Chapter 8

1859 Words
"Hello." Pinigilan kong bumulalas ng iyak habang rinig ang baritonong boses ni Flynn. Ilang ring lang iyon at heto siya, sinagot agad ang tawag ko. "Anais?" mahinang tawag niya sa pangalan ko. Doon ay bigla akong nahiya. Nasa trabaho pala siya at busy siyang tao. Ang kapal naman ng mukha kong humingi sa kanya ng tulong. Ang kapal ng mukha kong isiping sa mga nangyari, puwede niya akong tulungan at puntahan agad. Agad kong pinatay ang tawag na hindi nagsasalita. Pero wala pang isang minuto ay tumatawag na si Flynn sa akin. Napatitig ako roon. Hindi ko alam kung sasagutin ko iyon o balewalahin na lamang. Pero isang text ang sinend niya sa akin. "Take my call, Anais." Napalunok ako at pilit kinalma ang sarili nang sagutin iyon nang tumawag siyang muli. "Are you okay?" agad na tanong niya dahilan upang mapaluha akong muli. Pero hindi niya puwedeng nalaman ang pag-iyak ko. Ang kalagayan ko ngayon. Hindi ako importante para bigyan niya ng panahon. "Huh? o-oo okay lang ako," sagot ko. Sinusubukang hindi paggaralgalan ng boses. Kahit na halos gusto ko ng pumalahaw ng iyak dahil muling nanikip ang dibdib ko. Ang bigat ng dibdib ko. "Sorry, napindot ko kanina. S-sige na, papatay..." "Wait!" Napatigil ako sa gagawing pagpatay sana sa call niya. "Are you crying?" Nanginig ang kamay kong nakahawak sa telepono. Nahimigan niya ba ako? Akala ko ay magaling ko na iyong itinago. "H-hindi..." Gusto kong pabulaanan pero pumiyok ang boses kong nagpatibay na umiiyak nga ako. "Where are you?" Hindi ko alam pero parang napakalas ng pagsasalita niya. May mga nauulinigan din akong mga boses sa paligid habang kausap siya. "Tell me where are you! Pupuntahan kita..." "O, Flynn, hindi pa tayo tapos," aniya agad ng boses babae sa kabilang linya kung nasaan si Flynn. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil sa guilt na nadistorbo ko siya sa kanyang trabaho. "Tell me where are you now, Anais, " muling ika niya. Hindi pinansin ang kausap. "Huwag na..." "You tell me or I'll be going around just to find you!" Kinain ako ng guilt ar the same time, hinaplos ang puso kong natatakot dahil sa concern na mababanaag ko sa kanyang boses. Pero naisip ko, hindi siya dapat kung saan-saan nagpupunta dahil celebrity siya kung totohanin niyang hahanapin nga ako kung saan-saan. "Ana..." "Ako na lang ang pupunta sa hotel. Hihintayin kita sa underground parking. Pero tapusin mo muna ang trabaho mo," sabi ko bago ibaba ang tawag. Hindi ko rin naman alam kung paano makakarating doon. Wala akong ni sentimong pera. Napatitig ako sa aking cellphone. Hindi ko man gusto, pero siguro, may halaga pa iyon kahit pamasahe lang. Wala akong magawa kundi ibenta iyon. Kinuha ko lang ang simcard at tinanggal ang mga larawan. Maging mga contacts na sa mismong cellphone na naka-save ay ni-delete ko. "Magkano po ninyo bibilhin ito?" tanong ko sa nagbebenta ng cellphone sa eskinita. Tinignan niya ang cellphone ko. "Two hundred," sabi niya. Medyo nagulat ako sa baba ng halaga na gusto ?iyang bilhin ang cellphone ko. Binili ko iyon sa halagang limang libo at ang tanging makukuha ko lang ay dalawang daan? "Kuya, puwedeng limang daan? Luma na ito pero alagang alaga ko..." tawad ko sa kanya. Muli niyang tiningnan ang hawak ko. "Three hundred. Kunin mo o hindi, wala akong pakialam. Baka nga ninakaw mo din lang iyan eh," sabi pa niya. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko at nasaktan sa naging pahayag niya sa pagkatao ko. Gusto ko nalang tawanan ang aking sarili. Ano nga ba naman ang itsura ko ngayon? Hindi lang ako mapagkakamalang magnanakaw kundi pulubi pa. Napatitig ako sa cellphone na pinaghirapan kong mabili. No choice akong ibenta iyon sa ganoong halaga. Kailangan ko ng pera. Nakarating ako sa underground parking dahil sa tatlong daan na pera ko. Muntik pa akong hindi pinapasok ng guwardiya ngunit nang sabihin kong pakay ko si Flynn at ako ang kasama niya kagabi ay hindi pa niya ako papayagang makapasok. Naniwala siya nang sinabi ko about sa elevator na siyang papunta talaga sa suit ni Flynn. Habang hinihintay si Flynn ay napaupo ako sa semento. Yakap ko ang tuhod ko at nakayuko. Hindi ko alam kung hanggang anong oras ko hihintayin doon si Flynn pero mas okay na rin na maghintay roon. At least masasabi kong ligtas ako. Hindi ako masusundan ni inay at hindi niya malalaman kung nasaan ako. Nanatili akong nakayukyok at inaantok. Nakatukod na ang ulo ko sa aking mga tuhod. Nang may maramdaman akong nagpatong ng kung anong bagay sa likuran ko. Tumingala ako. Ewan ko pero hindi na ako nagulat nang magtagpo ang mga mata namin ni Flynn. Ang mga mata niya ay nakatitig sa akin. Puno iyon ng pag-aalala maging ng awa. Kinakaawaan niya ako. "What happened to you?" malumanay ang pagkakatanong niya ngunit sa tuwina ay may diin. Hindi ako sumagot bagkus, pinilit kong makatayo ngunit muntikan na akong matumba. Buti na lang at maagap niya akong nahawakan. "Let's go. Doon na tayo mag-usap," aniya. Inalalayan akong makatayo ng mas maayos. Pagkatapos ay magkaagapay kaming pumunta sa elevator. Napansin kong finger print niya ang gamit upang bumukas ang elevator. Maging ang papunta sa floor ng suit niya ay finger print niya ang gamit. Kaya pala walang ibang makakapunta roon dahil siya lang ang nakaka-access. "S-salamat, Flynn..." halos pabulong ang pagkakasabi ko. Malaki talaga ang pasasalamat ko dahil ginto ang puso niya. Kung iba siguro ay ipinagtabuyan na ako. Wala siyang obligasyon sa akin. Kung sa nangyari sa amin ay ginusto ko naman iyon. Wala akong pinagsisihan. Gusto kong pigilan ang emosyon pero gumaralgal ang boses ko. Nakaakbay pa rin siya sa akin habang umaandar ang elevator. Yumuko ako at napatingin na lang sa sahig ng elevator habang walang humpay na naman na nag-unahan ang mga luha ko sa mga mata. Nararamdaman ko ang mabibigat na titig ni Flynn maging ang sunod-sunod niyang pagbuntong hininga. Hindi ko siya magawang tingalain. Ayaw kong makita ang awa sa mga mata niya. Lalo ko din lang kaaawaan ang sarili. Hahakbang na sana ako nang bumukas ang elevator. Nagulat ako nang bigla akong pangkuin ni Flynn. Kusang napayakap ang mga kamay ko sa kanyang batok. "Maybe, it hurts to walk with your bare feet full of wounds. Let me carry you." Hindi na ako umangal pa. Bagkus ay mas isiniksik ko pa ang sarili ko sa kanya. Mas humigpit ang pagkakayakap ko sa batok niya at inihilig nang mabuti ang ulo sa kanyang dibdib. Hindi ko mapigilang mapansin ang mabango niyang amoy. Pinaghalong scent iyon ng pabango at natural na amoy ng kanyang katawan. Ang bango-bango niya samantalang ako? Napakarumi ko at pawis na pawis. Pero wala na akong lakas para ilayo ang sarili sa kanya. Pumikit ako dahil tama siya, pagod ang katawan ko, hindi lamang iyon, maging sa emosyonal na aspeto ay pagod na pagod na ako. Maging noong ibaba niya ako ay nanatili akong nakapikit. Saka na lamang ako nagmulat ng mga mata nang maramdaman kong papaalis siya. Tanging likod na lamang niya ang nakita ko papasok sa silid niya. Nanginginig na naman ang mga labi kong pinipigilan ang iyak. Iniisip ko kung anong mangyayari sa akin ngayon? "You need to..." Agad kong pinahid ang mga luhang lumandas sa pisngi ko habang napaupo nang maayos. Napatingala ako sa kanya habang papalapit siya sa akin. Bumaba siya para pantayan ako sa pagkakaupo. Pinahid niya ang namamasa ko pang mga pisngi dahil sa luha. "I prepared you a bath. You need to soak and after that, let me cure your wounds," sabi niyang hinuli ang mga mata ko. Hindi ako nakasagot. Dahil pakiramdam ko, kapag nagsalita ako, iiyak na naman ako. Tumayo siya. Hindi na ako nagulat nang muli niya akong pangkuin at dalhin sa banyo. "Take off your clothes," utos niyang hinawakan na ang laylayan ng t-shirt kong punit. Nakatitig siya sa akin at ganoon din ako sa kanya. Magkahinang ang mga mata namin habang hinahayaan ko siyang tanggalin ang damit ko. Hindi ko nagawang magprotesta maging noong tanggalin niya ang pang-ibaba kong saplot. Naging sunod-sunuran ako sa lahat ng kilos niya. Nang hubo't hubad na ako ay muli niya akong pinangko at dahan-dahan na nilubog sa bathtub. Napapikit ako nang maramdaman ang maaligamgam na tubig sa katawan ko maging ang malakas na kabog sa aking puso. Hindi ko na siya magawang titigan ngayon. Tila kasi nakahain ako sa kanya at anumang oras ay puwedeng puwede niya akong angkinin. "Soaking will help. Stay here for a while," sabi niyang naramdaman kong naupo sa side ng bath tub. Hinaplos niya ang ulo ko. "Don't think of something else," aniyang dahilan upang pamulahan ako ng pisngi. Narinig ko siyang humalakhak nang mahina. Nang maramdaman ko ang mga yabag niyang paalis ay saka pa lamang ako nagmulat ng mga mata. Napabuntong hininga ako. Tama si Flynn, nakatulong ang maaligamgam na tubig. Naibsan ang pananakit ng katawan ko. Parang gusto ko na lang din ilubog ang buong katawan ko. Lunurin ang sarili ko para mawala na ang sakit. Pagak akong natawa sa sarili. Iniisip ko na ba ngayon na mamatay na lang? Iniisip ko bang sumuko na lamang at huwag ng lumaban? Lumaban naman ako ng dalawampong taon. Bakit ngayon pa ako susuko? Ilang sandali ay naramdaman kong lumalamig na ang tubig. Aahon na sana ako nang muling bumalik si Flynn. May dala itong tuwalya at damit. Napansin ko rin na hindi pa siya bihis hanggang ngayon. "I don't have ladies clothes here so you will wear mine," sabi niya. Nakangiti siya sa akin. Ang ngiting naging dahilan pa para kahit papaano ay maibsan ang bigat sa dibdib ko. Muli siyang lumapit sa akin. He scoop me from the water. "Mababasa ka..." Gusto kong magprotesta pero agad niyang sinakop ang mga labi ko. Para akong malulunod sa halik na iyon. Hindi niya tinigilan ang paghalik sa akin hanggang sa hindi kami makarating sa walk in shower. Doon ay ibinaba niya ako. Namamangha ang titig ko sa kanya nang maghubad siya sa mismong harapan ko. Nakangisi naman siya habang nakatitig din sa akin. Masaya siyang nakikita ang itsura ko. Kahit sa mukha niya ako nakatingin ay hindi ko maiwasan mapansin ang katawan niya maging ang bahaging iyon ng kanyang katawan. Napalunok akong umiwas ng tingin sa kanya. "Let's take a bath," anas niya nang lumapit siya sa akin. Iginiya niya ako. Nasa likuran ko siya at ramdam na ramdam ko ang katawan niyang sinasadya niyang ilapit sa akin. Napasinghap ako nang abutin niya ang pihitan ng shower para i-turn on iyon. Paano ay mula sa puwetan ko ay ramdam ko ang matigas niyang kaibigan. Hindi ko alintana ang malamig na tubig na unang bumuhos sa mga katawan namin. Ang buong atensiyon ko kasi ay na kay Flynn at sa bawat kilos niya. "Don't be so stiff. Like I said, I will not do something you don't like, Anais. If you say stop...I'll stop," bulong niya. Napalunok ako. Nanatili akong tahimik. Nang sabunin niya ang katawan ko ay hinayaan ko. I don't feel harass by him. He was gentle caressing my skin. Pinaliguan niya ako. Sabay kaming naligo pero siya lamang ang gumalaw para malinisan ang katawan naming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD