Chapter 4

2033 Words
Nang nasa sasakyan na kami. Hindi ko maiwasang pasimpleng sulyapan si Flynn. Hindi pa rin maproseso ng utak ko ang lahat ng nangyayari. Totoo ba siya? Totoo bang nangyayari sa akin ang lahat ng ito? Totoo bang si Flynn ang nasa harap ko? "You can touch me, you know?" sabi niyang lumingon sa akin. Muli siyang ngumiti. Ngiting hindi madalas makita ng sinoman. Seryoso kasi siya sa tuwing nakikita ko. "Huh?" parang lutang pang bulalas ko. Hindi ko siya naintindihan.. "Touch me. Para malaman mong totoo ako at totoong kasama mo ako," aniya. Doon na yata ako tuluyang natauhan. Ngayong dalawa na lamang kami at kinakausap niya ako ng normal lang. Totoo talaga siya. Hindi ko sinasadyang makagat ang pang-ibabang labi ko. Kapag kinakabahan ako ay wala sa huwisyong nagagawa ko iyon. Pinamulahan ako ng mukha dahil napansin kong napatitig siya sa mga labi ko. Napalunok ako. "You don't mind joining me in a late dinner, right?" Mabilis akong umiling. "Thank you. Hindi pa kasi ako kumakain since lunchtime...." sabi niyang natatawa at napakamot pa ng ulo. Mas lalong dumiin ang pagkakagat ko sa aking labi. Gusto kong mangiti ngunit pinigilan ko. Ibang Flynn kasi ang nakikita ko ngayon kaysa sa Flynn sa entablado. Ganito pala siya sa tunay na buhay. Sa likod ng camera. Tumahimik na muli siya. Ako naman ay napatanaw na lang sa bintana. Gusto kong magtanong kung saan niya ako dadalhin pero nasagot iyon nang may tinawagan siya. "Prepare us dinner. Yes,we're on our way. About fifteen minutes..." Hindi ko maulinigan kung sino ang kausap niya maging sinasabi nito dahil naka-ear phone siya. "Yes, sa suite ko na lang." Napalunok ako nang ibaba niya ang tawag. Napalingon akong muli sa kanya. Nagtatanong ang mga mata ko. "Sa Oceana Hotel na lang tayo..." Oceana Hotel? Isa iyon sa kilalang Hotel at nakikilala pa sa kalapit na Asian country. Dahil iyon sa kakaibang structure nito. Masasabi rin na mga kilalang tao at may kaya ang kayang i-afford ang ganoong lugar. Kailangan ko bang kabahan? Narinig ko kasing sa suite niya daw. Tama bang sumama ako sa kanya? Hindi ko na nasagot ang sarili ko nang pumasok ang kotse niya sa underground parking lot ng hotel. Mula roon ay muli niya akong hinila patungong elevator. Nanlamig ang kamay ko nang pindutin niya ang pinakamataas na floor. Napansin kong gamit niya ang finger print niya sa pagpindot. Nagulat ako sa biglang pag-andar ng elevator. Dahil pakiwari ko ay mahuhulog ako, napakapit ako nang mahigpit kay Flynn. "Are you okay?" nag-aalala niyang tanong. Dinungaw ang namumutla kong mukha. Hindi hamak na matangkad siya sa akin. Nasa 5'4" lamang ako samantalang siya ay nasa 6ft flat. Tumango ako kahit pa nga pakiramdam ko ay hinahalukay ang tiyan ko sa kaba. Nalulula rin ako sa pagsakay sa elevator. Pero mas nakaramdam ako ng lula nang hapitin niya ako sa beywang. Gusto kong ilayo ang sarili ko ngunit wala akong lakas para gawin iyon. Bukod sa lulang nararamdaman ay tila aatakihin na ako sa puso. Hindi na lang ang kamay ko ang pinanlalamigan kundi buong katawan ko na. "I'm holding you like this because I don't want you to fall...don't fall," bumaba ang mukha niya para bulungan ako. Ngunit tila naging babala iyon imbes na pahayag lamang. Tila may kuryenteng nanuot mula sa balat kong nadampihan ng hininga niya. Naglakbay ang kuryenteng iyon hanggang sa mga himaymay ng mga daliri ko. Mas humigpit ang pagkakakapit ko sa kanyang braso dahil doon. I sigh a relief nang bumukas ang elevator hudyat na nasa tamang palapag na kami. Inalalayan pa rin niya ako nang maglakad kami palabas roon. Napatingin ako sa paligid. Akala ko ay bubungad sa akin ang maraming pinto gaya ng ibang hotel. Pero sa hindi kahabaang hallway ay isang pinto lang ang nakikita ko. "Gerard prepare us dinner ," pahayag ni Flynn nang makita ang kalituhan sa aking mukha. "This is my own by the way. It's my home. I can't take you to any restaurant dahil siguradong pagkakaguluhan lang tayo," paliwanag niya