Pagkalabas ko ng silid ay si Vaughn Gabriel ang naghihintay sa'kin sa halip na si Dax. Hindi na siya nanonood ng TV kundi ay nakatayo siya sa mismong tapat ng pinto, kulang na lang ay pumasok siya sa loob.
Agad na nag-init ang mukha ko nang maalala ko ang pinaggagawa namin ng anak niya sa loob. Sa lakas ng mga ungol ko ay imposibleng wala siyang narinig.
Upang hindi niya mahalata ang pagkahiyang nararamdaman ko ay idinaan ko na lang sa pag-irap nang magkasalubong ang tingin namin.
Hindi ko ipapahalata na may pakialam ako sa kung anong iisipin niya tungkol sa'kin. Lumandi ako, kaya paninindigan ko na ito. Hindi naman talaga ako ganito, pero dahil nandito na ako ay pangangatawan ko na! Kagabi ko lang naiwala iyong virginity ko sa edad na thirty, pero kailangan kong umastang hindi baguhan sa ganitong bagay sa harapan ni Vaughn Gabriel Mercer.
Lalagpasan ko na sana siya pero mabilis niya akong napigilan sa braso kaya napilitan akong huminto. Kahit naman pumalag ako ay wala akong magagawa sa laki ng katawan niya.
Makahulugan kong tinapunan ng tingin ang kamay niyang nakahawak sa barso ko upang alisin niya ito, pero nang tumingin ako sa mukha niya ay hindi tumitinag na sinalubong niya lang ang mga mata ko.
"What do you want?" matalim kong tanong.
"Seryoso ka ba sa anak ko?" balik-tanong niya sa'kin sa halip na sagutin ang tanong ko.
Bahagya pa akong na-distract sa paraan nang pagtaas-baba ng Adam's apple niya. Pasimple pa muna akong nagbawi ng tingin mula roon upang hamigin ang sarili.
"Natatakot ka bang paglalaruan ko ang anak mo?" nang-uuyam kong tanong kapagkuwan at muling nakipagsukatan ng tingin sa kanya. "Huwag kang mag-alala, Mr. Mercer, walang mangyayaring masama sa anak mo lalo na at lalaki ito."
At idagdag pa ang malaki nitong katawan. Kahit doblehin pa siguro ako ay wala akong kalaban-laban sa anak niya.
"HIndi ibig sabihin na lalaki ay hindi na masasaktan kung paglalaruan," nagtatagis ang ngipin niyang tugon. May nahihimigan akong babala sa tono niya kaya awtomatikong tumaas ang kilay ko.
Kalimitan ay iyong mga nanay ang kumukompronta sa mga babaeng nali-link sa mga anak na lalaki pero mukhang mas on hands sa ganitong bagay ang ama ni Dax. Baka maranasan kong ma-offer-an ng bilyon para layuan lang ang anak niya.
"Ano naman ang gagawin mo kung sakali?" nanghahamon kong tanong sa kanya.
Kahit naman nakaka-intimidate ang awra niya at tindig ay hindi niya ako mayayanig. Hindi ako si Alexandra Ramirez Carson kung masisindak lang ako ng tatay ng lalaking.... naka-one night stand ko?
Pwede kayang tawaging gano'n ang namagitan sa'min ni Dax gayong ilang ulit namin itong ginawa kagabi at kahit ngayong umaga?
"Anak ko ang pinag-uusapan natin dito," mahina pero matigas na pahayag ni Vaughn Gabriel na nagpabalik sa atensiyon ko sa kanya. "Nag-iisa kong anak," mariin pa niyang dagdag.
Humihigpit din ang hawak niya sa braso ko, pero kakatwang wala akong naramdamang takot kahit na bumibilis ang t***k ng puso ko. Ewan ko ba pero parang nae-excite pa ako sa isiping kaya ko palang galitin ang kaharap. Dati ay arogante at mayabang na taong yelo ang tingin ko sa kanya, pero sa nakikita ko ngayon ay napagtanto kong kaya naman pala niyang magalit.
"Sa tingin mo ba ay mapapahamak sa'kin ang anak mo?" nang-uuyam kong tanong. "Nakikita mo ba kung gaano kalaki ang katawan nung nag-iisa mong anak? Walang akong laban sa lakas niya kaya relax ka lang, naglalaro lang kami ng jack 'n poy." Sinadya kong magtunog sarkastiko upang mas inisin siya.
Nakakaloko ko siyang nginisihan. Pilit kong binabawi ang braso ko pero ayaw niya itong pakawalan kaya walang nagawang nakipagtagisan na lang ako ng tingin sa kanya. Ako lang iyong masasaktan kung ipagpilitan ko pa, dahil hindi niya yata naisip na braso ko iyong hawak niya. Akala niya siguro ay kahoy lang ito kaya mahirap na at baka bigla niyang baliin.
"Sana ay mapanindigan mo ang pinasok mong ito," nagtatagis ang bagang niyang sabi.
Okay naman siya kanina no'ng pinakilala akong girlfriend ng anak niya. Wala siyang violent reaction pero ngayon ay balak niya yatang kalasin ang braso ko mula sa'king balikat. Alam kong kayang-kaya niyang gawin iyon gamit ang isang kamay.
Hindi naman ako maliit na babae pero bakit pagdating sa kanilang mag-ama ay talo ko pa ang hindi natutulog tuwing tanghali no'ng kabataan ko kaya kinulang sa tangkad? Matatangkad naman ang lahi namin, at kahit hindi kasing-tangkad ng mga lalaki ang mga babae sa pamilya namin ay tama lang naman ang height namin.
"Kailangan na ba akong kabahan?" nakangisi kong tanong. "O baka naman ikaw iyong kinakabahan ngayon dahil may posibilidad na magiging daughter in law mo ako."
Naramdaman ko ang paninigas niya dahil sa huli kong sinabi. Mukhang matindi ang pag-ayaw niya sa'kin para sa nag-iisa niyang anak. May nangyari lang sa'min ng anak niya pero wala naman talaga kaming relasyon. Kahit gano'n ay hindi ko pa rin mapigilan ang makaramdam nang pagkairita dahil sa tila disgusto niya sa'kin para kay Dax.
"Hindi mo alam kung ano ang pinagsasabi mo," mariin niyang saad.
Nakikita ko ang paggalaw ng panga niya habang halatang nagpipigil siya ng emosyong nakatingin nang direkta sa mga mata ko.
"Ayaw mo yata ako para sa anak mo, eh," sarkastiko kong wika. "Sige lang, umayaw ka lang. Ayaw ko rin naman sa'yo." Matapang akong nakipagsukatan ng tingin sa kanya.
Hindi nga ako nadadala sa bombastic side eye ni Zachary Carson kaya walang rason upang matinag ako sa ilalim ng mga titig ng kaharap.
"Kailangan pang magtapos sa pag-aaral ng anak ko," mariin niyang sabi.
Sa pananalita niya ay lumalabas pa na ako iyong hadlang doon!
"Gusto mo ba, ako na ang magpapaaral sa kanya?" nang-iinis kong suhestiyon. "Ako na ang bahala sa lahat, mula sa tuition, allowance, lahat-lahat."
Wala akong balak na maging sugar mommy nang kahit na sino pero gusto kong makitang mawalan ng composure si Vaughn Gabriel kaya kung anu-ano na lang ang mga pinagsasabi ko. Gigil niya ako eh!
"My son is not a charity case," mahina pero nanggagalaiti niyang sagot.
"Bitiwan mo ako," mariin kong utos sa kanya nang muling humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko.
Ayokong magkapasa ako roon dahil tiyak na magtatanong sina Daddy. Baka mag-amok iyong dalawa kong ama kapag makitang nagkagalos ang prinsesa nila. Kahit naman minsan ay lukaret ako, prinsesa pa rin ako ng pamilya ko.
Pinigilan ko ang sariling haplusin ang nasaktan kong braso matapos niya itong pakawalan. Kung hindi niya iyon ginawa ay baka kinagat ko na siya, hayop siya!
Gusto ko tuloy magsisi kung bakit hindi ko sineryoso ang self-defense class ko noon. Basic na basic lang ang alam ko at sure akong useless iyon pagdating kay Vaughn Gabriel. Si Dax nga na anak niya ay parang bato sa tigas ang muscles paano na lang kaya siya na mas mature?
"Paano magiging charity case ang anak ng isang Vaughn Gabriel Mercer?" nang-uuyam kong tanong sa kanya. "Idagdag pa ang ina nitong may lahing dugong bughaw." Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na galing sa isang maharlikang pamilya ang dati niyang asawa.
Maayos naman iyong paghihiwalay nila no'ng bata pa si Dax pero alam ng lahat na pareho pa rin silang hands-on sa pagpapalaki sa nag-iisa nilang anak. Kaya siguro literal na lumaki talaga si Dax ay dahil sa pag-aalaga ng mga magulang kahit na magkahiway ang mga ito, plus genes mula sa ama nitong direct descendant yata ni Conan the Barbarian.
Pasimple kong pinalis sa utak ko iyong isa pang bagay na malaki kay Dax. Hindi ko iyon pwedeng isipin gayong kaharap ko ang ama nito, at baka bigla akong ma-curious kung like father like son ba nga talaga! Focus muna ako sa inis dahil masakit pa ang mga hita at balakang ko.
"Ayokong masira ang kinabukasan ng anak ko dahil sa'yo."
Nagpanting ang tainga ko sa sunod na sinabi ni Vaughn Gabriel. Huminga muna ako nang malalim upang hindi siya masapak. Kawawa ang kamay ko kung tatama sa matigas niyang mukha kaya kalma muna ako.
"Excuse me!" eksaherada kong bulalas. "Kung tutuusin ay maliwanag pa sa sikat ng araw ang magiging future ng anak mo sa'kin. Ako na 'to! Choosy ka pa? Hello, Carson ako Mr. Mercer... nakalimutan mo na ba?" Mayabang ko siyang nginitian.
Sa likod ng ngiti ko ay nagngangalit na ang ngipin ko. Tumataas and blood pressure ko kahit sa simpleng pagtingin lang sa mukha niya. Kung iyong anak ay pinag-iinit ang katawang lupa ko, itong ama naman ay pinapakulo ang dugo ko dahil sa galit.
"Paano ko makalimutan na iyan lang ang pumipigil sa'kin ngayon para hindi kita masakal!"
Gusto kong matawa dahil ramdam ko iyong panggigigil niya sa'kin habang nagsasalita. At least, it's a tie kaming dalawa. Pareho kaming gigil na sakalin ang bawat isa!
"Bakit naman gano'n?" nakangisi kong tugon. "Huwag kang magpigil... sakalin mo ako," panghahamon ko sa kanya.
Inilahad ko pa ang sariling leeg upang gawin niya iyon. Kailangan ko pang tumingkayad upang mas mailapit ang leeg ko sa kanya.
Mula sa mukha ko ay tumuon doon ang matiim niyang mga titig. Umiigting ang panga niya habang para siyang nahulog sa malalim na iniisip.
Unti-unti akong napangisi habang napapansin ko ang tila pagtatalo ng isip niya. Ang gagu, pinag-iisapan pa talaga ang gagawin. Sobrang tindi na siguro ng inis niya sa'kin kaya ganito siya.
Upang mas inisin pa siya ay ako na mismo ang kumuha sa isa niyang kamay at dinala ito sa leeg ko.
"Come on, Mr. Mercer, do it," mapanuya kong utos sa kanya.
Pinigilan kong mapalunok nang maramdaman ko ang paghawak ng kamay niya sa leeg ko pero hindi naman mukhang mananakal, sa halip ay parang hinahaplos pa niya ito. Napakurap-kurap ako habang hindi maalis-alis ang tingin sa dumidilim niyang mukha.
"Such a dainty neck," paanas niyang usal.
Bigla ay parang gusto kong pagsisihan ang paghahamon sa kanya. Akmang ilalayo ko ang sarili mula sa kanya pero tuluyang humawak sa leeg ko ang kamay niya.
Hindi naman ito mahigpit pero sapat na upang hindi ako makawala.
Pinigil kong huwag magpakita ng kahit na anong ekspresyon habang pinapanood ang paglapit ng mukha niya sa'kin. Ang lakas ng kabog ng puso ko habang hinihintay kung ano ang binabalak niyang gawin.
Parang nahihirapan akong huminga, hindi dahil sa pagkakahawak ng kamay niya sa leeg ko kundi ay dahil sa nararamdaman kong tensiyon.
Nang halos gahibla na lang ang layo ng mga mukha namin ay tsaka pa siya huminto.Nagkabungguan na ang dulo ng mga ilong namin at magkandaduling na ako sa pilit na pakikipagtitigan sa mga mata niya pero wala akong balak na umatras.
Kahit medyo kinakabahan ay nangingibabaw pa rin ang dugong palaban ko. Mercer lang siya, Ramirez-Carson ako!
"Sa susunod ay piliin mo kung sino ang hinahamon mo," matigas niyang sabi.
Humahampas sa mukha ko ang mainit niyang hininga habang nagsasalita siya.
"I can snap this delicate neck using one hand." Muli ay humaplos ang daliri niya sa leeg kong hawak-hawak niya.
"Alam kong hindi mo gagawin," matapang kong sagot.
Hindi naman talaga iyon ang nagpagpakaba sa'kin kundi ay ang lapit namin sa isa't isa, at ang reaksiyon ng lintik kong katawan.
Matapos kong ma-experience ang pakiramdam nang pakikipag-s*x ay biglang naging sensitibo na ang katawan ko at bigla-bigla na lang itong nae-excite.
Normal ba talaga na kapag may lalaking mapalapit sa'kin nang ganito ay agad akong nag-iinit? Nagiging s*x addict na ba ako pagkatapos makatikim?
At ang pinakanakakawindang ay nararamdaman ko ito sa ama ng lalaking nakauna sa'kin! Dapat ay inis lang iyong nararamdaman ko para kay Vaughn Gabriel at hindi s****l tension!
"Alex, let's go."
Parang walang nangyaring pinakawalan ako ni Vaughn Gabriel nang marinig namin ang papalapit na boses ni Dax galing sa labas.
"Ready na ang sasakyan, ihahatid na kita," pagpapatuloy ni Dax.
Sa sulok ng mga mata ko ay nakita ko itong kakapasok pa lang. Pilit kong pinapakalma ang sarili upang hindi nito mahalata ang tensiyon sa pagitan namin ni Vaughn Gabriel.
Nang sulyapan ko ang huli ay walang pakialam siyang nakatingin sa'kin at hindi alintana na maaaring makita ng kanyang anak ang ginagawa niya.
Pinaningkitan ko siya ng mga mata dahil hindi ko alam kung ano ang trip niya pero sa halip na umiwas ay pumasada pa sa'kin ang matiim niyang mga titig.
Baliw na siya! Pero mas baliw yata ako dahil pakiramdam ko ay hinahaplos ako ng mga titig niya. Hindi ko tuloy napigilan ang bahagyang panginginig ng katawan ko dahil sa kakaibang tensiyong hatid ng maitim niyang mga mata.