Nagising si Oliver dahil sa tunog ng Videoke mula sa bakuran nila Erica. Dahan dahan niyang iminulat ang kanyang mata at wala na si Erica sa tabi niya. Napatingin siya sa wallclock napabuntong hininga dahil alas siyete palang ng umaga. Dumiretso siya sa C.r para mag hilamos at mag toothbrush pagkatapos nun ay kinuha niya ang laptop at salamin niya sa mata. "Ay gising ka na pala" biglang sulpot ni Erica. Hindi man lang siya pinansin ni Oliver dahil tutok ito sa kanyang laptop "Teka" sambit ni Erica saka ulit siya lumabas para mag timpla ng kape. Mariing napapikit si Oliver ng malaman niyang Out of the country si Ramsay at hindi niya maaasikaso ang tungkol sa pekeng marriage contract. Sa oras na ito ay hindi niya na alam ang gagawin kung sasabihin ba niya kay Erica ito at ayain ulit na mag

