Nang lumabas si Oliver ng bahay ay nakita niya ang isang binatilyo na pinipinturahan ng puti ang balcony nila Erica. Pinanuod niya lang ito habang nakapamulsa. Nang mapansin siya ng binatilyo ay ngumiti ito. "Hehe" nahihiyang pag tawa ng binatilyo. Ngumiti naman si Oliver "Sino nag utos sayo?" tanong nito "Si Uncle Manny po, binayaran niya po ako ng isang daan." sagot naman ng binatilyo at pinag patuloy ang pag pipintura "Kaano ano ka ni Erica?" tanong pa niya. "Pinsan po ako ni Ate Erica" Tumango si Oliver "Wala ka bang pasok?" "Hmm.. Hehe" nilingon ulit siya ng binatilyo habang nag kakamot sa ulo "Mamayang hapon nalang po ako papasok, wala po kasi akong baon eh" nahihiyang sagot niya at pinag patuloy ang pag pipintura. Nakaramdam naman ng awa si Oliver kaya tinabihan niya ang bin

