EPISODE 2

940 Words
MELCHOR “Sir, may naghahanap po sa inyong ginang,” sabi ng tauhan ko. Napaangat ako ng tingin . Hininto ko ang ginagawa kong report. Sino kayang ginang ang naghahanap sa akin? Wala naman akong expected na bisita ngayon. Tumayo ako upang puntahan sa labas ang taong iyon. Tumayo ako upang tingnan kung sino ang bisita ko. Nagulat ako nang makita kung sino iyon. Ang aking ina. Nakatayo sa gilid ng pintuan. Sa tuwa ko ay agad ko siyang sinugod ng mahigpit na yakap. Sabik na sabik akong mayakap ang aking ina. “Paano niyo po nalamang dito ako sa Cavite naka-assign?” Tanong ko nang kumawala ako sa pagkakayakap sa Nanay ko. Nailipat kasi ako dahil madaming kailangang pulis dito. “Nakita kita sa isang balita. Matagal ko nang gustong hanapin ka. Bumalik ako sa dati nating tinitirhan, ngunit wala na kayo doon. I am so sorry, anak, dahil hindi ako nagpakita sa iyo nang matagal na panahon. Nahihiya ako sa pang-iiwan ko sa iyo.” Naiiyak na sabi ni Nanay. Hinaplos ko ang kanyang pisngi. “Iniwan niyo man kami, hindi po ako nagtanim ng galit, bagkus umasa po akong makikita kita balang araw. Nagsumikap po ako sa pag-aaral upang kapag nagkita po tayo, maipagmalaki ko po sa inyo ang aking natapos. Kayo po ang aking inspirasyon sa pag-aaral at pagkamit ng aking pangarap na maging pulis. Look, I am now a policeman.” Pagmamalaki ko sa aking ina. Napangiti siya. “I am so proud of you, anak. Gayunpaman, humihingi pa rin ako ng tawad dahil hindi ko natupad ang pangako kong pag-aaralin kita. Kung alam mo lang na palagi kang nasa isipan ko,” aniya. Niyakap ko siyang muli. Sa kabila ng kanyang pagkukulang, mahal ko siya. Mahal na mahal. “I am so proud of you, my son. Isa ka nang magiting na pulis. Alam kong isa kang mabuting pulis.” Proud na sabi ni Nanay sa akin. “Lahat ng ito ay para sa inyo ni Tatay at Lola. Sinumpaan kong gampanan ang trabaho ko sa mabuting paraan. Makaaasa kayong lilipunin ko ang mga masasama at ipagtatanggol ang mga naaapi.” Tumango si Nanay. “Nalulungkot lang ako at hindi ko na nakausap ang tatay mo bago siya mawala. Gusto kong humingi ng tawad sa kanya. Alam kong galit siya sa akin dahil sa ginawa ko.” Naluha si Nanay. Hinaplos ko ang kanyang buhok. Kung saanman si Tatay, sana napatawad na niya si Nanay. Alam kong mahal niya ito at hindi niya kayang magalit nang lubos. Mula nang magkaisip ay palaging wala sa tabi ko si Nanay. Tanging si Tatay at Lola lang ang kasama ko. Noong limang taon ako nagtanong ako kung bakit palaging wala si Nanay. “Tay, bakit wala si Nanay palagi dito? Naiinggit ako sa mga kalaro ko kasi may nanay sila kasama sa eskuwelahan.” Nalungkot ang mukha ko. Umupo si Tatay sa tabi ko. Hinaplos niya ang buhok ko. “Nagtatrabaho si Nanay sa malayo. Ginagawa niya ito para sa iyo, anak. Para sa kaligtasan mo, napakunot-noo ako dahil sa sinabi ni Tatay. “Kaligtasan? Bakit, Tatay?” Inosente kong tanong. Sa murang edad, marami akong katanungan sa isip ko. Minsan, kapag nandito si Nanay, palaging nag-aaway sila ni Tatay. Pero kahit nag-aaway sila, hindi nananakit si Tatay. Lagi kong naririnig sa kanila ang mapanganib. Hindi ko pa alam kung anong ibig sabihin. Kapag tinatanong ko si Tatay, hindi naman niya ako sinasagot. Bata pa raw ako para maintindihan iyon. “Mel, anak, bakit pa kasi pinapayagan mo pang pumunta ang babaeng yun dito? Delikado ang buhay niyo ni Melchor. Hindi ka titigilan ng ama niya. Alam mo namang may impluwensya ang pamilya nila. Ano lang ba tayo, isang kahig, isang tuka? Kung tutuusin, wala naman silang mapapala sa atin. At ang babaeng 'yan, hindi man lang inisip ang anak niya. Kaya nga, lumayo na tayo, pero nasundan pa rin tayo!” Sumilip ako sa nakaawang na pinto. Hindi mapakali si Tatay sa pagkakatayo. Palakad-lakad lang siya. “Sinabihan ko na siya, Nay. Matigas ang ulo niya. Alam ko naman na mahal niya ang anak namin, kaya gusto niyang makita. Hindi ko naman mahindian, anak niya rin si Melchor, Nay.”Mukhang problemado ang hitsura ni Tatay. “Hindi lang ang ama niya ang kalaban mo, pati ang asawa niya. Mayaman ang taong ‘yun at maimpluwensya. Ano’ng laban mo kapag kinasuhan ka? Natatandaan mo ba na ipinakulong ka ng asawa niya dahil ang akala niya ay inaagaw mo siya? Hindi ko nga alam kung ano’ng sasabihin ko sa anak mo noon kapag tinatanong ka niya. Ang alam niya, nagtatrabaho ka lang sa malayo. Ayokong makulong ka muli, Mel.” Napayakap si Lola kay Tatay. Natulala ako sa nalaman. Nakulong si Tatay? Bakit? Hindi na ako nakatiis; pumasok ako sa loob ng silid. “Tay, bakit ka nakulong?" Umiiyak na sabi ko. Niyakap ko siya nang mahigpit. Hinaplos niya ang likod ko. “Anak, may nagawa lang mali si Tatay kaya nakulong ako. Pero pinakawalan din naman ako dahil napagbayaran ko naman yun ng ilang araw.” Napatingala ako sa kanya. “Bakit ano bang ginawa mo? Nagnakaw ka ba? Hindi ba sabi mo masama ‘yun? Kaya nga, kahit wala akong pera at wala akong makain, tinitiis ko. Hindi ako gumagawa ng masama,” sabi ko. “Pasensya na, anak, kung hindi ko maibigay ang sapat na pangangailangan mo. Ginagawa naman lahat ni Tatay para makakain kayo ng lola mo at makapag-aral ka. Basta tandaan mo, anak, gagawin ni Tatay ang lahat para lang maitaguyod ka.” Napasubsob ako sa tiyan ni Tatay habang umiiyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD