Nagtaka si Oliver dahil nagising siya sa Sofa. Nakapikit pa ang isang mata niya habang iginagala ang paningin sa paligid. Napakamot siya ng ulo nang maalala niyang nalasing siya kagabi. Inis niyang inalis ang kumot na nakabalot sa kanya at tinapon ito kung saan, saka tumayo. Mas lalo siyang nairita nang mapagtantong suot pa rin niya ang pang trabaho niyang suot. Umakyat ito sa hagdan patungo sa kwarto niya. Kinuha niya sa bag niya ang susi ng kwarto niya pero nagtaka ito nang maisuksok niya ang susi sa doorknob dahil hindi naman pala ito naka lock. Pinihit niya ang doorknob at narinig niya ang pag bukas ng pinto ng kwarto ni Erica. "Aga mo naman magising?" inaantok pang tanong ni Erica saka ito humikab. Nagsalubong ang kilay ni Oliver at dahan dahang lumingon kay Erica habang nakahawak

