HINDI ALAM ni Wevz kung paano niya haharapin si Syke, matapos ang nangyari kagabi. Nahirapan nga siyang maka-tulog dahil paulit ulit sa isipan niya ang halikan nila kagabi! At naiinis siya sa tuwing naaalala niya na kaya lang naman siya hinalikan nito dahil malamang nakita na naman nito ang asawa nito sa kanya! Bahagya siyang sumilip mula sa pintuan ng kanyang silid at nang makita niya si Syke mula sa malayo na tila abala sa kausap sa telepono ay dali dali niyang sinara ang pintuan. Nagpalipas siya ng dalawang minuto bago buksan ulit ang pintuan. Naka-hinga siya ng maluwang ng masigurong wala ng tao roon. Palinga linga siya sa paligid. Dinaig pa niya ang isang secret agent sa ikinikilos. "Anong ginagawa mo?" Naka-hinga siya ng maluwang ng mapag-sino ang may-ari ng tinig na iyon. "Wala

