CHAPTER 4

717 Words
Redgie’s Point of View “Ano, pare?” tumatawang sulsol ni Ton-ton. “Did she just give me a middle finger?!” naiinis na tanong ko. “Ikaw kasi,” sagot ng isa sa mga ka-team ko. Ilalampaso ko ‘yang Ginebra mo. Pinagmasdan ko si Merj na nasa kabilang table. Mukhang nagtatalo-talo sila ng mga kabanda nito. Kausap nila ang matandang dalaga na lumapit kanina sa table nila. Manager kaya nila ‘yon? “Uy, anong iniisip mo?” tanong ni Ton. “Next game natin with Ginebra, bigyan mo ng VIP seat si Merj,” sagot ko. Umiling-iling si Ton-ton. “Tigilan mo na ‘yan, pare. Mayroon talagang mga babae na hindi nasisilaw sa status mo.” “Hinahamon ako e. Basta bigyan mo ng ticket. Lagay mo sa likod ng bench natin.” Ngumisi ako sa naiisip kong ganti. “Bahala ka.” Ngumisi si Ton-ton. “Kapag bumalik sayo ‘yan, ewan ko sayo. Type mo ba si Merj?” “Hindi, ano. May taste naman ako,” sagot ko. Kagaya na lang ng babaeng nagkikipag-eye s*x sa akin. Kanina pa ako hinuhubaran sa paraan ng pagtingin. Malaki ang chance na hindi ako makakatulog mag-isa sa kwarto ko. Looking forward to it. After ng acoustic singer, banda ulit nila Baste ang umakyat sa stage. “And we are back— second set of our 90’s OPM band songs! Any request po, feel free to request. Just give your requests to the waiters and they will give it to us. For now, here is 214 from Rivermaya,” nakangiting bati ni Merj. Tumango siya sa mga kabanda niya at nagsimula na silang tumugtog. Am I real? Do the words I speak before you make you feel, That the love I lay for you will see no ending? Well if you look into my eyes then you should know, That there is nothing here to doubt, nothing to fear, And you can lay your questions down cause if you'll hold me We can fade into the night and you'll know The world could die, and everything may lie, Still you shan't cry Cause time may pass, but longer than it'll last I'll be by your side Ang ganda talaga ng boses niya. Boses anghel— kaso ugaling tambay. Nagsimulang mapuno ang bowl nila ng tissue. Medyo kilala sila sa bar na ito. Pinili nila ang mga kantang nakanta na nila kaninang first session. Mayroon ding nagbigay ng tip na nakalagay sa bowl. Ayos ah. “Hi, Kenjie,” bati ng mga bagong dating. Mukhang mga member ng club. “Merjie po, Sir,” sagot nito. So Merjie pala ang pangalan niya. Akala ko Merj lang. Umupo ang mga ito sa tables sa harap na naka-reserve. Kasama ng mga ito ang mga girlfriend. “Duet! Duet! Duet!” the ladies on the reserved tables chanted. Tumaas ang kamay ng isang babae na akala mo pinapatigil ang mga kasama. “Day, ano ang theme niyo ngayon?” tanong nito. Sa kakapakinig ko sa usapan ng mga dumating, hindi ko na napansin ang babaeng nagpapa-cute kanina sa akin. Umupo na pala ito sa table namin. “Hi, I’m Jessica.” She batted her fake eye lashes. “I’m…” magpapakilala sana ako pero pinutol nito ang sasabihin ko. “Redgie Rivero. Nice meeting you.” Binigay nito ang kamay niya. So kilala niya kami— ako. Ngumiti ako. Alam ko na ang galawan nito. “So, naka-check in ka dito?” tanong nito. “Yeah,” I replied. Napansin kong umakyat na ng stage ang kaninang hinihingan ng duet ng mga kaibigan. Nagkwento ng kung ano-ano si Jessica about sa kung saan siya nakatira at kung ano-ano pa. “Watch and learn mga girls,” sabi nito. “Ma’am Diane, anong kanta po?” tanong ni Merjie. “Bigyan mo ako ng Tuwing umuulan at kapiling ka— Regine version,” sabi ng tinatawag nilang Diane. Nagtatawanan ang mga kasama nito. “Mauna ka na,” sabi nito kay Merjie. Tumango lang ito at nagsimula na naman ang banda. Pagmasdan ang ulan Unti-unting pumapatak sa mga halaman at mga bulaklak Napanganga ako nang matapos ang kanta nila. Pambihirang boses ‘yan. Buti kangkong ang Ginebra, may pang-asar pa rin ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD