bc

ALL I WANT (Police Series)

book_age16+
0
FOLLOW
1K
READ
opposites attract
second chance
sensitive
drama
bxg
campus
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Nagsimula ang pagtingin ni Melchor Macaraeg noong siya ay siyam na taong gulang sa isang batang babae na nakilala niya na may bakal sa bibig. Tinulungan niya ang batang babae sa mga batang nambu-bully sa kaniya. Doon nagsimula ang kanilang pagkakaibigan. Fourth year high school sila noon nang magkaroon ng pagkakaunawaan ang dalawa. Inilihim nila ang kanilang relasyon sa Daddy ni Crissy at lalo na sa kuya niya na hadlang sa kanilang relasyon. Dahil sa kapusukan ay may nangyari sa kanilang dalawa bago pa ang kanilang pagtatapos sa high school. Isang araw bigla na lang umiwas si Crissy kay Melchor ng walang dahilan. Nasaktan siya sa ginawa ng kaniyang nobya. Sa kaniyang galit isinumpa niyang sa pagkikita nilang muli sisiguraduhin niyang makakaganti siya sa pang-iiwan nito sa kaniya.

chap-preview
Free preview
EPISODE 1
MELCHOR “Tay, bakit palaging umaalis si Nanay? Hindi ba niya tayo mahal?” tanong ko kay Tatay. “May trabaho ang nanay mo sa malayo, kaya hindi siya palaging nandito. Kailangan naming magtrabaho para sa iyo, anak.” Napatingin ako sa tatay ko. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Lagi niya kasing sinasabi iyon. Nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya. Hindi ko nakitang ngumiti ang tatay ko. Niyakap ko siya. Sa murang edad, naiintindihan ko na kung anong buhay ang mayroon kami. Mahirap. Minsan asin lang ang ulam namin. Minsan isang beses na lang kami kumakain ni Lola. Lalo kapag nasa malayo ang trabaho ni Tatay bilang construction worker. Ang ilang araw na hindi na nagpapakita si Nanay sa amin ay naging linggo at hindi ko namalayang taon na pala… “Hoy! Kanina pa kita kinakausap. Ang lalim yata ng iniisip mo?” sabi ni Redentor. Napakamot ako ng ulo. “Pasensya ka na, naalala ko lang ang magulang ko.” Napakunot noo si Redentor. “Matagal nang wala ang magulang mo. Ang ibig kong sabihin ay ang tatay mo lang pala. Matagal na siyang patay. Ang nanay mo ay nawala na lang parang bula.” Sinuntok ako ni Redentor nang mahina sa balikat ko. Natawa ako. “Siraulo ito!” aniya na parang napikon. Mukhang siya pa ang pikon sa akin. “Nanay ko pero hindi ko maangkin. Oo, siya ang nanay ko, pero may iba na siyang pamilya,” sabi ko. “Nakita mo na ang nanay mo?” Tumango ako. Coincidence lang. Tumanda na siya, pero tandang-tanda ko ang hitsura ni Nanay. Hindi ko makakalimutan kahit iniwan niya kami ng tatay ko. Umasa ako noon na isang araw ay babalik siya. Ang akala ko namatay siya dahil iyon ang sabi ni Tatay at Lola dahil sa galit nila nang umalis ito at hindi na nagparamdam. “Alam mo, iyong gusto ko siyang yakapin. Kahit yakap lang, brod. Para naman, maramdaman ko ang yakap niya. Kinasabikan ko iyon mula noong bata pa ako. Ilang taon na ba ako ngayon?” Natawa si Redentor. “Magte-trenta'y uno ka na sa susunod na buwan.” Napalingon ako kay Redentor. “Gago! Magkasing edad lang tayo. Mas matanda ka pa nga sa akin ng buwan. Hindi ba trenta'y uno ka na!” sabi ko. “Pikon!” Sabi naman nito sa akin. Napaiiling pa sa akin si Redentor. Inakbayan ako ni Redentor. “Bakit hindi mo kausapin? Nakita mo na pala. Baka naman maalala ka pa niya. Alam mo 'yong lukso ng dugo? Baka maramdaman niya kapag nakita ka. Magiging proud siya kasi ngayon pulis ka na. Hindi ba kuwento mo iyon ang gusto ng nanay mong kunin mo?” Napa-tsk ako sa sinabi ni Redentor. Ang pangako niya sa akin na tutulungan niya ako sa pag-aaral ko ay hindi niya tinupad. Hinintay ko siya, pero walang dumating. Nagsumikap ako sa pag-aaral para lang makatapos. Pinagsabay ko ang pagtatrabaho at pag-aaral. Ginawa ko ang gabi at ang araw. Nagsunog ako ng kilay minsan. Gusto ko nang sumuko noon. Pinanghawakan ko lang kasi ang pangako ni Nanay. Nagbuntong-hininga ako. “Hindi ko alam kung maalala pa niya ako. Pitong taong gulang ako noon nang iwan niya kaming tuluyan.” Malungkot na sabi ko. “Nay, saan ka pupunta ngayon ka na nga lang dumalaw dito aalis ka na naman?” Tanong ko. Tuwang-tuwa ako nang dumating si Nanay. May dala pa nga siyang pasalubong sa akin. Wala si Tatay dahil nagtatrabaho siya sa malayo. Hindi pa nga siya umuuwi; ilang linggo na. Kaya kahit sa murang edad, natuto akong magtrabaho ng kahit ano. Kasama ko ang kaibigan kong si Redentor. Kahit anong raket ang ginawa ko para lang mayroon kaming pangkain ni Lola. “Pasensya ka na anak ngayon lang nagpunta si Nanay. May pasalubong ako sa iyo. Madami yan. Meron kang damit at mga pagkain.” Naiiyak na sabi ni Nanay. Napatingin ako sa kanya. Nagtataka akong siyang tinitingnan. Wala kasi akong ideya kung bakit madalang siyang umuwi. “Nanay, huwag ka nang umalis. Dito ka na lang magtrabaho para kasama na kita. Hayaan mo, kakausapin ko si Tatay para hindi na siya magalit sa iyo.” Hinawakan ko ang kanyang braso. “Pasensya na, anak, hindi puwede. Magagalit ang mga amo ko. Magpapadala na lang ako ng pera niyo. Ipagpatuloy mo ang pag-aaral mo, ha? Akong bahala sa pang-tuition fee mo. Gusto kong pulis ang kunin mo para maipagtanggol mo ang mga naaapi.” Hinaplos ni Nanay ang pisngi ko. ”Tandaan mo, anak, mahal na mahal kita. Huwag mong pababayaan ang Tatay at Lola mo, ha? Babalikan kita.” Hinagkan niya ang noo ko at yumakap sa akin nang mahigpit. Napakasarap sa pakiramdam maramdaman ang init ng yakap ng isang ina. “Nanay, huwag ka na pong umalis,” umiiyak na pakiusap ko. Matapos ang isang araw, aalis muli si Nanay. Hindi ko alam kung babalik pa siya. Hindi ako sigurado kung babalik pa ba siya. “Anak, kailangan kong umalis. Babalikan kita, anak. Pangako.” Sabi ni Nanay sa akin. Napayakap ako sa kanyang beywang. “Huwag mo nang paasahin ang anak natin. Aasa ’yan - —kami,” napalingon ako. Nakatayo si Tatay sa pintuan. May dala itong bag at supot. “Mel -” sambit ni Nanay kay Tatay. “Umalis ka kung ’yan ang gusto mo! At puwede ba huwag kang magsasabi na babalik ka dahil alam mong hindi na mangyayari yun! Melchor, dito ka!” Utos ni Tatay sa akin. Mas lalong humigpit ang yakap ko sa beywang ni Nanay. “Melchor!” may pagbabanta sa boses ni Tatay. Napatingala ako kay Nanay na umiiyak na rin. “Sige na, anak, doon ka na sa Tatay mo.” Hinawakan ni Nanay ang magkabilang pisngi ko at hinagkan ang noo ko. “Tandaan mo, anak, mahal na mahal ka ni Nanay.” Umiyak ako nang umiyak na halos tulo ang kanyang sipon. Pakiramdam ko hindi ko na makikita si Nanay. Hinila ako ni Tatay mula kay Nanay. Nabitawan ko ang beywang niya. “Nanay! Nanay!” Sigaw ko nang lumakad ito palabas ng bahay. Inaabot ko siya habang pinipigilan ako ni Tatay. Napalingon sa akin si Nanay. Masakit, sobrang sakit, dahil iniwan na ako nang tuluyan ni Nanay. Tuwing day-off ko, lagi kaming nagkikita nitong si Alexandro. Balita ko, may kinahuhumalingang bata ito. Sa sobrang pagkababaero, ang bagsak niya ay sa bata. “Brod!” Bati sa akin si Alex. Nag-man hug kami. Naging kaibigan ko siya noong mga bata pa kami. Binigyan niya kami ni Redentor ng burger. Ganun kasi ang bigkas ko sa burger noong bata pa ako. Unang beses na may nagbigay sa amin ng ganoong klaseng pagkain. Naalala kong sayang-saya ako noon. “Kumusta ang lovelife mo, Alex? Mukhang sariwang-sariwa ka, ah?” Sinamaan ako ng tingin ni Alex. Inambaan niya ako ng suntok. Napangiwi ako sa ginawa niya. “Ayos naman, medyo maghihintay pa ako ng ilang taon bago kami mag-settle down.” Napangisi ako. Nagbago na talaga siya. “Naks, talagang sineryoso mo na yung bata, ah? Seriously, masaya ako para sa iyo at natagpuan mo na ang para sa iyo.” Nakangiting sabi ko. Wala pa sa isip ko ang maghanap ng babaeng pakakasalan ko. Focus muna sa trabaho at mag-ipon ng pera. Although dapat mag-settle down na nga ako. May hinihintay akong tao. “By the way, nagkita kami ni Crissy. Nandito na siya sa Pilipinas. Sabi niya, magbabakasyon lang daw siya dito. Sa US ang work niya.” Napatitig ako kay Alex habang nagsasalita. Umigting ang panga ko. She’s back! Pay time!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Dangerous Ninong Mafia Boss

read
25.3K
bc

After Divorce: The Secret Wife Became The Zillionaires’ Princess

read
43.3K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
320.9K
bc

The Forgotten Wife

read
42.8K
bc

Hidden Heiress of Daemon Delavega Jr.

read
99.7K
bc

Deeper, Ninong Isidro

read
27.3K
bc

Built to break you, meant to love you-SPG

read
21.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook