"LET'S go." sabi ni Klein matapos ko siyang tulungan isuot ang suit niya. Agad akong sumunod sa kanya nang magsimula siyang maglakad.
Today is a big day. Ngayon na kasi ang meeting niya with Mr. Villanueva of Villanueva Group of Companies. And of course, as his secretary I'm going with him. Medyo kinakabahan nga ako kasi ito ang unang pagkakataon na sasamahan ko si Klein sa isang malaking meeting.
Una siyang sumakay ng elevator at panghuli ako. Pagkasakay ko ay pinindot ko ang 45th button kung nasaan ang conference room.
Kahit ako ay pinaghandaan ko din ang araw na 'to. I made myself look as presentable as I can. I wore a fitted maroon dress that is long sleeved and up to my upper knee. It perfectly embrace my body, yet it doesn't look scandalous.
Balot kami ng katahimikan sa loob ng elevator. Nasa unahan ako at nasa likod naman siya. Nakaka ilang nga kasi nararamdaman ko ang mga mata niya sa likod ko. God, he's boring a hole on my back.
Pagdating ko sa bahay kagabi ay nagluto pa ako ng hapunan. Hinintay ko siya sa sala, pero dun na din ako inabutan ng antok at nakatulog dahil sa pagod. Nagising ako ng konti nang marinig ko ang pagbukas ng front door. Pero di ko na siya nasalubong dahil sa antok. Hanggang sa nagising na lang ako na nasa couch pa rin kinaumagahan.
Ano kayang iniisip niya ngayon? Kinakabahan din ba siya para sa meeting? Well, it doesn't seem like it. Pero kasi nung nakita ko kung paano siya nag-react nung sinabi ko ang tungkol sa meeting niya with Mr. Villanueva, bumakas yung galit at kaba sa mukha niya.
Anong klaseng tao kaya si Mr. Villanueva para magkaganun ang reaksyon ni Klein? Siguro mas terror pa kesa sa kanya, o kaya mas mataas.
"We're going to meet your man today. "he said out of the blue.
"Ha?" I faced him with a question mark on my face.
Pinasok niya ang dalawang kamay sa magkabila niyang bulsa, tsaka siya tumingala.
"Tsk. "diretso niya akong tiningnan matapos niyang tignan ang repleksyon sa ceiling. "Don't act like you don't know. I know you're excited right now."
Ano bang sinasabi niya? Tinitopak na naman ba 'tong asawa ko? Wala akong maintindihan sa mga pinagsasabi niya.
"A-ano?"naguguluhan ko pa ring sabi.
"Don't do anything stupid Luna. I've already told you. "nameywang siya. "Ano sa tingin mong iisipin niya once na makita ka niya rito?"
"Mali. The real question is, what is gonna be your reaction? "pinangunutan ko siya ng noo. Why don't he just go straight to the point?
"Are you going to have that happy s**t on your face once you see him? "dahan-dahan siyang naglakad palapit sakin kaya napaatras ako nang napaatras hanggang sa naramdaman ko ang lamig ng pinto ng elevator sa likod ko. "Ano ha? Luna?! "napapikit at napaigtad ako dahil sa sunod-sunod na pagsigaw niya.
I was lucky when the elevator stopped the moment he's about to do something not nice. I was saved by the bell.
" I swear to God, Luna. "he said firmly. Hinampas niya ng maglakad ang dingding ng elevator.
Inis siyang pumikit bago lumayo ng tuluyan mula sa akin. He fixed himself again and started to walk out when the elevator opened.
I let out a deep sigh after the save. Ano na naman ba kasi ang problema niya? Hindi ko siya maintindihan. Ano bang sinasabi niya? Sino ang tinutukoy niya? Lalaki ko daw? Grabe din imagination nitong si Klein eh. Wala na akong ibang lalaking kinakasama bukod sa kanya.
Agad akong sumunod kahit na medyo nalutang ako sa nangyari. Sa bilis ng lakad niya ay halos matapilok pa ako sa suot kong heels.
Habang naglalakad papunta sa conference room ay binabati siya ng mga empleyadong nadadaanan namin. Pero ni sulyap sa mga ito, di niya ginagawa.
Para siyang hari dahil lahat ng empleyado tumatabi at nagba-bow sa kanya. Tapos siya, diretso lang nakatingin sa nilalakaran at walang pakealam.
Papasok na kami sa conference room at hingal na hingal ako dahil sa lakad at takbo na ginawa ko.
See-through ang pader ng conference room, kaya nakita ko na agad ang mga tao sa loob. May mga babae at lalaking medyo may edad na sa loob, nakaupo. Akala ko ba si Mr. Villanueva lang ang ka-meeting niya ngayon? Bakit parang ang daming tao?
Bago pa man kami makapasok ay nagkatinginan kami ni Klein. He gave me a sharp look. A warning look to be exact.
He opened the door for me. Pagkapasok namin, nagsitayuan ang lahat ng tao sa loob. I was amazed kasi sabay-sabay silang lahat.
"Good morning Mr. Montero. "bati nila.
Umupo si Klein sa dulo ng mahabang lamesa nang hindi pinansin ang pagbati sa kanya ng lahat. Umupo naman ako sa tabi ni Klein. Kapansin-pansin rin ang iilang sekretarya na katabi ang mga boss ata nila.
"Where is Villanueva? "tanong ni Klein habang prenteng nakaupo sa swivel chair.
"My boss is coming sir. "anang lalaking nasa kabilang dulo ng inuupuan ko. Mukhang siya ang secretary ni Mr. Villanueva.
"I'm here. "lahat kami ay napalingon sa nagsalita, pwera na lang kay Klein.
I saw a tall handsome man with deep blue eyes who just entered the room while fixing his tie. I was in deep thoughts of his feature when I realized who he is.
Napaigtad ako nang lumapat ang kamay ni Klejn sa hita ko. Agad ko siyang nilingon, diretso lang siyang nakatingin sa harap niya. He gripped my thigh lightly that made me fix how I sit and face the same direction he's facing.
Hindi tinanggal ni Klein ang pagkakagawa sa hita ko. Ramdam na ramdam ko ang init ng kamay niya na tumatagos sa suot ko. Buti na lang at may malaking telang nakatakip sa malaking mesa na gawa sa salamin.
Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang paglalakad niya sa direksyon ko. I immediately hid my face using my hair. I gently glanced at Klein, diretso pa rin ang mukha niya. Ito ba ang ibig niyang sabihin?
Holy crap!
Umupo siya sa kabilang dulo ng mesa kaya magkaharap sila ni Klein, habang kaharap ko naman sa kabilang dulo ang sekretarya na katabi lang din niya. Shocks, kitang-kita niya ako nito.
Hindi ko na itago ang gulat nang ilapit ni Klein ang mukha niya sa akin, este sa tenga ko. Nilapitan ko rin ang tenga ko sa kanya para hindi gaanong weird tignan.
"Keep it cool, don't act obvious." bulong niya. Tumango naman ako.
I followed what he said and fixed myself. Act it cool. Wag kang magpahalata, Luna. Ginaya ko si Klein at diretsong tumingin sa harap. I put on confidence that I just picked out of nowhere.
Justin Ford Villanueva. God, bakit hindi ko 'to naisip? Hindi ko inaakalang si Superman ay ang malaking taong ka-meeting namin ngayon. So si Mr. Villanueva yung sinasabi ni Klein na lalaki ko kuno? Tinulungan lang ako ng tao, lalaki ko na agad. Sobrang dumi din talaga ng utak nitong si Klein eh.
Hindi ko pinahalata ang kaba na nararamdaman ko kahit na napapansin ko ang tingin sa akin ni Justin. I remained myself fixed and professional.
What is this? Reunion? What if ipagkalat ng lalaking 'to ang tungkol sa amin ni Klein? Edi deads ako? Alam niyang mag-asawa kami at wala ng ibang tao pang nakakaalam nun kundi siya na malaking tao pa.
I bit my inner lip and looked down. Maya-maya lang ay nagsimula na ang discussion.
I tried to focus on the discussion. Pero nawawala ako sa focus dahil pakiramdam ko may nakatingin sa akin. I simply looked around and was shocked when I saw Mr. Villanueva staring at me.
Nang magkasalubong ang mga tingin namin ay mas lalong tumalim ang pagkakatitig niya kaya agad akong nag-iwas. Siguradong sinusuri niya ako.
I felt Klein's hands move inside my thighs that surprised me. s**t, ano bang ginagawa niya? I crossed my legs yet hondo iyon sapat para mataboy ko ng tuluyan ang kamay niya.
He simply played with it. Tapping my thighs using his fingers. Hinayaan ko na lang.
"So that, the emipre estate of the both companies will grow bigger and wider if they merge again. "anang babae na nasa harap. "There will also be a great chance to earn good money and stunning image for the both parties. And—"
"No need. "napalingon lahat kay Klein. "I can enlarge my own businesses, it's actually wide enough. "sabi pa nito. "I don't really agree about this idea, it's ugly. My company is already on its highest all alone for the past ten years. I don't think that there is still need to re-emerge Montero Industries and Villanueva Group of Companies. "prangka niyang sabi.
"But Mr. Montero, this is not just for the money and image. This is also to conceal and fix the old the old relationship between the two companies. "
"I agree with it. "ngayon, napalingon naman lahat kay Superman. Agad kong iniwas ang tingin ko nang sabihin niya 'yon habang nakatingin pa rin sakin.
"I. Don't. "matigas na sabi ni Klein. Masama na naman silang nagtitigan, para silang nagsusuntukan gamit ang tingin sa isa't-isa.
"And I agree with it too."
Isang boses ang bumasag sa tensyon ng dalawa. It's Mr. Brandon Montero, Klein's dad. Payak siyang naglakad patungo sa harap ng lahat.
"Montero's and Villanueva's are good partners back then, pero nabuwag ito just because of the both of you. "tukoy ni Mr. Montero kay Klein at kay Justin. "Lalo na ng dahil sayo, Klein. "Mr. Brandon glared at him.
Nag-igting ang mga panga ni Klein habang nakatitig kay Justin. Halatang inis na inis na si Klein. Habang si Superman naman ay nakangisi lang.
"So now, MSI will accept the Villanueva's again. "Klein's dad announced that made everyone react.
"You don't have to do this. I can handle my industry. "asik ni Klein.
"I will Klein. I am the founder of this company, I have the rights to make thus decision and it's final. "mautoridad na sabi ni Mr. Brandon. Ginamit niya ang posisyon niya sa kompanya bilang founder para matigil si Klein. Knowing Klein's father, he's a wise man and more than Klein.
"It's official. "nagpalak-pakan ang board of directors at iba pang tao sa loob ng conference room matapos mag-anunsyo ni Mr. Brandon.
Nakita ko kung paano kinuyom ni Klein ang kamao niya. Halatang hindi niya nagustuhan ang naging desisyon ng ama niya. Kahit na ako, slightly di ko rin to gusto. Kasi di rin gusto ni Klein, syempre bias ako sa asawa ko.
Marami-rami din ang naging discussion ng meeting at sobrang nabagot ako sa loob ng conference room. Halos wala nga akong maintindihan eh. Ang tanging nalalaman ko lang ay yung mga kaonting detalye ng pinag-uusapan nila.
Dagdag niyo pa ang seryosong atmosphere. Lalo na sa katabi ko, ramdam na ramdam ko ang galit na aura ni Klein. Naiilang din ako kasi napapansin ko ang mga titig ni Superman sakin. Todo iwas tuloy ako ng tingin.
Ano kayang iniisip ng lalaking yun? Nagtataka ba siya? Naghihinala? Or what?
Tumagal ng halos tatlong oras ang meeting at lunch na nang matapos. At sa lahat ng oras na 'yon, hawak-hawak ni Klein ang hita ko. What's gotten into him?
Isa-isa nang nagsilabasan ang mga taong pumuna sa meeting. Pwera na lang sa amin ni Klein. Syempre di pa siya tumatayo, kaya di rin ako tatayo. Gaya-gaya ako.
I attached the files inside a clipboard that was handed to Klein earlier in the meeting.
Ang kaninang inis niyang mukha ay napalitan na ng pagkaseryoso. Balot na naman siya ng madilim niyang awra. Kakatakot.
Sa di kalayuan ay napansin ko ang pagtayo nina Mr. Villanueva. Di pa rin pala sila lumalabas. Agad akong yumuko nang magsimula itong maglakad palapit samin.
Tara na Klein, huhu. This is the best time for us to walk out. Ilang hakbang na lang siya sa amin, kaya hindi ko na kinaya.
"B-boss cr lang ako." paalam ko sabay tayo. Tinakip ko ang dala kong plastic folder sa mukha ko at nagsimulang maglakad palayo.
Pero malas ako. Malas. Hindi pa man kaso ako nakakalabas ay may humigit na sa pulsuhan ko. Nanigas ako nang dahil ron. Hindi ko inaasahan.
"Face me. "agad akong kinilabutan sa baritono niyang boses. Tiim akong napapikit. Nagsisimula na akong mataranta dahil sa paghawak niya sakin.
Wala na akong takas.
"M-may kailangan ba ka-kayo sakin Mr. Villanueva? "tanong ko habang nakatalikod pa rin sa kanya. I bit my lower lip and tried to take my wrist away.
"He doesn't need anything from you. "my eyes widened when Klein interrupted. My heart started to throb when he stood infront me. He's so close, I can even smell him. "Let go of my secretary. "mariin niyang sabi.
Kaharap ko ang dibdib ni Klein habang nasa likuran ko naman si Mr. Villanueva. Hindi ko man nakikita ang mga mukha nila ay ramdam ko naman ang masamang titig nila sa isa't-isa.
"Let's go. "Klein grabbed my hand from Justin's grip. Baka saktan na naman ako ni Klein dahil kay Superman.
Hinila ako ni Klein palabas ng conference room. Nakayuko lang ako sa buong oras na naglalakad kami. Saka niya lang ako binitawan nang madaanan na kami ng mga empleyado.
Napagtanto kong nasa harap na pala kami ng double door. Masyado akong na-lutang, hindi ko napansin na nasa harap na pala kami sa opisina niya.
I was about to enter my own office when I saw him standing still in front of the door.
"Okay ka lang ba, Sir?" I asked.
Marahan siyang lumingon sa akin. Tiningnan niya ako ng may nagbabadya ng panganib sa mga mata niya.
"I want you to..."may pag-aalinlangan niyang sabi. "I want you to stay away from him."
Walang pasabi siyang tumalikod sa akin at tuluyang pumasok sa loob ng sarili niyang opisina. Habang naiwan naman akong walang imik.
I couldn't restrain myself from smiling because of Klein's sudden acts. Hindi ko inaakala na may ganoong side din pala siya.
Bumaba ako sa cafeteria at bumili ng tinapay at juice. Sasabay ko sana SI mJ pero nahiya na ako sa tao. Binilhan ko din si Klein ng lunch since hindi na naman yun lalabas sa opisina niya.
Umupo ako sa bandang dulo ng cafeteria kung saan wala gaanong tao. Payapa kong kinakain ang cream bread na binili ko nang bigla na lang tumahimik ang buong cafeteria.
Ginaya ko ang ginawa nila. Hindi ko alam kung bakit sila nanahimik pero gumaya na rin ako at bahagyang yumuko.
Hindi ko mapigilan ngumiti habang kumakain nang maalala ko ang sinabi ni Klein sa akin kanina na layuan ko daw siya. It's the first time that he said things like that to me. He just let me do as I please and smack the hell out of me once I do something wrong. But he never told me to stay away from a certain person that he obviously doesn't like.
Pero ang lalaking yun talaga, si Superman. Hindi ko inaasahan na makikita ko pa siya ulit at sa trabaho pa talaga. What a very small world. Hindi ko in-expect na isa rin pala siyang big time na CEO ng sarili niyang kompanya. Sana lang talaga hindi kami magkagulo dahil sa kanya.
"Anong iniisip mo? "
Napaigtad ako sa gulat at halos mapatayo nang maramdaman ko ang mainit na hangin sa batok ko.
Agad na nangunot ang noo ko at hinarap ang lalaking bumulong sa akin na nasa gilid ko. Halos takasan ako ng dugo nang makita ko kung sino siya.
Anong masamang hangin ang nagdala sa lalaking 'to dito?
Pasimple kong tiningnan ang ibang tao sa cafeteria, karamihan sa kanila nakatingin sa amin. 'Tong lalaking 'to ba ang dahilan kung bakit sila nanahimik.
"Suprise, what a small world. " he smiled widely. "Nice to see you...again? "kumindat pa siya dahilan para mapangiwi ako.
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Klein told me to stay away from him, yet heto ako ngayon. Umupo siya sa harap ko, he even ordered his secretary to get him something.
I continued to eat my food trying my best to not look at him. Hindi naman ako pwedeng Umali na lang basta-basta. He's Justin Ford Villanueva, obviously maraming nakakakilala sa kanyang tao dito. Hindi naman ako pwedeng maging bastos.
"Chill, I'm not going to hurt you. " he chuckled. Napansin niya siguro na I feel uneasy.
Palihim akong umirap. How am I going to get out of here? Bala ano na namang isipin ng mga taong 'to.
"I didn't know that you work here. "he started and leaned his back.
"P-po?"
Nangunot ang noo niya dahil sa pagkautal ko.
"What the hell? Po? "umiba ang ekspresyon ng mukha niya. Mukha siyang napangiwi na ewan. "I'm not that old! It's lunch break anyway, we're not at work."
Tumango lang ako awkward na ngumiti. Mas lalo lang tatagal ang usapan kung magsasalita ako.
"Avaoiding me, huh? "his voice deepened softly. Kaya diretso akong napatingin sa kanya. "Don't worry, I'm not going to tell anyone. "bumakas sa boses niya ang assurance.
So he knows why I'm getting all worked up. Alam niyang tungkol don ang dahilan kung bakit ko siya iniiwasan.
Okay, calm down. I need to be professional.
"What do you mean, sir? "I said trying to sound like I don't know what he's talking about.
"That you and Klein is married to each other. "diretso niyang sabi.
My eyes widened. Perk agad kong inalis ang gulat sa mukha ko. Buti na lang at malayo kami sa mga tao.
Bumunting hininga ako, "That's not surprising at all, sir. "ngumiti ako sa kanya. "I remember meeting you."
He tilted his neck, observing every words that is coming out from my mouth.
"Look Sir," I called for his serious attention. "Yes we are married," I confidently said. "What we have here is out from what we have outside work. "
Nawala ang Light vibe na dala niya kanina dahil sa tono ng pagsasalita ko.
"I don't mean to be rude sir and I'm also not asking you to keep it as a secret. Because you should," I clenched my fist. "Because it's out of your business."
Kulang na lang ay ngumanga siya ng tuluyan dahil sa inakto ko. Dapat naman talaga na hindi niya na pakealaman ang kung ano man ang meron sa amin ni Klein. That's beyond professional.
"I don't have any intention of doing such, Miss Dela Fuente." sabi niya habang nakatingin sa ID.
Now is my cue to get out of here. Kinuha ko ang supot ng lunch ni Klein pati na ang juice at cream bread ko. Tumayo na ako, pero bago pa man ako tuluyang umalis ay tinignan ko siya ulit.
"I appreciate that Mr. Villanueva. And here's one thing that I will ask from you..."ngumiti sa kanya at buong tapang na sinalubong ang mga tingin niyang matalim. "Please, stay away from me."
I walked out of the cafeteria leaving him stunned on his own tongue. If that's what Klein wants, I'm doing it. Isa pa, I don't really think that staying close to him will cause me good.