MFLP : Stranded On You - Chapter 3

1760 Words
[Dumaguete City] Ang pila sa loob ng bangko ay mas mahaba kaysa sa inaasahan. Si Angie ay naiinip sa kanilang paraan ng pag-aasikaso ng mga kliyente. Dalawang oras na siyang naghihintay at halos magtatanghali na. Iniisip niya na baka maabutan siya ng cut-off at hindi pa rin maasikaso. Ang masama pa ay hindi siya nakapag-agahan bago umalis ng isla. Hindi na niya kaya pang maghintay dahil nag-aalala siya na baka magkakaroon muli siya ng acid reflux. Bukod pa diyan, wala siyang kilala sa lungsod na ito kaya't hindi niya puwedeng palampasin ang huling biyahe na babalik ng isla. "Hi, excuse me. Ikapila ka queue?" tanong ni Angie sa katabi niyang babae na naghihintay ding matawag. (“Hi, excuse me. Pang-ilan po Kayo sa pila?” tanong ni Angie sa katabi niyang babae na naghihintay ding matawag.) "Ika 39, ikaw diay?" (“Pang-39 ako. Kayo po?”) "Ika 42. Oy wa pa biya ko'y pamahaw nga tarong unya hapit na ang cutoff. Ang makalagot kay 25 pa biya ang gitawag nila. Kung 1pm sila magresume, di na ni nako mahuwat kay di na ko kaabot unya sa last trip pauli sa isla." (“Pang-42 ako. Hindi pa nga ako nag-agahan eh, malapit pa namang mag-cutoff. Ang malala pa diyan, pang-25 pa ang inaasikaso nila. Kung 1 pm pa sila mag-resume, hindi na makakapahintay, baka hindi na ako aabot sa last trip pabalik ng isla.”) "Ah taga isla ka? Wa ba'y branch did to?" ("Ah taga isla ka? Wala bang branch doon?”) "Wa intawon. Wa ra ba giyod ko'y kaila diri kung di ko makauli unya. Puwede mamalihog?" wika ni Angie. (“Wala nga eh. Wala rin akong kakilala dito kaya kailangang makabalik ako mamaya. Puwede po bang makisuyo?” wika Angie.) "Unsa man?" tugon ng babae. (“Ano iyon?” tugon ng babae.) "Puwede tag-ilisay na lang ta'g number?" wala na siyang no choice kaya kinapalan na niya ang mukha. (“Puwede bang palit na lang po tayo ng number?” wala na siyang no choice kaya kinapalan na niya ang mukha.) “Sure.” Mabuti naman at mabait ang babae at pumayag ito. “Thank you so much,” she’s delightfully thanks the stranger. "Wa'y sapayan. Bitaw, puwede man ka'ng mokaon usa. Bantayan nako ang queue. (“Walang anuman. Anyway, puwede ka namang kumain muna. Bantayan ko ang pila,” ) "Thank you. Diay tuod, Angie," inabot niya ang kaniyang kamay para makipagdaupang-palad dito. (“Thank you. Oh, I’m Angie,” inabot niya ang kaniyang kamay para makipagkamay dito.) “Lena,” masayang namang tinanggap ito ng babae. "Nice to meet you, Lena. Moadto na ko. Ay tuod, naa ka'y gustong paliton?" (“Nice to meet you, Lena. Aalis na ako, may ipapabili ka ba?”) "Ah wala, okay ra ko. Lakaw na." (“Ah wala. Sige na, umalis ka na.”) "Sige." Mabilis na lumabas si Angie sa bangko at maghanap ng malapit na karinderya o fast food chain. Mabuti naman at mayroong isang malapit na karinderya sa kabilang kanto, kaya nagmamadali siyang tumawid at hindi na tumingin pa sa magkabilang panig dahil talagang gutom siya. Wala siyang ideya na may isang dumadaan din sa harap niya at nagkabanggaan sila. Nadapa si Angie. "Agay! Buta ba ka?!" sumigaw si Angie habang sinisikap na tumayo mula sa pagkakadapa. ("Aray! Bulag ka ba?!" sumigaw si Angie habang sinisikap na tumayo mula sa pagkakadapa.) “Hey, watch you’re going!” sabi ng lalaki habang inaayos ang kaniyang action camera. Hindi man lang ito nakuhang tumingin sa nabangga. Nang marinig ni Angie ang lalaki na nakikipag-usap sa puntong Amerikano, mabilis niyang ibinaling ang tingin dito. At nakita niya ang isang lalaking mahigit-kumulang 5'9 ang taas na naka-shades at may backpack sa likuran. Nakasuot ito ng itim na T-shirt. "Hey! Is that all what you have to say?" galit na wika ni Angie. "It's not my fault. You're not paying attention," tugon ng lalaki. May pagka-arogante ito Kaya lalong nagalit si Angie. "Lami-a kaayo hampakon 'ning kagwanga ni!" piping wika ni Angie habang nakakuyom ang mga palad. ("Ang sarap hambalusin ng mokong na 'to!" piping wika ni Angie habang nakakuyom ang mga palad.) “No, you're the one who's not paying attention. You're busy filming yourself," katuwiran niya. "You know, I don't have time for this. Have a nice day, Miss," at iniwan siya nito. Hindi maipinta ang mukha ni Angie sa sama ng loob habang nakatingin sa mayabang na lalaking naglalakad papalayo sa kaniya. Gustong-gusto niyang batuhin ito kaya lang wala siyang makitang puwedeng maibato. "Argh! Hoy puting patatas, balik diri!" napasigaw siya sa sobrang galit. ("Argh! Hoy puting patatas, bumalik ka dito!" napasigaw siya sa sobrang galit.) She feels her ankle is aching, maybe she sprains herself that time she's stumbled. She has no choice but to fix herself and continue to the burger house instead of the diner. She loses her appetite at the moment because of what had happened. So decides to order a burger and soda go back quickly to queue. As she get back inside, she relates what happened to her new friend, Lena. And this new friend is somehow feeling the thrill as she relates her story. It is as if Lena is listening to her relating a KDrama scene. Nararamdam niyang masakit ang bukung-bukong niya, marahil ay nagkapilay sa noong nadapa siya. Wala siyang pagpipilian kundi ang ayusin ang sarili at iika-ikang pumasok sa burger house imbes na sa karinderya. Nawalan siya ng ganang kumain dahil sa nangyari. Kaya't nagpasiya na lang siyang bumili ng burger at soda at nang sa ganoon ay mabilis siyang makabalik sa pila. Pagbalik niya sa loob ng bangko, isinalaysay niya ang nangyari sa bago niyang kaibigan na si Lena. At ang bagong kaibigan na ito ay nakakaramdam ng kilig habang isinasalaysay ang nangyari. Waring nakikinig si Lena ng eksena sa isang eksena ng KDrama. "Halo oy! Unsay hitsura niya? Guwapo ba"? naiintrigang tanong nito. ("Naku, anong hitsura niya? Guwapo ba?" naiintrigang tanong nito.) "Wa nako siya tutuki kay naglagot kaayo ko. Basta tawo siya. Naa'y kamot, ilong baba kay niistorya man, and worst of all he's arrogant," ("Hindi ko siya tinitigan dahil inis na inis ako. Basta sigurado akong tao siya; may kamay, ilong at bibig dahil nagsalita siya. At ang malala ay arogante siya.") "Unta magkita mo ug usab, no? Pareha ba sa mga KDrama." ("Sana magkita uli kayo. Parang sa mga KDrama lang.") "Ay ambot. Ako pa nimo, undangi na ng KDrama, unrealistic na," tugon niya. ("Ay ewan. Kung ako sa'yo, tigil-tigilan mo na 'yang kakapanood ng KDrama. Hindi 'yan makatutuhan," tugon niya.) "And if I were you, I'll start binging KDramas and start adding colors to your world. You're bitter." ("At kung ako sa'yo, simulan mo na ring magbabad sa KDramas nang magkakulay naman iyang mundo mo. Ang bitter mo eh.") At patuloy silang nag-uusap hanggang sa wakas ay tinawag na siya ng customer service. Kuy tungkol naman sa utang ng kaniyang lolo, humiling siya ng isa pang dalawang buwan na pagpapalawig at nangangako na babayaran ang kalahati nito. Sa kabutihang palad, sumang-ayon ang manager ng bangko matapos marinig ang tungkol sa sakit ng kaniyang lolo at ang tungkol libing nito. Naniniwala siyan makatuwiran na ang dalawang buwang palugit. At nangangako siyang maghahanap ng paraan para makukuha ng ganoon ka lang kantidad at mabayaran ang utang. Papunta na siya ngayon sa pantalan, napapikit siya nang naramdaman ang sakit sa kaniyang bukung-bukong. Siguro dahil adrenaline rush ay hindi niya naramdaman ang sakit nito kanina. Halos hindi pa siya makakasampa sa fast craft sa sobrang sakit. Mabuti na lang at nakakita siya ng first aid seksiyon sa loob kaya humihingi siya ng tulong. Naginhawaan siya pagkatapos ng tulong na natanggap mula sa kanila. Hiniling pa nga niya sa crew na kung maaari ay sa gilid ng bintana na lang siya uupo malapit sa exit. Mabuti na lang at naabutan niya ang huling biyahe. Habang nakasandal ang kaniyang ulo sa bintana, may nagsasalita. "Excuse me, that's my seat," sabi ng lalaki. Matapos marinig muli ang banyagang punto, hindi niya mapigilan mainis. Hindi pa nga niya makalimutan ang masamang nangyari kanina, heto na naman! Dayuhan na naman! "Paita ning kinabuhia oy!" piping wika niya. ("Ano ba namang buhay 'to!" piping wika niya.) Nagkunwari siyang hindi naintindihan ang sinabi at hindi niya ito pinapansin, ngunit ang lalaki ay makulit. "Hey, that's my...Oh you're that clumsy girl," wika ng lalaki nang mapagtanto kung sino. Matapos marinig ang sinabi nito, may kung anong mainit na likido na nananalaytay sa kaniyang mga ugat na umakyat sa kaniyang mukha. Nararamdaman niya ito! Gayunpaman, napagtanto niya na kailangan niyang panatilihin ang kanyang pagpipigil. Professional siya at maraming tao ang nakasakay. Ayaw niyang magdulot ng iskandalo na maaaring makakasira sa kaniyang reputasyon. Huminga siya nang malalim at nagsalita. "Oh, you're that white potato who ran away after harming an individual," pilosopong wika niya sabay tingin sa gawi ng lalaki. "A what?" nagulat ang lalaki sa narinig. "White potato," pagdiriin ni Angie at kitang-kita kung paano nag-iba ang kulay ng mukha ng lalaki. "Look here, I need my seat. I paid for it and I'll be sitting it, okay? Now move," utos ng lalaki. Pero naninindigan si Angie. "Is it really that hard to say sorry? Thanks to you I have now sprained ankle. I was even having a hard time entering this boat." Sasagot na Sana ang lalaki sa kaniya pero pinigilan niya ito sabay kaway sa marshal para lumapit sa kanila. "Yes, ma'am?" wika ng marshal. "Sir, I already had permission from the First Aid Section that I'll be sitting here. I have a sprained ankle on my right and it's dangerous if I sit near the passage way. May you please find another seat near the window for our tourist here?" pakiusap niya sa marshal. Mukhang nagulat ang lalaki sa sinabi niya. "I can..." sinubukan uli nitong magsalita pero agad itong pinigilan ni Angie. Sinenyasan niyang tumugil na ito sa pagsasalita dahil ayaw na niyang makipagtalo pa. Considering he's enduring the pain on her ankle. She has no strength left to argue at all. All she want is to have at least a relax trip back home. "Sir, please follow me," wika ng marshal sa banyaga. Ihahatid ito ng marshal sa kaniyang magiging upuan at sumunod naman ang lalaki. Hinding-hindi makakalimutan ni Angie ang araw na ito. Ang dami niyang pinagdaanan sa loob lamang ng isang araw. Nakalimutan niyang kumain, pumila ng mahaba, nabunggo ng aroganteng turista at napilayan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD