Madaling bumaba ng kotse si Lawrence at ipinagbukas ng pinto si Cara. “Lawrence, ano bang nangyayari?” takang-taka na tanong ni Cara dahil halos mahila na siya ni Lawrence papunta sa kanilang bahay-kubo. “Bitawan mo nga ako saglit, hindi naman na tayo masusundan dito nong security guard ah.” Aligagang tumingin si Lawrence sa paligid, “S-Sorry, Cara. Hindi ko pa kasi mapapaliwanag. Natatakot lang ako.” Nangunot ang noo ni Cara, “Natatakot? Bakit?” “Baka mawala ka sa akin. Hindi ko kakayanin,” “Bakit naman ako mawawala sayo?” Lumunok ng laway si Lawrence at niluwagan ang suot na necktie dahil umaatake na naman ang panick attack. Napaupo ito sa lupa at pilit na kinalma ang sarili habang bumabalik sa isipan ang mga panahong tinotorture siya ng ama para gipitin sa balak na pag-ambush sa

