanggit ko ulit ang kalahating dosena kong patira na cupcakes. Hindi ko pinansin si Redgie. Kinuha ko ang violin ko at ang kape na medyo malamig na pero pwede pa.
Kapag ang unggoy pinansin, lalong nagpapapansin. Dedmahin kita. Wala kang bilang unggoy ka.