Agatha's POV
Naalimpungatan ako sa isang mainit na hangin na dumadampi sa muka ko. Amoy mint at mamahaling aftershave,para akong kinikiliti. Napamulat ako ng maalala kong wala pala akong kasama sa kwarto. Nauntog ako sa isang matigas na bagay pag bangon ko. Nang iangat ko ang aking mga mata ay sinalubong ako ng nakakunot na noo ng isang gwapong lalake.
"Waah.. Bakit nandito ka sa kwarto?!" Sigaw ko sa lalaking nasa harap ko ngayon. Hindi siya mukhang bagong gising dahil ang fresh ng itsura nya. Naka suot siya ng isang itim shirt at isang kulay puting silk pajama, magulo ang buhok nito pero hindi kabawasan sa itsura niya bagkus ay lalong nakakadagdag sa pagkalalake niya.
"It's already eleven in the morning sleepyhead"
Napanguso na lang ako dahil sa pagkainis sa frustration dahil antok na antok pa ako.
"Ang aga pa inaantok pa ako." Tinatamad na wika ko dito. Anong oras na kasi ako nakatulog kaninang madaling araw. Hindi mawala sa isip ko ang pagmumukha ni King. Masyado siyang seryoso sa buhay hindi ko man lang siya makitang ngumiti pinaglihi ata talaga siya sa sama ng loob.
"You need to prepare for the party.." Nakapamewang na wika nito, hindi parin ako makapaniwalang ako ang niyaya niya sa party mamaya. Wala naman akong isusuot. Mukang nabasa niya ata ang nasa isip ko.
"Someone will be here in a while, don't worry you'll not gonna wear jeans and shirt." nakangising sagot nito.
"Ayoko naman na magmukhang yaya ang date ko mamaya." pinandilatan ko siya dahil ang kapal ng mukha niyang sabihing mukha akong yaya. Alam ko namang wala sa uso ang mga sinusuot ko pero kahit ganon maganda naman ako, maganda ang katawan at makinis.
"Ang ganda ko namang yaya kung sakali.." naiinis kong sagot dito. Hindi naman nakaligtas ang pagsilay ng isang ngiti sa labi niya.
"Oh bakit ka nakangiti dyan? Nagagandahan ka rin sakin ano?" tanong ko dito bigla namang nabura ang ngiting yun at agad napalitaan ng salubong na kilay. Bilis talaga magbago ng mood ang loko.
"Tss.."yun na lang ang naisagot niya at tuluyan ng lumabas ng kwarto.
Napabaling ang tingin ko sa bedside table ng makita kong may pagkain ng nakahanda doon, wala na akong sinayang na panahon at nilantakan na ang pagkain. Kahit papano ay nakaramdam ako ng konting excitement dahil minsan lang mangyari ang ganitong pagkakataon na makasama sa isang party.
Matapos kumain ay nagpasya na akong maligo, tinagalan ko para matanggal ang mga libag na nakatago sa kasulok-sulukan ng aking katawan. Matapos kong magbabad sa shower ay nagsipilyo na ako. Paglabas ko ng kwarto ay nagulat ako ng may dalawang babaeng nag-aantay sa akin. Sila na siguro ang sinasabi ni King na pupunta dito.
"Naku.. Ang ganda ganda mo pala Ma'am.."nagagalak na bati sa akin ng isang babae.
"Agatha na lang po." nahihiyang wika ko dito. Muka naman silang mababait.
Yung isa ang naglagay ng kolorete sa aking mukha, pasilip silip ako sa wall clock at mga nakita kong mag aalas cinco na ng hapon. Hindi ko napansin na tapos na pala akong lagyan ng make-up ni ate Linda, at si ate Lala naman ang nagaayos ng buhok ko. Nakalugay ito at may malalaking kulot sa baba, mahaba at makintab ang kulay itim kong buhok natural na bagsak ito kaya kahit hindi masyadong ayusan ay presentable naman minsan kahit hindi na nga suklayin at bumabagay parin sa akin.
"Ang ganda ganda mo talaga.." nakangiting wika nilang dalawa sa akin. Napatingin naman ako sa itim na dress na nasa ibabaw ng kama.
"Bagay na bagay itong dress na binili ni Sir King sa inyo." excited na wika ni ate Linda. Tinulungan naman nila akong isuot ito. Isang itim na dress na may slit sa dalawang gilid abot ata hanggang singit, naiilang ako dahil baka konting bukaka lang ay makikita na ang aking perlas. May manipis na tela sa likod na kung hindi mo papansinin ay hindi mo makikitang may tela ito dahil kitang kita ang likod at ang sexy curve ko sa likod. May design din siyang parang mga maliliit na diamonds sa harap, isa itong halter top na dress.
Pinagmasdan ko ang aking itsura sa salamin, ang ganda ganda ko. Hindi ako mukhang galing sa mahirap na pamilya dahil sa kutis ko na akala mo'y kutis pang mayaman, lalo lang pinatingkad ng suot kong dress ngayon.
"Agatha.." Nabaling ang tingin ko sa isang lalaking nakasuot ng mamahaling tux na nakatitig ngayon sa akin.
"You look so damn gorgeous!" bulalas nito na agad ko namang tinawanan.
"You look awesome too Ash" wika ko dito at binigyan ng matamis na ngiti.
"Tsk, naunahan ako ni King dapat ako ang magyayaya sayo sa party e." May panghihinayang na wila nito."But at least ako ang unang naka kita ng kagandahan mo."
"Naku.. hindi nga ako dapat sasama pero pinagbantaan ako e kaya wala akong choice." wala talaga akong balak na sumama kay King kung hindi lang talaga ako takot mamamatay. Ayoko pang magpaalam sa mundong ibabaw, nabuo na ang desisyon kong hahanapin ko pa ang tunay kong pamilya.
"Let's go?" Ayaw sa akin ni Ash."I'll be your personal driver tonight, King ask me to pick you up. Nauna na siya dun dahil may kakausapin pa siyang mga kasosyo niya sa negosyo." Mabahang paliwanag nito sa akin. Tumango na lang ako at kumapit sa naka abang niyang mga braso.
Habang nagmamaneho si Ash ay naka tingin lamang ako sa may bintana ng kotse niya, wala akong imik dahil kinakabahan ako kung ano ang magiging reaksyon ni King pag nakita niya ako. Nang makarating kami sa harap ng malaking hotel ay agad bumababa si Ash, nakita ko na nag-aabang si King sa labas malamang ay inaasahan na niyang andito na ako. Ang gwapo gwapo niya sa suot niyang black tux, at black slacks bagay din ang messy hair niya mukang kagalang-galang na may pagkabad boy ang itsura niya.
Naglakad na siya palapit sa akin ng matapos ang sandaling pag-uusap nila ni Ash di rin nakatakas ang marahang pagsuntok nito sa braso ni King na animo'y inaasar ito. Noong nasa harap na siya ng pinto ay ako na ang kusang nagbukas ng pinto ng sasakyan.
Naka-awang ang bibig ni King ng lumabas ako lulan ng sasakyan, akala mo'y na-estatwa na ito dahil wala man lang siyang kakilos kilos. Alam ko namang maganda ako ngayon, masyadong obvious na nagulat siya sa itsura ko.
"Hi.."tipid na wika ko sa kanya. Agad naman siyang napaiwas ng tingin sa akin.
"You look so dashing tonight." Matipid ba wika nito. Isang tunay na ngiti ang isinagot ko dito.
"Ang gwapo mo din sa suot mo" nahihiyang wika ko sa kanya.
Nilahad na niya ang braso niya at inaya na akong pumasok sa loob. Sinalubong kami ng mga mata ng mga taong nasa loob ng event room. May mga babaeng mababakas ang pagkamangha sa lalaking kasama ko ngayon at pag bumabaling ang kanilang mata sa akin ay inggit ang nakikita ko. Hindi rin mawala ang mga mata ng mga lalaking nangisngislap pagkakita sa akin. Inaya niya ako sa isang table kasama ang limang naggagandahang lalake. Si King at Ash lang ang kilala ko sa table.
"King, who is she?" Tanong ng isang lalakeng nakasuot ng bughaw na tux na ternong-terno sa bughaw din nitong mga mata.
"Agatha Elise Domingo." Wika ko dahil mukang walang balak si King ipakilala ako dito.
"Azekiel Ramos-Monteverde, you can call me Zeke." Wika nito. Napatango na lamang ako at inabot ang kamay niya na agad namang tinabig ni King.
"Tss possesive.." Wika naman nitong si Zeke.
"That's Raegan" turo na king sa isa pang lalake na pinasadahan lamang ako ng tingin at agad binalik sa hawak niyang kopita.
"And the man beside him is Andrei." turo nito sa katabing lalakeng katabi ni Raegan na busy sa pakikipaglandian sa babaeng kasama niya.
Napukaw ang pagmamasid ko sa paligid dahil sa babaeng papalapit sa table namin.
"King can I speak with you?" sambit ng babae pagdating sa pwesto namin.
"Stay here and don't get near to that man." Sabay turo kay Andrei na nakatingin na pala sa kanya. Tumango na lamang ito at nilingon ang papalayong likod ni King.
"Kumain ka muna" wika ni Ash na nasa tabi na niya ngayon.
"Ayos lang ako Ash, salamat." sagot naman nito. Hindi kasi mawala sa isipan niya ang babaeng nag-aya kay King kanina. Bakit ang tagal naman nilang mag-usap.
"That's Mildred" mukang nabasa ni Ash ang nasa isip ko.
"Ha?" Nagtatakang tanong ko naman sa kanya. May mga kakayahan ba talaga silang makabasa ng isip ng may isip bakit di na lang isip nila ang isipin nila.
"Alam ko yang iniisip mo, and to tell you honestly Agatha alam kong curious ka kay Mildred nababakas ko na sa mukha mo."
"Sino ba yun?" Nag-aalangang taning ko sa kanya.
"She's Mildred, fiance ni King." biglang may kumirot sa bandang dibdib ko sa narinig ko. Wala naman akong pakialam kung may babae sa buhay niya. Pero bakit may masakit sa dibdib ko sa mga narinig ko.
"Ah-hehe okay, buti naman may magpapasaya na sa kanya, mukha kasi siyang pinaglihi sa sama ng loob e" sagot ko sa kanya na may pilit na ngiti.
"Hindi naman siya magpapakasal dahil mahal siya ni King." bigla naman akong nagulat sa kasunod na wika nito "He's engage for the sake of business."
"Wala bang wine dito?" Pagtatanong ko kay Ash upang makaiwas sa pinaguusapan namin. Wala naman na akong balak alamin kung ano man ang meron kay King at kay Mildred.
"Are you sure na iinom ka?" nagtatakang tanong niya na may halong pagkatuwa dito.
"Ah OO, bakit hindi ba pwede?"
Natigilan ako ng tinawag ni Ash ang isang waiter at inabutan ako ng isang wine glass.
"Here's your drink Ma'am" napangiti na lamang akong tinanggap ang inabot nitong wine sa akin. Wala naman akong balak uminom, actually this is my first time na uminom kahit sabihin nating wine lamang ito.
"Don't drink too much" muling pagpapa-alala ni Ash bago ako iwan dahil may mga kausap din siyang business partner ata ng pamilya nila.
Nalibang ako sa pag-iinom mag-isa. Naiinis ako na sana hindi na lang ako sumama kung iiwan din pala akong mag-isa dito sa mesa. Hindi ko na mabilang kung naka ilang baso na ako ng wine, napansin ko na lamang na parang umiikot na ang aking sintido. Kung tatayo ako at baka mabuwal na ako dahil sa hilo.
Nagulat ako ng may biglang tumabi sa akin. Muka naman siyang mabait, gaya ng limang lalakeng kasama ko kanina ay may itsura din ito.
"Hi, I'm Simon." wika nito habang nakalahad ang isang kamay.
"Agatha"tipid na wika ko at nakipag shake hands sa kanya.
"Iniwan ka na ata ng mga kasama mo." Wika nito sabay lingon sa paligid, nakisunod na tingin din ako at wala na nga ang mga lalaking kaninang kasama ko dito sa lamesa. Saan kaya sila nagpunta bigla na lamang silang naglaho dito.
"Hindi naman siguro masama na ayain kitang maglakad-lakad sa garden." naiilang na aya nito sa akin. Tutal iniwan na ako ng mga kasama ko, aliwin ko na lang ang sarili ko wala naman sigurong masama.
"Sure" nakangiting wika ko dito.
Inalalayan niya ako palabas ng hotel at dinala sa isang malawak na garden. Napatingin ako sa kalangitan, masyadong maliwanag ngayong gabi dahil sa dami ng kumikislap na mga bitwin.
"Kaano-ano mo pala ang mga Monteverde" wika nito habang nakatingala din sa kalangitan.
"Maniniwala ka ba pag sinabi kong kinidnap nila ako?" Nakangiting wika ko sa kanya. Yun naman ang totoo. Kinulong nila ako sa mansyon nila.
"Huh?"nagtatakang tanong niya sa akin.
"Dinala nila ako sa mansyon nila at kinulong sa isang kwarto."matipid na wika ko dito.
"So, bakit ka sumama dito kung kinulong ka nila?" Magkasalubong na ang kilay nito sa pagtataka. Ako din naman at ganun ang nararamdaman. Hindi ko rin alam kung bakit niya ako sinama dito e kinulong nga niya ako.
"Niyaya ako ni King na maging date niya." alanganing ngiti matapos kong sabihin ang totoo.
"Kung ikaw ang date, bakit iba ang kasama?" biglang kumirot na naman ang dibdib ko sa sinabi nito. Bakit ba kapag sinasabing may kasamang iba si King para akong dinudurog, ang sakit sa dibdib.
"Hindi ko alam."walang kabuhay-buhay na sagot ko sa kanya.
"Gusto mo na bang umuwi sa totoo mong pamilya?"
"Wala naman na akong uuwian, namatay ang papa ko sa araw na dinala ako ni King sa mansyon nila." malungkot na sagot ko sa kanya.
"Pero pwede mo ba akong ihatid sa bahay namin?" nagaalangan man ay tumango ito sa akin. Ngumiti naman ako sa isiping makakauwi na ako sa bahay namin ni papa.
"But I think hindi pa kita maihahatid ngayon." Wika niya habang nakatitig sa likuran ko. Agad ko namang sinundan ang tinitignan niya at nakita ang nagbabagang mga mata ni King palapit sa amin.
"Don't worry, the next time we meet again. I'll make sure na maiuuwi na kita sa bahay niyo." Inalalayan niya akong tumaya dahil naka salampak kami sa damuhan.
"What do you think you're doing?!" Galit na bungad ni King. Tumalim ang tingin nito kay Simon.
"You left her alone"mariing wika naman ni Simon sa kanya.
"So what? I don't need your f*****g care.."matigas na wika nito.
"You left her, and I think there's no problem accompanying her here, right Agatha?" nagtatanong na wika nito sa akin. Nagaalangan man ay tumango ako sa kanya.
"Kung wala kang balak samahan siya wala kang karapatang bawalan siyang sumama sa gusto niyang samahan." nagigting ang mga panga ni King sa sinabi ng lalake. Lalong naglagablab ang mga mata ni King sa galit dahil sa sinabi nito.
"And aside from that she also mentioned that you kidnapped her." Nakangising wika pa nito kay King. Hindi na napigilan at biglang sinuntok ni King sa muka si Simon. Nanginginig ako sa takot sa nakikita kong galit ng lalake ngayon.
"Tama na!" Saway ko sa kanya dahil akma na naman niyang susugurin si Simon.
"Shut up!" galit na sagot nito sa akin. Agad niyang binalingan si Simon na nakahiga at sapo sapo ang pangang sinuntok nya. Naaawa ako dito dahil sa akin kaya siya nasuntok, nagmagandang loob lang naman siyang samahan at kausapin ako.
"Ganyan ka ba pinalaki ng papa mo at kung kani-kanino ka sumasamang lalake?" Nanguuyam na wika nito habang nakatingin sa akin. Agad naman akong napuno ng inis at galit at dumapo ang isang malakas na sampal sa mukha niya.
"Wala kang karapatang husgaan ako, at kung paano ako pinalaki." malamig na wika ko sa kanya. Anong karapatan niyang pagsalitaan ako ng ganun.
"Sana kinulong mo na lang ako..sana hindi mo na lang ako sinama dito..hindi sana nagbago ang tingin ko sayo." Matalim na mata ang pinukol ko sa kanya.
"Wala ka palang kasing sama..wala kang kwentang tao."
"The hell I care?!" bulyaw nito sa akin."I don't give a damn whatever you think of me I don't care anymore." walang ganang sagot niya sa akin.
"Simon, ihatid mo na ako sa bahay namin." wika ko sa lalakeng nakatayo na sa gilid ko. Agad naman siyang lumapit at hinawakan ang braso ko para alalayang lumabas.
"Wag kang mag-alala Mr. Monteverde, this is the last time na makikita mo ako. Hindi kita isusuplong sa mga pulis dahil alam kong wala naman akong laban sayo..wag na wag na din sanang magkrus ang landas natin." yun lang at iniwan ko na siyang nakatayo sa malawak na garden. Wala na akong planong lingunin siya.
Hinatid na ako ni Simon pauwi sa bahay ni papa. Pag-alis niya ay agad akong nagtungo sa kwarto ni papa para hanapin ang isang importanteng bagay. Nakita ko ito sa tukador kung saan natatabunan ng mga damit ni papa ang isang lumang box. Pagbukas ko dito ay bumungad sa akin ang isang kwintas na may pendant na..
BP Princess.
May nakasuksok din na papel na may nakalagay na telephone number. Agad akong lumabas upang tawagan ito. Nung una ay nagaalangan pa ako kung itutuloy ko bang magpakilala pero sa mga nangyari at alam kong mahihirapan akong mag-isa dahil wala na si papa ay buo na ang loob kong tawag ito.
Isang ring lamang ay may sumagot na sa telepono.
"Hello?" Wika ng isang babae sa kabilang linya.
"Hello po?" Sagot ko naman agad kong narinig ang isang impit na iyak.
"Princess, ikaw na ba iyan anak?" wika ng babae sa linya. Nagaalangan man at wala mang kasiguraduhan ay sumang-ayon ako dito dahil may kung ano akong naramdaman ng marinig ko ang boses na nanggagaling sa kabilang linya.
"O-opo ako po ito" agad siyang nagpaalam ng maibigay ko ang exact address kung saan ang bahay namin ni papa.
Pabalik balik akong naglalakad sa sala dahil kinakabahan ako sa ano mang mangyayari ngayong gabi. Makikita ko na ang tunay kong pamilya.
Napukaw ang pag-iisip ko ng may kumatok sa pinto. Binuksan ko ito at tumambad sa akin ang luhaang mukha ng isang ginang na animo'y pinatandang ako.
"Anak..."agad naman ako niyapos nito at ginantihan ko naman ng mahigpit na yakap. Sumunod ang isang lalakeng kung susumahin ay mas matanda sa akin ng ilang taon.
"Can you show me that you are really our Princess?" Nagsusumamong tanong nito sa akin. Naalala ko naman yung kwintas na nasa box at agad ko itong hinanap, noong pinakita ko ito ay natigilan sila.
"You are really our Princess" wika na din ng lalake at niyakap din ako. Ang daming nangyari ngayong gabi, ang dami kong nalaman. Isa pala akong heiress ng isang mayamang pamilya. Matagal na panahon na pala nila akong hinahanap.
"Don't worry.. dadalhin ko kayo ni Mommy sa US, doon ka na mag-aaral at babawi kami sayo I promise." naluluhang wika ng kuya ko. Yes, he's my older brother. I am Agatha Elise Salvador. The only princess of Black Phoenix Empire.