The next morning
Knight's POV
"I did the background check with the girl." nakakunot ang noong napatingin ako kay Ash.
"I didn't ask you to do that."
"I know King, but what I have heard yesterday, hindi siya ang ama ng babae and you know curiosity kills the cat." Nakangising sagot nito sa akin. Wala akong balak malaman kung saang lupalop nagmula ang babaeng yun.
"So?"naka taas ang kilay na tanong ko.
"Wanna know the information about her King?"binaling ko ang atensyon ko sa ibang bagay dahil wala naman akong pakialam sa babaeng yun. I'm not even interested.
"I guess wala kang balak malaman."nakipagsukatan ako ng tingin sa pinsan kong naka ngising parang aso sa harap ko.
"She's one of Black Phoenix"
"What?!"nagtatakang tanong ko sa kanya.
"You heard it King, she's the long lost sister of Dark Salvador the leader of Black Phoenix." walang pagaatubiling sagot nito. Napaangat ang labi ko sa impormasyong nakalap ni Ash.
"I know, that's why I am keeping her."mukang wala namang alam ang babae kung sino siya o kung saang pamilya ito nang galing so why bother my self?
Nagtatakang nakatingin sa akin ang pinsan ko "Paano mo nalaman?"
"You said it moron!" kunot noong sagot ko sa kanya.
"You're keeping her, pero hindi mo siya pinapakain o pinapainom man lang?!"singhal nito sa akin.
"Sa ayaw niyang kumain, It's not my fault." I tried giving her food to eat but she ignored me. Ayaw ko sa maarteng tao. Kung ayaw niyang mabuhay e di mamamatay siya sa gutom.
Nagulat ako sa biglang pagsulpot ng tauhan ko "Boss nawawala yung babae"
"Fvck! Find her!"sigaw ko sa tauhan ko. Hindi siya pwedeng makawala, siya ang magiging alas ko sa kuya niya. Napatakbo na rin ako palabas ng opisina para mahanap ang babaeng yun. Hinalughog ko buong kwarto kung saan siya kinulong ngunit wala siya.'You can escape but you can never hide Agatha Salvador'
Tumakbo ako sa may bandang kusina at nagulat ako at nandun siya at kumakain. Nagdilim ang paningin ko noong magawi ang tingin ko sa kinakain niya.
"What do you think you're doing here?" mababakas ang gulat sa mga mata nito habang kumakain ng cake na nasa ref.
"Kumakain, ano ba sa tingin mo?"Umigting ang panga kong nakatitig sa kanya. Napatingin ako sa mapupulang labi dahil sa cake na kinakain niya ay nagkalat ang icing sa labi niyang ang sarap hali-- f**k bakit ba yun ang naiisip ko. She's eating my goddamn favorite food!
"Did you find her?"nagmamadaling tanong ni Ash at ng mapatingin siya sa babae humagalpak ang tawa nito.
"Oh God! I am starting to like her."biglang sinamaan ko ng tingin si Ash. I know what he's thinking.
"Sorry.."
"Agatha right?" Tanong ni Ash na agad namang ikinatango ng babae. Hindi ko alam kung bakit ang inosente ng muka niya na parang wala siyang ginawang malaking kasalanan.
Natatawang tumingin si Ash "You're dead meat sweetheart"natutuwang sabi niya dito.
"Huh?"mababakas naman ang pagkabigla ng babae. 'Damn it! Bakit ba napaka inosente ng mukha niya?!' Pagmumura ko sa isip ko.
"You just ate the most precious food in the fridge sweetheart" sunod-sunod ang hakbang ko palapit sa kanya, hinigit ko na ang braso ng babae at hinila paakyat sa kwarto kung saan siya naka kulong. Iniwan namin si Ash na lalong nasapian ng demonyong humagalpak pa ng tawa. Nang makarating kami sa kwarto ay agad kong binagsak pasara ang pinto at tinulak siya sa kama.
Agatha's POV
"Don't you dare leave this room again!" Sigaw ng lalakeng nagaapoy ang matang nakatingin sa akin.
"Sorry... nagugutom na kasi ako saka nauuhaw." wala naman akong balak patayin ang sarili ko sa gutom at uhaw kaya nagtataka man ako kanina dahil walang tao o nagbabantay sakin sa labas ng kwarto at take note bukas ang pinto bakit nila hinahayaang bukas yun kung ayaw pala nila akong lumabas o makatakas mga siraulo pala sila e, naghanap lang ako kung saan may pagkain. Kaya nung makita ko yung cake sa ref ay wala na akong arteng kinain ito. Malay ko bang 'most precious food pala iyon?
"Okay.." sagot nito sa akin. Napaawang ang labi ko dahil hindi siya galit.
"I'll tell them to bring you food here at wag na wag kang lalabas ulit!" Bulyaw nito sa akin at naglakad palabas. Wala akong naisagot dahil sa pagtataka.
'Ang bilis naman magbago ng mood nun, kanina hindi galit tapos biglang galit na naman' sambit ko sa isip ko habang nakatanaw sa pintuang nilabasan niya.
-------------------------------
Napabalikwas ako ng biglang bumukas ang pinto at niluwa nito ang isang matangkad na lalake. Maputi ito at gaya nung tinatawag nilang King makapal ang kilay at may mapupulang labi, may kulay abong mga mata at mapipilantik na pilikmata.
"Hi.."naka ngiting bati nito sa akin.
"I'm Ash"sabay abot ng kamay niya. Nahihiyang inabot ko naman ang kamay nito. "I'm Agatha" tipid na sagot ko dito sabay bawi ng kamay ko.
"You're cute.." tila namamanghang sagot nito.
"E-hehe salamat" pilit na ngiting tugon ko. Alam ko namang cute ako mana ako sa tatay ko. Bigla akong nalungkot na naman sa nangyari sa ama ko. Nakita ko kung paano siya pinatay sa harap ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ako na-trauma sa nangyari, parang sanay na akong makakita na may namamatay sa harap ko pero kahit ganun nalulungkot parin ako dahil malapit na tao sa akin ang namatay.
"Pwede ba akong magtanong?" Nahihiyang tanong ko sa lalaking kaharap ko ngayon si Ash.
"Sure, tell me what is it?" Umupo siya sa gilid ng kama at nag-aabang sa tanong ko.
"Bakit most precious yung cake na kinain ko sa ref?" nagtatakang tanong ko sa kanya na dapat hindi naman yun ang tanong ko, gusto kong malaman bakit nila nagawa yun sa papa ko pero nagtataka din kasi ako kung bakit galit na galit yung demonyitong masungit na nagdala sa akin dito dahil kinain ko yung cake na yun.
Natatawang tumingin ito sa akin "Kasi ikaw lang yung nagtangkang kumain ng paborito ni King." kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
"Bakit bukod ba sa pagiging demonyo nung taong yun madamot din siya?" ewan ko kung bakit naging interesado akong malaman ang tungkol sa lalakeng yun.
"Hahaha.."humahagikgik na tawa nito sa akin. Napasimangot naman akong tumingin sa kanya, ewan ko bakit magaan ang loob kong kausapin tong si Ash may sapak din ata sa utak to.
"Kasi kaya ni King pumatay dahil sa cake na yun"seryosong sagot niya.
"Ha?"bigla akong kinilabutan sa sinabi niya. Dahil sa cake? sinong tanga ang papatay dahil sa blueberry cheese cake. Abnormal din ata yung demonyong hari na yun.
"So far wala pa namang namamatay, pero mukang magkakaroon na" bigla akong natakot sa sinabi niya. Kaya siguro nagalit yung si King kanina. Napakagat ako sa ibabang labi ko.
"Don't worry, mukang di ka naman papatayin nun." sabay gulo ng buhok ko. Ang gaan talaga ng loob kong kausapin siya. Mukang hindi naman siya masama kasi maayos naman siya kausap kahit papaano'y may nagtangkang kumausap sa akin dito.
"I'll go ahead, mamaya dadalhan ka na ng pagkain nun." Tumayo na siya at naglakad palabas ng kwarto. Napasabunot na naman ako sa buhok ko sa naisip, 'bakit ko ba kasi pinagkainteresan ang cake na yun?'
Ilang minuto lang ng pagmumuni muni ko sa kisame ng kwarto ng biglang bumukas na naman ang pinto nito. Bumungad sa akin ang seryosong muka ni King. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng muka niya, walang emosyong mga kulay abong mata na akala mo'y malulunod ka kapag nakipag titigan ka, matangos na ilong, manipis at mapupulang labi, makapal na kilay, perfect jawline, makapal at salubong kilay, pero kahit ganun na lagi siyang naka simangot o kaya seryoso ang gwapo parin ng itsura niya.
"Stop starring and eat."
"Alam mo ang gwapo mo sana pero ang pangit ng ugali mo" sagot ko sa kanya. Nakakainis kasi, pinagmamasdan ko pa ang gwapong muka nya e.
"Don't mention the obvious" nakangising sagot niya "and yeah pangit talaga ang ugali ko kaya kung ayaw mong magutom, imbes na pagpantasyahan mo ako kumain ka na lang."mataray na sagot nito sabay lapag ng pagkain sa harap ko. Kalalakeng tao akala mo'y pinaglihi sa sama ng loob.
"Kapal naman ng muka mo! Sinong nagsabing pinagpapantasyahan kita?!" nakakainis pinagmamasdan ko lang naman ang poging muka niya napaka sungit.
"You are drooling while starring" nakapamewang na sagot nito. Ang kapal talaga ng mukha ng demonyong to.
"Kakain na ako, lumayas ka na.. shoo..!" Pagtataboy ko sa kanya "layas at baka ikaw ang makain ko." Bigla siyang na-stunned at napalunok dahil nakita kong gumalaw yung adam's apple niya. Teka mukhang mali kasi yung sinabi ko, baka iba yung pagkaintindi niya dun sa huling sinabi ko? Noong nakabawi siya sa pagkatulala ay nagmartsa na siya palabas ng kwarto. Hindi ko na lang siya pinansin at nagsimula ng kumain baka hindi na naman ako pakainin ng kumag na yun at talagang siya na kakainin ko.
Pagtapos kong kumain ay nagtungo na ako sa banyo, kahapon pa kasi ako walang ligo. May dumating na mga paper bags kanina at alam kong mga damit yun dahil wala naman akong damit dito, mukang napansin din nila na wala akong ligo kaninang lumabas ako ng kwarto. Namangha naman ako dahil may sariling bathtub ang banyo, pangarap ko lang kase ito noon. Naalala ko na naman si papa, hindi man kami mayaman, kahit salat kami sa mga materyal na bagay e kasama ko naman siya. Ngayon wala akong kasiguraduhan kung hanggang kailan ako mabubuhay, wala na din kase yung tinuring kong pamilya. Napabuntong hininga na lang ako at nagbabad. Hindi ko namalayan na naka idlip ako habang nakababad ang aking katawan.
Nasa isang malawak ba playgroud daw ako ng mapansin ko ang isang batang lalakeng umiiyak sa isang bleacher.
"Bata bakit ka umiiyak?" tanong ko sa batang lalake. Hindi ko alam kung anong itsura niya dahil blurred yung muka niya pero alam kong umiiyak siya.
"Heto o kainin mo para hindi ka na sad" may inabot akong supot sa bata. Nagaalangan man ay kinuha niya ito.
"Chalaamat"
"Ako nga pala si Agatha" pagpapakilala ko sa kanya pero bigla siyang tumakbo bitbit yung supot na binigay ko sa kanya.
"Bataaa!" Bigla siyang tumigil ng tinawag ko siya.
"Salamat Agatha!" habang kumakaway ito sa akin
Nagulat ako sa katok na pumutol sa panaginip ko. Ang weird sino kaya yung bata na yun, hindi ko kasi nakita yung mukha niya. Tuloy tuloy parin ang katok sa pinto.
"Sandaleee!" Sigaw ko sa kung sinong tao ang nasa pinto.
Agad akong nagbanlaw ng katawan matapos ay nagtapis na lang ako ng tuwalya. Hindi ko na rin narinig ang katok sa pinto, malamang lumabas na kung sino mang istorbo na yun.
Sinilip ko ang madilim na kwarto, para suriin kung walang tao. 's**t' mura ko sa isip ko. Nakalimutan ko kaseng magbukas ng ilaw, wala tuloy akong makita. Agad ko naman tinungo ang switch ng ilaw ng pagbukas nito.
"f**k!"malutong na mura ang narinig ko, si King nasa harap ko. Biglang namula ang mukha ko dahil sa itsura ko. Tanging tuwalya lang kasi na hanggang kalahati ng hita ko ang nakatakip sa aking katawan. Bigla siyang tumalikod.
"Don't you know how to lock the door?" galit na bulyaw nito sa akin.
"Aba malay ko bang papasok ka dito?!" Nakapamewang na tanong ko sa kanya. Kahit naman maglock ako ng pinto e nasa kanya naman ang susi e di makakapasok parin siya.
"Get your f*****g dress now damn it!" Sigaw na naman niya sakin pansin ko ang namumula niyang tenga habang nakatalikod. Bigla naman akong natauhan at kinuha ang mga damit na isusuot ko, naka ready na yun dahil pinatong ko na kanina sa ibabaw ng kama. Basta ko na lang hinablot ang mga ito at tumakbo patungong banyo nilock ko na din at baka kung ano pa ang gawin sakin ng demonyong yun. Nagmamadali akong nagbihis. Paglabas ko ng banyo ay naabutan ko si King na nakaupo sa single sofa na nasa gilid ng kama. Siya ang unang nagiwas ng tingin ng magkasalubong ang mga mata namin.
"Bakit ba kasi bigla bigla kang pumapasok?" nakakainis kasi, hindi ba uso ang katok sa kanila. Sabagay nasa banyo ako at dun siya kumatok ang shunga ko din e.
"Don't you fvcking do that again" mariing sagot nito sa akin.
"Doing what?" Alam ko ang ibig niyang sabihin, pero ang sarap kasi niyang inisin. Salubong na salubong ang makakapal na kilay. 'Ang pogi' sa isip-isip ko.
"Stop smiling" namumula na naman ang mukha nito.
"Tse! Bakit kasi andito ka?"
"I'm just checking on you, baka kasi bigla kang maglaho dito."
"As if namang makakatakas ako e nagkalat ang mga goons sa paligid" sabay irap sa kanya.
"You'll be joining me tomorrow evening, may pupuntahan tayong party." tumayo na ito at patungo na sa pinto habang nakapamulsa ang mga kamay niya sa kulay itim nitong pantalon.
"Ha! Bakit ako kasama?"nagtatakang tanong ko sa kanya.
"You'll be my date so stop asking" biglang bumilis ang t***k ng puso ko at parang hinahalukay ang kaibuturan ng tiyan ko.
"Wala ka bang ibang pwedeng idate?" Nagtatakang tanong ko, imposible kasi ang gwapo niya kahit pangit ang ugali niya tapos wala ba siyang jowa ang lungkot naman ng buhay nito. Bawi na lang siya next life.
"Stop asking and just do what I say or I'll kill you." seryosong sagot nito, bigla naman akong kinilabutan sa sobrang lamig ng boses niya. Abnormal talaga tong lalaking to, siya na may kailangan siya pa galit napaka bilis magbago ng mood niya.
"Ang sungit sungit mo! Bahala ka sa buhay mo maghanap ka ng ibang ka-date mo!" Sigaw ko sa kanya, totoo naman e bakit hindi na lang ibang babae ang isama niya doon wala naman akong kilala dun at baka dun pa niya ako papatayin.
"You'll going with me whether you like it or not." sabay talikod at deretsong lumabas ng kwarto. Napasigaw na lang ako sa inis, gagong lalaki yun. Hindi parin nagbago yung bilis ng t***k ng puso ko.
Knight's POV
Tinungga ko na ang natitirang laman ng beer in can ko at seryosong nakatingin sa kawalan, di parin mawala sa isip ko yung itsura ng babaeng yun kaninang nasa kwarto niya ako. Wala ata sa kokote niya ang mag-lock ng pinto paano kung may biglang pumasok at ganun ang madatnan dun. Agad kong ibinilin sa mga tauhan ko na wag silang basta basta papasok sa kwarto nito.
"Why so serious King?" Nagulat naman ako sa biglang sulpot ni Andrei. Andrei Monteverde-Mondragon is one of the member of our Society. Nagiisang anak ng tita ko in my father-side. He's the youngest member of our underground society and one of the wealthiest bachelor here in Asia.
"I'm always serious brother." walang ganang sagot ko dito. Napa iling na lang ako ng bigla niyang halikan ang babaeng kasama niya ngayon. Nasa bar kami ngayon dahil nag-aya si Zeke dahil mukhang may problema na naman siya sa pamilya niya.
"May balita na ba sa Black Phoenix?" seryosong tanong ko kay Zeke.
"King, we're here to get wasted. Wag mo na munang problemahin ang mga yun."
"Tss..fine."nilagok ko na ang huling beer ko at tuluyan na silang iwan sa bar na yun. Wala akong balak magpakalasing ngayon sumama lang ako sa kanila dahil sa nangyari kanina.
'Damn' mura ko sa isip ko. Hindi parin mawala sa isip ko ang itsura ni Agatha kanina. Those natural red and kissable lips and flawless skin. Dark brown eyes with thick eyelashes. Sexy curves and big bust. Napa iling-iling na lang ako sa naiisip ko. Bakit ko ba pinagpapantasyahan ang babaeng yun?
Pinaharurot ko na ang aking bagong mustang GT deretso sa hideout.
Agatha's POV
Hindi ako makatulog dahil sa sinabi ni King sa akin, parang bigla akong na-excite na aattend ako ng party bukas. Ngayon lang kasi ako makakaranas na may ka-date 'oops' hindi naman yun ang nakaka excite kung hindi dahil first time kong a-attend ng party. Ang mga party na nadaluhan ko lang ay mga simpleng birthday celebration ng mga kaibigan ko noong nag-aaral pa ako.
Tumayo ako at naglakad palabas ng veranda ng kwarto sinalubong ako ng malamig na hangin, pinagmasdan ko ang itim na itim na kalangitan at may kumikislap kislap na mga bitwin. Nabaling ang atensyon ko sa isang mamahaling sasakyan na papasok sa malaking gate. Pinagmasdan ko kung sinong nilalang ang lalabas sa sasakyan na yun. Pagbukas ng pinto ng sasakyan bumaba si King dito. Nakasuot ito ng itim na V-neck shirt at kulay abong pang-ibaba nakasuot din ito ng kulay puting sneakers. Pinagmasdan ko ang kabuuan nito masyadong perpekto ang katawan niya, lalakeng lalake ang dating nito sa akin.
Nagtama ang mga mata namin nung sinulyapan ko ang mukha nito, alam ata niyang may nakamasid sa kanya. Iniwas ko na lang ang tingin ko at tumalikod na papasok sa kwarto. Nagtalukbong na ako ng kumot at bago ako lamunin ng antok muling sumagi sa isipan ko ang perpektong mukha ni King. Heto na naman ang bilis na t***k ng puso ko, bakit ganito ang epekto ng lalakeng yun sa akin.