Mainit na pakiramdam ang gumising sa kamalayan ko.
No'ng una ay nagtataka pa ako kung bakit parang sinisilaban ang katawan ko at bakit nakikiliti ako sa mga sensitibong bahagi nito.
Nang bahagya luminaw ang isip ko ay agad kong naalala ang nangyari kagabi at sino ang kasama ko.
Kasabay nang pagmulat ko ng sariling mga mata ay ang pagpakawala ko ng isang nasasarapang ungol dahil sa biglang pagbaon ni Dax sa kaibuturan ko.
"Ang aga-aga," nagrereklamo kong usal na nauwi sa impit na hiyaw.
"Tanghali na, babe," naaliw na pahayag ng lalaking nakakubabaw sa'kin at nagsisimula nang bumayo.
"I hate it," salubong ang kilay kong saad.
"Hate this?" nakataas ang kilay niyang tanong habang marahas na sinagad ang buong laki niya sa loob ko.
Umani ito ng mahabang ungol ang ginawa niya bago ko pa nagawang magsalita, "I hate it when you call me baby or babe." Umirap pa ako sa kanya.
"Okay, babe," tila nananadya niyang tugon.
Nang muli akong bumaling sa kanya ay sinalubong na ako ng mga labi niya. Mabilis naman agad ang ginawa kong pagtugon at ilang sandali pa lang ay nagpakasasa na kami sa piling ng bawat isa.
Mula sa kama ay nagpatuloy kami sa loob ng banyo, sa ilalim ng shower, sa bathtub at muli ay tinapos namin sa kama.
Para kaming uhaw na uhaw sa isa't isa at halos nakalimutan ko na nga na birthday ko pala ngayon at kailangan kong umuwi para sa hinahandang party ng pamilya ko.
Parang mas gusto kong manatili rito sa tabi ni Dax. Kapag hindi niya suot ang school uniform niya ay nakakalimutan ko ang agwat ng edad namin. Mabuti na lang talaga at tuwing inaangkin niya ako ay pareho kaming walang saplot sa katawan.
"So, bakit senior high ka pa gayong twenty-one ka na?" naisipan kong itanong habang pareho kaming kumakain.
Nagpahatid kami ng pagkain dito sa penthouse kaysa kumain sa restaurant ng hotel.
Ayokong may makakita sa'kin kasama ang isang batam-batang lalaki lalo na at mas excited pa sa'kin ang mga kamag-anak ko na magkaroon ako ng boyfriend. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon nila kung sakaling malaman nila na sugar baby ang natagpuan ko.
"I have my rebellious days," kibit-balikat niyang sagot. "Would you believe me if I told you that I was forced to continue my senior high at gunpoint?"
"Ang tapang naman nang gagawa niyon sa'yo," nakataas ang kilay kong saad.
Paano ba naman kasi, sa laki niyang tao ay tiyak na mas mai-intimidate pa ang kung sinong may hawak ng baril.
"Hindi mo pa kilala ang daddy ko,"nakangiti niyang sagot. "Hindi iyon magdadalawang-isip na gumamit ng dahas kung kinakailangan."
Hindi naman siya mukhang may hinanakit sa sarili niyang ama. Sa nakikita kong pagkislap ng mga mata niya habang binabanggit ang ama ay mukhang maayos naman ang relasyon nila.
"Siguro ay gusto ka lang niyang mapabuti," kibit-balikat kong sagot. "Lahat ng mga magulang ay gugustuhing maging maayos ang buhay ng mga anak nila."
Napahinto ako sa akma kong pagsubo nang makita ko ang naaaliw niyang tingin.
"What?" matalim kong sita sa kanya bago itinuloy ang pagsubo.
"You sound like my dad," sagot niya.
Biglang naningkit ang mga mata ko dahil para na rin niyang sinabing mukha niya akong nanay. Pagkatapos nang nangyari sa'min ay sa huli, lilitaw pa rin talaga ang pagiging mas may edad ko kaysa kanya.
"Sorry but I'm not your mother," maanghang kong sabi.
"Hindi ako mawawala sa sarili ko kagabi kung iniisip kong ikaw ang mommy ko," natatawa niyang sagot. "At hindi rin ako titigasan nang ganito."
Hindi ako nagpakita ng kahit na anong reaksiyon nang basta na lang niya kinuha ang kamay ko at pinatong sa kandungan niya.
"See? I'm not into incest... I'm just into something else." Simpatiko niya akong kinindatan kaya mabilis na nawaglit sa isip ko ang huli niyang sinabi.
Akmang babawiin ko ang sariling kamay mula sa kandungan niya pero mas idiniin niya pa ito roon.
"Let go," nandidilat kong utos sa kanya.
"I want you," prangka niyang pahayag.
Hindi ako nakakilos sa kinauupuan ko nang dumukwang siya palapit sa'kin upang kintalan ako nang magaang halik sa mga labi.
"You're driving me crazy, Alex," paanas niyang usal nang pakawalan ang mga labi ko.
"I'm not into younger men, Dax," mahina kong sagot.
Napakasinungaling ko talaga! Huli na yata para umasta akong umaayaw!
"Are you into older men then?" nangingislap ang mga mata niyang tanong. "I won't mind because I'm going change your mind anyway."
One second ay nakaupo pa ako, pero iglap lang ay nasa kandungan na niya ako at mapusok na magkahinang ang mga labi namin.
Ganito ba talaga kapag bata? Masyadong mapusok at magaling magpainit. Ginigising niya ang nahihimbing kong kahalayan sa katawan. Medyo mahapdi pa iyong kaselanan ko dahil sa pinaggagawa namin pero gusto ko na ulit maramdaman kung paano mabaliw sa mga bisig niya.
Pareho na kaming darang na darang sa pagnanasang nararamdaman nang biglang may malakas na tumikhim mula sa b****a ng mini kitchen nitong kinaroroonan naming penthouse.
Gulat akong napahiwalay mula sa pakikipaglaplapan kay Dax pero hindi ko na nagawang umalis sa kandungan niya.
Nang mag-angat ako ng tingin sa taong hindi ko namalayan kung kailan sumulpot ay unang sumalubong sa'kin ang matalim nitong tingin bago ko tuluyang napagtanto kung sino ito.
"Vaughn Gabriel Mercer," nagtagis ang mga bagang kong sambit sa buong pangalan ng aroganteng lalaking nakatayo ilang hakbang mula sa kinaroroonan namin ni Dax.
Hindi ko mapigilang mapamura sa isip ko dahil ni minsan ay hindi ko inaasahang darating ang araw na makaharap ko ang isang Mercer habang nasa ganitong nakakaeskandalong sitwasyon ako.
Nakita ko ang bahagyang pagtaas ng sulok ng mga abi ni Vaughn Gabriel Mercer habang tahasang pumasada sa'kin ang maiitim nitong mga mata.
"Don't you know how to knock?" paasik kong tanong dito.
Hindi ibig sabihin na pag-aari nito ang hotel na kinaroroonan ko ngayon ay pwede na ito basta-bastang pumasok. Kahit naman isa akong Carson at magkalaban ang pamilya namin sa negosyo ay may karapatan naman siguro ako sa sarili kong privacy kahit na nandito ako sa hotel niya dahil isa pa rin akong paying customer!
"You know each other?" nagtatakang tanong ni Dax.
"This is his hotel," mapakla kong sagot bago tinangkang umalis mula sa pagkakaupo sa kandungan niya.
The key word is tinangga, dahil hindi ko iyon tagumpay na nagawa. Pinigilan ako ni Dax na gawin iyon gamit ang isa niyang kamay.
Sinamaan ko siya ng tingin dahil gusto ko ay nakatayo ako habang kakausapin ang isang Mercer.
"Let go," utos ko kay Dax.
Napansin niya siguro na seryoso na ako kaya hinayaan niya akong tumayo. Ramdam ko ang bahagyang pagbuway nang tayo ko kaya pasimple akong humawak sa matigas na balikat ni Dax.
Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagtuon doon ng tingin ni Vaughn Gabriel na para bang nahulog siya sa malalim na iniisip habang nakatingin sa kamay ko na nasa balikat ni Dax.
Iniisip niya ba na masyadong bata si Dax para sa akin?
Lihim na nagtagis ang mga ngipin ko at tumalim ang pagkakatingin ko sa kaharap.
"Guest pa rin ako rito, Mr. Mercer, kaya sana ay igalang ni'yo ang privacy ko," matalim kong pahayag.
Agad namang bumalik sa mukha ko ang atensiyon nito.
"This is the penthouse, Alex," balewala niyang sagot.
"I can afford this," matigas kong tugon. Pinalampas ko na ang walang pangingimi niyang pagtawag sa'kin sa pangalan ko.
Naiinis talaga ako sa kanya kahit na wala pa siyang ginagawa. Siguro dahil pakiramdam ko ay napaka-intense ng presensya niya. Ewan ko ba pero kahit na ang simple niyang pagtayo ay nakaka-intimidate na. Hindi lang dahil sa malaki niyang katawan kundi ay dahil na rin sa awra niya, nagsusumigaw ang awtorida niya.
Hindi ito ang unang beses na nagkrus ang landas namin, at tuwina ay tumataginting na Alex ang tawag niya sa'kin sa halip na Miss Carson. Sinadya ko ngang laging binubuo ang pangalan niya upang tigilan na niya ang kaka-Alex sa'kin pero hindi pa rin iyon nagbabago!
Matapang akong nakipagsukatan ng tingin sa kanya. Hindi ako magpakumbaba dahil nasa teritoryo niya ako.
"But this space is restricted from any guests even from our VIPs," nang-uuyam niyang saad.
Naguguluhan akong napatitig sa mukha niya habang inaarok kung nagbibiro lang ba siya. Paano kami nakapasok dito ni Dax kung restricted pala ito? Niloloko niya ba ako? Nanatili pa nga kami rito magdamag tapos bigla ay naging restricted na agad?
"O baka naman restricted lang ito dahil ako iyong nandito," sarkastiko kong sagot.
"This is restricted from everyone, except from my immediate family," walang gatol niyang tugon.
"Sorry, but we're not family—"
"But you're with my son," putol niya sa pagsasalita ko.
Umawang ang bibig ko sa narinig. Pakiramdam ko ay bigla akong nabingi gayong hindi naman gano'n kalakas ang pagsasalita niya, sadyang nakakapûtang-ïna lang ang rebelasyong narinig ko.
Maang akong napasulyap kay Dax pabalik kay Vaughn.
Parang gusto kong sabunutan ang sarili nang mapansin ko ang resemblance nilang dalawa.
Paanong hindi ko agad napansin sa bulto pa lang ng mga katawan nila at kulay ng mga mata?
Mula sa pagkakaupo ay tumayo si Dax at tuluyang nawala iyong pag-asa ko na niloloko lang ako ni Vaughn Gabriel Mercer. Putragis, parang pinagbiyak na bunga ang mga letse!
"So, magkakilala na pala kayo ni Daddy," kausap sa'kin ni Dax.
"Siya pala iyong daddy mo," napapantastikohan kong pahayag.
Hindi sila mukhang mag-ama, mas mapagkamalan pa nga silang pagkapatid.
"Sorry, hindi ko nabanggit kagabi ang tungkol sa pamilya ko," saad pa ni Dax.
"Yeah, it's a shame we didn't get to know each other last night," sarkastiko kong sabi. "Kung alam ko lang na isa kang Mercer ay sana hindi na tayo nag-uusap ngayon." Tumiim ang anyo bago matalim na bumaling kay Vaughn Gabriel Mercer.
"Bakit? Anong mali sa pagiging Mercer ko?" nagtatakang tanong ni Dax. "Akala ko ba ay edad ko lang iyong issue sa'yo. Pati pala apelyido ko?"
Marahas kong hinarap si Dax at pinaningkitan ng mga mata.
"It's nice meeting you, Dax," malumanay kong wika. Sinabayan ko pa iyon ng matamis na ngiti. "Let's not see each other again," hindi kumukurap kong dugtong.
Lumarawan ang pagkagulat sa gwapo nitong mukha pero bigla rin iyong napalitan ng nakakalokong ngiti.
"In your dreams, sweetheart," nang-uuyam niyang pahayag.
Mahilig talaga siya sa endearment! Naiirita ako!
Bago pa ako nakahuma ay kinabig na niya ako palapit sa kanya at mabilis na sinakop ang mga labi ko. Anumang pagpoprotesta ko ay nilamon na ng mainit niyang halik, at maging ang presensya ng ama niya ay mabilis na nawaglit sa isipan ko.
Kusang pumulupot sa batok niya ang mga braso ko kasabay nang pagtugon ko sa mapusok na galaw ng kanyang mga labi.
Para akong nalasing dahil sa halik niya nang pakawalan niya ang mga labi ko.
"Dad, I wanted you to meet my girlfriend," nakangiti niyang sabi sa tahimik na ama.
Nanlaki ang mga mata ko at akma akong kokontra pero sinibat niya ako nang nanghahamong titig.
"Hindi mo ako girlfriend," tanging nasabi ko.
"After what happened last night, 'girlfriend' is the least fitting label I could give you," aniya. "Remember, we didn't use any protection. Kung sakaling may nabuo tayo ay hindi ka lang basta magiging girlfriend ko."
Mariin kong naikuyom ang kamao. Gusto ko siyang suntukin sa mukha pero ayaw ko namang mabangasan ang kagwapuhan niya. At kung sa katawan ko naman siya susuntukin ay baka ako pa iyong masaktan. Hindi man bato- bato ang muscles niya ay kumpirmado ko na ang pagiging matigas ng mga ito.
"State your objections, Mr. Mercer!" baling ko sa ama ni Dax. "Any violent reaction dahil galing sa kalaban mong pamilya ang girlfriend ng anak mo?" Diniinan ko iyong girlfriend upang ramdam niyang napipilitan lang ako.
"I never consider your family as my adversary," balewalag tugon ni Vaughn. "In fact, what we have is a friendly competition."
Napaingos ako sa sinabi niya. Kailan pa naging friendly competitor ang isang Mercer gayong halos tinatapatan niya ang bawat business strategy na ginagawa namin.
Kung saan may Carson Hotel ay aasahan mong biglang may susulpot na Mercer Hotel. Kung hindi lang totoo iyong nakikita kong gulat sa mukha ni Dax dahil sa pagkakilala namin ng ama niya ay muntik ko nang maisip na nahulog ako sa plano nilang dalawa.
"Mukhang hindi ka yata naniniwala," naaaliw na pahayag ni Vaughn Gabriel nang hindi agad ako nagsasalita. "Sa totoo niyan ay imbitado ako sa birthday celebration mo mamaya. Hindi ko naman inakala na maaabutan ko ang celebrant dito sa penthouse ng hotel ko kasama ang nag-iisa kong anak."
Gusto kong murahin ang sinumang nag-imbita sa kanya!
"Birthday mo ngayon?" gulat na tanong ni Dax. "Damn! Happy birthday!"
Happy birthday indeed!