MFLP : Stranded On You - Chapter 5

1815 Words
Si Angie ay kasalukuyang naghuhugas ng pinggan nang tumunog ang kaniyang cellphone. Hindi niya ito pinapansin noong una dahil wala naman siyang inaasahan na tawag. Ngunit patuloy pa rin itong tumutunog, kaya't pinunasan niya ang kaniyang mga kamay upang sagutin ang tumatawag. Si Anna pala ang tumatawag. "Oo, unsa man?" bungad niya sa kausap. ("O bakit?" bungad niya sa kausap.) "Day, tabangi mi diri ba. May nadisgrasiya ug motor diri sa daro namo. Basin mamatay ni," nanginginig ang boses ni Anna sa takot ("Tulungan mo kami. May lalaking naaksidente dito sa bukid namin. Baka mamatay 'to," nanginginig ang boses ni Anna sa takot. ) "Ha! Unsa may buhaton nako?" maging si Angie ay natataranta na rin sa narinig. ("Ha! Eh ano naman ang gagawin ko?" maging si Angie ay natataranta na rin sa narinig.) "Dalha ang truck nimo diri, dali!" utos Anna sa kaniya. ("Dalhin mo ang truck dito, bilisan mo!" utos ni Anna sa kaniya.) Wala siyang sinasayang na sandali. Tumakbo siya sa parking lot, pinaandar ang makina at mabilis na nagmaneho. Dahil sa adrenaline rush, nakalimutan niya na may bali siya sa bukung-bukong at tinakbo niya ang parking lot nang hindi naramdaman ang sakit. Limang minuto lamang ang layo ng bukid kung saan nangyari ang aksidente mula sa bahay niya. Habang pumaparada siya, hindi niya maiwasang makaramdam ng kaba. Dumiretso siya sa mag-asawa na pinapanood ang kawawang biktima sa lupa. "Angie, dalhon nato siya sa hospital," wika ni Johnny. ("Angie, dalhin natin siya sa ospital," wika ni Johnny.) "Okay." "Naa ba ka'y puwede ikasapnay niya nga flat surface, bisan unsa?" tanong ni Johnny. ("Mayroon ka bang puwedeng mahihigaan niya na flat surface? Kahit ano basta mailagay lang natin ang katawan niya?" tanong niya.) "Mora'g naa'y gamay nga plywood didto sa truck," nagmamadali siyang bumalik sa truck para kunin iyon. ("Parang may maliit na plywood doon likuran ng truck," nagmamadali siyang bumalik sa truck para kunin iyon.) Bumalik agad siya nang makuha nang plywood. "Here," inabot ni Angie ang plywood kay Johnny. "Hon, kamong duha ni Angie sa tiilan," utos ni Johnny sa dalawa. ("Hon, kayong dalawa ni Angie sa may paanan," utos ni Johnny sa dalawa.) "Okay," tugon ni Anna. "Wait. Hinay-hinay, ayaw kalita kay basin nag-internal bleeding siya. Hon, ako magtaas iyang ulunan. Ikaw ang iyang tiil ug tuhod, unya ikaw magbutang sa plywood Angie para maplastar lawas niya. Hinay-hinay kay basin fractured ang pelvis niya." ("Sandali. Dahan-dahan lang, huwag mong biglain baka may internal bleeding siya. Hon, ikaw sa may binti at tuhod. Alalayan mo lang Angie, saka mo ilagay ang plywood kung kasya na isiksik. Dahan-dahan sa pagbuhat baka may bali ang pelvis niya.") "Okay," sabay pa na sumagot ang dalawang babae. "Alright. One, two, three," at iniangat nila ang katawan nang dahan-dahan at inilagay ni Angie ang plywood pagkatapos niyang makita ang puwang sa pagitan ng katawan mula sa lupa. Pagkatapos ay inilagay nila ang katawan nang maingat. "Alsahon nato siya paingon sa truck. Kamong duha diha sa tiilan, ako diri sa uluhan. Ayaw kalimot, kinahanglan tupong ang level sa atong pag-alsa sa iyang lawas." ("Isakay natin siya sa truck. Aangat ko ang ulunan at iangat niyo ang kaniyang paanan. Tandaan, kailangan nating panatilihin ang pantay habang binubuhat natin ang kaniyang katawan.") Bagaman si Johnny ay hindi isang rescuer pero dahil mahilig siyang manuod ng mga palabas na nauugnay sa medikal at pagresponde sa mga emergency na sitwasyon, kahit papaano ay nagagamit niya ang kaalamang napanood. Inaangat nila siya nang maingat, dahan-dahan at isinakay sa truck. Hindi nag-abala pa si Angie na alamin kung sino ang pasiyente na iyon dahil mas nag-aalala niya kung makakaligtas pa ba nang buhay ang lalaking ito sa aksidente. "Hon, pabilin na lang ko para bantayan ang bata. Ikaw na lang uban ni Angie sa hospital. Looy-a 'ning tawhana, unta mabuhi pa siya," wika ni Anna sa asawa. ("Hon, hindi na lang ako sasama para may magbantay sa bata. Samahan mo na lang si Angie sa hospital. Kawawa naman 'tong lalaking 'to, sana mabubuhay siya," wika ni Anna sa asawa.) "Okay. " Si Johnny ay nanatili sa likuran kung saan nakahiga ang pasiyente upang bantayan ito. At si Angie ay mabilis na sumakay sa truck para maihatid ang pasiyente sa ospital. Kaya lang, gugulol pa sila 45 minuto papunta ng ospital. Maingat ngunit mabilis ang kaniyang pagmamaneho sa pag-asang mailigtas nila ang lalaki. Habang nasa daanan ay hindi niya maiwasang magalala para sa pasiyente. Bagaman wala siyang kaugnayan sa pasiyente, ngunit ang takot na maranasang mamamatayan muli ay nagpangyaring mabalisa siya at makaramdam ng lungkot. Nawalan na siya ng ina at lolo't lola kaya ganoon na lang ang kaniyang dalangin na huwag namang mamatay ang lalaking ito sa truck niya. Isang linggo pa lamang ang nakalipas mula nang ilibing ng kaniyang lolo, at ngayon, ang estranghero ito sa kaniyang truck ay mamamatay kung hindi sila makarating agad sa ospital. "Di siya puwedeng mamatay sa akong truck!" piping wika siya sa sarili. Saka lalong diniinan ang pag-apak sa gasolinador. ("Hindi siya puwedeng mamatay sa truck ko!" piping wika siya sa sarili. Saka lalong diniinan ang pag-apak sa gasolinador.) Pagdating nila sa ospital, mabilis siyang tumawag ng mga emergency responders. Mabilis nilang dinala ang pasiyente sa seksiyon ng trauma. Ang bawat isa ay nagkukumahog, nagtutulungan upang mai-salba ang kawawang pasiyente. Ilang minuto ang lumipas, isang doktor ang lumapit sa kaniya. "Mrs., kinahanglang i-CT scan namo siya para mabal-an kung naa ba siya'y fracture o internal bleeding," wika ng lalaking doctor kay Angie. ("Mrs., kailangan namin siyang mai-CT scan, to know if ever he has fracture or internal bleeding," wika ng lalaking doctor kay Angie.) "Dili ko siya bana. Nadisgrasiya ra siya duol sa amoa. Wa ko kaila niya, wala pa gani nako makit-i ug klaro ang nawong niya. Ngitngit kaayo unya natarantar sad mi," kuwento niya. ("Hindi ko po siya asawa, doc. Naaksidente lang siya malapit sa bukid namin. Hindi ko nga siya kilala eh. Ni mukha niya hindi ko pa nakita. Madilim kasi at nataranta din kami," kuwento niya.) "Mao ba? O sige, gusto mong makita siya sa di namo dalhon sa CT Scanner?" ("Ganoon ba? So you wanna see him before we take him to the CT scanner"?) "Ayaw na lang, doc. Kay ug basin unsa'y mahitabo niya, dili ko unya katulog sa pagkaguilty," tanggi niya. ("Hindi na, doc. Baka kasi hindi ako makakatulog kung may mangyari sa kaniya. I don't want to feel guilty na wala kaming nagawa," tanggi niya.) "Okay. We're taking him now." Pagkatapos ay tumuloy ang doktor at dinala ang pasiyente sa scanner. Pagka-alis ng mga ito, saka niya pa lang naramdaman na sumasakit pala bukung-bukong niya. Napagtanto niya na pinuwersa niya ang kaniyang bali na bukung-bukong at tiyak na magtatagalan pa ito bago gumaling. Iika-ika siyang bumalik siya sa waiting area kung saan niya iniwan si Johnny. Isang tao lang kasi ang pinapayagan na makapunta sa trauma section kasama ang biktima. "Johnny, pauli na lang. Naghulat ang pamilya nimo. Dad-a na lang ng truck, maghabal-habal nalang ko unya," umupo siya sa tabi ni Johnny. ("Johnny, mauna ka nang umuwi, naghihintay sa'yo ang mag-ina mo. Dalhin mo ang truck, maghabal-habal na lang ako mamaya," umupo siya sa tabi ni Johnny.) "Unya, ikaw diay?" ("Ikaw, paano ka?") "Ipa-check sa nako ni akong bungkol. Basin naay available na orthopedic. Sakit kaayo akong piang, natandog ni siguro ganiha." ("Ipapa-check ko muna ang bali ko. Sana may available na orthopedic ngayon. Napuwersa ko ata kanina ang ankle ko.") "May kuwarta ka ba?" ("May pera ka ba?") "I forgot my wallet." "Ako na lang ihatod ang kuwarta unya, sayo pa man. Pahulamon na lang sa teka." ("Babalik na lang ako para may pambayad ka, maaga pa naman. Pera namin muna ang gamitin mo.") "Salamat. Bayaran teka pag-uli nako." ("Salamat. Babayaran na lang kita pag-uwi ko.") "Sige. Una na ko," at kinuha nito ang susi ng truck saka umalis. ("Sige. Mauna na ako," at kinuha nito ang susi ng truck saka umalis.) Agad siyang pumunta sa concierge para humihingi ng tulong. Sinabi niya na dinala niya ang isang pasiyente ng isang aksidente at pilit niyang ginamit ang kaniyang sprained ankle. Gayunpaman, sinabihan siyang bumalik kinabukasan dahil ang OPD ay bukas hanggang 4 ng hapon at wala ring available na orthopedic. Habang naglalakad siya sa pasilyo, tinawag siya ng doktor na kumuha ng CT scan sa biktima. "Miss, gibalhin na namo siya sa ward. Ang result sa scan 12 hours pa mahuman, siguro mga 8 o 9 am. Apan, di puwede nga wala siya'y kauban kay basin naa'y mga kinahanglang paliton o isugo. Fill out pud og form kay di naman puwede wa siya records diri." ("Miss, we already move him to the ward. The result of the CT Scan will be available 12 later and that's 8 or 9 am. However, we can't just let him stay here alone. In case we need someone to run for an errand. Also please fill out the form, we can't let him stay without records.") "Doc, niingon na ko nimo, wa lagi ko kaila niya. Alangan man ako motubag sa iyang bill. Ako man gani, naa koy piang sa bungkol, giantos lang nako na matandog basta madala lang siya diri. Humana akong responsibility sa iya," makipagtalo siya sa doktor. ("Doc, Gaya ng sinabi ko na sa inyo, hindi ko po siya kilala. Hindi ko siya kaanu-ano. At hindi ko responsibilidad ang bayarin niya. Even I myself suffering sprained ankle pero hindi ko po iyon ininda, madala ko lang siya dito. My responsibility ends there," makipagtalo siya sa doktor.) "Okay. Fill out ra ang form para records niya ug ang detalye sa aksidente. Mohangyo na lang ko nimo nga ubani siya basin hangtod lang ugma pagkakuha sa result, basin makamata na siya." ("Okay. Just fill out the for his records and do include incident details. And please stay until the result comes. Sana magising na siya bukas.") "Okay. But I will not shoulder his expenses. Let's be clear." "Okay. I'll take you to his ward." Pagkatapos ay nagtungo sila sa ward na kinaroroonan ng pasiyente. Habang papalapit na sila, sa hindi malamang kadahilanan, nakaramdam siya nang matinding kaba. At dahan-dahan niyang itinuon ang paningin sa mukha ng lalaki, iniisip niya na parang pamilyar ito sa kaniya. Para makumpirma kung sino, tiningnan niya ito nang malapitan, at doon niya napagtanto na nakilala na nga niya ito! Paano ba naman niya makakalimutan ang lalaking naging sanhi ng pagkapilay niya! Paano niya makakalimutan ang mayabang na turista na sumira ng kaniyang araw! Pakiramdam niya nanghihina ang kaniyang mga tuhod at kinailangan niyang pang humawak sa kama upang masuportahan ang kaniyang mga binti upang hindi bumagsak sa sahig. "Puting patatas!" all that she says. ("White potato!" all that she says.)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD