MFLP : Stranded On You - Chapter 4

1671 Words
Apat na araw na mula nang maganap ang insidente sa Dumaguete City. Gayunpaman nararamdaman pa rin niya ang sakit sa bukung-bukong niya. Hindi niya nga halos magawa ang ilang mga gawain sa bahay. Hindi puwedeng magtagal ang sitwasyon na ito dahil kailangan niya pang i-makeover ng lumang lodging house na iniwan ng Lolo niya. Ito ang naiisip niya na pagkukuhanan ng pundo para makapagbayad sa bangko. Plano niya itong gawing bread and breakfast na may kasamang libreng isang araw na tour sa kalapit na mga baryo at local attractions. Ang mga lugar na iyon ay hindi pa natutuklasan ng karamihan kaya kailangan ng maayos na promotion. Kailangan niyang magsimula kaagad baka hindi niya maaabot ang dalawang buwan na palugit ng bangko. “Day, sakit pa gihapon ang piang nimo? tanong ni Anna. (“Ano, masakit pa ba ang pilay mo?” tanong ni Anna.) “Sakit pa intawon. Ingon man ang doctor nga pila pa ni ka-adlaw usa maayo. Ingon sad siya nga kinahanglan pa daw ko magpakonsulta ug physical theraphist kung wala na siya maghubag,” malungkot na tugon ni Angie. (“Oo, masakit pa rin. Sabi ng doctor aabutin pa daw ito ng ilang araw. Kailangan ko pa daw magpatingin sa physical therapist kapag wala ang maga,” malungkot na tugon ni Angie.) “Hala oy, grabe diay na?" (“Naku naman, maselan pala iyan?") “Aw di man. Para lang daw sure ang di matandog ang piang. Mao lagi ni karon kay di ko puwede magpuyo ug dugay. Two months lang biya ang extension nga hitag sa bangko.” (“Hindi naman, gusto lang niyang makasigurado that nothing will trigger the sprain again. Kaya lang ang problema ay dalawang buwan lang ang palugit na binigay ng bangko. Kaya hindi ako puwedeng maupo na lang.”) “Ka way puangod adtong taw-hana no! Gibiyaan ra giyod ka. Wa gani miingon ug sorry,” nanggagalaiting wika ni Anna habang iniisip nito kung gaano kawalang-hiya ang lokong iyon. (“Walang hiyang lalaki iyon! Hindi man lang nagawang mag-sorry,” nanggagalaiting wika ni Anna habang iniisip nito kung gaano kawalang-hiya ang lokong iyon.) “ Diyos ra’y mag-igo niya” (“Diyos na ang bahala sa kaniya.”) “Unya, unsa ma’y plano nimo aning lodging house?” (“Oo nga pala, anong plano mo lodging house na ito?”) “A total makeover. I want to remodel this into a bread and breakfast.” “Maayo! Unya, naa ka’y trabahador nga mo gama sa remodeling?” (“Ayos iyan! May nakuha ka bang gagawa?”) “Mangita pa.” (“Maghahanap pa.”) “ I know,” nakingiting wika Anna na tila ba may naiisip na kalokohan. “Kinsa?” (“Sino?”) “Nakanumdom ka ni Kevin? Elementary cush ba nimo. Contractor na biya siya karon. Makadiscount pa ka ka’y classmate biya to nato. Ug labaw sa tanan,” tumigil pa siya sa pagsasalita na siya namang dahilan para ma-curious si Angie. (“Naalala mo si Kevin, 'yong crush mo noong elementary? Contractor na siya ngayon. At sigurado akong makaka-discount ka dahil dati natin siyang classmate. And most of all,” tumigil pa siya sa pagsasalita na siya namang dahilan para ma-curious si Angie.) "He is still single,” patuloy niya. Idiniin pa nga nito ang salitang 'single’ na para bang nagpahaging kay Angie. Kaya lang walang epekto iyon kay Angie. “So what now? What it has to do with my bread and breakfast business?” “Naa oy! Hunahuna-a, kung magka-uyab mo wala na ka’y problema sa construction. Naa pa ka’y kauban,” tukso nito sa kaniyang best friend. (“Meron! Look, if you guys are together, wala ka nang magiging problema sa construction. At saka, hindi ka na mag-iisa pa,” tukso nito sa kaniyang best friend.) Napailing na lang si Angie sa naiisip ni Anna na kalukuhan. Namangha siya kung paanong ganoon na lang ito mag-isip. “You know what, why don’t you just help me with my planning instead of thinking silly things?” “Okay. Gusto ko lang namang maging matchmaker. Masama ba iyon?” nakangiting tanong ni Anna. “Then you tried matching the wrong persons. O siya, tama na nga iyan. Mag-focus na lang tayo sa plano. Kung gusto mo lang namang makatulong.” Pagkatapos, ang dalawa ay nagsimulang mag-brainstorming kung ano ang magiging disenyo ng looban ng bahay-panuluyan. Ang sala, kusina, mini bar, hardin sa labas, ang lounge kung saan ang mga bisita ay maaaring tumambay, magkape at pagpapahinga ay naiguhit na. Kahit hindi sila graduate ng interior designing pero si Angie ay gifted sa pagguhit. Ang bagong bread and breakfast ay hindi naman ganoon kalaki. Mayroon lamang itong limang maliit na silid na may 7'x7 ' na sukat, sapat para sa mga backpackers at sa mga nagtitipid na maging komportable. Gusto niya na gawing library ang tema ng interior design. Plano niyang maglagay ng ilang mga istante at lumang libro sa bawat sulok ng sala na may free internet. Ang lumang piano ay mananatili pa rin puwesto nito sa sala. Tiyak na ito ay magiging isang napaka-cozy na munting bread and breakfast. Samantala, Si Liam ay nagpakasasa sa kaniyang bakasyon sa isang eksklusibong resort, sa may kabilang panig ng isla. Tuwang-tuwa siya sa puting pinong buhangin at nasisiyahan sa tropical foods. Siyempre hindi ito magiging kumpleto kung walang night life. Kaya't tuwing gabi ay nagpakasasa siya party at alcohol. Sa kaniyang apat na araw na pamamalagi, nakapag-isip siya ng magandang ideya para sa kaniyang comeback article. Ito ay tungkol sa buhay ng mga naninirahan sa mala-paraisong islang ito at ang kinilang pamahiin at paniniwala. Ikalimang araw niya ngayon, at nais niyang galugarin ang buong isla dahil may nagsabi sa kaniya na ang isla ay maliit at maaaring libutin sa loob lamang ng ilang oras. Matapos ang huling pahina ng kaniyang artikulo, nagpasya siyang magrenta ng motorsiklo upang tuklasin ang buong isla. Paminsan-minsan ay humihinto para makuhanan ang mga magagandang tanawin at gawan ng pelikula. Gayunpaman, hindi pa rin siya nasiyahan at nagsimulang magtungo nang mas malayo at tinahak ang malubak na kalsada ng baryo. Dahil may waze application siya, kampante siyang mag-ikot. Nagpakalayo pa siya nang husto at talagang sinulit ang mga tanawin. Paminsan-minsan siyang humihinto at nakikipag-usap sa mga mabait residente. Namangha siya kung paano nasasabik ang mga ito na makakita ang mga dayuhan sa kanilang baryo. Inaanyayahan pa nga nila siya tumuloy at makisalo sa pagkain. Ito na maaari ang pinakamagandang bakasyon kailanman. Mas mabuti pa kaysa manatili sa resort. Gayunpaman, kailangan itong magtapos. “Thank you so much for today,” masayang wika ni Liam sa mag-anak. “You’re welcome, Joe,” tugon naman ng isang lalaki na may matigas punto. Ang nakakaaliw ay, tinatawag nilang 'Joe' ang mga puting dayuhan. “I wont forget this place. People here are so kind and welcoming. It’s a great pleasure to meet you guys.” Niyakap niya pa isa-isa ang buong miyembro ng pamilya. Pagkatapos mag-selfie kasama ng mga ito, nagpa-alam na siya. “I still want to stay but I can’t. I have to go back. I’ll be off to Dumaguete at dawn.” “Have a safe flight then,” sabi ng ginang na siyang ilaw ng tahanan sa pamilyang iyon. Marunong ng wikang Ingles ang mga nakatira sa bansang ito kaya hindi siya nahirapan makipag-usap. Kahit pa matigas ang punto nila, malinaw pa rin ito. At pina-andar niya ang makina at nagmaneho pabalik. Ngunit lingid sa kaniyang kaalaman na dumidilim ang kalangitan, palibhasa'y abala ang utak niya sa pag-iisip ng mga magagandang karanasan niya sa buong maghapon. Maya-maya pa nagsimulang bumagsak ang ulan. Wala siyang kapote kaya nabasa siya. Ilang minuto ang lumipas, ang malakas na hangin ay nagsisimulang umihip hangang sa puntong halos hindi na niya nakikita nang malinaw ang kalsada. Hindi niya rin napansing mali pala ang kaniyang dinadaanan. Hindi ito ang tamang daan pabalik ng hotel. Humihinto siya upang titingnan muli ang waze pero ang bagal ng internet, kaya't siya ay patuloy na nagmamaneho nang mas malayo sa pag-asang may makikitang masisilungan. Habang patuloy siyang nagmaneho, palayo din siya nang palayo sa kaniyang tinutuluyang hotel. Tiningnan niya ulit ang waze at sa pagkakataong iyon, hindi na talaga gumagana ang internet. Kinakabahan na siya dahil wala man lang siyang nakikitang kahit isang bahay. Isang oras na siyang nagmamaneho ngayon at palakas nang palakas ang pagbuhos ng ulan. Kailangan niya ng matutuluyan ngunit sa kasamaang palad ay wala. Narating niya ang napakadulas na parte ng dalisdis at nawalan ng kontrol ang kaniyang manebela. Nang makita niya sa unahan ang napakaliwanag na kidlat tumama sa puno, nagpagewang-gewang siya. At sa pagnanais na makaiwas sa kidkat, nawalan siya ng balanse at masubsob. “Help!” sigaw niya. At iyon ang huling salita na binigkas niya. Makalipas ang dalawang oras, nagpasiya si Anna na lumabas upang suriin ang kanilang mga baka sa bukid. Nag-aalala siya sapagkat hindi niya naisilong ang mga ito bago bumagsak ang malakas na ulan. Nagdala siya ng flashlight dahil alas siyete na nang gabi at madilim na. Bago siya umabot sa mga baka, nakita niya na may motorsiklo na natumba sa lupa. Dahan-dahan siyang lumakad papunta dito at biglang may naririnig siyang umuungol. Hinahanap niya kung saan nanggagaling ang daing. Nang marinig niya ang isang ingay ilang distansiya mula sa likuran ng motorsiklo, lumapit siya dito. Laking gulat niya nang makita ang isang taong nakahandusay sa lupa at duguan ang mukha. Hindi si Anna nakapagsalita sa sobrang pagkabigla, bagkus ay tumakbo siya pabalik sa kanilang bahay. "Johnny! Johnny!"tili niya habang tumatakbong papasok ng bahay. Nagulat ang asawa niya nang marinig ang boses niya at dali-daling sinalubong siya nito. "Naunsa man ka?" tanong nito. ("Napaano ka?" tanong nito.) "May tawo! May tawo!" hingal na hingal si Anna. ("May tao! May tao!"hingal na hingal si Anna.) "Asa man?" ("Saan?") "Didto sa daro. Mura'g nadisgrasiya. Mamatay biya siguro 'to. Tala, adtuon nato!" nanginginig si Anna sa takot habang sinalaysay sa asawa ang nakita. ("Nasa bukid. Naaksidente ata. Tara, puntahan natin baka mamamatay na 'iyon!" nanginginig si Anna sa takot habang sinalaysay sa asawa ang nakita.) At tumakbo sila upang tingnan ang nangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD