“MERRY CHRISTMAS!!!!” masayang bati Cara pagising na pagising kinabukasan. “Sana all, maganda ang gising,” bati ni Manang Rose kay Cara saka kindat sa kaniya. “Syempre ho, Manang. Matagal kong pinaghandaan ito,” ani Cara at sasayaw-sayaw papunta sa mesa. “Anong oras ho tayo mamalengke para mamaya?” “Aaga tayo ngayon anak, kasi...tapos na raw ang paglilinya. Mamayang hating-gabi, magkakailaw na tayo anak!” masayang sabi ng kaniyang ina. “T-Talaga ho?” “Oo anak. Sa wakas,” naiiyak na sabi ng kaniyang ina. Tumayo si Cara at nakipagyakap sa ina. “Nay, unti-unti nang natutupad ang mga pangarap natin.” “Kaya nga anak. Paunti-unti at kontento na ako dito. Kaya kahit hindi ka na mag-ojt sa ibang lugar, ayos na ako anak.” “Nay, andiyan na naman ho tayo. Sige na ho, kain na po tayo. Tapos ma

