Prologue
WARNING: Contains mature scene, strong language and VIOLENCE. Please skip this story if you're sensitive with this kind of GENRE.
DISCLAIMER:
Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Read at your own risk!
~R-18~
-------------------------------------------------------
KNIGHT's POV
I was about to kill the person in front of me when I sense that someone is hiding and I found myself looking around and a pair of scared eyes gazing into mine.
"Kill him now King" nabalik ang tingin ko sa lalaking nagmamakaawa sa harap ko ngayon. I can pull the trigger right here, right now pero may alinlangan akong tumingin pabalik sa mga matang kanina lamang ay nakatitig sakin.
"Kill him or I'll do it for you." nagpantig ang tenga ko dahil sa sigaw ni Ash na kasalukuyang nakatutok din ang baril sa lalake. Wala akong balak patayin ang isang to kung hindi lang siya nakialam sa transakyon ko para sa pagbibigay ng impormasyon laban sa aming kaaway.
"Maawa kayo, napag-utusan lang ako, kailangan ko ng pera para sa anak ko."
"Shut up damn it!" konti na lang at ipuputok ko na ang baril sa bungo ng lalake ng biglang tumakbo palapit ang isang dalagang naghihikahos palapit sa lalakeng nakaluhod ngayon sa harap ko. He's asking for my mercy? I am Knight Monteverde and mercy is out of my vocabulary.
"Wag po, wag nyo pong papatayin ang papa ko."pagmamakaawa ng babaeng nakayakap na ngayon sa lalake.
Lumuhod ako upang iangat ang muka ng babae."Kahit umiyak ka ng dugo, o kahit maglupasay ka pa dyan wala akong awang maibibigay sa inyo ng ama mo."
Nagulat ako ng bigla siyang kumapit sa mga binti ko."Parang awa nyo na wag niyong papatayin ang papa ko, siya na lang po ang meron ako. Please wag.."
"I'll give you a minute to say goodbye to your daughter." At walang pag-aalinlangan niyang niyakap ang dalaga habang inaalo nya ito.
"Time starts now" while I am looking in my wrist watch. Hindi ko maiwasang madako ang tingin sa muka ng babae, kung pagbabasehan ng itsura ang layo o walang kahit anong resemblance sa kanila ng lalakeng nakayakap dito.
"Anak makinig ka sakin, mukang eto na ang oras para malaman mo ang totoo..anak, hindi ako ang tunay mong ama..pero wag mong iisipin na hindi kita itinuring na anak..Mahal kita hindi man ako ang ama mo minahal kita na parang tunay kong anak.." Napaangat ang labi ko sa saksing pinanunuod ko ngayon, how dramatic pero desidido na akong malagutan ng hininga ang lalakeng to.
"Papa.. wag, wag mo akong iiwan papa."
"Makinig ka sakin Agatha anak, ano man ang mangyari sakin ngayon wag mong pababayaan ang sarili mo...pumikit ka anak, kahit anong marinig mo wag na wag kang didilat."
"Time's up!" Naka ngising sigaw ko sa mag-amang naka lupasay sa lupa ngayon. Nagsalubong ang tingin namin ng dalaga mababatid mo sa mga mata nito ang sakit at pangsusumamo.
"Pikit anak, pumikit ka..at wag na wag kang didilat."
"Ayoko, papa.." ngunit biglang umalingawngaw ang putok ng baril.
"Knight, andyan na ang mga alagad ng Black Phoenix, umalis na tayo." Mabilis na sulyap lamang ang inukol ko sa mga lalakeng papalapit sa amin, napalingon ako sa babaeng nakaluhod parin at umaagos ang mga sariwang luha sa mga mata na may bahid ng dugo na mula sa ulo ng kanyang kinikilalang ama. Kailangan na naming umalis dahil kung maabutan kami ay di namin kakayanin ang mga kalaban, masyado silang marami at baka kulangin ang bala ng baril na hawak namin ni Ash ngayon.
"s**t!"pagmumura ko ng makitang malapit na ang mga tauhan ng Black Phoenix.
Hindi ko alam kung anong espirito ang sumapi sa akin upang biglang higitin ang kamay ng babae at hinila upang makatakbo sa papalapit na sasakyan ni Ash. Agad ko itong itinulak papasok sa passenger seat at pagkasara ng pinto ng sasakyan ay sumakay na ako sa driver seat. Matulin ang pagpapatakbo ko sa sasakyan hanggang marating ang mansyon, ang lugar na matatawag na hideout ng aming grupo. Alam kong walang balak sumunod ang mga lalakeng humahabol sa amin dahil alam nilang malapit lang ang teritoryo namin sa lugar.
Napatingin ako sa salamin ng sasakyan upang tanawin ang babaeng habang umiiyak.
"What are you gonna do with her?" bored na tanong ni Ash habang nakatingin sa babaeng naglalawa ang mga mata sa likod ng sasakyan.
"You can kill her now if you want" walang emosyong sagot ko.
"You're insane Knight, ikaw ang humila sa kanya e' di sana hinayaan na lang natin siya sa mga yun." he answered me using a bored voice. Ash Monteverde is my cousin, he is my Gang co-leader, sa aming limang magpipinsan ay siya siguro ang pinaka matino kaya siya ang lagi kong kasama. We are five in the group. We came from elite family. We have our own successful business. We are trained in different kind of self defense, bata pa lang kami.
Napatingin ako sa babaeng impit ang paghikbi habang naka pikit ang mata at nung dumilat ay nagsalubong ang tingin naming dalawa.
"Pinatay mo siya?" tinignan ko siya ng masama at mababakas naman ang takot sa kanyang mga mata kaya wala siyang magawa kung hindi umiwas ng tingin at yumuko.
"None of your business if I killed your father or not" umiiling kong sagot sa kanya "..it's none of your business useless human"
Narating namin ang mansyon noong nasa harap na kami ng mataas na gate ay automatiko itong bumukas, we installed a censor in every car that we own to make sure that no one can enter our hideout without our permission. Si Ash ang nakaisip ng ideyang to, he's good at it.
"Dalhin niyo itong babae sa isang bakanteng kwarto at wag niyong hahayaang makatakas" agad namang hinila ng mga men in black ang babaeng nakatulala, but when our eyes met again I can see different emotions in her eyes. Kung kanina ay takot ang nakikita ko ngayon ay galit at pagkamuhi ang pinaparating ng titig na binabato niya sakin ngayon.
"Hindi mo ako madadaan sa mga titig mo babae, humanda ka na at ikaw ang isusunod ko sa tatay-tatayan mo."
Nagpumiglas siya habang hawak hawak ng mga tauhan ko palayo.
I am Knight Monteverde all of the people describe me as heartless King, a heartless demon who can kill without hesitation. Every people that I have killed asked for my mercy but they all end up dead, dahil kahit anong pagmamakaawa nila ay lalo akong ginaganahang patayin sila. They can throw me all the hates they want. I don't care. I am heartless anyway.
Agatha's POV
Labis ang takot at pagkabigla ko sa mga nangyari ngayong araw. Hindi ko maintindihan, alam kong hindi ako tunay na anak ni papa. Matagal ko nang alam simula kupkupin ako nito. Ngunit hindi ako nagtangkang magtanong sa kanya kung sino ang tunay kong magulang, hindi ko sila hinanap dahil maayos naman akong pinalaki ni papa, naging kuntento ako sa pagmamahal at pag-aaruga niya.
Nawalan na ako ng pag-asang mahanap ang tunay kong pamilya. Sana tinanong ko na si papa noon pa man. Sana nasabi niya sakin, ngunit hindi ko sigurado kung kilala niya ang pamilya ko. Alam kong wala na akong makukuhang kasagutan dahil pinatay na siya, pinatay siya ng hayup na lalaking nagdala sakin ngayon dito sa lugar na hindi ko alam kung saan.
Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at niluwa ang isang lalakeng malaki ang katawan at naka suot ng itim na suite at sa likod nito ay ang lalakeng pumatay sa papa ko, nilapag ng lalakeng na mukang goons ang dala nitong pagkain.
"Eat." hindi ko ito pinagtuunan ng pansin, bakit pa nila ako pakakainin kung alam ko namang mamamatay din ako. Hindi ko pinansin ang matalim na titig nito sa akin.
"I said eat damn it!" bulyaw nito sakin, mababakas mo ang galit dahil sa pag igting ng panga nito. Ngunit hindi ko parin ito pinansin, wala akong pakialam kung patayin niya ako. I tried begging pero pinatay niya parin ang papa ko. Pinahid ko ang umaagos na luha sa mga mata ko dahil sa nangyari.
"Bakit?" may halong galit at poot kong sinalubong ang tingin nito "..bakit mo pa ako pakakainin, kung papatayin mo rin naman ako diba?" malamig na tanong ko dito.
"One more word and I'll kill you"
"Then do it." Walang ganang sagot ko dito. Wala na akong pakialam, takot man akong mamamatay pero doon din naman ang kahahantungan ko.
"Kung ayaw mong kumain e di wag, mamatay ka sa gutom." sabay talikod at lumakad paalis sa kwarto sumunod naman ang mga lalakeng kasama niya bitbit ang mga pagkain.
's**t' mura ko sa isip ko. Naramdaman ko ang pagkalam ng tiyan ko. Kagabi pa pala akong walang kain. Bakit ba kasi nagmatapang ako hindi ko rin pala kayang hindi kumain. Mamamatay ata talaga ako hindi sa baril kung di sa gutom. 'Kahit tubig wala talagang iniwan ang hayup na lalakeng yun' pagmumura ko sa isip ko.