Chapter 5

1641 Words
Anais... Anais ang pangalan na ibinigay sa akin ng aking ina. Kakaibang pangalan, gaya ng pagkakaiba ng turing niya sa akin. Nakakatawa nga, kasi Anais means holy or merciful. But, my mother is not merciful. My life is not holy. Hindi ako mahal ng nanay ko. Ramdam ko iyon dahil mula pa noong bata ako, itinatak na niya sa isip ko na kinamumuhian niya ako. Na napilitan lamang siyang buhayin ako. Dahil tinakot siya ng aking lola na ngayon ay yumao na itatakwil kapag ipinalaglag niya ako. Dahil nabuo ako sa isang kasalanan. "Anais? Nice name..." Mapait akong napangiti. Muling inangat ang baso kong may laman pang wine. Muli akong uminom. Mas nalasahan ko ang pait ng wine kasabay ng matamis na lasa. "Maganda? I doubt it? Maganda lang siya pakinggan pero ang pangalan na iyan ay purong pahirap ang hinarap..." pahayag ko. Natawa ako sa naging reaksyon niya nang iangat ko ang tingin ko sa kanya. Gulat siya pero madali niyang naitago iyon. Inangat niya rin ang kanyang baso at uminom. "Am I spitting nonsense? Sorry, dala na siguro nitong iniinom natin," ika ko. Tila kay dali na lang makipag-usap kay Flynn. Pakiramdam ko nga ay kumapal na ang mukha ko at hindi na rin gaanong kabado. Inirapan ko siya. Natawa siya. Iniangat niya ang bote ng wine. Pinanood ko ang mukha niyang nangunot noo. "Wala ng laman. I'll get some more," sabi niyang tumayo. Nang saglit na nawala siya sa paningin ko ay muli akong mapait na napangiti. Gusto ko ng tigilan at putulin ang kahibangan ko ngayon ngunit tila wala akong lakas ng loob. Gusto ko pa siyang makasama kahit ilang sandali pa. Gusto kong pagbigyan ang pantasya kong makasama siya. Hindi naman masamang mangarap ng mataas at abutin iyon kahit sandali lang... Kahit ngayon lang... Hindi ko alam kung ano ang motibo ni Flynn para ako ang piliin at yayaing sumama sa kanya. Hindi ko alam kung anong meron sa mga sandaling iyon dahil iisa lang naman ang sinasabi ng isip ko ngayon. Masuwerte ako at dapat maging masaya. "Let's head outside." Ang tinig niya ang muling nagpabalik sa akin mula sa malalim na pag-iisip. Nakatayo na pala siya sa may gilid ko. Nakangiti niyang iniangat ang bote ng wine na bagong bukas. Ngumiti rin ako. Dala ng alak ay nagagawa kong mas maging panatag ang kilos at mas magkaroon ng lakas ng loob. Kinuha ko ang baso naming dalawa at sumunod sa kanya. Binuksan niya ang sliding door. Mula doon ay umihip ang malamig na hangin. Madaling araw na kaya malamig na iyon. Idagdag pa na nasa pinakamataas siyang palapag ng hotel. Nakaramdam ako ng lula nang mapansin na gawa sa salamin ang terrace. Kung may phobia ako sa heights, malamang ay naatake na ako. Kitang kita kasi ang iba't ibang gusali, sasakyan at ibabg establishment sa baba. Para silang langgam sa liit. "Hey," agaw ko sa pansin ni Flynn. Mabilis na humawak ang kamay ko sa laylayan ng damit niya. Nagtuloy kasi siya sa gilid. Pakiramdam ko ay mahuhulog siya. Di hamak na mas marami siyang nainom sa akin kaya natakot ako para sa kanya. "Takot ka ba?" tanong niyang naglalaro ang ngiti sa mga labi niya. Hindi ko Alam kung tatango ako o iiling. Hindi ako takot pero hindi din naman ako kumportable. Napaatras pa nga ako at hindi magawang gumitna. "Come. It's not scary as it looks. Isa pa, matibay ang pagkakagawa ng gusaling ito kaya believe me, hindi ka mapapahamak. Hindi ka mahuhulog..." saad niyang inilahad ang kamay niya. Napatingin ako roon. He is helping me. He wants me to hold his hand. Assurance that if I fall, kasama siya. Humugot ako ng malalim na hininga bago abutin ang kamay niya. "Flynn!" Napasigaw na lang ako nang bigla niya akong hilain. Nabitiwan ko ang basong hawak ko dahilan upang mabasag iyon. Mabilis din lang naman niya akong nailayo mula sa bubog. "I like how you called my name," bulong niya. Nakayakap ako sa kanya ng mahigpit habang nakapikit. Maging siya ay hapit ako sa beywang. Nanginginig ang mga paa ko dahil sa takot. Akala ko talaga ay mahuhulog ako. Hindi ko alam kung paano at kailan pero noong magmulat ako ng mga mata ko ay nasa malayo na kami mula sa basag na baso. Malawak ang terrace sa floor niya at nasa dulo na kami. Ewan ko kung naglakad ba kami papunta roon o binuhat niya ako. "Wala na tayong baso. Pero gusto ko pang uminom, Anais..." tila nagmamaktol na saad niya. Hindi na niya ako hawak at nakatayo na lamang siya habang nakadungaw sa akin. Matangkad si Flynn. Napakatangkad niya. Hanggang balikat lamang niya ako kaya kailangan ko siyang tingalain. Medyo nagulat ako nang bumaba siya saglut uoang pantayan ako. Nahigit ko ang aking hininga nang magkapantay na ang mukha naming dalawa. Sinalakay na naman ako ng kaba at ramdam ko ang pamamawis ng mga kamay ko. "We still can drink though," sabi niya. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang naupo ng indian sit style. "Sit down beside me, Anais..." yakag niya sa akin. Tinapik pa ang salamin na sahig sa tabi niya. Napasunod na naman ako. Ginaya ko kung paano siya umupo. Habang nakatingin siya sa malayo at sa kanyang mukha naman ako nakatitig. Ewan ko ba. Gusto kong mabasa kahit kaunting nilalaman ng isip niya o kung ano ba ang tumatakbo doon pero wala akong napapala. Gusto kong alamin kung anong intensiyon niya sa akin. "Baka magsawa ka." "Huh?" Bigla siyang humarap sa akin. Nahuli niya tuloy akong nakatitig. Nagrigudon na naman ang puso ko nang ngumiti siya. "Kako, baka magsawa ka, hindi mo na ako magugustuhan," sabi niyang dahilan para pamulahan ako ng mukha. Tumawa ako para itago ang kaba at kahihiyan. "At sinong nagsabing gusto kita?" Sinubukan kong itanggi. Tinawanan lamang niya ako bago tunggain ang bote. Napatitig na naman ako sa kanya. Ang guwapo talaga niya. Kung noon ay sa picture at sa malayo ko lang siya nakikita ay guwapong guwapo na ako sa kanya. Ngayon pa kayang nasa malapit lang siya at malaya kong napagmamasdan. Kakaiba ang taglay niyang kaguwapuhan at karisma. Mas matindi sa personal. Napalunok ako habang nakikita ko ang paggalaw ng adams apple niya habang umiinom siya. Napapunas ako sa pawis na bigla na lamang tumulo mula noo ko. Bakit biglang naging mainit? "Want some?" Inalok niya sa akin ang bote ng alak. Napatitig ako doon. Ininuman na niya iyon. Kung iinuman ko, gugustuhin ba niyang malalawayan ko iyon? Laway? Uminom siyang una roon. Hindi ba nalawayan na rin niya iyon? "Ayaw mo?" "Huh? No. Este, g-gusto ko," ika kong nataranta. Kinuha ko mula sa kamay niya ang bote at tinungga rin iyon. "Akala ko ayaw mo," pahayag niya. "Though that was an indirect kiss..." Nasamid ako at naubo sa sinabi niya. Hindi pa ako nakakahuma ay inagaw na niya sa akin ang bote at siya naman ang uminom doon. Laglag na lang ang panga ko. "Maybe you're wondering why I choose you," saad niya pagkababa ng bote. Walang pakundangan kong kinuha muli sa kanya iyon. Wala na akong paki sa sinasabi niyang indirect kiss na iyon. "Bakit nga ba?" tanong ko muna bago ko tinungga ang bote. Hindi siya nagsalita. Pinanood lamang niya akong uminom. Parang hinintay niya akong maibaba ang bote bago muling magsalita. Ngumiti siya. "Sa lahat ng nandoon, you stood out," panimula niya. Hindi ko mapigilang pagak na matawa. Napatigil lang ako nang magpatuloy siya. "Sa lahat ng nandoon, maging sa mga Ibang campus na napuntahan ko, all the girls doll up. Nagpapaganda sila, dress to kill to impress me. Para mapansin ko sila. But, I don't like that. I don't like girls with heavy make up in their faces. I want the kind of girl that is innocent and simple..." Humarap muli siya sa akin. "And when I met your eyes, something tells me that you are different..." Nakagat ko ang pang ibabang labi ko habang nakikinig sa kanya. At mas lalong dumiin ang o pagkakagat ko nang bumaba ang tingin niya doon. "Innocent, simple but..." Umikot siya at mas lalong humarap sa akin. Kahit pa nga nakaupo pa kami. Hinawakan niya ang balikat ko. "Beautiful and seductive..." Napalunok ako. Parang may mga naghahabulang kabayo sa dibdib ko. "H-hindi ako maganda..." "You are..." Marahas akong napailing. "Anais..." Napatigil ako sa pag-iling nang tawagin niya ang pangalan ko sa paraang sensual. Nakatitig pa rin siya sa mga labi ko. "You always bite your lips..." Lumunok ako. Bakit pakiramdam ko ay pinagnanasahan niya akong halikan? "Can I have a taste?" "Huh?" Hindi ko alam. Nakakabobo at nakakabingi ang t***k ng puso ko. Parang malabo na rin ang judgement ko sa mga dapat ikilos. Dahil ba ito sa alak? "Can. I. Have. A. Taste," ulit niya sa tanong niya. Sa pagkakataong iyon ay mabagal at iniisa-isang bigkasin ang bawat salita. "I told you a while ago. Hindi kita pipilitin sa ayaw mong gawin. That's why, I'm asking your permission..." Hindi ko siya pinatapos magsalita. Umangat ang kamay ko sa pisngi niya at dinampian ko siya ng halik sa labi. Dampi lang ang balak ko pero bago ako makalayo ay napigilan na niya ako sa ulo. Marubrob niya akong hinalikang muli sa labi. This time, it's not a peck, malalim at mapaghanap ang halik na iyon. At natangay niya ako at nalunod ako sa halik niya. Hindi siya tumigil hanggang hindi ako sumasabay sa galaw ng labi niya. Nang tumugon ako sa halik ay mas lalong naging marubrob iyon. Mas naging mainit. Kung saan kami dadalhin ng halik na iyon ay hindi ko alam. Basta ang alam ko, mas nakakalasing ang halik ni Flynn kaysa sa alak. Nawawala ako sa katinuan. Parang pinasukan ng hangin ang utak ko at ang nilalaman lamang ay ang halik na pinagsasaluhan naming dalawa. A kiss that I never imagine to happen between us.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD