MELCHOR
“Kumusta naman ho kayo?” tanong ko kay Nanay. Napangiti si Nanay sa akin. Hindi maikakailang may kaya ang pamilya ni Nanay. Habang lumalaki ako, nalaman ko nang unti-unti kung ano’ng sitwasyon namin ni Tatay at ni Nanay.
Naawa ako sa Tatay ko kapag nakikita ko siyang nakatitig sa larawan ni Nanay. Hindi man niya sabihin, nangungulila siya sa kanya. Wala naman akong magawa dahil bata pa ako noon. Ang tangi ko lang na nagagawa noon ay samahan si Tatay. Gustuhin ko man kausapin si Nanay. Wala akong komunikasyon sa kanya mula noong umalis siya.
“Salamat po sa pagdalaw.”
“Sa katunayan, ngayon lang ako naglakas-loob na magpakita sa iyo. Worth naman ang pagdalaw ko dito. Ang akala ko hindi mo ako kauusapin. Masaya ako at hindi ka galit sa akin.” Mangiyak-ngiyak niyang sabi.
“Alam niya bang nagpunta ka dito?” Tukoy ko sa asawa niya.
Umiling siya. “Hindi niya alam at wala akong balak sabihin sa kanya. Ayokong manganib ka, anak.”
“Bakit naman ho ako manganganib?”
“You have no idea what he is capable of. Mag-ingat ka palagi.” Pagbibigay niya ng babala sa akin.
Inakbayan ko ang aking ina. “Pulis na ako, Nay. Kaya ko na pong ipagtanggol ang sarili ko.” Pagpapanatag ko sa kanya. She smiles.
“Kumusta naman po ang mga kapatid ko?” Pag-iiba ng usapan.
Naalala ko noong huli kong nalamang may kapatid ako nang nadulas si Lola. Kinasabikan kong makilala sila dahil wala naman akong kapatid.
“Maayos naman ang kapatid mo. Kapag nakakuha ako ng pagkakataon, ipakikilala kita sa kanila.” Malawak akong napangiti. I want to meet them.
“May sariling kumpanya ang panganay ko sa asawa ko.” Nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Nanay. Inakbayan ko siya at tinapik ang kanyang balikat.
“Is there something wrong?” tanong ko.
“W-Wala naman, anak. Pasensya ka na kung hindi ko pa nasasabi sa mga kapatid mo na may kuya sila.” Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Nanay. Naiintindihan ko ang sitwasyon niya.
“Kung may mabigat po kayong dinadala, nandito lang po ako para tulungan kayo.” Napatingin sa akin si Nanay.
“Salamat, anak. Ayokong idamay ka sa problema ko. Sapat na sa aking kita. Masaya na ako.” Nakita ko ang pangingilid ng luha niya. Niyakap ko siya upang iparamdam na hindi ko siya pababayaan at nandito lang ako.
*****
Rumesponde kami sa isang mall dahil may nag-amok ng gulo doon. May hawak itong de kalibreng baril. May mga taong nasaktan sa insidente dahil nagkaroon ng stampede nang nagkagulo sa loob ng mall.
“Men, palibutan niyo ang area. Make sure walang mga taong makakalapit sa area. Is that clear?” utos ko sa mga tauhan ko.
“Yes, Sir!” Sumaludo sila sa akin.
Kinausap ko ang nakaantabay na ibang kasamahan namin doon. May pinadala na ring tao para kausapin ang suspect.
“Sir, may mga taong nasa loob ng boutique kaya hindi kami makapasok. May dala rin granada at baril. Ayaw pong makinig sa taong kumausap sa kanya,” sabi nito.
“Okay, ako ang makikipag-usap sa lalaki.” Tumango ang mga tauhan ko. Kinuha ko ang megaphone na hawak ng isang tauhan ko.
“Brod, nandito ako para makiusap. Kung may problema ka, pag-usapan natin.” Mahinahong sabi ko sa lalaki. Maya-maya pa ay sumenyas ito na pumasok ako. Napangiti ako nang lihim. Bago ako makapasok sa loob, kinapkapan niya muna ako.
Itinulak niya ako sa loob, kaya nadapa ako. Tanginang ito! Napatingin ako sa mga taong nasa isang sulok at takot na takot ang mga mukha nila.
“Sabihin mo sa kanila na ibalik nila ako sa trabaho! Inalis nila ako na wala man lang pasabi. Naging mabuti akong empleyado dahil sa lintik na mayabang na manager, inalis niya ako. May nalaman akong kabulastugang ginagawa ’yang pinagmamalaking manager. Sinabi ko sa kanila iyon, pero ito ang ginawa nila sa akin. Inalis ako sa trabaho nang walang due process! Tama ba ‘yun? Mga walang puso!” Galit na sabi nito.
Kita ko sa kanyang mga mata ang malaking pagkadismaya at galit. May mga taong masasama at walang pakialam sa nararamdaman ng iba.
“Inalis nila ako sa trabaho na hindi kinukuha ang side ko at pinagbintangan pang may ginawa akong masama sa trabaho ko. Napakademonyo nila. Nawalan ako ng trabaho. Paano na ang anak kong may sakit? Ako lang ang nagtatrabaho. Kailangan niya ng gamot kung hindi mamatay ang anak ko!” Awa ang naramdaman ko sa kanya. Malambot ang puso ko kapag bata na ang involved.
“Huwag kang mag-alala, brod, ako mismo ang gagawa ng imbestigasyon sa sinasabi mong alegasyon.” Pangako ko sa kanya.
Naalala ko ang Tatay ko noon na nakulong din dahil pinagbintangan siya sa kasalanang hindi niya ginawa. May mga taong gusto lang siyang magdusa.
Napakiusapan ko ang lalaki, kaya sumuko ito. Nangako ako sa lalaki na paiimbestigahan ang akusasyon niya sa manager nito. At tutulungan ko siya sa pagpapagamot sa anak niya.
Paalis na ako nang may nakabangga akong babae. Muntik nang bumagsak kung hindi ko lang nasalo ang katawan niya.
Napatingin ako sa babae at nagkatitigan kaming dalawa. Napahawak siya sa braso ko. Napakunot ang noo ako. Pamilyar sa akin ang babae.
“Crissy?” mahinang sambit ko. Napaawang ang labi niya nang makilala rin niya ako. Nagkatitigan kami ng ilang minuto bago may tumawag kay Crissy.
“Sweetheart!” Lumapit sa amin ang lalaki at hinila si Crissy.
“Are you okay, sweetheart?” tanong ng lalaking englisero. Matangkad ito at may matipunong pangangatawan. Parang batak sa gym.
“I’m okay, sweetheart.” Sagot naman ni Crissy.
Napasulyap sa akin si Crissy. “T-Thank you.” Pasasalamat niya sa akin. Seryoso ko lang siyang tiningnan.
“Thanks, bro,” sabi ng lalaki at inilahad ang kanyang kamay sa harap ko na tinanggap ko naman. Agad inilayo ng lalaki ang kamay niya at hinarap si Crissy. Gusto kong itapon sa labas ng mall ang lalaki. Sino ba siya sa buhay ni Crissy?
Hinapit ng lalaki si Crissy sa kanyang beywang at hinagkan ang labi nito. Nagtagis ang bagang ko sa nakita. Nobyo niya pala. Parang gusto kong matawa nang nakakaloko. Matapos niya akong iwan na walang pasabi. Nagmukha akong tanga noon na naghintay sa wala. At ito, may bago na siya.Tingnan lang natin kung hanggang saan sila.