Chapter 6

1567 Words
Halos magwala ang puso ko. Mas lumalim pa ang halik na pinagsasaluhan namin. Natumba na nga kaming dalawa mula sa pagkakaupo. At kahit malamig ang glass floor nang lumapat ang likod ko roon ay tila wala lang. Mas ramdam ko ang init sa aking katawan. Init na gustong kumawala. Hindi ko alam kung dahil sa alak iyon o dahil sa mas nakakalasing niyang halik. Napasinghap ako nang mula sa aking mga labi ay umangat ang mukha niya. Papunta ang labi niya sa akong noo, pababa sa aking ilong, hanggang sa mahanap niyang muli ang mga labi ko. Tuluyan na akong napayakap sa kanyang batok. Nakakalasing ang damdaming tumutupok sa aking pagkatao. Hindi ko mapigilan iyon. Hindi ko kayang sukilin ang damdaming gustong sumabog sa pagkatao ko. Gusto ko ang nangyayari kahit pa isigaw ng kaunti pang katinuan sa utak kong mali ang ginagawa ko. Na baka ako rin ang magsisi sa huli. Dahil totoong mali naman iyon! Ni-block ko ang isiping iyon. All I wanted was to feel good. We need to feel good. If this is a dream. I want to stay in this dream forever. Ayaw kong harapin ang bukas dahil alam kong mas malaking pasakit pagkatapos nito. Napaliyad ako at napapikit nang ang labi ni Flynn ay naglandas sa aking leeg. Kakaibang kiliti ang hatid noon sa katawan ko. Nakakabaliw na damdamin. Napamulat lamang ako nang maramdaman kong tumigil siya. Nang magmulat ako ng aking mga mata ay agad na nakasalubong ko ang maiitim niyang mga mata. Nakatitig sa akin. "D-do... you want me to continue, Anais?" tanong niyang naninimbang. Hindi ako agad sumagot. Tumitig lamang ako sa mga mata niya. Sa unang pagkakataon simula noong magkasama kami, ngayon ko lang nabasa ang nilalaman noon. Lust... Punong puno ng pagnanasa ang mga mata niya. Ramdam ko rin ang matigas na bagay na iyon sa kanyang baba. Nakadagan siya sa akin at hindi maikakailang kahit pinipigilan niya ang sarili, hirap na hirap na siya. Mabagal akong tumango. Nang bumabang muli ang mga labi niya sa aking leeg ay napatagilid ako. Kasabay ng pagtulo ng luha ko. Muli akong nilukuban ng init sa katawan. Naging mas mapusok at mas mainit ang mga halik at haplos ni Flynn sa akin. Para akong tuyong dahon at siya ang posporo. Nagningas ang apoy sa pagkatao ko dahilan upang mawala na ako ng tuluyan sa aking sarili. "Let's go inside," bulong ni Flynn habang binibigyan ng mumunting halik ang teynga ko. Hindi ko alam kung kaya ko pang tumayo at maglakad. Mukhang nahulaan naman niya iyon dahil pagkatapos niyang makatayo ay hinila niya ako. Ngunit nang makatayo na ay agad niya akong pinangko. Nagtaka pa ako dahil binuksan niya ang pintong nasa malapit sa amin. Hindi ko akalaing may sliding door pa rin doon. Natatakpan kasi ng kurtina sa loob. Saka ko na lamang napagtantong silid ang kabilang bahagi nang makapasok na kami. Maingat akong ibinaba ni Flynn sa kama. Pagkatapos ay binuksan niya ang nightlight sa side table, siyang naging tanglaw namin sa isa't isa. Nakasunod ang mga mata ko sa bawat galaw ni Flynn. Nanlaki pa nga ang mga iyon nang makita kong hinuhubad na niya ang damit niya. Napalunok ako nang ilang beses. Gusto kong ilayo ang paningin ko pero parang may magneto naman siya. Hindi ko magawang umiwas. Kabado pero mas lamang ang excitement sa sistema ko. Lumapit siyang muli sa akin sa kama. Sa taranta ko ay umangat bahagya ang katawan ko. Nakatukod ang magkabila kong siko sa malambot na kama. Kinuha niya ang kaliwang kamay ko. Idinampi niya iyon sa kanyang dibdib. Pababa sa kanyang tiyan, at pababa pa. Nakasuot pa siya ng kanyang pantalon. Pero nang dumapo ang kamay ko sa gitna niya ay ramdam at kita ko ang malaking umbok roon. Tila may gustong kumawala. "You made it angry," anas niya. Kay sexy ng boses na pumaibabaw sa buong silid. Like he was seducing me or singing with passion and lust. Hindi ko na alam. Nababaliw ako sa lakas ng t***k ng puso ko. Napatanong din ako kung...excited ba ako? "P-paano ko iibsan ang galit niya kung ganoon?" anas ko. Ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi. Ako pa ba ang nagsasalita? "He wants to be free, Anais..." Napalunok ako. Tuluyan na akong naupo sa kama habang nasa harapan ko siya. Sa pagkakatayo niya at pagkakaupo ko, pantay ang mukha ko sa pagitan ng mga hita niya. Nanginginig ang mga kamay kong tinanggal ang pagkaka-buckle ng sinturon niya. Tumingala muna ako sa kanya. Nakadungaw siya sa akin at pinapanood ang bawat galaw ko. Muli kong hinarap ang tinatanggal kong sinturon. Nang tuluyang matanggal iyon ay ang pantalon naman niya ang hinawakan ko. Nanginginig pa rin ang kamay ko nang hinahanap ko ang zipper sa pantalon niya. Ibaba ko na sana iyon nang pigilan niya ang mga kamay ko. Agad niya akong ipinahiga at dinaganan. "Just let me take over," saad niya bago muling mapusok na sinakop ang mga labi ko. Kasabay ng kapusukan ng mga kamay niyang pumasok sa loob ng suot ko. Napasinghap ako nang sakupin ng kamay niya ang umbok ng aking dibdib. May tela pang tumatabing roon pero kakaibang kiliti at takot ang hatid sa akin. Mas nangibabaw nga lamang ang pagnanasa. Ang kagustuhang mapagbigyan si Flynn. Bumigay kay Flynn. Ang lalaking pinangarap ko at hinangaan. Mapusok ang bawat galaw niya sa ibabaw ko. Mas lalong nagningas ang apoy na bumabalot sa aming dalawa nang tuluyan ng mahubad ang aming mga saplot. Parehong dama ang init ng katawan ng isa't isa. Kinilabutan ako nang mas maramdaman ko ang galit niyang sandata na ngayon ay nakawala na sa hawla. Tumutusok iyon sa aking puson. Napakapit ako sa balikat niya nang maramdaman kong hindi na lamang halik ang ginawa niya sa leeg ko. Nakaramdam kasi ako ng hapdi. Hindi ako pinanganak kahapon para hindi ko alam ang nilagay niya sa leeg ko. A kiss mark. Wala akong karanasan at wala akong naging boyfriend sa takot ko sa aking inay. Kuntento na ako sa poster ni Flynn na siyang tanging lalaking nakaagaw ng aking pansin. Lalaking gusto ng aking puso. Lalaking ginusto kong pagbigyan ng sarili ko. "I'll mark you as mine." Hindi ko na alam kung anong totoo sa narinig ko. Nagdedeliryo na yata ako sa kakaibang karanasang ipinalalasap sa akin ni Flynn. Hindi ko alam kung anong nasa isip niya pero gusto ko rin marating ang gusto niyang puntahan. "I'll make you mine now, Anais," namamaos niyang anas. Inihanda ko ang aking sarili nang pumuwesto siya sa gitna ko. Pinuno ko ng hangin ang dibdib ko. I became stiff as he plunged slowly into mine. "Relax, baby. It's going to hurt a little, but I promise, you will find heaven..." Kinintalan niya muna ako ng halik sa labi. Parang paraan niya iyon upang tanggalin sa isip ko ang gagawin niyang pag-angkin sa akin. Naging matagumpay siya dahil saka ko na lamang naramdaman ang kirot nang nasa loob ko na siya. It's unbearable. Parang binibiyak ang kalahati ng katawan ko mula sa balakang pababa. Hindi ko alam kung dahil ba virgin ako o dahil malaki siya. I feel so full inside. "Hmmmm," daing ko nang subukan niyang kumilos. Napayakap ako sa batok niya at hindi mapigilang mapaluha. "D-do you want me to stop?" nahihirapan niyang tanong. Gusto ko ba siyang tumigil? Kung sa sakit ay parang ayaw ko ng ituloy pa. Pero naroon na kami. Ituloy man namin o hindi ay naroon na kami at nakuha na niya ang iningatan ko ng labing siyam na taon. "Please, make me feel good..." anas kong bulong. Sinubukan kong igalaw ang balakang ko kahit pa sumigid ang sakit sa aking gitna. "I will, baby. I will. I promise, after this pain, you will feel heaven..." Tiniis ko ang saglit na sakit. Tiniis ko at hindi dumaing. Hanggang sa maramdaman kong unti unting napawi ang sakit. Unti unting napalitan ng kakaibang pakiramdam. Kakaibang kiliti. At ang bagay na tila pumupuno sa aking puson na gustong sumabog. "Ah..." Gusto kong sumigaw. May gusto akong marating pero hindi ko alam kung ano. All I want him to do is bring me there... Mabilis at mapusok ang bawat galaw ni Flynn sa ibabaw ko. Tila pareho kaming may hinahabol. Hanggang sa marating nga namin ang tuktok ng aming pagnanasa. Narating ang tugatog ng kasiyahan sa aming pag-iisa. Hinihingal siyang bumagsak sa ibabaw ko. Dama ko ang bigat ng katawan niya ngunit hindi ako nagreklamo. I still feel his throbbing thing inside me. Hindi iyon nahugot kahit na nilabasan na kami pareho. Akala ko tapos na, until I feel his thing getting bigger and hard again. "I'm sorry, Anais, but I want you again..." anas niya. Wala akong nagawa kundi magpaubayang muli. Ipaubaya ang katawan maging puso ko. Kahit sa sandali lamang na iyon. Marahas man niya akong inaangkin. Ramdam ko naman na may halaga ako sa kanya. That he needs me. Na may taong nangangailangan sa akin. Nakita ako ni Flynn sa paraang hindi ako nakikita ng iba. He is a celebrity pero nagawa niya akong makita kahit sa ilang babaeng naroon at naggagandahan. Masasabi ko rin na hindi lamang para sa kasikatan ang ginawa niya. Walang camera na nakasunod at nakatutok sa amin noong una pa lang. Tumakas siya sa mga fans kasama ako. He needs me... Kung sa paraang pisikal man iyon ay masaya na rin ako. I will treasure this moment when he needs me...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD