MELCHOR
Ilang araw na ang nakalipas, ngunit hindi mawaglit sa isipan ko si Crissy. Hindi na ako makapaghintay na makaganti sa kanya. Napangisi ako sa naiisip ko.
Wala akong pakialam kung may nobyo na siya. May utang pa siya sa akin na dapat bayaran. Hindi puwedeng ganoon na lang yun. Kailangan niyang magbayad.
Tino-torture na ng isipan ang nobyo niya. Naiinis ako sa paghalik niya sa labi ni Crissy. Parang gusto kong paduguin ang nguso ng lalaking yun.Tangina niya!
Nilamukos ko ang papel na nasa ibabaw ng lamesa ko. Biglang may tumikhim sa harapan ko, kaya napatingin ako sa taong iyon.
“Mukha yatang may kaaway ka.” Natatawang turan ni Virgilio. Napatingin siya sa papel na nilamukos ko. Napasulyap ako doon at nanlaki ang mata ko.
Shit! Report ko ito na ginawa kagabi. Uulitin kong i-print, may naka-save naman sa laptop ko. Kasalanan ng lalaking yun!
“I saw her with another man! Kung hindi lang ako nagpigil, nilamukos ko na ang pagmumukha ng lalaking iyon. Tangina niya!” Naghihimutok ang kalooban ko.
“Bakit, ano ba ang ginawa ng lalaki sa iyo?” Tanong niya. Matalim kong tiningnan si Virgilio. Napataas siya ng dalawang kamay na parang sumusuko.
“Relax ka lang, brod, masyado yatang mainit ang ulo mo. Sinabi ko naman sa iyo na sumama ka sa amin ni Isagani. Lalamig ang ulo mong tigang. Hindi ko naman maaya ang tatlo at may lovelife na,” sabi niya.
Si Gregorio ay nakapag-asawa na. Si Alexandro, kahit hindi pa kasal, hindi na lumalabas para mambabae. Seryoso na siya sa batang nobya. Samantalang si Redentor ay matagal nang nag-asawa. Siya ang unang nakapag-asawa sa aming pito. May pangalawa na nga itong anak. Natutuwa naman ako sa kanila dahil may sarili na silang lovelife. Kami na lang apat ang wala pa.
Ngayon, nakita ko na si Crissy. Sisiguraduhin kong mapapasaakin muli siya. Pero hindi dahil gusto kong iparamdam ang pagmamahal sa kanya, kundi ipaparamdam ko sa kanya ang impiyerno.
“Hindi ka pa naka-move on sa pang-iiwan sa iyo ni Crissy noon? Come on, brod, masyadong matagal na panahon iyon. High school pa lang tayo nang maghiwalay kayo. Huwag mong sabihing balak mong paghigantian si Crissy?” sabi ni Virgilio. Napangisi ako. Namilog ang mata niya. Napapailing sa akin si Virgilio.
“She deserves it. Hindi ako papayag na ako lang ang magdusa. Tingnan mo nga ang saya niya sa nobyo niyang mukhang tuko.” Napa-tsk ako. Mas pogi at mas macho ako doon. Natawa si Virgilio sa akin.
“Grabe ka, brod, tuko talaga? Seriously? Yun talaga hinalimbawa mo. Ang daming puwedeng sabihin, ah?” Tawa nang tawa ang ugok.
“Mukha naman talagang tuko ang lalaki. Mas hamak na gwapo ako doon! Ano kayang nagustuhan ni Crissy sa kanya?” Inis na sabi ko.
“Sus, selos ka lang. Kasi sila ang forever.” Inirapan ko siya. Kung makatawa kasi nakakainit ng ulo. Tingnan lang natin dahil hindi ko hahayaang maging masaya ang babaeng yun!
Nakaupo ako sa may park malapit sa eskwelahan ni Crissy. Nag-aaral kasi siya sa isang pribadong paaralan samantalang ako sa pampublikong eskwelahan.
Alam ko naman na mayaman si Crissy at ako ay isang hamak na mahirap lamang. Minsan nga napapangunahan ako ng takot at kaba. Baka basted-in niya ako dahil madaming nanliligaw kay Crissy. Napakaganda naman kasi niya at super bait pa. Sino bang hindi magkakagusto sa katulad niya?
Napatingin ako sa hawak kong sampaguita. Ito lang kasi ang kaya kong ibigay sa kanya. Hindi ko kayang bumili ng rosas dahil masyadong mahal. Puwede ko nang ipambili ng pagkain namin ni Lola ‘yun.
Nalungkot ako nang maalala ko na naman si Tatay. Isang taon na siyang patay. Gusto ko sanang sa pagtatapos ko siya ang magsasabit ng medalya ko, ngunit hindi na mangyayari.
Napatayo ako nang nakita kong palabas na si Crissy. Inayos ko ang luma kong damit at medyo kupas ang pantalon. Napababa ang tingin ko sa rubber shoes kong nangingitim na sa kalumaan. Ilang taon na ba sa akin ang sapatos na ito? Binigay nga lang ni Alexandro sa akin ang sapatos dahil madami na raw siya sa bahay.
Itinago ko sa likod ko ang sampaguita.
“Good afternoon, Crissy.” Binasa ko nang laway ang nanunuyo kong labi.
“Hi, Melchor. Pasensya na, I’ve waited for you here. We just finished a project with my classmate, eh?” Mahinhin na sabi niya. Napangiti ako at napakamot sa batok ko. Nahihiya.
“Ayos lang. Para sa iyo.” Binigay ko sa kanya ang sampaguita. Lima lang ang nakayanan kong ibigay. Ito lang ang natira sa baon ko. Hindi na nga ako nagmeryenda dahil ililibre ko pa si Crissy ng fishball at kwek-kwek.
“Thank you.” Nakangiting sabi nito. Inamoy niya ang sampaguita. Masaya ako at nagustuhan niya.
“Tara doon sa labasan, libre kita ng fishball at kwek-kwek,” sabi ko.
“I love kweyk-kweyk and fish ball. Are you sure you still have money? I will treat you. Para makabawi ako sa paghihintay mo sa akin.” Nakangiting saad nito. Umiling ako. Kahit kapos ako sa pera, hindi ko hahayaang siya ang gagastos sa amin. Ako ang lalaki, dapat ako ang manlilibre dahil nililigawan ko siya. Saka ayokong isipin niyang inaabuso ko ang kabaitan niya.
“Meron pa akong pera. Talagang tinabi ko ito para mailibre ka.""Nahihiyang saad ko. Napakamot ako sa ulo ko.
“Okay. Let’s go?” Nanigas ang katawan ko nang hawakan niya ang kamay ko. Parang naging puso ang paligid ko nang makita ang ngiti niyang pamatay sa akin.
Tawa nang tawa si Crissy dahil sa mga joke kong pamatay. Gusto kong nakikitang ngumingiti siya. Napakaganda niya. Napakasuwerte ko kung sakaling sagutin niya ako.
Napahinto kami sa paglalakad nang dumating ang sundo niya.
“I have to go na Melchor. Thank you sa kweyk-kweyk, super love it!” Natutuwa ako at masaya siya.
Nanigas ang katawan ko nang hagkan niya ang pisngi ko. Napaawang ang labi ko sa kabiglaanan. Hindi ko inaasahang gagawin ni Crissy sa akin yun.
Kumaway pa siya sa akin bago pumasok sa sasakyan. Para akong tanga na kumakaway kahit malayo na ang sasakyan nila Crissy.Parang kabayong nag-uunahan sa pagtibok ang puso ko.
Buwan ang tinagal ng panliligaw ko sa kanya. Hindi ko alam kung kailan niya ako sasagutin. Naghihintay lang ako. Ayoko namang itanong sa kanya dahil nahihiya ako.
“Melchor, I have something to tell you.” Napakunot ang noo ako. Wala akong ideya kung ano ang sasabihin niya. Bigla akong kinabahan. Bastedin niya ba ako?
“A-Ano’ng sasabihin mo?” Kahit kinakabahan, gusto kong malaman kung ano iyon? Hinawakan ni Crissy ang mga kamay ko at diretsong tiningnan sa mata ko.
“I know you’ve been courting me for many months now. I see how serious you are to me. I really appreciate it. Nililibre mo ako palagi, even though you don't have enough money, but still you did.” Napangiti nang malawak si Crissy.
“Sinasagot na kita.” Namilog ang mata ko sa sinabi niya. “You’re my boyfriend now.” Anunsyo nito.
“T-Talaga? G-Girlfriend na kita, h-hindi ka nagbibiro?” Nauutal na tanong ko. Tumango si Crissy. Sa sobrang saya ko, napayakap ako sa kanya habang sumisigaw ng. . .
“Nobya ko na si Crissy! Nobya ko na siya!” Tawa nang tawa si Crissy sa akin. Nagtatalon pa ako at sinayaw-sayaw ko pa siya.
Hinintay ko si Crissy sa labas ng eskwelahan nila upang makita siya. Hindi kasi siya nagpakita sa akin. Hindi ko alam kung bakit. Nagbasakali ako ngayong makikita siya. Naisip kong baka absent lang siya. Halos wala nang estudyante, pero walang Crissy akong nakita. May nakita akong kaibigan ni Crissy na palabas ng gate ng eskwelahan nila, kaya naglakas-loob akong tanungin siya.
“Excuse me, Miss, hindi ba ikaw ang kaibigan ni Crissy? Hindi ba siya pumasok ngayon?” Tanong ko.
Tinaasan ako ng kilay ng babae. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, na parang nandidiri sa akin. Alam ko namang hindi kaaya-aya ang kasuotan ko. Dahil luma na ang uniporme ko. Hindi na nga mawari kung dirty white ito o white dahil sa kalumaan.
“She’s not here anymore. Nagpunta na siya sa state. Nag-migrate na sila doon. And who are you?” Tanong nito sa akin habang hinahagod niya ako ng tingin na may pang-uuyam.
“Kaibigan niya ako. May itatanong sana ako sa kanya. Salamat ha,” sabi ko.
Tumalikod na ako. Nang makalayo na ako sa eskwelahan nila Crissy, napaupo ako sa gilid ng kalsada. Doon nagpupuyos ako ng galit. Napakadaming katanungan sa isipan ko.
Bakit umalis siya na hindi man lang nagpapaalam sa akin? May nagawa ba akong kasalanan sa kanya? O baka naman nagbago ang isip niya dahil na-realize niyang wala naman siyang mapapala sa katulad kong mahirap.
Ang sakit… sakit… Iniwan niya ako sa ere. Pinanghawakan ko pa naman ang sinabi niya na kami ang forever. Ako daw ang gusto niyang mapangasawa. Pero hindi pala totoo! Pinaasa niya lang ako. Ako naman ang napaniwala niya.
Sana nag-iwan siya ng sulat para naman alam ko kung saan ako ilulugar. Wala man lang pasabi.
Nangilid ang luha ko. Ngayon ko lang naranasan ang pagkabigo sa pag-ibig. Ang hirap maging mahirap. Ganoon na lang ba ako walang kuwenta basta na lamang iiwan? Hindi ba niya naisip kung masasaktan ako sa ginawa niya?
Napakuyom ako ng kamao. Galit ako dahil wala siyang isang salita.