kahit hindi naman ako nagtatanong. "Let's go," yakag niya sa akin. May nag-iisang pinto na binuksan si Flynn. Bantulot pa akong pumasok nang igiya niya ako. Napahiya lamang akn nang mahina siyang napahalakhak. "I'm not gonna eat you..." muli siyang bumulong. Malapit ang hininga niya sa pisngi ko. "Unless you want it..." Napaharap ako sa kanya dahil sa kabiglaan sa sinabi niya. Ngunit mali yata ang nagawa kong pagharap dahil halos magdikit na ang mga labi namin. Napaatras ako ngunit pinigilan niya ako. "Hey..." aniyang bumaba ang tingin sa mga labi ko. Kumibot ang mga labi ko habang nakatitig siya roon. "I'm not a bad person," aniya. Napakurap-kurap ako habang sinasabi niya iyon. Saglit lamang siyang nakatingin sa akin. Binitiwan niya ako at tinalikuran. Nauna siyang pumasok sa loob ng suite niya. Pero nakailang hakbang pa lamang siya ay muli niya akong sinulyapan. "If you're afraid, you can go back. Just take the elevator down the parking lot," sabi niyang tuluyan nang pumasok sa loob ng suite niya. Iniwan ako sa labas ng pinto. Nanatili akong nakatayo roon dahil sa kalituhan. Nagtatalo ang isip ko kung tama bang sumama ako sa kanya? Tama bang hinayaan ko ang sariling malunod sa pantasya. Sinong hindi? Sinong tangang babae na hihindian ang isang Flynn? Sigurado ako, kung hindi man ako kinaiinggitan ng iba, isinusumpa naman nila ako. Ako ang napili ni Flynn kaya bakit ako magdadalawang isip? Bakit ko palalagpasin ang sandaling ito? Pagkakataong ibinigay sa akin ito. Lumunok ako bago tuluyan siyang sundan. Nanatili siyang nakatalikod sa akin. Tuluyan na ring tumambad ang kabuuan ng suite niya pagkapasok ko. It was big and cozy. Mas malaki pa sa bahay namin ang sala niya. May dalawang pinto akong nakikita mula sa kinaroroonan ko. Mula sa living room ay tanaw ko rin ang malaki niyang kusina. Ngunit mas umagaw sa akin ng pansin ang lalaking naka-uniform na nakatayo sa dining area. "Your dinner is ready, Mr. Buenafe," sabi nito. Nagpalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Flynn. Sa pagkakatong iyon ay lumingon na sa akin si Flynn. Gusto kong ngumuso dahil kakaiba ang ngiti sa mga labi niya. Parang sinasabi niyang panalo siyang apasunod ako. Oo na, sa karisma niya, napasunod talaga ako. "Thank you, Gerard. You can go," utos ni Flynn sa lalaki. Tumango lamang ito at umalis na. "Let's go," yakag na muli sa akin ni Flynn. Inilahad ang kamay niya sa akin. Nagawa kong pagkitan ng ngiti ang mga labi ko kahit pa talagang kabado. Iniabot ko ang kamay ko sa kanya at gaya ng dati, iginiya niya ako kung nasaan ang isang table. Nakahanda na roon ang mga pagkain. May kandilang nakasindi din. Hinila niya ako ng upuan para sa akin. Nang makaupo ako ay umalis siya sa tabi ko. Nagulat na lang ako nang mamatay ang ilaw at tanging ang ilaw ng mga kandila ang tanglaw namin sa paligid. "It is more romantic with candlelight," pahayag niya. Napalunok ako at hindi ko mapigilan ang matinding pagrigudon ng malakas na kaba sa aking dibdib. Hindi naman siya kumakanta pero parang musika sa pandinig ko ang pagsasalita niya at kanyang sinabi. Nang muli siyang bumungad sa paningin ko ay may dala na siyang dalawang wine glass at wine sa kamay. "This makes it better..." sabi niya. Pinanood ko lamang ang bawat galaw ni Flynn. Maging noong nagsalin siya ng wine sa mga baso. Maging noong umupo siya at iabot sa akin ang isa. Inabot ko iyon at hindi man lamang nakatanggi. Hindi pa ako nakakatikim ng anumang alak. Ni wine ay wala akong kaide-ideya kung anong lasa. "Can we start our night with a toast..." pahayag niyang itinaas ang baso, with a smile in his face again. Ilang beses ko na iyong nakita sa gabing ito. Ang sabi nila, kahit sa anong article. Hindi siya basta-basta ngumingiti. He's kind of mysterious sa lahat. Bigla siyang sumibol na parang kabute. And he took the entertainment industry by storm. As he took my heart away... Walang pag-alinlangan na nakipag-toast ako sa kanya. Nang sumimsim siya sa baso niya ay ganoon din ako. Napaubo nga lamang ako at nasamid. "Easy..." natatawa niyang saad. Iniabot sa akin ang baso ng tubig. "You just need a sip, little by little. You need to take time to taste it. And after that, you will know if you like it or not. If you want it, you can continue tasting it, but if not, throw it, empty it until there's no more..." Napatitig lamang ako habang nagsasalita siya. Sobrang makabuluhan ang mga sinasabi niya at hindi ko alam, habang nagsasalita siya ay lalo yata akong nahuhulog "Take a sip and take time to really taste it," utos niya sa akin. Sinunod kong muli ang sinabi niya. Sa pagkakataon iyon ay sumimsim lamang ako. Hinayaan ko sa loob ng aking bibig. Tasting it. Parang mapakla siya sa umpisa. Pero may umaagaw pang lasa. Matamis. At nang nilunok ko iyon ay may hagod na kaunting init sa lalamunan ko. "I like it," sabi ko ngunit napatigil nang mapansin na nakatitig sa mga labi ko si Flynn. Napaawang nang kaunti ang bibig ko nang makita siyang dinilaan ang pang-ibaba niyang labi. "I...like to taste it too," aniyang mas naging makahulugan sa akin. Ngumiti siyang muli at uminom. Sa pagkakataong iyon ay hindi na lang basta tikim. Tuloy-tuloy niyang tinungga ang laman ng baso hanggang sa wala ng laman. "Let's eat. The food is getting colder," sabi niya pagkatapos. Napatingin ako sa pagkaing nasa harap ko. It was my first time seeing it in real pero may ideya naman ako kung ano iyon. Steak iyon na may kasamang mashed potato. Kinuha ko ang steak knife. Medyo alanganin pa ang kilos ko samantalang nagawa ng hati-hatiin ni Flynn ang kanya. Pababa na ang kutsilyo sa karne nang abutin ni Flynn ang pinggan ko at ibaba niya ang pinggang nilalaman ang nahati-hating karne "It's the same food. Enjoy," sabi niya nang hindi makapaniwalang napatitig ako sa kanya. Pasimple na lang akong napabuga ng hangin. He's really a gentleman. Hindi ko inaasahan na ganito niya itrato ang mga babaeng kakikilala pa lamang niya. At isa ako sa suwerteng nakaranas ng pagiging mabait niya. Tahimik kong tinusok ng tinidor ang karne. Well done ang pagkakaluto at mukhang napakalambot dahil agad na natusok iyon ng gamit kong tinidor. Hindi nga ako nagkamali. Pagkasubo ko pa lamang ay nanuot na ang lasa ng karne sa loob ng bibig ko. Hindi ako eksperto bilang cook o chef pero masasabi kong well seasoned at talagang masarap ang steak. Sinunod kong tikman ang mashed potato. Parang gusto kong maiyak dahil talagang masarap. Hindi ko tuloy napansin na naubos ko na ang nasa pinggan ko. "You like it?" biglang pahayag ni Flynn sa kalagitnaan ng pag-inom ng wine. Pinamulahan ako ng mukha nang inguso niya ang pinggan kong kimos na kimos ang laman. Nakagat ko ang pang ibabang labi ko at napatango na lamang. "You like to bite your lips? Does it taste good?" Bigla niyang pansin sa ginawa ko. Napabitiw ako sa pagkakakagat. "Mannerism," paliwanag ko. "It happens when I'm feeling sad. If I want to cry. If I am frustrated. But most of the time, when I'm nervous..." sabi kong pahina sa huling salitang binitiwan ko. "Are you feeling nervous in front of me? Why?" Napipilan ako sa tanong niyang tila interesado. Pakiramdam ko ay naninimbang ang ginawa niyang pagtitig sa akin. Hindi tuloy ako mapakali. Nahagip ng mga mata ko ang bote ng wine. "You like more?" pag-iiba ko sa usapan. I offer to pour him a drink. Hindi naman niya ako ipinahiya at inilahad ang baso niya. Pagkatapos ko siyang salinan ay ang baso ko naman ang nilagyan ko. Walang pakundangang nilagok ko iyon. Medyo nasamid ako pero hindi na gaya ng kanina na inubo ako. Nagsalin muli ako sa baso ko. "Magkasama na tayo ng ilang oras pero hindi ko pa alam ang pangalan mo," bigla niyang pahayag dahilan para masamid akong muli Akala ko ay hindi na niya tatanungin kung sino ako. Sapat na rin naman sana sa akin na makasama lang siya ay hindi na ako kilalanin. Pero dahil nagtanong siya ay sinagot ko siya. "Anais...ako si Anais."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD