PAGOD ako. Hindi ko in-expect na ganito pala kahirap at nakakapagod ang pagiging secretary, lalo na ang pagtatrabaho. Mas nakakapagod pa kesa sa paglilinis ng isang buong bahay.
Sobrang dami ng mga papeles na dapat kong pirmahan, basahin at atupagin. May mga tawag rin na kailangan kong sagutin, dahil bawat tawag ay katumbas ng isang kompanya na gustong makipag-syoso sa MSI. Yung iba naman ay nagpapa-schedule ng meeting o appointments. Hindi pa kasali yung mga personal na utos ni Klein.
Huhu.
Ang hirap ng trabaho lalo na’t sobrang strikto ng boss ko. Ibang-iba si Klein pagdating sa dito, sobrang seryoso na seryoso talaga. Ni hindi siya ngumingiti man lang, di tulad ng ine-expect ko tuwing nasa trabaho siya. Mapa bahay man o kaya sa trabaho, ganun pa rin, may topak.
Inikot ko paharap sakin ang plastic na name plate na nasa harap ng desk ko.
“Luna Shye Dela Fuente. Secretary of the CEO. “basa ko.
Kaya ko ba? Hindi naman sa nagrereklamo ako o nag-iinarte, pero hindi ko kayang magtagal sa ganitong trabaho. Ngunit syempre, wala akong choice. Hindi ako pwedeng basta-basta na lang magdesisyon para sa sarili ko.
Napabusangot ako dahil sa naisip. Binalik ko ang tuon sa pagtatrabaho. Ilang oras na akong nakaupo dito sa swivel chair habang nagtitipa ng kung ano-ano, sumasagot sa maraming tawag, at marami pa. Nakaupo lang ako pero pagod na pagod na.
Bumuntong hininga ako nang magsimulang kumulo ang sikmura ko. Gutom na ako. Alas-dos na ng hapon pero di pa rin ako kumakain. Hindi ko alam pero ngayon ko lang naramdaman yung gutom. Masyado ata akong nahila ng trabaho. Di ko din napansin ang oras.
Gustuhin ko mang bumaba at bumili, baka kailanganin naman ako ni Klein. Tapos na rin ang Lunch break, hindi rin ako nagbaon.
Inilapag ko ang noo sa mesa at napayakap sa sariling tiyan. I’m starting to imagine different kinds of foods in my mind. Kahit biskwit ay okay na.
Agad kong naayos ang pagkaupo nang marinig ko ang tatlong katok sa aking pinto. Napaigtad pa ako nang biglang nagpakita ang babaeng nasa labas. Nakadungaw siya sa bintana habang nakangiti sa akin.
I mouthed “Come in.” and she entered.
“What are you doing here?” tanong ko nang makapasok siya.
“Food delivery!” nakangiti niyang sabi at habang nakaangat sa ere ang isang spotlight. Napangiti ako nang makita ko ang isang sikat na logo ng fast food sa supot.
“Oh my God. Thank you! “masaya kong sambit. “You don’t know how hungry I am right now. “pasalamat ko. God, she’s an angel. Tamang-tama lang ang dating niya.
Ano nga yung pangalan niya? Hay, I’m really not good with names.
“MJ. “ngiti nito. Naks, nabasa niya iniisip ko. Right, she’s MJ, ang assistant ni Mrs. Chen. I gotta remember her.
Tinulungan niya akong ihanda ang mga pagkain.
“Hindi po kasi kita nakitang bumaba, kaya naisip kong baka hindi ka pa kumakain kaya dinalhan na lang kita Miss Luna. “nginitian niya ako ng matamis.
“Aww. “I awed. She’s so sweet for being thoughtful.
“Kain na po. ”alok niya matapos ayusin lahat ng pagkain sa harapan ko.
I showed her a smile as a sign of thanking her. Inaya ko siya pero tumanggi dahil busog pa.
“Miss Luna? Pwede ba akong magtanong?”she started.
“Oo naman. Nagtatanong ka na nga eh. “tawa ko sa kalagitnaan ng pagkain.
“Bakit dito niyo po naisipang magtrabaho? “natigilan ako sa pagnguya at napatingin sa kanya. She looks like she needs to be answered.
“Ahm.” Binitawan ko ang mga kubyertos. Ano bang pwedeng isagot sa kanya? “Kasi…” Isip Luna, isip. Sinungaling ka naman diba? Hanap ka ng palusot.
“Kasi maganda,” I unconsciously said. “Tama, maganda. Maganda daw kasi ang opportunity rito sabi nila. Tsaka sino ba namang di gustong magtrabaho dito sa Montero Shipping Industries diba?”sabay ngiti ko pa para effective ang palusot.
Nakahinga ako ng maluwag matapos kong makagawa ng kasinungalingang sagot. Pinulot ko ulit ang plastic na kutsara’t tinidor at nagpatuloy sa pagkain.
“Ganun po ba?”she said and satisfyingly nodded.
King Alan niya lang talaga ang totoong dahilan kung bakit ako nandito. Alangan namang sabihin ko na pinagtrabaho ako ng mga magulang namin ni Klein dito dahil kailangan? Baka sabihan niya pa akong baka nababaliw na ako eh.
“MJ? Hindi ba naglu-lunch si Klein—I mean si Mr. Montero? “tanong ko naman. Mula nung nagtrabaho ako dito, minsan ko lang makita si Klein na lumalabas sa opisina niya. Minsan di para kumain kundi para magtrabaho pa rin.
“Minsan lang po. Palagi lang kasi siyang nankukulong sa opisina niya, bihira kung lumabas, “tumingin siya sa bintana na tagos sa pinto ni Klein. Nakikita nga lang namin yan pag papasok siya, may meeting at pag pauwi na, “nakabusangot niyang sabi. “Pero minsan naman nagpapa-order siya ng pagkain o kaya may ka-lunch meeting siyang pinupuntahan.”
“Ah ganun ba? “tatango-tango kong sabi.
“Pero ang mga empleyado naman dito ay pwedeng mag-lunch, at kabilang ka na po dun. Kaya pwede kang lumabas Miss Luna at kumain. Huwag magpapalipas ng gutom, lalo na’t napakaganda mo at hectic dito. “paalala niya.
Bigla akong naisip ang nangyari noong isang araw, yung araw na may sumugod na babae sa opisina ni Klein. Matanong ko nga tong si MJ. Tsaka galing na mismo sa bibig ni Klein na maraming nagpupuntang mga babae niya dito. Siguro naman may alam siya, hindi ba?
“MJ? Marami bang pumupuntang babae dito? I mean kay Mr. Montero mismo? “tanong ko na nagpakunot ng noo ni MJ.
“Hindi naman? Minsan lang? Iba-iba ang babaeng pumupunta dito, minsan ka fling ni boss o kaya naman past secretaries niyang naghahabol pa rin. “she said.
Naghahabol pa rin. Tsk. If it’s because of his money and fame, marami talagang babaeng maghahabol. Nakakainis, even their intentions for him is not good. Even though it’s the same thing when it comes to Klein.
“Ganito kasi yun Miss Luna, “simula niya at sumilip pa talaga sa pinto ng opisina ni Klein through the glass wall. She moved closer to me and covered the side of her mouth. “Halos lahat ng past secretaries ni Mr. Montero, walang ginawa kundi landiin siya. Pero syempre yung mga babae mismo yung lumalapit kay Mr. Montero.” Mahina niyang sabi.
“Last secretary niya before you is si Lesley, kala namin mahinhin at mahiyain yun pala malantong higad. “kwento niya habang nakangiwi, para bang nandidiri siya sa sinasabi.
“Pi-pinapatulan niya rin ba?”wala sa sariling kong tanong.
Nagulat ako sa pagtingin ni MJ sa akin ng diretso sa mata. Feeling ko tuloy hindi maganda sasabihin niya o kaya hindi siya kagandahan sa tinanong ko.
“Yes? I guess? I don’t know?”di niya siguradong sabi kaya napasubo ako ng kanin. “Kaya paiba-iba ang mga secretary rito kasi di nagtatagal ng kahit isang linggo dahil tinatanggal sila ni Mr. Montero. Ang iba naman ay di makatiis sa sobrang kasupladohan niya. Pinakamatagal na ata yung five months which is si Lesley.” umagos siya ng upo.
Matapos niyang galawin? Tinatanggal niya na? Parang t-shirt lang, araw-araw palit? What a good man, isn’t he?
It’s not like loving Klein is just loving all of him, there’s also times that I get disappointed with him. Tulad ngayon dahil sa mga nalaman ko. Sarap niyang pangaralan.
Napayuko na lang ako. Para akong nasampal. Deputa. Sobrang fresh pa nga lang nung nangyari nung isang araw, nasasaktan na naman ako. I made him like this, and it's not like I can avoid things like this.
“That’s why I’m telling you this para maging aware ka at para rin di kana magtaka kung paano ka tignan ng mga ibang empleyado dito, "ni laro niya ang sariling kamay." Kasi para sa kanila lahat ng sekretarya ni Mr. Montero, malalandi. “she said in horror.
“But you Miss Luna? I think you’re different. I can tell. Just prove them na mali ang iniisip nila. Sigurado din akong magtatagal ka dito. “sabay-taas baba niya ng kilay.
Napangiti ako ng pilit sa sinabi ni MJ. Sana nga kayanin ko dito. Hindi naman kasi yung ibang tao ang iniisip ko eh, kundi si Klein. Sabihin na nating oo, masasaktan ako sa mga paninira nila pero mas masakit pa rin pag si Klein yung nananakit eh. Ten times kaya yung power ni Klein sa pangwawasak ng puso kom
“Tsaka gwapo din naman talaga si Mr. Montero eh, plus mayaman pa. Dagdag mo pa yung katawan niyang mapang-akit, "described as her eyes started to shine. "Kaya di na nakakapagtaka kung bakit may lumalandi sa kanya. Ang perfect tapos hot niya kaya!” tili niya.
“Ang problema lang ay masyado siyang masungit at seryoso, napaka maldito as in. Kaya maraming natatakot sa kanya e.”napa-pout siya. “Pero okay lang, gwapo niya pa rin hehehe.”
May gusto ata tong si MJ kay Klein. Halagang-halata naman kasi. Haha, okay lang naman. Hindi naman ako triggered. Crush lang naman eh, diba?
“Nakakapagtaka nga yang si sir eh. Daming fling pero wala pang sineseryoso.”
Ako nga eh, asawa pero di sineseryoso. Saklap. Sarap ngang ipagsigawan sa buong kalawakan na ako ang asawa ng Klein Sage Montero na hinahangaan ng lahat eh. Pero syempre bawal, alam ko naman kasing mahal na mahal ni Klein ang imahe niya bilang bachelor kesa sa akin.
“Hay, sana ako na lang maging girlfriend niya! “kinikilig niyang sabi at may papadyak-padyak pa talaga. Confirmed, may gusto nga sa asawa ko.
“Ay teka, wait Ms. Luna, balita ko may importanteng meeting daw si sir bukas? ”tanong niya.
“Oo, with Mr. Villanueva ng Villanueva Group of Companies. ”sagot ko sa kanya.
“God! Totoo? Isa pa yang si Mr. Villanueva. Sobrang gwapo din niyan! ”medyo tumili pa ito. “Fil-Am yang si Mr. Villanueva with a little bit of Swedish blood kaya sobrang gwapo niya!”
Daming alam ah? Stalker lang? Per in fairness nakakawala ng pagod ang mga chika niya.
Di ako nagpakita ng interes para sa Mr. Villanueva. Childish mang pakinggan, pero para sa akin mas gwapo ang asawa ko. Half Filipino half Spaniard kaya si Klein, kaya mas gwapo siya, period. Siya lang yung gwapo para sa akin.
Marami kaming napag-usapan ni MJ. Umalis siya sa opisina ko matapos ang halos kalahating oras dahil hinanap na siya ni Mrs. Chen. I found her so talkative and jolly. Sobrang bait niya at sobrang daling pakisamahan. I’m glad that I found someone like her here.
Kasalukuyan akong nagliligpit ng pinagkainan. Itatapon ko na sana sa basurahan ang mga karton na pinaglagyan ng pagkain kanina nang tumunog na naman ang intercom.
*toot*
“Give me the proposals. ”
*toot*
Nanigas ako habang ang nakabitin naman ang mga basura sa kamay ko. Heto na naman, pinapatawag na naman ako. Tuluyan ko nang tinapon ang mga basura. Huminga ako ng maluwag at inayos muna ang sarili.
Lumapit ako sa table at kinuha ang sampung folder ng proposals na ipinadala ng mga possible investors ng kompanya. Shocks, siya pa mismo ang humingi, dapat ako yung kusang nagbibigay nito eh.
Mahina ang paglalakad ko patungo sa kinroroonan niya. Kinakabahan na naman ako. Parang gusto ko muna mag-cr.
Nakita ko siyang nakapalumbaba habang may kinakalikot na naman sa laptop. Kitang-kita ko sa likuran niya ang paglubog ng araw. Mag-gagabi na pala. Sobrang bilis ng oras.
“Mr. Montero. “tawag ko sa kanya matapos kong makalapit.
Di niya ako pinansin. Nagpatuloy lang siya sa pagtitipa ng kung ano sa laptop.
Ano ‘to? Ipapatawag ako tapos di lang pala ako papanisin? Kakaibang trip rin Klein ah? Ano ngayon, tatayo lang ako dito?
“What are you waiting for? Read it! ”nagising ang pagod kong kaluluwa sa sigaw niya.
“S-sorry po. ” I said and immediately looked at the proposals. “Mr. Reyes of R Royales proposal wants to create a good relationship with our company. Marami po siyang hinandang mga projects such as—“
“Next. “walang kabaga-bagang sabi ni Klein kaya napatingin ako sa kanya.
“Mrs. Colton of Colton Shipping Line’s proposal, she wants to negotiate with the company in terms of shipping. She proposed wider and further shipping—“
“Next. Gosh, don't they know that we're already shipping globally? f**k that. “iritado niyang sabi na nagpataas ng kilay ko.
“Mr. and Mrs. Villar of blah blah blah blah blah… “
I spitted a lot of words infront of him but he just keeps on saying ‘next’ without letting me finish it. Medyo nabwiset na din ako, halos mamaos kaya ako sa pagsagot ng mga tawag kanina para sa mga proposals nato, tapos dinecline niya lang lahat.
“Is there anything else? Something good? ” he asked after I read the last one and handing him the proposals.
“That’s all boss. ”
“Useless. ” bulong niya at itinapon ang mga folders sa sahig kaya napaigtad ako. “Tawagan mo silang lahat at sabihin mong basura 'tong lahat ng pinadala nila sakin! “sigaw niya ulit.
Base naman sa mga nabasa ko sa proposals eh halos maganda naman, tapos may mga good wills pa bawat isa. Di niya man lang ba yun nakita? O sadyang perfectionist lang siya?
Tapos papatawagan niya sa akin para sabihing basura lahat ng alok nila? Kakaiba talaga eh, bakit hindi niya na lang sabihin na gusto niya lang talagang dagdagan trabaho ko? Problema ko pa tuloy kung paano 'to ipapaliwanag sa kanila. Para akong nagbabalik ng bigay na grasya.
Bumuntong hinga ako at pinulot ang mga tinapon niya. Nakalas pa nga ang mga papel mula sa mga folder kaya nagkalat. Sobrang dami ko tuloy pupulutin.
Pagkatapos kong magpulot ay sinilip ko si Klein. Hinihilot niya ang sintido, halatang na-stress siya. Ganito ba siya ka-stress palagi pagdating sa trabaho? Hindi ko alam kung ano pang iba niyang ginagawa but I can tell that work's stressing him.
Lakas ko magreklamo, nakaasa naman ako sa kanya. Kahit ilang kusing lang ang ginagastos niya sa pagbuhay sakin at pag po-provide ng mga kailangan ko, alam kong pianghirapan niya ang lahat. Hindi dapat ako magreklamo. Ako nga eh walang ambag sa bahay, ni wala rin akong bigay sa kanya.
“You can go now. “sabi ni Klein habang inaayos ko ang mga papeles ng mesa niya.
Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Ang alam ko eh alas nuwebe pa ang out ko? Tsaka may pinapatrabaho pa siya sa akin.
“Pero, alas otso pa lang—“
“Didn’t hear me? I said go. “bumakas ang ibis sa boses niya.
“Po? Pero-“
“Tangina naman! Di ka ba makaintindi? Pinapauwi ka na nga eh! Ano pa bang inaarte mo jan Luna ha?! “singhal niya.
“Sa-sabay nalang tayo. “wala sa sarili kong sabi.
“Are you stupid? Pano kung may makakita satin?!” he hissed that made me flinch.
Eh ano naman? Na-issue ka na rin naman sa mga secretaries mo eh, bat ako hindi pwede?
“May pupuntahan rin ako. ”binabaan niya ang boses.
“S-saan?”
“Pake mo?”
“O-okay, sorry. “
Mabilis akong lumabas sa opisina niya matapos kong ayusin ang desk niya. Kinuha ko na ang bag ko at sumakay na sa elevator. Bumigat tuloy loob ko. Bakit ba kasi kailangang sumigaw?
Nang makalabas ako ng building ay pumara agad ako ng taxi at nagpahatid diretso sa bahay.
What a disastrous day. Nakakapagod, nakakasakit at nakakasira ng buong araw. Well, kung magiging ganito na ang magiging buhay ko araw-araw, mukhang mas kailangan ko pang patatagin ang sarili ko. Lalo na pagdating kay Klein.
Oo masungit siya, mapanakit at masama kung magsalita. Bakit hindi pa rin ako masanay? Bawat araw naninibago pa rin ako, para bang ngayon niya lang ako pinagsalitaan ng masama o ginawan ng masama?
Pero mas okay na ang ganito. Iwas pasa na rin kasi.
For now, I should rest. Because tomorrow is a big day. We will go on a meeting with Mr. Villanueva.