Nang maibagsak ni Erica si Oliver sa higaan niya ay wala ito sa sariling napaupo. Hanggang ngayon ay umiiyak pa rin siya. Hindi niya inaasahan na nagawa iyon ni Oliver sa kanya samantalang ang sabi nito ay mahal siya ito. Hindi maalis ni Erica sa isip niya ang naabutan niya kanina sa bar, yung ngisi ni Oliver habang yakap yakap ang babaeng hinahalikan niya. "Sabi mo mahal mo ako.. Bakit mo 'ko sinasaktan nang ganito?" umiiyak niyang sabi "Bakit kailangang saktan mo pa ako? Bakit kahit matagal mo na akong sinasaktan— mahal parin kita?" panay ang pag hikbi niya at humarap siya sa tulog na si Oliver. "Ginusto namin ni Oliver ang nangyari! Hinalikan niya ako!" "Argh!" sigaw niya sabay hampas sa dibdib ni Oliver, halos humagulgol na siya sa sobrang inis. Dahil sa lakas ng pag kahampas ni E

