Akala ko ay aalis na si Vaughn Gabriel matapos ipagyabang sa'kin ang pagiging imbitado niya sa birthday party ko pero parang nananadya ang loko na pumuwesto pa sa receiving area at in-on ang malaking flat screen TV upang manood ng balita.
Wala ba siyang ibang pinagkakaabalahan?
Malinaw kasi na wala siyang planong umalis. Hindi ko naman siya mapalayas dahil hotel niya ito, at ayon nga sa kanya ay pamilya lang niya ang gumagamit nitong penthouse. Ako pa yata ang gusto niyang lumayas.
Naramdaman niya sigurong nakatingin pa rin ako sa kanya kaya lumingon siya sa direksiyon ko. Hindi ko mapigilang makaramdam ng pagkailang nang tumiim ang titig niya sa'kin.
Bigla akong naasar nang tinaasan niya ako ng kilay bago ibinalik ang tingin sa pinapanood na balita.
Hindi naman ako mapanakit na tao, maliban nga lang sa paminsan-minsan kong paglalambing sa mga kapatid kong lalaki na may halong pisikalan, pero habang tinitingnan ko ngayon ang aroganteng mukha ni Vaughn Gabriel Mercer ay nangangati akong bangasan siya. Para naman kahit papaano ay mabawasan ang nakakainis niyang ekspresyon doon.
"Sa tingin mo ay magkamukha kami ni Daddy?"
Marahas ang ginawa kong paglingon kay Dax nang magtanong siya. Naningkit ang mga mata kong tumuon sa mukha niya.
Bakit nga ba hindi ko napansin no'ng una ang pagkakahawig niya sa kanyang ama? Unang pumasok pa talaga sa isip ko ay kung gaano siya kagwapo at hindi ko man lang naalalang may kamukha siya!
Pero hindi ibig sabihin na nagugwapuhan ako sa kanya ay iyon na rin ang nararamdaman ko sa kanyang ama. May something kay Vaughn Gabriel na kahit ang simpleng paghinga lang nito ay nagpapakulo na sa dugo ko.
Siguro ay dahil minsan na ako nitong naagawan ng kliyente. Hinding-hindi ko iyon makakalimutan dahil unang trabaho ko iyon sa Carson Empire Hotel, pero pumalpak pa talaga ako dahil sa kanya.
Simula noon ay tinuturing ko na siyang personal na kaaway, hindi dahil kakompetensya namin ang hotel niya kundi ay dahil hindi maganda ang unang impression ko sa kanya.
"Ang malas mo lang dahil hindi mo naging kamukha ang nanay mo," mapakla kong sabi kay Dax.
Naaliw niya akong tinawanan. Naikuyom ko ang kamao ko upang pigiling magbigay ng reaksiyon lalo na at may kung anong pumitlag sa loob ko habang pinagmamasdan ang nangingislap niyang mga mata.
"Pero sa tingin ko ay mas mabuting si Daddy ang kamukha ko," nakangiti niyang wika. "Weakness kasi ng mga babae ang ganitong mukha," pagyayabang niya pa sa'kin.
Napapantastikohan ko siyang nginitian. Hindi ko pinahalata na may katotohanan ang sinabi niya. Personal kong na-experience kung papaano mawalan ng lakas ang sariling mga tuhod dahil sa lintik niyang mukha at mga titig.
Agad na kumunot ang noo ko nang maalala ang ama niya. Mabuti na lang talaga at hindi gano'n ang naging reaksiyon ko sa isang iyon kahit na magkamukha sila.
Sa totoo niyan ay mas matangkad lang ng isang pulgada si Vaughn Gabriel kaysa kay Dax. Pareho sila ng pangangatawan, malapad ang balikat, namimintig na muscles, matipunong dibdib, at kahit hindi ko nasilip ay sigurado akong katulad ni Dax si Vaughn Gabriel na may abs.
Sila iyong literal na like father- like son, ewan ko lang pagdating sa galing sa kama dahil iyong anak pa lang ang nasubukan ko at wala akong plano sa ama.
Sa halip na magkomento sa huling sinabi ni Dax ay binigyan ko siya nang masamang tingin. Sapat na iyon upang maiparating ko sa kanya na hindi ako kumbinsido sa pinagsasabi niya.
Tutal tapos na naman kaming kumain ay gusto ko nang umalis lalo na at may hindi kami imbitadong kasama.
Napabuga ako ng hangin nang maalalang bathrobe lang ang tanging suot ko ngayon at nasa loob ng silid na ginamit namin kagabi iyong mga damit ko. Tapos na namin itong napa-laundry kanina at kasabay itong dumating ng in-order naming mga pagkain.
Nang pumasok ako sa loob ng silid ay nakabuntot naman sa'kin si Dax.
"Bakit parang galit ka sa Daddy ko?"
Binigyan ko siya nang nayayamot na tingin bago walang kiming nagbihis sa harapan niya. Pilit kong winawaglit sa isipan ang hatid na init ng mga titig niyang nakasunod sa bawat kilos ko.
Lantaran ang ginawa niyang panonood sa'kin hanggang sa tuluyan kong matapos ang pagbibihis.
"Kung alam ko lang na anak ka niya ay sana hindi ko hinayaang makalapit ka sa'kin," nayayamot kong pahayag kapagkuwan.
Dumiretso ako sa vanity table at naupo sa harapan nito. Hindi ko nadala ang bag ko kagabi. Sa sobrang pagkawala ko sa sarili ay hindi ko man lang ito naalalang dalhin. Naiwan ko ito sa bar at ewan ko kung bumalik ba si Vivien at dinala ito pauwi o nandoon pa rin ito sa pinaglagyan ko. Kampante naman ako na hindi ito mawawala sa loob ng bar kung hindi ito mabitbit no'ng ibang customer. Pero high-end bar iyon, wala namang gano'ng klaseng customer ang lugar na iyon.
"But it's too late for that," naaaliw na sagot ni Dax. "Heto na oh, at sobrang lapit na natin sa isa't isa."
Napahinto ako sa pagsusuklay ng buhok ko nang naramdaman ko ang pagpatong ng mga kamay niya magkabilaan kong balikat habang ipinuwesto niya ang sarili sa likuran nang kinauupuan ko.
Nagtagpo ang mga mata namin sa salamin. Yumuko pa siya upang pagtabihin ang mga mukha naming dalawa. Hindi ko maipaliwanag ang puwersang humaharak sa'kin sa itim niyang mga mata kaya hindi ko mabawi-bawi ang tingin mula rito.
"My blue eyed goddess..." paanas niyang usal habang hindi bumibitiw mula sa pagkakatitig sa mga mata ko. "Alam mo bang nagiging madilim na asul ang mga mata na tuwing nasasarapan ka sa ginagawa ko?" paos niyang tanong sa'kin.
Mapang-akit na humaplos ang kamay niya sa braso ko, pataas... pababa. Kasabay niyon ay ang muling pagkabuhay ng init sa katawan ko.
Sa kabila nang pagiging Mercer niya at anak ni Vaughn Gabriel Mercer ay hindi pa rin nagbabago ni nababawasan ang reaksiyon ng katawan ko sa bawat haplos niya.
"Nasa labas lang ang daddy mo," paalala ko sa kanya.
Gustuhin ko mang magtunog matigas ay kusang nagkaroon ng landi ang boses ko. Siguro ay dahil na rin iyon sa epekto niya sa katawan ko.
"He will not mind," saad niya.
Ramdam ko iyong pamimigat ng paghinga niya at bahagyang pagbaba ng boses niya na parang nanunuot sa bawat himaymay ko.
"So, okay lang sa kanya na ang twenty-one years old niyang anak ay pumapatol sa isang thirty years old?" nang-uuyam kong tanong.
May nalalasahan akong pait dahil sa isipin na mukhang sinasamantala ko ang kabataan niya. Kahit nasa tamang edad na siya ay ako ang unang dapat na makapag-isip nang tama sa aming dalawa.
Mali itong ginagawa namin, pero ayaw paawat ng katawan ko at ang bilis magpadala sa tukso.
"You'll ruin my lipstick," walang lakas kong pigil sa kanya nang lumapat ang mga labi niya sa gilid ng mga labi ko.
"You just have to fix it again." Iyon ang naging huli kong babala bago niya tuluyang sinakop ang mga labi ko.
Masyado na akong lunod sa pagnanasa upang pakinggan ang pagpoprotesta ng isipan ko. May sariling isip ang katawan kong tumugon sa bawat haplos at halik ni Dax.
Ilang sandali pa at muling nagsipagliparan ang mga saplot ko sa kung saan-saan.
Sensitibo pa ang katawan ko mula sa huli naming pagniniig kaya konting haplos niya lang ay mabilis niya akong naihanda para sa muli naming pag-iisa.
Pumailanlang ang malakas kong hiyaw nang maramdaman ko ulit ang masarap niyang pagsagad sa kaibuturan ko.
Tulad no'ng huli ay kakaiba ito kaysa mga nauna kong naranasan. Mukhang may kaibahan nga talaga ang sensasyon at sarap sa bawat pagkakataon. Dahil mas malaki ang katawan ni Dax at hamak na mas bata siya ay hindi na ako nagulat sa taglay niyang lakas nang walang kahirap-hirap niya akong patayong inangkin.
Mahigpit na nakapulupot sa baywang niya ang mga binti ko habang nasa pang-upo ang dalawa niyang mga kamay upang umalalay sa bawat pagbayong ginagawa niya.
Halos nakasabunot na ako sa buhok niya habang pilit na sinasabayan ang bawat galaw ng kanyang balakang. Nang lumapat ang likod ko sa dahon ng saradong pinto ay naging lalong mapusok ang ginagawa niyang pagbayo at may kasama pang pag-ikot ng balakang na parang binabarena ako. Hindi tuloy ako magkamayaw sa mga halinghing at hiyaw ko.
Hindi ko na nga alintana ang posibilidad na maaaring marinig ng ama niya na nasa labas ang nakakaeskandalong tunog na pinapakawalan ko.
Hindi ko naman kasi kontrolado ang ungol ko kaya kahit na subukan ko ay hindi ko magawang hinaan o pigilan lalo na at tuwing napapansin ni Dax na iyon ang ginagawa ko ay gumagawa talaga siya ng paraan upang mawalan ako ng kontrol.
Walang dudang eksperto siya sa ganitong bagay, lalo na at kayang-kaya niyang darangin nang ganito katindi ang sarili kong katawan at katinuan.
"Worth it ang pagliban ko ngayon sa klase..." hinihingal niyang usal habang walang mintis sa ginagawang pagbayo.
Gumagawa na nga ng tunog ang bawat banayad na paglapat ng likod ko sa saradong pintuan. Ewan ko na lang kung hindi mahuhulaan ng ama niya kung ano ang kasalukuyang nangyayari dito sa loob ng silid at kung bakit kumakalampag ang pinto.
"W-what?" paungol kong tanong. Distracted ako sa masarap niyang paghugot-baon sa loob ko kaya hindi ko gaanong narinig ang sinabi niya.
"Nothing, sweetheart," pabulong niyang sagot bago mas diniinan ang bawat pagbayo.
Sarap na sarap naman akong napaliyad habang naiipit sa pagitan ng matigas niyang katawan at dahon ng pinto na kinasasandalan ko.
Ilang sandali pa at sabay kaming nagpakawala ng mahabang ungol dahil sa pagkamit sa sukdulang pareho naming inaasam.
Malamig ang silid pero tagaktak ang pawis naming dalawa. Naghahabol kami ng hininga habang ninanamnam ang aftershock ng pinagsaluhan naming orgasmo.
Sagad pa rin siyang nakabaon sa loob ko at maya't maya ang pagkislot niya na dahilan ng mumunting kiliting sumisigid sa kaibuturan ko.
Hindi ko maipaliwanag kung gaano kasarap ang ganitong pakiramdam kung saan ay may malaking nakaumang sa kasikipan ko. Pakiramdam ko ay literal na naging isa ang katawan namin. Para siyang bahagi ng puzzle na bumuo sa'kin.
"Don't squeeze me, sweetheart," paungol niyang bulong sa'kin. "Baka hindi na tayo matapos dito."
Kung hindi niya sinabi ay hindi ko naman malalaman na iyon na pala ang ginagawa ko. Malay ko ba sa ganito, first time ko pa lang iyong kagabi kaya huwag niyang aasahang expert agad ako.
"Kailangan ko nang umuwi," saad ko.
Hindi pa rin nagbabago ang posisyon namin kaya bilib talaga ako sa tatag ng tuhod niya.
"Hindi mo ba ako iimbitahin sa birthday mo?" nakangiti niyang tanong sa'kin.
"We're not that close," salubong ang kilay kong sagot.
Nang tinaasan niya ako ng kilay kasabay nang paggalaw ng balakang niya ay mariin kong nakagat ang sariling labi. Pinaalala niya lang naman kasi sa'kin kung gaano kami ka-close ngayon.
"Napakilala na kitang girlfriend kay Daddy," naaliw niyang paalala sa'kin.
"Hindi man ako kumontra ay hindi ibig sabihin niyon pumapayag na ako," sarkastiko kong tugon. "Wala akong planong mag-boyfriend," malamig kong dagdag.
"Well, ngayon ay dapat mo nang pag-isipan ang tungkol sa bagay na iyan because whether you like it or not, I'm going yo be your boyfriend," puno ng kumpyansa niyang pahayag.
Sinamaan ko siya nang tingin pero binigyan niya lang ako ng simpatikong ngiti. Napakurap-kurap ako nang kinintalan niya ako ng masuyong halik sa noo.
"Let's clean you up, before I'll drive you home."
Hindi ko alam kung saan nanggaling sa estrangherong pakiramdam na biglang nagpapitlag sa puso ko. Kinakailangan ko pang ipilig ang ulo ko mentally upang umayos ang takbo ng utak ko.
Hindi na ako nakainom ngayon kaya walang rason upang hindi maging malinaw ang pag-iisip ko. Dumagdag pa talaga sa problema ang kakaibang t***k ng puso ko.
Siguro ay normal lang ang ganito dahil sa first s*x experience ko. Pero marathon na ang nangyari sa'min kaya hindi na makatarungan na hanggang ngayon ay nagwawala pa rin ang puso ko.
Nabalik ako sa kasalukuyan nang naramdaman ko ang dahan-dahang paghugot ni Dax sa ibinaon niya.
Hindi ko napigilan ang mapasinghap dahil sa sensasyon naiwan nang tuluyang pagkakahiwalay ng magkahugpong naming katawan. Puno nang pag-iingat niya akong inilalayang makatayo.
Ramdam ko pa iyong panginginig ng mga hita ko kaya kinakailangan ko munang kumapit sa matipuno niyang mga braso habang hinihintay pang bumalik ang lakas sa mga binti ko.
"Are you okay?" malumanay niyang tanong sa'kin.
"Nothing that I can't handle," nagtatagis ang ngipin kong sagot.
Nang tuluyan ko nang mabawi ang kinakailangan kong balanse at lakas ay kusa na akong bumitiw mula sa kanya. Taas-noo ko siyang nilampasan at isa-isang pinulot ang mga damit kong nagkalat.
Pinilit kong huwag mapangiwi tuwing sumisigid iyong kirot sa bahagi ng katawan ko na tingin ko ay nabugbog dahil sa pinaggagawa namin. Dahil parang ayaw na naming huminto ay ngayon kailangan kong tiisin ang consequence.
"Won't you invite me to join you?" tanong ni Dax na nagpahinto sa paghakbang ko papasok ng banyo.
Pahinamad ko siyang nilingon bago itinaas ang middle finger ko.
Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya at pinagsarhan na siya ng pinto, pero narinig ko pa rin ang malakas niyang halakhak mula sa labas.