Luna's Point of View
MAAGA akong gumising, magtatrabaho na kasi ako sa Montero Industries. Isa pinaka malaking shipping industry ng mundo na pagmamay-ari ng mga Montero, na ngayon ay pinaghaharian ni Klein, ang asawa ko.
Matapos kong maligo ay nagbihis na ako ng office attire. Humarap ako sa salamin at naglagay ng konting make-up. Ito ang unang beses na magtatrabaho ako, kaya kailangan mag-ayos talaga. Kahit kelan hindi pa ako nakapag trabaho sa kahit anong opisina o establisyemento. Hindi rin naman kasi nakapagtapos eh kasi nga heto na ako ngayon, may asawa na.
Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ako para mag luto. Habang naglalakad sa hagdan, hindi ko maiwasang maalala kung paano nga ba nangyari ang lahat ng ‘to.
“Pero ma, ayaw ko. Wag na. “pagtanggi ko kina mama. “Mas okay kung dito lang ako sa bahay. Tsaka bakit pa? “tanong ko habang nakasandal sa piano ng music room.
Ayaw kong mas masakal pa si Klein. Alam kong ayaw niya akong kasama kaya ayaw kong pati sa trabaho niya ay nandun parin ako. Tsaka ayaw ko din kasing masaktan, alam ko naman kasi na hindi makukumpleto araw ng asawa ko hangga’t di ako nasasaktan. Ayoko namang araw-arawin yung sakit na parang vitamins.
“Dahil di pwedeng si Klein lang ang magtatrabaho. Both companies should benefit each others decisions, hindi yung isa lang ang kumikilos.”Mom answered like it’s as easy as that.
“Pero-“
“Luna it’s final okay? Para naman magkasilbi ka, “sabi ni papa na nagpanganga sakin. Kanina ko pa naririnig yang ‘para naman magkasilbi ka’ na yan. Ano pa bang kulang?
“Magkasilbi? So di pa sapat lahat ng ‘to? Baka nakakalimutan niyong mas pinili kong magpakasal kesa tuparin ang mga pangarap ko para lang masalba ang kompanya niyo? “ Hindi ko napigilan ang sarili ko.
“Matagal na po akong may silbi ma, pa, di niyo lang nakikita kasi nagbubulag-bulagan kayo. “I tried my best not to burst out. “Kayo mismo ang umaayaw na makita ang mga bagay na ginagawa ko para mapasaya lang kayo. Tapos ano? Ngayon sasabihin niyong gawin ko tong bagay na ‘to para may silbi ako? “nangingilid na ang mga luha ko pero pinipilit kong lang pigilan.
They always say such things. Para magkasilbi daw eh ginawa ko naman na ang lahat. I even gave up my dreams tapos Yun lang ang sasabihin nila? Masakit eh, kasi kahit isang maliit ko nga lang effort di nila pinapansin, pati ba naman ‘tong buong effort ko na bumago sa takbo ng buhay ko?
“How dare you Luna?!”nag-igting ang bagang ni papa sa galit.
Hindi ako nagpatinag sa masasamang tingin nilang dalawa sa akin. I even stood straight and put on bravery.
“Simula bata ako ramdam ko na ang ganyang pagtrato niyo sakin, kung ituring niyo ako parang di niyo ako anak” tingnan ko sila ng may pagkamuhi. “Ginawa ko naman lahat para sa inyo, pero sadyang kulang lang dahil mas importante pa yang letche niyong business kesa sa ako na anak ni—“
Halos namanhid ang buo kong katawan sa lakas ng sampal ni mama. Napalingon pa ako sa kaliwang direksyon sa lakas ng pagkakasampal niya. What she did put on a bitter smile on my face.
“Wala kang karapatan na pagsalitaan kami ng ganyan! Anak ka lang namin! “sabay duro niya pa.
That hits me. Oo nga naman, anak lang nila ako. Kaya nga sila ang nagdedesisyon sa buhay ko eh. Sino nga naman ako diba? I’ve been the secret daughter of the dela Fuente’s so nobody knows me and who I am. I’m just…a nobody for them and for everyone. Kaya wala akong karapatang magreklamo kasi nga, anak lang ako, binuhay lang ako.
Nabalik ako sa huwisyo nang dumaan sa harap ko si Klein. “Goodmorning Klein. “bati ko sa kanya pero di man lang ako pinansin o tiningnan, dire-diretsong lang siyang bumaba ng hagdan. Ang sungit, sarap sapakin. Joke lang! Baka ako pa yung masapak.
Mama and papa already told me what to do. Magpapanggap lang naman kaming di kilala ang isa’t-isa sa trabaho. Since di naman hayag sa buong mundo kasal namin, siguro di na yun gaanong mahirap. Tsaka minsan dedmahan kami dito sa bahay, parang hindi na nga minsan eh, palagi na. Mas lalong hindi kami mahihirapan sa pag-arte.
Truth is nainis ako sa set-up namin, may pa panggap-panggap pa silang nalalaman. Sila na nga ang nagsabing di ihayag ang kasal namin tapos ganito pa. Tapos ayaw din nilang sabihin kong anak nila ako o kaya kamag-anak. I feel so hidden. Kahit man lang sana mahayag ko sa buong mundo na asawa ako ni Klein Sage Montero, hindi pwede.
I tried to ask them why do they need to hide me, pero ang tanging sagot lang nila ay ‘dahil kailangan’. Edi sana di na lang nila ako ginawa. I feel like they just need me for business purposes only.
“Damn it. Are you listening?! “asik ni Klein.
“H-ha? Aray! “daing ko nang mapasok ako ng stove.
Umirap siya dahil sa katanyagan ko. Grabeng zone out, ni hindi ko namalayan na nagluluto na pala ako.
“I said, don’t do something stupid, lalo na sa harap ng mga employees ko. “iritado niyang sabi. “Mrs. Chen is waiting for you there, she will be the one to orient you and tell you what to do. “
“O-okay.”tipid king sagot.
He look so handsome with his sky blue sleeves inserted in his faded black jeans. Oo na, hot na siya. Lalo na’t may ear cuff na itim ang isa niyang tenga. Ang swerte ko’t gwapo ang napangasawa ko, masama nga lang ugali, haha.
Sinundan ko siya palabas para ihatid siya matapos niyang makakain. “Mag-ingat ka. “sabi ko nang pasakay na siya sa kotse.
Hindi kami pwedeng magsabay; una kasi baka may makakita samin at pangalawa dahil ayaw niya akong kasabay. Simple as that. Makakatipid pa sana kung di namin kailangan magtago at kung di lang siya maarte.
At exactly six forty-five. Nagpatawag ako ng taxi at nagpahatid ssabuilding ng MSI. Medyo malayo siya sa bahay kasi isang oras ang byahe papunta ron. Hilong-hilo nga ako dahil sa amoy ng taxing nasakyan ko eh.
Binaba ako ng taxi driver sa mismong harap ng building. Hindi pa man ako nakakapasok ay kinakabahan na ako. Sa labas pa lang kasi, ramdam mo na na seryoso ang trabaho dito.
Ni hindi ko alam kung anong ginagawa ng isang secretary. Feeling ko nga kulang pa ang isang orientation para sa isang baguhan na tulad ko eh. Ni hindi ko na imagine ang sarili kong magtrabaho sa isang kumpanya kahit na mismong pamilya namin mayroon. It’s not the track I want.
Bukod sa kaba, namangha naman ako sa paligid. Sobrang laki at taas kasi pala talaga ng building ng Montero Shipping Industries. Tapos sa harap ay may malaking fountain at mga landscape plants na nakapalibot. Sobrang engrande na sa labas pa lang.
Ganito pala ka ganda ang pinagtatrabahuan ng asawa ko. He maintained his company so well. Hindi pa man ako nakakapasok ay nararamdaman ko na ang lamig ng aircon mula sa hagdan papasok.
When I stepped in, mas namangha lang ako. Ang ganda din kasi ng loby nila. Spacious and grand. May malaking chandelier sa gitna at may sasalubong sayo’ng malapad na curved desk kung saan nakatayo ang tatlong desk clerk. The black and white theme made is look so clean and formal. Pati ang mga muwebles at disenyong masasabi mo talagang mahal ay mas lalo pang nagdagdag ng ganda at kasosyalan sa paligid.
“Good morning! What can I do for you? “bati ng isang babae matapos kong lumapit sa mesa. The smile, it’s so welcoming and genuine.
“Good morning, “bati ko pabalik. “I’m looking for Mrs. Chen. ”I answered.
“Oh, so you are the new secretary of Mr. Montero? “nakangiti pa rin nitong sabi habang tinitignan ang isang folder.
“Yes. “I said confidently.
“Eighty-fifth floor, Miss Dela Fuente. “she then handed me a folder. “Welcome to Montero Shipping Industry. “
“T-thank you. “Gosh, the way she talks is so formal and professional. Tsaka ang bait niya din ah.
Binuksan ko ang folder at binasa iyon, it’s my own resume. Wow, pati resume ko sila na ang naghanda. Talagang pinaghandaan. Tama ang lahat ng detalye na nakasulat pwera na lang sa address, parents info, at relationship status. Single, huh?
Hinihila-hila ko pababa ang suot kong skirt habang papunta sa elevator dahil tumataas habang humahakbang ako. Habang naglalakad, may iilang sibrang lagkit ng tingin sa akin.
Pangit ba ang suot ko? May dumi ba ang mukha ko? May mali ba? Mukha ba akong alien sa paningin nila?
Pumasok na ako ng tuluyan sa elevator. Di pa man kami umaandar ay nahihilo na ako. God knows how sick I become whenever I’m in a elevator. Mahigpit kong hinawakan ang bakal na tubo na nakakabit sa gilid ng elevator. 85th floor, help me God.
“Hay, may higad na namang bago ang kumpanya. ”
“Oo nga, sino kaya yung bagong sekretarya?”
“I bet, maganda at sexy yan. At you know…may landi rin.”
Nagtawanan ang dalawang babae at isang lalaki na nasa harapan ko. I wonder who they are talking about. Pero sekretarya daw eh, tapos bago pa, baka ako?
Hindi ko alam kung ilang taon bago ako nakalabas sa elevator. Matapos kong marinig ang pagtunog ng pinto ay agad na akong lumabas.
Pagkalabas ko ay nagtinginan na naman ang mga tao sakin. Ano bang problema ng mga ‘to? Chineck ko na ang sarili ko, pero wala naman akong nakitang mali.
Umiwas na lang ako sa mga tingin nila at pumunta sa isang sulok. Kumapit ako sa pader at uminom ng dala kong tubig. Sumakit ang ulo ko dun. Siguro, kailangan ko nang sanayin ang sarili ko sa pagsakay ng elevator mula ngayon.
“Okay ka lang, miss?”tanong ng isang babae na lumapit sa akin at bahagyang hinimas ang likod ko.
“Oo, okay lang. “agad kong sagot at inayos ang sarili.
“Teka, “pabalik-balik itong tumingin sakin at sa folder niyang hawak. “Ikaw nga! “masigla niyang sabi. “Mabuti na lang at dumating ka na. Alam mo bang kanina ka pa hinihintay ni Mrs. Chen?”
“Ahh ganun ba? Pasensya na, medyo na-traffic lang. ”napakamot ako sa sariling batok sa hiya. Mukhang inaasahan talaga ang pagdating ko, gosh na-late pa ako.
“Tara na po sa office ni Mrs. Chen.”aya niya. Bago pa man ako makasagot ay hinila na niya ako. She’s jolly.
Naglakad kami sa isang pathway kung saan may nadadaanan kaming mga table ng mga empleyado.
“Gosh, siya na ba yung bagong sekretarya ni Mr. Montero?”
“Maganda, sexy pre. “
“Mga tipo ni sir. Siguradong malandi din yan.”
“Siguradong jackpot na naman si sir jan.”
Rinig kong bulong-bulungan ng mga empleyadong nadadaanan namin. Napapangiwi naman ako. Grabe naman, hindi naman ako masamang tao. Ngayon, alam ko na kung bakit grabe sila kung makatitig.
——
“Ma’am nandito na po siya. ”sabi ng babaeng humila sakin papunta dito sa isang opisinang classic ang dating.
“Sit. ”agad akong napaupo sa sinabi ng babaeng nakaupo sa likod ng mesa.
“Go-good morning po. “bati ko at inabot ang folder.
“So, the new secretary of the CEO is a late comer? “prankang sabi nito bago ako tinigan at tinaasan ng kilay.
“So-sorry po hindi na po mauulit-“
“Luna Shye Dela Fuente. 25. High school graduate? “pinukulan niya ako ng titig na nagsasabing hinihintay niya ang sagot ko.
What should I answer?
‘Pinatigil po kasi ako ng mga magulang ko para magpakasal sa boss niyo.’ Ganun? Pero syempre, malaking katangahan kung yun ang isasagot ko.
“Ka-kasi po nagka-problema kami financially. “pagsisinungaling ko. Nagtaas na naman siya ng kilay yung tipong nakulangan siya sa naging sagot ko.
“Dela Fuente? I guess di mo naman kadugo ang pamilya ng business tycoons na yun diba? “tanong niya ulit na nagpalunok sa akin.
Tumango na lang ako bilang sagot. Gosh, the way she speaks and the way she looks at me is causing me goose bumps. Napakataray at strikta niya kasi.
“I can’t believe smthey hired a woman like you, “dismayado niyang sabi. Napayuko na alng ako. Only if she knows how much I hate this.
She oriented me all of the things a secretary should do. Simple lang naman like; saakin muna dadaan lahat bago sa CEO. Tska kailangan anytime at anywhere ay magkasama kami, only on work hours. That’s only the basics, may iilan pa daw akong tasks na malalaman ko kinalaunan.
“Lastly Miss Luna, don’t be a w***e nor a bitch.”Nagulat ako sa sinabi niya. “Wag mong lalandiin ang CEO namin. “huli niyang sabi bago kami pinalabas nung babae kanina.
Bakit ko naman lalandiin si Klein? In fact I have the rights to do that. Asawa niya kaya ako, haha. Pero wala din naman akong planong gawin yun dahil hindi ako ganung klase ng babae at ayaw naman namin yun pareho. Lalo na si Klein, ang arte nun pagdating sakin.
“Ah, by the way. I’m Mary Jane, you can call me MJ. Assistant ako ni Mrs. Chen. “pagpapakilala nito sa akin.
“A-ako si Luna Shye Mon-dela Fuente.”nahihiya kong pakilala at muntik pa talagang nadulas. Palagi lang naman kasi akong nasa bahay at minsan lang nakakalabas kaya medyo di ako sanay na makipag-usap at makisalamuha sa ibang tao.
Sumakay uli kami ng elevator. “Alam mo? Feeling ko iba ka sa kanila. “anito.
“H-ha?”
“Iba ka sa mga past secretary ni Mr. Montero.”ngumiti ito sakin ng matamis.
“Bakit?”takang tanong ko.
*Ting!*
“We’re here! “masayang sabi nito. “Ito ang floor ni Mr. Montero, the eighty-eight floor. Siya lang ang umuukupa ng buong floor na’to. ”she oriented.
Wow, buong floor kanya. Edi sobrang tahimik? No wonder, Klein’s not the type who likes fuss. For sure sobrang laki din ng opisina niya.
Tinignan ko ang dinaanan naming glass walls. Gosh, nakakalula. Ngayon lang kasi ako nakatungtong sa ganito ka taas na building . Imagine, nasa eighty-eight floor ako ngayon sobrang lula na ako, pano nalang kung mas mataas pa dito? Edi wala na, nawalan na ako ng malay?
May malaking hallway kaming dinaanan. At sa dulo ng hallway ay may malaking double door.
“Yan ang office ni Mr.Montero.”mahina niyang sabi na tila nag-iingat baka may madisturbong kung ano habang naka-turo sa malaking double door. “And this is your office.”
Binuksan niya ang pinto na nasa gilid at malapit sa malaking double door. Kalahati ng pader nito ay salamin kaya sa labas pa lang ay medyo makikita mo na ang loob.
“Tada!”aniya at prinesenta pa ang kamay niya.
Maganda siya at simple lang. May dalawang bintana na maliit sa likod kaya nakakapasok ang liwanag galing sa araw. Tapos malaki-laki rin ito at may sariling banyo, approximately two times bigger than my room. Gusto ko siya.
“Ang ganda naman.” Di ko na napigilan ang sarili kong di mamangha sa nakikita.
“At dahil nakita mo na, punta muna tayo kay sir. Late ka na at siguradong kanina ka pa hinihintay nun. “sabi ni MJ at hinila na ako palabas ng magiging opisina ko. Ang hilig niyang manghila eh.
Habang papalapit kami sa pinto ng opisina ni Klein ay lumalakas ang kabog ng dibdib ko. Kinakabahan ako na ewan. Pakiramdam ko gusto ko na lang umatras at umuwi. Kung pwede lang eh.
“Be ready. “paalala niya bago niya kinatok ang pinto.
Pinihit niya ang door knob at tuluyan na kaming pumasok. Feeling ko ay lalabas na ang puso ko sa sobrang lakas ng kabog. Ano ba kasing pinagkaibahan sa bahay at dito dahilan para kabahan ako ng ganito? It’s just Klein, Luna, kalma.
Nilibot ko ang paningin sa buong paligid. Tama nga ako, sobrang laki nga talaga ng opisina niya. Gawa sa marmol na kulay itim at puti ang dingding. May sarili pa itong bar sa west side at library sa north side. Marami ring paintings sa paligid, may malaking sofa na kaharap ang isang malaking flat screen TV at marami pang kung ano-ano. In fact pwede na ‘tong bahay eh.
Pero ang umagaw talaga ng atensyon ko ay ang mesa sa dulo ng east side, sa likod nito ay may malaking glass wall kung saan matatanaw mo ang kalangitan at ang buong city.
“Mr. Montero, she’s here.”sabi ni MJ matapos naming makalapit sa malapad na mesa.
Nakatalikod ang swivel chair nito saamin. Geez, what’s up with him? May patalikod pa talagang effect. Mas lalo tuloy akong kinakabahan.
“Leave. “anang baritong boses ni Klein.
“Yes sir. “ani MJ. Bago siya magsimualng maglakad palayo ay humarap muna siya sakin.
“Goodluck. Fighting! “pabulong niyang sabi. Ngumiti lang ako ng pilit sa kanya, kinakabahan kasi talaga ako. Idagdag pa ang sobrang bigat na atmosphere dito sa loob.
Naglakad na si MJ palabas, narinig ko pa ang pagsara niya ng pinto. Feeling ko ay dapat, sumama ako. I feel like I’m inside a cage together with a lion na handa akong lapain anumang oras ngayon.
Ilang minuto din akong nakatayo sa pwesto ko ngayon. I don’t know what to do. Ano, wala siyang planong humarap? Kasi kung oo, mas okay yun, kaya ko namang tumayo dito buong araw.
“Miss dela Fuente, ”he turned aroumd slowly. Malamig niya akong tinignan as usual pero medyo iba, yung titig niya kasi ngayon ay parang di niya ako kilala.
Bahaya rin akong nanibago sa paraan ng pagtawag niya sa akin. He always call me Luna, just plain. Pero ngayon, sobrang pormal kung paano niya ako tawagin.
“You’re late.”sabi niya.
“So-sorry Klein…No, I mean Mr. Montero. ”jusko sahig, lamunin mo na ako.
Tinaasan niya ako ng kilay. “I already told you not to do stupid right? “sabay tukod niya sa dalawang siko niya sa mesa, saka niya pinatong sa nakatiklop niyang mga kamay ang mukha niya. Damn, diretso siyang nakatingin sakin. Pakiramdam ko matutunaw na ako.
Yumuko ako ng bahagya para maiwasan ang eye contact. Nakakailang at nakakatunaw ang paraan niya ng pagtitig sakin, pakiramdam ko kasi ang liit ko tapos kung makatingin siya ay para akong basura na nasa harap niya.
“Sorry Mr. Montero.”halos di ko masabi ang mga kataga. Hindi ako mapakali dahil alam kong nakatitig siya sakin. Kinukurot-kurot ko na ang kamay sa sobrang nerbyos.
“So? Tatayo ka na lang ba jan? Work! “napaigtad ako sa sigaw niya kaya agad akong tumalikod at nagsimulang maglakad palabas.
“Looking forward to working with you effectively, Miss dela Fuente. “
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at hindi na pinansin ang sinabi niya hanggang sa nakalabas na ako ng tuluyan.
Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Pakiramdam ko ay sasabog na ang puso ko sa sobrang lakas ng kabog. He’s so damn professional. Kung tignan at kausapin niya ako ay parang hindi niya ako kilala. Ano pa nga bang bago? Mas naging cold lang naman siya sakin dito.
Pabagsak akong umupo sa swivel chair ng opisina ko. Malalim at humahalinghing ang bawat paghinga. Suddenly tears started to scape from my eyes.
I knew that this would be way more harder for me.