Chapter 6 Worried

3747 Words
Chapter 6 Worried Madami pang ginawa 'pag katapos noong lunch kaya naging abala ang lahat. Naging okupado ang isip ko sa pag p'paint kaya hindi ko na namalayan ang oras. Natapos ko naman iyon at wala naming nagsabi na hindi maganda. That's a relief. Kahit may napangitan ay hindi nalang siguro nagsabi. Umalis si Damian kahit hindi pa kami tapos kaya hindi na kami nagkausap ulit. Nang makauwi noong hapon ay agad akong naligo at nahiga na sa kama. I woke up very early the next day. Hindi ko namalayan na nag dirediretso ang tulog ko. I cooked something for breakfast and ate silently. Iniisip kung ano gagawin ko ngayong araw. I took a warm bath when I decided to go out. I wear a white ditsy floral square neck sundress. Umabot iyon sa itaas ng aking tuhod. It's a high waist dress with a short butterfly sleeve. Hinayaan kong nakaladlad lang iyong buhok ko dahil maaga pa naman. I brought my ponytail too. Madilim pa nga nang makalabas ako. As usual, madami akong natatanaw na tao sa may palengke at halos doon lang ang maliwanag. Naglakad ako papunta at hindi maiwasang malingunan ang bahay ni Damian. Napanguso nalang ako at naglakad na ulit. Nagbababa ng mga isda iyong mga matatandang lalaki na nakita ko mula sa bangka. Ang dami. Nang may makita akong pamilyar ay lumapit ako doon. Nakita ko si Lucas na pababa ng bangka kaya lumapit ako. Nang mamataan ako ay kaagad siyang ngumiti. He jumped from the boat and walked towards me. "Ang aga mo ata?" takang tanong niya. I shrugged, "Nakatulog kaagad ako paguwi kahapon." I saw him laughed a little. "Napagod ka?" I nodded, "Medyo." I bit my lip as I looked around. "Sa inyo iyan?" I asked pertaining to the boat and the fishes. Humarap naman siya doon sa tinuro ko at tumango. "Kay Tatay. Tumutulong ako sa pangingisda kapag wala akong trabaho." I looked at him curiously. Akala ko ay ito din ang trabaho niya? "Saan ka nagt'trabaho?" maingat kong tanong. He tilted his head, "Sa Union Galvasteel. Iyong branch nila dito..." Tumango tango ako. That's a big company. Pamilyar sa akin dahil malaking kompanya iyon. "Day off mo?" tanong ko nalang. He nodded and walk a bit. Sumunod naman ako. "Baka may gagawin ka pa? Ayos lang ako dito," dagdag ko ulit. Ngumiti naman siya sa akin, "Baka ma bore ka. Sabi mo aalis ka na kapag gano'n?" Natawa naman ako. Syempre hindi iyon seryoso pero tumango nalang ako. "Hindi nga? Mukhang busy kayo..." "Hindi na. May mga magaayos na noong mga isda para itinda. Ayos na 'yon..." Dahil madilim pa ay hindi masyadong tanaw ang dagat. Kung hindi lang dahil sa buwan ay hindi mo makikita iyon. It's sound is still relaxing. "Umalis nga pala iyong si Damian kanina. May trabaho siguro?" bigla sabi niya na ikinalingon ko. Hindi naman siya nakatingin sa akin kaya hindi ko mabasa ang ekspresyon niya. "Umalis?" I asked. Now he looked at me. Hindi sigurado siyang tumango. "Hindi mo alam?" tanong niya na parang dapat ay alam ko iyon. I laughed awkwardly. I shook my head and looked away, "Hindi naman kami masyadong close noon para sabihin sa akin." Sabi ko nalang kahit napapakunot ang noo ko. Gusto ko rin magtanong kung bakit nga hindi niya sinabi sa akin pero, hindi naman kasi kami friends. I sighed silently. "Pero mukha kayong komportable sa isa't isa." Dugtong ni Lucas. I blinked. Napanguso ako dahil hindi ko naman alam idudugtong ko doon. Syempre nakita nila kami kahapon na sabay kumakain kaya mukha talaga kaming close. "I mean..." panimula ko, "Okay naman kami pero hindi naman niya kailangang sabihin sa'kin yung mga gagawin niya." Mabilis ko nalang na sabi. "Parang ikaw, ako, gano'n. Friends don't tell everything right?" I sound dismissive. Halatang ayoko ng topic na iyon. Bakit naman kasi nasingit na naman iyong si Damian kahit wala siya dito. Saka saan naman kaya nagpunta 'yon? Trabaho? Sabagay ang tagal na niya dito kaya baka nga may trabaho. I wonder what is that. Nang magliwanag ay bumalik na din ako sa bahay. Wala si Jennie at Lisa dahil tulog pa daw. Mas pagod iyon sa akin panigurado. Nang makauwi ay nalungkot ako dahil hindi daw matutuloy si Maeve ngayon. Grabe pa naman iyong excitement ko! Sabi niya ay gusto daw sumama ni Leonel kaya nag adjust sila ng sched dahil hindi iyon pwede ngayon. Leonel is one of our friends in high school. Hindi niya alam ang tungkol sa akin but we manage to stay friends. Nang wala akong magawa ay naisipan kong maglinis nalang ng kwarto. Nakita ko iyong mga damit ko na hindi ko pa nalalabhan kaya grabe iyong simangot ko. Laundry shop! Nakagala na ako sa plaza pero nawala naman iyan sa isip ko. Mag r'research nalang ako paano gumamit ng machine. O kaya magpapaturo nalang ako kay Maeve kapag dumating siya. Habang nag mumuni muni ay naisipan kong pupunta akong Pampanga bukas. I should check this properties ng kaibigan ni Daddy na sinend sa akin ni Maeve. Sa Pampanga iyong may pinakamalapit na address kaya iyon muna nag pupuntahan ko. I check for hotels online dahil hindi lang naman isa iyong pupuntahan ko. I should go tomorrow afternoon. Para doon na ako magpapalipas ng gabi at buong araw akong maghahanap sa susunod na araw. Right! I should do that. I book from Hamanda Hotel dahil iyon ang una kong nakita and mukha naman siyang okay. Two nights and two days. That should be okay. I spend the whole day surfing the internet. Gumawa ako ng dummy accounts para lang may mapaglibangan. I can't open my old ones dahil baka matunton ako dahil doon. I even downloaded games para malibang ako ng lubos. The next day, I packed for my things. Konti lang na damit dahil mahirap naman magbitbit. I packed my t-shirts and pants. Ganoon din ang sinoot ko papaalis. Naka pantalon at itim na t-shirt lang ako at iyong snickers ko. With my backpack, I went out around two pm. Hindi na ako nagpaalam kila Lisa dahil hindi ko naman sila nakita sa labas ng bahay nila. Ayoko naman maka istorbo kaya dumiretso nalang ako sa may palengke nang makapunta sa may terminal ng tricycle. Buti nalang ay mabait si Manong na itinuro sa akin iyong bus station. The travel took about almost four hours. Ang tagal! Kaya nang nakapag check in sa hotel ay hindi ko pa naayos ang gamit ay nag punta na ako sa restaurant nila. Hindi naman kalakihan iyong hotel pero maganda naman. Nang matapos kumain ay bumalik na ako. Noon ko lang napansin o pinansin ang interior noong lugar. It's a modern but Spanish-type hotel. Maraming painting ang nakasabit si dingding sa may hallway kaya natuwa naman ako. The room doors are all brown and yung nasa pinakadulo ang sa akin. My room has a queen-size bed that has a study table beside it. The walls are designed with brown bricks and may ilang halaman sa loob. Well, this is nice. Even the bathroom is nice and clean. Hindi naman pala masama na ito ang pinili ko kahit nagmamadali. Naligo muna ako bago mahiga sa kama. Buti nalang ay may hair dryer sila doon kaya hindi ko kailangang matulog na basa ang buhok. Tingnan ko iyong pupuntahan ko bukas. Mexico, Pampanga. Hindi ko alam kung saan iyon kaya kailangan kong magtanong tanong. I groaned. It's going to be a long day. Kinabukasan ay maaga akong gumising para makapaghanda na. I dried my hair after my shower so I can put it in a ponytail. Nagsuot ako ng high waisted jeans at itim na fitted na damit. I also wear a black cap. Ang nakasira lang ng outfit ko ay iyong putting wristlet purse ko. But when I wear my white sneakers, I think it turned out fine. Buti nalang nag research ako kagabi kung paano pumunta doon kaya nakapagbook ako ng grab. At exactly seven ay bumaba na ako at sumakay. It took just about fifteen minutes for me to go there. Hindi naman pala siya kalayuan. Doon ako mismo sa may municipal hall bumaba. Malaki iyon with a peach and green color. Napansin ko rin ang terminal ng tricycle sa gilid ng munisipyo kaya nakahinga ako ng maluwag. Marami akong mapagtatanungan. Bago ako lumapit sa kanila ay nagpunta ako sa may botika nang may matanaw. I bought a facemask para hindi ako masyadong expose dito. Hindi naman ako nagaksaya ng oras at agad na nagtanong doon sa tricycle drivers. "Excuse me po, alam niyo po ba kung saan iyong Villara residence?" I politely said. Agad naman silang lumingon sa akin na ang iba ay parang sinuri pa ako. "Malapit lang iyan dito. Pwede ka naming ihatid doon." Agad akong tumango ata pumayag. Hindi nga iyon malayo kaya nang marating ay agad kong pinagmasdan ang lugar. The house is really big. Mataas ang bakod kaya hindi masyadong kita ang loob. Dahan dahan naman akong lumapit doon at nagtingin tingin. "May kailangan ka?" agad akong napadiretso nang tayo nang may nagsalita. Nilingon ko ito at nakita na medyo matanda na iyon na babae. I sighed and curse myself silently. "Ah, may hinahanap lang po ako. Hindi po ako sigurado kung saan e." inosente kong sagot. Napakurap kurap ako at napakagat sa gilid ng labi. Buti nalang naka face mask ako! Kung hindi halata akong kinakabahan. "Kung iyan ang sadya mo, walang tao diyan. Madalang umuwi dito ang may ari niyan. Rest house lang ata at linggo linggo lang pinapalinisan." Sabi nito sa akin na parang nagtataka. "Ano ba ang pangalan mo hija nang masabi ko sa taga linis nila na may naghahanap?" Agad nanlaki ang mata ko. I literally going nuts inside. "A-Ano po. Hindi na po. Tatawagan ko nalang po iyong kaibigan na hinahanap ko. Mali po ata ako ng bahay na napuntahan..." nauutal utal na sagot ko. Damn! Ngayon lang ako kinabahan ng ganito dahil parang mali itong ginagawa ko! "Ikaw ang bahala. Baka nga hindi iyan ang hinahanap mo dahil madalang talaga ang tao riyan," Napatango naman ako at napalingon sa bahay. Mukha ngang tahimik at walang tao. Napalunok ako bago humarap doon sa ale. Buti nalang naniwala naman siya sa akin. "Ganoon po ba, salamat po..." sabi ko nalang doon sa ale. Kung sa bagay, bahay itong property kaya sigurado din na hindi dito may illegal na laboratory. Ekis na agad itong unang destination ko. Pinagmasdan ko pa ulit iyong bahay bago napagisipan na maglakad paalis. I booked a grab online para makapunta ng Bacolor. Mas malayo iyon muls dito kaya medyo natagalan ako. Bumaba din ako sa Municial Hall nila. Kumpara sa Mexico ay parang mas malaki ito. All white din ang pintura ng munisipyo at maraming sasakyan. Kahit may nakita akong mga tricycle ay hindi na ako nagtanong dahil na realize kong hindi siya masyadong safe. Baka mamaya ay may magsabi sa mga hinahanap ko na may naghahanap sa kanila. Hindi iyon safe! Paano ko ito hahanapin? Nandito ang complete address pero hindi madaling maghanap! Napagpasyahan ko nalang na dumiretso ng lakad at lumiko sa kanan nang may makita ako. Sabi ng instinct ko parang dito daw e. Bahala na. Nilagpasan ko iyong kaliwang kalsada at sa susunod ako lumiko. Halos nagliwanag naman iyong mata ko ng tama iyong street na nakita ko. I trust myself so much na talaga! Habang naglalakad ay nakita ko ang isang malawak na property doon. Buti nalang ay nasa labas ng bahay nila iyong number kaya nalaman kong tama iyong address. Malaki iyon at parang isang compound. Wala pa man ay kumalabog na iyong dibdib ko. Ito kaya iyon? Napayuko ako nang may mga nagdaan. Napansin ko naman na may tindahan sa harap noon kaya nagpunta ako doon at umupo. May iilang nakatambay pero deadma ako. Kailangan ko ng impormasyon. Bumili ako ng tubog para hindi masyadong halata kahit na kinakabahan na ako. "Ngayon ko lang ito napansin, ah." Medyo malakas na sabi habang nakatingin sa bahay sa harap. Napansin ko naman na napalingon ang ibang lalaki na nandoon na tantsa ko ay mga forties na. "Bago ka rito neng?" tanong noong isa na muntik ko nang ipagpasalamat. Lumingon naman ako at ngumiti. "Ah opo. Nagkamali ho ako ng daan kaya napadpad ako dito. Pero dyan lang ako sa malapit," medyo masayang kwento ko. Hindi ko alam na magaling pala akong magsinungaling. Tumango tango naman sila. "Ang laki po nitong bahay. Mayaman siguro may ari." Dugtong ko pa. Bigyan niyo ko ng kahit anong impormasyon please. Natawa naman iyong isa. Uminom ako ng tubig para hindi masyadong mapaghalataan. "Ah iyan? Hindi lang bahay yan. Kumukupkop sila ng mga batang walang tirahan. Parang ampunan. Ang dami ngang nurses dyan e." Napakagat ako labi. Ampunan? That's very odd. Doctor si Mr. Ramirez so... normal lang ba na may ampunan siya? "Wow! Mga bata?" namamanghang sabi ko. "Mga teenagers ang alam ko..." sabi noong isa. "Madalang ko naman makita iyong mga iyon. Dyan na din ata pinagaaral dahil hindi ko naman nakikita. Iyong mga nurses lang at ilang trabahador." Lalong kumunot ang noo ko. Could this be it? Wala pa man ay kinakabahan na ako. Hindi ko malalaman kung hindi ako makakapasok diyan. Paano naman ako makakapasok? Siguradong may guards iyan sa loob. "Ah, lumalabas lang po iyong mga trabahador pagkatapos noong shift?" baliwala kong sabi. Hoping they would answer me! "Oo ganoon nga. Alas sais kung magpalitan ng shift iyang mga 'yan..." Napatingin ako sa nagsalita. May oras! Gusto kong yakapin si Manong sa impormasyon niya! Maybe I can think some plan later. Umalis na ako doon pagkatapos. Nang lumabas ako sa kabila ay may university pala doon. Walang mga estudyante kaya hindi gaanong marami iyong tao. I went to other places dito sa Pampanga and wala nang ibang kahinahinala doon maliban iyong nasa Bacolor. I need to get in there! Nang maghapon na ay napagdesisyonan ko nang bumalik. Dumaan pa ako sa SM na nadaanan ko para kumain. Nang makabalik sa hotel ay feeling ko ang lagkit ko. Agad akong naligo at nahiga. I feel so tired! Ngayon ko lang ito ginawa. I commute too much this day and this is my first time! Kahit pagod at delikado itong ginagawa ko ay feeling ko sobra kong free. I am somehow happy that now, I can be wherever and whenever I want. Kinabukasan ay agad akong bumalik sa Canaoay. After lunch ako umalis sa hotel kaya sure ay gagabihin na ako. I checked my phone, I saw some texts from Jennie and Lisa and I saw a bunch of missed calls from an unknown number. Kagabi pa ito ah? Hindi ko napansin. Hindi naman naka register ang number sa akin so nagtaka ako. Only few people know my number. Si Maeve at sila Jennie lang. Kaagad akong kinabahan habang nasa byahe. Who is this? Baka mamaya ay nalaman ni Daddy itong pinagagagawa ko? Pero hindi ako tatawagan noon kung sakali. Kukunin ako noon kung nasaan man ako! I tried to shoo my thoughts away at natulog nalang sa byahe. Naalimpungatan ako ng malapit na sa terminal. Nang makababa ng bus ay feeling ko namiss ko itong lugar kahit sandal palang ako dito. Natanaw ko ang mga streetfoods stalls at nang may maalala ay umiwas nalang ako. Inayos ko ang pants ko at puting damit. Naglakad na ako sa may tricycle at sumakay na doon. Nang matanaw ang gate ng bahay ay napangiti ako. Namiss ko naman iyong ingay ng dagat! Feeling ko ay pagod na pagod parin ako. I silently walked while looking at the sands. Nang matanaw ang dagat ay mas lalo akong napangiti. Lumiko ako pakaliwa para makapasok na sa bahay nang may makita akong nakatayo sa harap noon. Pinagmamasdan niya ang bahay at sobrang seryoso. I can see his side profile and I can tell that his eyebrows are in a knot. "Damian." I called. The way I called him sent shivers down my spine. Agad siyang lumingon sa akin at hindi ko alam kung mas nagalit ba siya o nakitaan ko ng pagaalala iyong mata niya. "Where have you been?" his voice almost woke up the crickets in the house. Napahigpit ang hawak ko sa backpack ko. Napakurap kurap ako at napaawang ang labi. Anong ginagawa niya dito? Hindi pa ako nakakasagot ay lumapit na siya sa pwesto ko. Napaatras ako sa gulat. Kita kong galit siya at hindi ko alam kung bakit? Kailan pa siya nakabalik? I know it's not the right time to check him out but he's really good-looking with his grey shirt and black sweat shorts. Tatlong araw ko siyang hindi nakita ah! I pursed my lips to hide my smile. "Aisa." he called and I looked at him shocked. Nawala agad iyong nasa isip ko. That's the first time he called my name! Nasa harap ko na siya at nakatingala ako dahil ang laki niya. His face is nothing but serious and a bit angry. He looked at me and my clothes before going back to my eyes. Ngayon lang ako nag ganitong pants kaya siguro napatingin din siya. I even saw how he closed his eyes and sighed. When he turned back to me his eyes didn't even change. "I asked you where have you been." Mababa na ang boses niya pero nakakatakot padin. My heart is beating faster, as usual. The sound of waves sounds softer while he's saying something. The wind blows at buti nalang ay nakapusod ako. Tiningnan niya ako gaya ng lagi niyang ginagawa na parang sinusuri ako. I sighed and looked away. I even gesture my hand, "M-May pinuntahan lang..." It's already dark and I can't ask him what is he doing in front of my house. Walang ka ilaw ilaw sa buong bahay. Bakit ko ba nakalimutang magiwan ng isang bukas. "Without telling anyone?" he asked more. Para siyang tatay na hinahanap ang nagliliwaliw na anak. "You've been out for two days! You're not even answering your phone!" His expression tells me he won't let me go easily. Lalo lang akong kinabahan. Ano ngang sasabihin ko kung saan ako nanggaling? Hindi ko alam kung matutuwa baa ko sa pinapakita niya o ano. And... he called me? "Number mo iyon?" agad kong tanong. I saw irritation in his eyes kaya agad akong yumuko, "H-Hindi ko alam. Hindi ko rin napansin iyong tawag mo," He sighed harshly. He brushes his hair backwards hanggang makarating iyong kamay niya sa batok. I nervously clench my fist. "May p-pinuntahan lang akong kaibigan..." sagot ko nalang. "Bakit nandito ka? Akala ko umalis ka na..." mabagal kong tanong. His eyes were back at me now. Bumalik iyong kunot nang noo niya. "Umalis na? It's my sister's birthday the other day. I went here early yesterday and they are all looking for you." Pagalit niyang sabi sa akin. I can sense he's trying to calm down by sighing pero hindi naman gumagana. "If you're going somewhere tell Manang Tess. She's feeling responsible for you and she'll get worried every time you do this." Napayuko ako sa sinabi niya. Right. That's my fault. Dapat talaga ay nagsabi ako. Pati tuloy siya ay naiistorbo dahil akala siguro nila ay nawawala ako. I tried to bit the inside of my cheeks. I sighed and I feel my tiredness all over. I saw him walked past me. Napapikit ako ng mariin. "Dame," I called as I turned around and looked at him. Lumingon naman siya sa akin. I sighed and smiled languidly. "Sorry..." parang gusto nang sumugat sa bag ko noong kuko ko sa higpit ng hawak ko. "I don't mean to disturb you with that..." tukoy ko sa pag alis. I nodded wearily. "I'll tell Manang Tess next time..." Nagpalipat lipat naman ang tingin niya sa mata ko. I tried to smile apologetically. Hindi siya kumilos pero napansin ko ang pagbabago sa mata niya. He sighed again before speaking. "Are you okay?" I don't know how he can change his emotions in just a blink of his eyes. Now he looked bothered and concern. It's like he has many questions but that one is the most important. "I'm fine." Agad kong sagot. I'm just tired but, "I'm fine. I'm sorry for the trouble." His eyes turned darker in a second, he advances a step. Parang naiinis niya at pinapakita sa mukha niya na parang walang kwenta iyong sinabi ko. "You're not a trouble. I'm worried about you." He seriously said. Pinagmasdan ko naman siya sa frustrated niyang mukha. Kung hindi lang talaga ako pagod iinisin ko pa siya. But he'll just get madder so I just smiled. "Are you gonna kiss now or something?" napalingon ako sa likod ni Damian nang may magsalita doon. I saw a petite girl standing not too far away. Nilingon iyon ni Damian. "What the hell Daena? We're talking. Go inside." Seryoso niyang sinabi kaya inirapan lang siya noong babae. That's probably her sister. Hindi ko makita nang malinaw iyong mukha niya dahil madilim na but she's looks like it. "Ayos lang. Papasok na rin ako." Singit ko kaya natuon naman sa akin ang pansin nila. Mukhang tututol pa itong lalaking to kaya nagsalita na ulit ako. "I'm tired..." He sighed and nodded. Hindi ko na siya hinintay magsalita. I smiled at the girl and went inside. Nang makapasok sa kwarto ay agad akong nahiga sa kama. I missed this bed! Tamad na tamad akong naligo at nagbihis ng pantulog. Ni hindi naman na ako nagbilang ng tupa bago nakatulog. Feeling ko hindi pa bumabagsak sa kama iyong katawan ko sa kama tulog na ako. "Is anybody here? Hello? Aisa? Oh, Ate Aisa, right? Are you here? Please wake up!!" I opened my eyes when I heard someone. Is someone calling me ate? Am I dreaming or what? I should stop thinking so many things. "Ate Aisa!!" I literally jumped off the bed when I heard that. Hindi ko manlang inisip iyong mukha ko at dalidaling naglakad palabas. When I opened the door, I saw the girl last night. Oh, Damian's sister! Nakita ko naman siyang nakangiti sa labas ng bahay. Akala ko kung ano na ang nangyari! "Omg Ate, I'm so sorry! Are you puyat?" hindi pa narerehistro sa isip ko iyong presensya niya ay nagsalita na siya. Saglit akong nagisip. "I'm your neighbor's sister! We met last night diba? Kaso si Kuya kasi badtrip so I didn't get to talk much," sunod sunod niyang sabi na hindi ko naman masundan. Inaantok pa ako!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD