"Ipapadala nalang sainyo ah" Ani Erica kay Potpot. Kagagaling lang nila sa bangko para pagawan ng Cashcard si Potpot at ipapadala nalang ito matapos daw ang dalawang linggo. Medyo nag tagal sila bangko kaya naman inabot na sila ng tanghali. Nag punta muna sila sa isang mall para mag lunch. "Pots Arcade tayo!" aya ni Erica at hinila sila Potpot at Oliver patungo sa Quantum. Pumwesto lang sa isang tabi si Oliver habang nakapamulsa. Medyo naiirita narin siya dahil sa ingay ng paligid at dami ng tao. "Oliver!" nilingon niya si Erica ng bigla siyang tinawag nito kaya lumapit naman siya. Naglalaro lang ng basketball ang mag pinsan habang si Oliver ay bored lang na nakatingin sa ring. Ni isa kasi ay hindi pa nakaka-shoot si Erica. "Marunong ka ba niyan?" walang ganang tanong ni Oliver "Ang

