EPISODE 6

1233 Words
CRISSY Hindi ko inaasahan na pupunta si Melchor sa presinto. Napasandal ako sa upuan ng sasakyan ko. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Hindi ko maiwasang matakot sa klase ng tingin sa akin ni Melchor. Hanggang ngayon pa rin ba may galit pa rin siya sa akin? Ang tagal na ng panahong nangyari iyon. We were both so young and naive. Alam kong malaki ang kasalanan ko at pinagsisihan ko na iyon. Matanda na kami para isipan pa ang nakaraan. Ang laki ng epekto sa akin ni Melchor. Dahil hanggang ngayon ay mahal ko pa rin siya sa kabila ng ginawa kong pang-iiwan sa kanya. Kasalanan ko naman, kaya ganoon siya sa akin. Gusto kong ayusin ang lahat noon, pero sa tuwing nagtatangka akong kausapin siya, napanghihinaan ako ng loob. Takot ako sa gagawin ni Daddy. Sa totoo, isang bangungot pa rin sa tuwing naiisip ko ang ginawa ko sa kanya noon. I have no choice. Nag-init ang sulok ng mata ko. Kung alam mo lang, Melchor, pinagsisisihan ko iyon. Hindi ko dapat ginawa iyon. Ano nga ba ako noon? Curious ako sa lahat ng bagay. Naging sunod-sunuran ako sa mga kaibigan ko para lang makuha ko ang kanilang tiwala. I have no friends because I was a nerd before. No one has ever been friends with me. Walang ibang gustong makipagkaibigan sa akin maliban lang kay Melchor. Kaya kahit labag sa kalooban kong makipagkaibigan sa mga taong hindi maganda ang reputasyon ay ginawa ko pa rin. Para may assurance na walang mang-aapi sa akin sa school. “Crissy flowers, ginawa ko iyan. Pagpasensyahan mo na ha at ’yan lang ang nakayanan ko. Wala kasi akong pambili ng rose, mahal, kasi yun.” Napakamot ng ulo si Melchor. Napangiti ako. Inamoy ko ang sampaguita. Madalas niya akong bigyan niyon. Nilalagay ko sa altar ni Mommy sa bahay. “Thank you. Nabawasan tuloy ang tinitinda mo. Ayos lang naman sa akin kahit walang flowers. Basta lagi tayong magkasama.” Kapag ganitong dalawa lang kami. Totoo ang pinapakita ko sa kanya. I like him. I think I love him. Nagkamot ng ulo si Melchor. “Nakakahiya! Alam kong ang kagaya mo ay gusto ng isang pumpon ng bulaklak. Hayaan mo, kapag may trabaho na ako, bibigyan kita kahit isang shop pa.” Natawa ako sa sinabi nya. “Ang OA, ha? Shop talaga ang ibibigay mo. I told you it’s okay, Melchor.” Inayos ko ang salamin sa mata ko. Wala na akong braces dahil okay na ang ngipin ko. Pero mayroon akong retainer para hindi pa rin bumalik sa dati ang ngipin ko. “Siyempre para sa pinakamagandang dalaga sa aking paningin. Dapat lagi kang binibigyan ng flowers.” Napangiti ako at the same time, kinikilig ako. Every time kasama ko si Melchor, masaya ako. He makes me laugh and feel special. Kapag nasa bahay, lagi na lang sermon o di kaya paghihigpit, lalo na si Kuya. Daig pa nga niya si Daddy kung higpitan ako. Ramdam kong malayo ang loob sa akin ni Daddy. Ewan ko kung bakit. Para ngang si Kuya ang daddy ko. Kulang na lang kasi bantayan ako ni Kuya kahit saan man ako pumunta. Hatid sundo ako ng driver namin. Diretso agad sa bahay. Kaya nga na-bu-bully ako dahil manang daw ako. Kasi naman, pati sa pananamit, laging bantay-sarado si Kuya. “I am not beautiful. Kaya huwag mo na akong paasahin sa sinabi mo.” Nakangusong sabi ko. “Hindi naman ako nagsisinungaling. Nagsasabi ako ng totoo. Hindi mo lang nakikita ang tunay mong ganda. Para sa akin, napakaganda mo. Kaya huwag mong pababain ang sarili mo dahil maganda ka talaga,”sabi niya. “Okay, thank you.”Hinawakan niya ang kamay ko at hinila, kaya napasunod ako sa kanya. “Saan tayo pupunta?” Tanong ko. Napalingon ako; baka may makakita na magkahawak-kamay kami ni Melchor. Hindi naman sa kinakahiya ko siya. Ayoko lang mapaaway siya sa mga kaibigan ko. “Basta!” Naglakad kami. Malayo rin ang nilakad namin. Halos hiningal ako. Huminto kami sa harapan ng simbahan. Napakunot ang noo ko. Wala namang simba ngayon? Bakit kami nandito? “Bakit nandito tayo sa simbahan? Wala namang mass, ah?”sabi ko. Hindi niya ako sinagot, bagkus hinila ako papasok sa loob ng simbahan. Nang makapasok kami sa loob, dumiretso kami sa harapan ng altar. “Melchor, baka magalit sa atin si Father. Bawal ang pumunta sa altar.” Bulong ko sa kanya. Napalingon si Melchor sa akin. Ngiti lang ang tinugon niya. “Magpapakasal tayo.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Paano kami magpapakasal? We are still young at walang pari. “Are you crazy, Melchor? We can’t marry, you know that. Stop this, Melchor. Come on, umuwi na tayo.” Pag-aaya ko sa kanyang umuwi. Hinila ko na siya paalis ng altar. Pinigilan niya ako. “Gusto kong manumpa tayo sa harap ng altar. Ilang buwan na lang, hindi na kita makikita. Alam kong aalis ka na papunta sa Amerika. Gusto ko lang makasiguro na hindi tayo magkakahiwalay kahit na malayo tayo sa isa’t isa. Wala akong nagawa kundi pagbigyan siya. Pumayag ako sa gusto niya. Tumayo kami sa harap ng altar. Mabuti na lang walang tao. May nilabas na singsing si Melchor sa kanyang bulsa. Mumurahing singsing lang iyon na nabibili sa bangketa. Hinawakan ni Melchor ang daliri ko habang nakatingin sa akin . “Pangako kong pakakamahalin at aalagaan ka hanggang sa pumuti na ang buhok natin. Kahit uugod-ugod ka na, ikaw pa rin ang pinakasexy sa paningin ko. Kahit wala ka nang ngipin, ikaw ang pinakamagandang ngiti sa paningin ko. Kahit na kulubot na ang balat mo, ikaw pa rin ang mayroon pinakamagandang balat sa buong mundo.” Habang sinasabi ni Melchor iyon, hindi ko maiwasang maluha. I feel how serious he was to me. Although hindi ko masuklian iyon, sa puso ko mahal ko siya. “Gusto kong makasama ka sa buong buhay ko. Crissy, tinatanggap mo ba ako bilang asawa mo?” Napatitig ako sa guwapong mukha ni Melchor. “Yes, I do.” Napangiti nang malawak si Melchor sa sagot ko. Sinuot na ni Melchor ang singsing. May isa pang kinuha si Melchor sa bulsa. Ibinigay niya ito sa akin. “Will you be my husband?” I asked him. “Yes, I do.” Sagot ni Melchor. Sinuot ko sa kanya ang singsing. He cupped my face. Napatingin ako sa labi ni Melchor. Napalunok ako. This is my first kiss. Ayos lang, siya naman ang magiging first kiss ko. My heart beats so fast I couldn’t contain myself. It’s surreal. Totoo ang nararamdaman ko. Walang bahid na kasinungalingan o pagpapanggap. Hindi man totoo ang kasal, ngunit sobrang saya ng nararamdaman ko ngayon. This was the first time I felt this true happiness. “I love you, Crissy.” He said. “I love you too, Melchor,” I replied. He kissed me passionately. Pinahid ko ang luha ko sa mata habang inaalala ang nakaraan. Kung kaya kong humarap kay Melchor, sasabihin ko sa kanya ang lahat. Umaasa akong maiintindihan niya ako. Nakarating ako sa bahay ko. Pagkababa ng sasakyan, sinalubong na ako ng mga anak ko. “Mommy!” Sabay-sabay nilang sabi. Yumakap ang tatlo sa akin. Napangiti ako nang makita ang triplets. Paano ko nga ba hindi makakalimutan si Melchor kung laging may nagpapaalala sa akin. They’ll look like him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD