“Goodmorning to me,” kinikilig pang bulong ni Cara at marahang idinampi ang hintuturo sa mga labi. Pataas-pababa, napapapikit pa siya habang inaalala ang pakiramdam ng dila ni Lawrence sa kaniyang bibig, tenga, at leeg. “AAHHHH!!” kinikilig na kalairit ni Cara habang kagat-kagat ang unan. Bumangon siya at hinampas-hampas ang unan sa kama dahil sa hindi maitago ang kilig. “Cara, tama na. Nauunawaan ko ang nararamdaman kita,” sabi bigla ni Manang Rose mula sa kaniyang likuran. “Po?” tanong ni Cara nang tumigil at pilit na kumalma. “Ako rin naman ay nalulungkot na aalis na kami,” sabi ni Manang Rose at mas humigpit ang yakap sakaniya. “Pero wag ka nang malungkot. Aayusin ni Lawrence to, babalik kami.” “Hindi ko ho nauunawaan,” Bumitaw ang matanda at tumingin sa kaniya, “Hindi mo ba a

