Maghapong itinuon ni Erica ang atensyon sa pag e-edit. Ayaw niyang mag pahinga dahil baka sumagi lang sa isip niya si Oliver. Mula ng maghiwalay sila nito ay hindi siya lumalabas ng bahay, gaya na rin ng dati. Pinipilit niyang bumalik sa dati ang normal niyang buhay at kalimutan na may isang Oliver na dumaan sa buhay niya. Inalis niya ang headset at inilapag ito dahil tapos na ang ine-edit niya. Kumuha siya ng soft drink sa kanyang ref at binuksan ito. Umupo ulit siya sa harap ng Monitor at pinanood ang kanyang ginawa. Bahagya siyang napangiti nang makita niya ang ngiti sa mga labi ng ikakasal na pinapanuod niya. Marahil ay pinaparusahan na niya ang sarili niya dahil video ng ikakasal ang in-edit niya. Uminom siya soft drink habang hindi maalis ang tingin sa pinapanuod niya. "Magmahalan

