EPISODE 5

1290 Words
MELCHOR Dumaan ako sa opisina ni Alexandro dahil may usapan kaming magkikita. May sasabihin daw siya sa akin. “Brod!” Bati ko at saka tinapik ko ang balikat niya. “Nandito sa office ko si Crissy,” sabi ni Alexandro. Nawala ang ngiti ko sa sinabi niya. “Really? What a small world.” Hindi makapaniwalang sabi ko. Napansin ni Alexandro ang reaction ko na tila interesado na nandito si Crissy. Hindi ko na siya kailangang hanapin. Pagkakataon na ang lumalapit sa akin. Napangisi ako. “I know that look. Hindi ka pa rin maka-move on? Ilang taon na ang lumipas, bitter ka pa rin.” Pang-aasar niya. Susuntukin ko sana siya nang lumayo sa akin. Natatawang pumasok sa opisina niya. Hindi talaga ako makaka-move on hangga’t hindi pa ako nakakaganti sa ginawa niya sa akin. Nandito pa rin ang sakit na dinulot niya. Kahit na ba nakaganti ako sa kanya noon. Pero sa tingin ko, kulang pa iyon. “Melchor, gusto ka daw makausap ni Crissy,” sabi ng kaibigan ko. Nangunot ang noo ko. Nakakapagtaka na nagpunta si Crissy sa eskwelahan namin. Hindi sanay sa ganitong lugar si Crissy. Hindi nga siya sanay na makihalubilo sa mga mahihirap na katulad ko. Pinagbabawalan siya ng pamilya niyang lumapit sa katulad ko. “Nandoon siya sa may gate.” Tinapik ko ang balikat niya. “Salamat, brod!” sabi ko. Pinuntahan ko si Crissy. Nakita kong tila naiinip na at parang hindi siya komportable sa nakikita. Halos nakapaligid sa eskwelahan namin ay puro mga lumang bahay at hindi kagandahan. Madami ring dumadaang mga tao na nakatira sa squatter’s area. “Anong ginagawa mo dito?” tanong ko. Napangiti siya nang makita niya ako. May inabot siyang supot sa akin. Kinuha ko iyon at sinilip ang laman. Prutas ang laman ng supot. “Madami kasing binili si yaya na fruits kaya binigyan kita,” sabi nito. Slang ang pananalita ni Crissy. Nag-aral kasi sa US si Crissy noong elementary. Bumalik lang sila dito noong high school na siya. Balita ko babalik muli siya sa US kapag nagkolehiyo siya. “Salamat dito, ha? Nag-abala ka pa,” sabi ko. Mabait sa akin si Crissy dahil siguro naging magkaibigan na kami mula noong niligtas ko siya sa mga nang-aaway sa kaniyang mga bata. Napangiti siya sa akin. “Crissy!” Napalingon kaming dalawa ni Crissy. Napatingin sa akin ang lalaki. Kamukha niya si Crissy. Baka kapatid niya ito. “What are you doing here? I’ve been looking at you everywhere. Good thing I saw your friend. She told me you went here,” sabi ng lalaki. Tiningnan ako ng lalaki mula ulo hanggang paa. May pang-uuyam ang tingin niya sa akin. Hinila niya si Crissy kaya napalayo siya sa tabi ko. “I’m just here talking to my friend Kuya.” Paliwanag ni Crissy. Kapatid niya pala ang lalaki. “Listen, you are not allowed to talk to anyone just like this guy. Come on, we are going home! Don’t force me to drag you, Crissy.” Banta ng kapatid. Napatingin sa akin si Crissy. “Ayos lang ako, sumama ka na sa kuya mo,” sabi ko. Ngumiti na lang ako para ipakitang ayos lang talaga ako kahit hindi naman. “You stay away from my sister. You scumbag!” Pang-iinsulto ng lalaki sa akin. Kahit hindi man ako nagsasalita ng Ingles, naiintindihan ko naman kung anong ibig sabihin ng sinabi niya. Hindi ko na lang pinansin. Ganoon naman talaga ang tingin ng mayayaman sa katulad kong mahihirap. Napalingon sa akin si Crissy bago pumasok sa sasakyan nila. Nagulat ako nang isang araw, pinuntahan ako ni Crissy sa mismong bahay namin. Walang kasama at may dala na naman siyang supot. “Ano’ng ginagawa mo dito? Baka magalit na naman ang kuya mo sa akin kapag nalaman niyang nandito ka. Alam ko ayaw niya akong maging kaibigan mo,”sabi ko. “Hindi niya alam na nagpunta ako dito dahil tumakas lang ako. Ibibigay ko sana ito sa iyo.” Ibinigay niya sa akin ang supot. Prutas at ilang delata ang nandoon. Umiling ako at ibinalik ko sa kanya ang supot. “Hindi ko matatanggap ‘yan. Hindi mo dapat ginagawa ito,” sabi ko. Baka isipin ng kuya niya na sinasamantala ko ang kabutihan ni Crissy. “Bigay ko iyan at saka galing naman sa pera ko ’yan.” Ngumiti ako sa kanya at umiling. “Hindi mo dapat ako binibigyan ng kahit ano. Nagtatrabaho naman ako para mayroon kaming makain ng lola ko. Huwag mo akong isipin dahil kaya ko ang sarili ko.” Nabigla ako nang hinablot niya ang supot na hawak ko. “Kung ayaw mo, eh di, huwag! Ikaw na nga lang ang tinutulungan, ikaw pa ang nagmamalaki!”Galit na sabi niya at saka niya ako tinalikuran. Napakamot ako ng ulo. “Crissy!” Tawag ko, ngunit hindi na niya ako nilingon. Sinundan ko siya, ngunit napahinto ako nang makita kong may mga kasama pala siya. “Naibigay mo ba?” sabi ng isang lalaking kasama niya. “Hindi eh, ayaw,” sabi ni Crissy sa lalaki. Nagkatawanan ang mga kasama. Mga anim sila at may dalang sasakyan. “Paano ba ‘yan, talo ka sa pustahan natin? Where’s your 1000?” Inilahad ng lalaki ang palad sa harap ni Crissy. Napasimangot si Crissy at saka may kinuha sa bulsa at ibinigay sa lalaking kasama niya. “Talo ka sa pustahan, kaya huwag kang sumimangot diyan. Try harder para mauto mo si Melchor. Alam mo namang may gusto ‘yan sa iyo. Mahina kasi ang diskarte mo, eh!" sabi ng isang babae na may brace sa ngipin. Nagkatawanan sila maliban kay Crissy. Napakuyom ako ng kamao. Ibig sabihin, kaya maganda ang pakikitungo niya sa akin dahil sa pera. Pinagpustahan lang nila ako. Babawi ako! Sisiguraduhin kong mapapaibig ko siya. Kapag nangyari iyon, itatapon ko siya na parang basahan! Napangiti ako nang nakakaloko. Tingnan natin kung sino ang mahuhulog sa ating dalawa. Pagkalabas ko ng eskwelahan, nakita ko na naman si Crissy. Nag-igting ang panga ko dahil sa galit. Huminga ako nang malalim para mapaglabanan ang galit ko. Isang pekeng ngiti ang sumilay sa akong labi. “Hi, Crissy.” Bati ko. “Hi, Melchor. Can I invite you? Libre kita ng meryenda. Diyan lang, oh?” Tinuro niya ang nagtitinda ng fishball. Nagdalawang-isip ako, pero sa huli pumayag na rin ako. Ito ang pagkakataon ko para makaganti. Tumango ako. Nagulat pa nga siya nang hawakan ko ang palad niya. Pumasok ako sa opisina ni Alex. Napatitig ako sa babaeng nakaupo sa isahang upuan. Gulat na gulat siya nang makita niya ako. Napangisi ako. “Long time no see, Crissy,” sabi ko. “Y-yeah, long time no see.” Napangiti ako, pero yung ngiting nakakaloko. Napaiwas si Crissy ng tingin nang tingnan ko siya nang seryoso.Tumayo bigla si Crissy. “I need to go m-may pupuntahan pa kasi ako. Maybe we can catch up next time.” Paalam niya. Napalunok siya nang bumaling ang tingin niya sa akin. “Ihahatid na kita.” Presinta ko. Ayoko naman maging bastos kahit gusto ko siyang bastusin. “No need, I have my car,” sabi niya. Tanging tango lang ang naging tugon ko sa kanya. Tumayo si Alex at binigyan ng halik sa pisngi si Crissy. Tumayo rin ako para bigyan din siya ng halik sa pisngi. Hindi niya inaasahan ang ginawa ko. Kinabig ko siya at hinagkan ang gilid ng labi niya. Ramdam ko ang paninigas ng katawan ni Crissy sa ginawa ko. Napalayo siya sa akin. Lihim akong napangisi. Meron pa rin akong epekto sa kanya. I will use it para makaganti nang tuluyan. Kulang pa ang binigay kong ganti noon. I want her to suffer.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD