"How are you Kolehiyo De la Paz!" sigaw ni Flynn.
Saglit na tumigil ang banda sa pagtugtog at tanging ang maganda niyang boses ang pumaibabaw sa buong paligid. Hiyawan at mga tili naman ang naging sagot ng mga manonood. Siyempre, kabilang na rin ako sa mga iyon.
And this is the moment. Ang hinihintay ng lahat. Ang pagpili ni Flynn ng babaeng isasama niya sa stage at kakantahan ng latest single niyang; I think, It's you. A love song maybe, for his ideal girl.
"Una sa lahat, salamat sa mainit na pagtanggap. Kahit na nagkaroon ng aberya, you still stayed and waited. That's why, I want to thank you all. This next song is all for you," sabi niya. Sinenyasan ang banda na tumugtog.
Kasabay ng tugtog ay ang ugong na pumaibabaw sa paligid. Mga dismayadong mga salita ang maririnig. Hindi kasi namili si Flynn ng babaeng dadalhin sa entablado upang sana ay haranain. Malaki ang dismayang naramdaman ng mga taong umaasa na kahit isa sa kanila ay mapili. Maging ako, kahit kakaunti lamang ang tyansa ay umasa ako. Bukod kasi kay Flynn ay iyon din ang ipinunta ng lahat. Ikaw ba naman ang babaeng makakasama ang idolo mo kahit saglit lang. Pangarap na iyon na natupad.
'The color of my skin, matches the color of your eyes.
Your black long hair, shining upon my sight
The wind blowing
What is this feelings?
'Oh...baby I think it's you.
"Oh...baby I think it's you.'
Nanahimik ang lahat nang magsimula ng kumanta si Flynn. Tila nakalimutan ng lahat ang dismayang naramdaman. Nanahimik kaming nakinig sa waiting tila tumatahos sa mga puso namin.
Kay lamyos ng boses ni Flynn sa tuwing kumakanta siya ng love song. Tila hinahalukay niya ang kaloob-looban ng pagkatao ko. His soul to my soul. Kaya hindi na ako nagtataka na maraming babaeng nahuhumaling sa kanya. His songs reaching deep with in our hearts.
Napapikit ako habang pinapakinggang mabuti ang kinakanta niya. Kung kanina ay slow motion lang ang lahat. Ngayon, pakiramdam ko ay tumigil ang nasa paligid ko. At ang tanging nakikita ko ay siya at ako lamang sa lugar na iyon.
'Baby, it's you I dreamed of
A long dream that I desperately want to come true
Now that you're here in front of me
Baby, I really think it's you'
Napaluha ako. Para sa akin, hindi lang para sa babaeng gusto niya ang kantang iyon. Para sa akin, ito iyong pangarap na gusto kong makamit pero hanggang ngayon ay isa pa ring panaginip.
Nagmulat ako ng mga mata ko at muling bumaling sa harapan kung saan ay kumakanta si Flynn. Hindi ko lang inaasahan na makakasalubong ng mga mata ko ang mga mata niya. Napakurap kurap pa ako. Sa akin ba siya nakatitig?
Bigla akong dinagundong ng matinding kaba sa dibdib dahilan upang mag-iwas ako ng tingin. Guni-guni ko lamang ba na nagkahulian kami ng mga mata? Imposibleng sa dami ng tao, ako ang maka-eye to eye contact niya.
Imposible talaga.
Ngunit nang muli kong iangat ang mukha ko at tumingin sa kanya, hindi na ako maaring magkamali. Nakatingin talaga siya sa akin. Magkahinang ang mga mata naming dalawa at tila nakapagkit na sa isa't isa.
Lalong lumakas ang pagkabog ng dibdib ko. Gusto kong umiwas pero tila hinihigop niya ang buong lakas ko at ako ay nahipnotismo. Wala na akong marinig at makita kundi siya lamang. Kahit nga kumakanta siya ay hindi ko na siya naririnig. Mas naririnig ko ang malakas na t***k ng aking puso.
Nagpatuloy siya sa pagkanta. Inaalis niya ang tingin niya saglit sa akin ngunit sa tuwina, muli niyang binabalikan ang mga mata ko. Muli niyang hinuhuli ang tingin kong nakapagkit na talaga sa kanya. Hindi ko alam pero lumuluha na pala ang mga mata ko habang nakatitig sa kanya.
Tumigil ang lahat sa paligid ko ngunit hindi ang mga kilos ni Flynn. Napasapo na ako sa aking dibdib habang pinapanood ko ang mabagal niyang paglapit sa gawi ko.
Nananaginip yata talaga ako? Palapit nga ba talaga siya sa gawi ko habang matamang nakatitig siya sa mga mata kong halos ayaw na yatang kumurap.
Parang naestatwa ako nang ilahad niya ang kanyang kamay sa akin. Maging ang nasa paligid namin ay tila tumigil dahil sa pagkamangha at gulat.
"Can I date you tonight?"
Nahigit ko ang aking paghinga. Narinig ko siya. Maliwanag ang narinig ko mula sa kanyang bibig. Pero hindi ako makasagot. Hindi ako makakilos. Hindi makapaniwala.
Tsaka lamang ako nagising sa tila panaginip na nagaganap nang may humawak sa kamay ko at may mga nauulinigan akong mga tinig ng pagkadismaya.
"Pagkakataon mo na ito, Anais," bulong sa akin ni Sam. Doon ay tuluyan na akong nagising sa tila panaginip. Kinuha rin kasi ni Sam ang kamay ko at siya na ang nagpatong sa nakalahad na kamay ni Flynn.
Rinig na rinig kong muli ang paghigit ng mga hininga ng mga naroroon. Nanginginig ang kamay kong hinawakan ng mahigpit ni Flynn. Iginiya niya ako papunta sa stage.
"Thank you for this night. Goodnight all," sabi niya habang tila ako tangang nakatunghay lang sa kanya. Hawak niya pa rin ang kamay ko habang nagpapaalam siya sa lahat.
Sa isang iglap ay tapos na ang campus concert ni Flynn. Pero ang gabi ay hindi pa natatapos para sa akin. Mag-aalas onse na ng gabi ngunit nagsisimula pa lamang iyon.
Hinila ako ni Flynn papunta sa backstage kung nasaan ang manager niya at ilang mga staff sa concert. Parang wala akong sariling isip na sa bawat galaw at salita niya, sumusunod ako.
"What is this, Flynn? Wala ito sa program ha?!" Isang babae ang nagsalita at humarang sa amin. Nang makita ko ang Id niya ay nahiya ako. Manager ni Flynn iyon. Lagi rin nahahagip ng camera ang babae kapag may video o balitang nilalabas patungkol kay Flynn.
"It doesn't matter. Gumawa ka ng paraan na makaalis kami agad dito. Ako na ang bahala," utos ni Flynn sa babae. Medyo napatda ito at napatingin sa akin.
Muli akong hinila ni Flynn.
"Flynn." Ngunit pinigilan si Flynn ng manager niya. Humawak ito sa kamay ni Flynn na siyang nakahawak din sa palapulsuan ko.
Napabitiw si Flynn sa kamay ko at napatitig sa kamay ng manager niya. Bahagya niyang ipiniksi iyon na siyang ikinagulat ng manager.
"I-I'm sorry..." tumungo ito na para bang natatakot. Akala ko mas may sabi ang manager kaysa sa alaga nito ngunit sa tingin ko, magkabaligtad sila. "Pero Flynn, ku-kuwestiyunin ng mga fans mo ang lahat. Bakit mo siya pinili..."
Ako naman ang napatungo na lamang. Lalo nang mapansin ko ang kakaibang tingin ng manager ni Flynn nang sulyapan ako. Mula sa kataga niya, parang mababa ang tingin sa akin.
Napatingin ako kay Flynn. Napasulyap din siya sa akin. Sa hiyang naramdaman ay umatras ako palayo sa kanya.
"Aalis..."
Hindi ko naituloy ang pagpapaalam ko nang muling gagapin ni Flynn ang kamay ko. Napatingala ako sa kanya.
Hinuli naman niya ang nagtataka kong mga mata. Ngumiti siya. Ngiting nagpabilis sa t***k ng puso ko.
"Ako na ang bahala roon, Lisa. Make Marco go to the entrance dress as me. Give me your keys. I'll drive..."
Alanganin pang kumilos ang Manager ni Flynn. Pero walang nagawa nang ilahad na ni Flynn ang kamay para kunin ang susi.
"Mag-ingat ka...kayo."
May pahabol pa sanang sasabihin ang manager ni Flynn ngunit hinila na niya ako palayo sa mapanuring tingin ng lahat na naroon. Mula kung saan kami ay rinig ang sigawan sa entrance ng auditorium.
Hindi ko akalaing nangyayari ang lahat ng ito sa akin. Ewan ko, pakiramdam ko ay panaginip pa rin ang lahat. Sumusunod lang ako sa pangyayari. Maging noong mabilis akong pinasakay ni Flynn sa isang itim na kotse ay sumunod lang ako. Walang alinlangan, hindi nag-inarte. Sumunod sa agos ng pangyayari.