Natahimik si Cara at nawalan ng lakas para sumagot. Nang matapos ang sayaw ay hinila siya ni Zian papunta sa labas ng gym. Ramdam na naman niya ang tensiyon kay Zian. Pero nang makita kung saan sila papunta ay nagsalita na si Cara, “Zi, anong binabalak mo?” Hindi naman ito sumagot at pagkarating sa marriage booth ay agad itong nagbayad sa mga facilitator. “Sir, ito ho ang singsing—” “Hindi na kailangan,” putol ni Zian sa babaeng facilitator ng booth at naglabas ng isang maitim na box. “Zian,” sapo ni Cara sa kaniyang bibig. “Ako ang piliin mo, Cara. Hindi ko hinahangad na mahalin mo ako, basta ako ang piliin mo dahil hindi ako palagay kay Lawrence,” “Zian hindi ko matanggap na ginawa mo ito. Talagang dito pa, para ano? Hindi ako makaalis dahil hindi ko maatim na ipahiya ka?” “Ku

