"Ito na ba 'yon?" tanong sa sarili ni Erica nang makarating siya sa tapat ng Coffee shop na nasa post ni Monica. Ito ang una niyang pinuntahan bago siya mag Grocery. Hindi niya rin alam kung bakit parang may tumutulak sa kanyang pumunta rito pero curiosity niya lang 'yon ulit. Gusto niyang makita ng personal si Monica kung kumusta na ba ang buhay niya ngayong wala si Oliver sa piling niya. Huminga ito nang malalim at humigpit ang hawak sa kanyang sling bag 'saka pumasok sa loob. Iginala niya ang paningin niya sa paligid halos puti lahat ng pintura nito kaya malinis at maaliwalas tignan. Nagbabakasakali siyang nandoon ang taong hinahanap niya. Lumapit siya sa gawi kung saan dapat mag order. "Excuse me, Miss" tawag niya sa babaeng nakatalikod na maikli ang buhok. "Good afternoon Ma'am, w

