3 years later..
Agatha's POV
Lumipas ang tatlong taon marami na ang nagbago. Bago ako nagdesisyon na umuwi na ng Pilipinas ay madaming beses muna akong pinilit ni Kuya Dark. Hindi naman sa kinalimutan ko na ang buhay na iniwan ko sa Pinas simula nagmigrate kami sa US, pero sadyang wala lang talaga akong balak na bumalik pa dito. Dahil alam kong ako na ang magmamanage ng company ng pamilya namin. Sinanay na ako ni kuya dahil may company din kami sa US, at ako na ang tumayong acting CEO dun.
"Hello Kuya? Where are you?" naiiritang wika ko sa kabilang linya. Kakalapag lang ng eroplano makalipas ang ilang oras na biyahe.
Alam kong busy ang brother ko sa mga business ng pamilya namin pero siya ang nagpumilit na magsundo sa akin. Well, you can call be a spoiled brat when it comes to my brother.
"I'm actually looking at your ugly face princess.."nangiinis na wika nito sa akin at alam kong nakangiti na naman ito. Nilibot ko ang paningin at napangiti ng sa wakas ay nakita ko na siya. Inirapan ko siya and I rolled my eyes na kunyari galit ako.
"I'll tell Mom that you called me ugly. Magkamukha kaya kami." nakapamewang na sagot ko sa kanya. Tumawa naman ito dahil alam niyang sa aming dalawa ay ako ang kakampihan ni Mommy. Ginulo na lamang niya ang aking buhok.
"Tss.. Palibhasa alam mong ikaw ang paboritong anak."
"Paboritong kapatid naman kita.." nakangiting wika ko sa kanya.
"Wala ka kasing choice kasi dalawa lang tayo." kunyaring malungkot ang mukha nito, nagsad face pa talaga ang gago.
"Kuya, I'll visit my friends later ha?" Naglalambing na sagot ko sa kanya. Alam ko namang hindi ako papayagan pero dadaanin ko sa pagpapacute para pumayag at kung sakaling ayaw niya may isa pa akong panakot na tiyak di siya makakapalag.
"No." tipid at pinal na sagot nito. I pouted my lips dahil alam kong hindi talaga siya papayag.
"Please...sige na kuya"pagmamakaawa ko sa kanya.
"My answer is still NO."
"Sige ka, isusumbong kita kay ate Candice." pang-aasar ko sa kanya. Alam kong inlove siya sa dalagang anak ng mayordoma ng mansiyon namin. Bigla namang nagbago ang mukha niya kung kanina ay seryoso ngayon ay may kung anong kislap na ang mga mata nito. Lakas talaga ng epekto ni ate Candice sa kuya ko.
"Hay naku.. Binanggit mo na naman ang kahinaan ko." nakangiting wika niya. This is the other side of Dark Salvador. He's powerful by all means, wala din siyang sina-santo. Alam ko kung anong ugali niya pagdating sa negosyo at pagdating sa pagiging leader ng Black Phoenix Society. He's a mafia boss by the way. He's the leader of the strongest mafia group. And as far as I remember their group is still in rank #1.
"So?"nakangiting tanong ko sa kanya.
"Can I go Kuya?"wala siyang nagawa kundi tumango na lamang dahil wala naman siyang panalo samin ni ate Candice.
"Bring two bodyguards, okay?" pagdating sa seguridad wala akong panalo dito. Alam ko namang takot silang mawala ulit ako sa kanila kaya kahit anong gawin ko hindi ko siya matatalo pag sinabi na niyang may kasama akong bodyguards. Kahit magtulong-tulong pa kami nila Mommy at Ate Candice.
"Let's go, Mom is waiting for you." wika niya at sumunod naman ako sa nakaparadang jaguar sa labas ng airport.
Pinagmasdan ko ang mga dinaraanan namin ni kuya pauwi sa mansyon. It's been three years and finally I'm back, I'm home.
Naalimpungatan ako ng ginising ako ni kuya, nakaidlip na pala ako sa sasakyan at nakauwi na kami sa bahay. Pagbaba ko ng sasakyan ay agad akong sinalubong ni Mom.
"Iha, finally you're back." masayang wika nito sa akin.
"Si Kuya kasi Mom e, ayaw akong tantanan e siya naman ang may gustong umalis ako noon." Nakangusong sagot ko kay mommy.
"Gumanda ka naman lalo sa US" pang-aasar na sabat ni kuya sa usapan namin ni mommy.
"Hayaan mo na ang kuya mo, napabuti naman ang lagay mo doon. Tara na at lalamig na ang mga pinaluto kong paborito mo." at nagpahila na nga ako kay mommy at masayang masaya ako dahil kasama ko na ulit sila. Kasama ko na ang totoo kong pamilya.
-----------------------------------
Knight's POV
"She's back."wika ni Raegan sa akin. It's been years at alam kong nalaman na ng mga Salvador na si Agatha ang nawawalang heiress ng pamilya nila.
"So what?"kunot noong wika ko sa kanya.
"Your future Queen is back King."nang-aasar na saad ni Ash. Nandito kami ngayon sa bar na pagmamay-ari ng mga Mondragon.
"Wala ka bang balak makipagkita sa kanya?" nagtatakang tanong ni Zeke. Napaismid na lang ako, bakit ako makikipag kita sa babaeng yun e galit nga sa akin.
"As if naman na gusto niya akong makita at kung papayag ba naman si Dark Salvador" ito pa ang isang problema ko masyadong mahirap ang sitwasyon namin. Hindi maayos ang ugnayan ng pamilya ko sa pamilya niya.
"Hey man, she's here." nakangising wika ni Andrei sabay nguso sa isang table kung saan siya nanggaling kanina dahil sa pagkakaalam ko loyal customer ng bar ang isang kasama ni Agatha kaya siya lumapit sa mga ito at pasimpleng bumalik sa upuan namin.
Pinagmasdan ko ang itsura niya sa malayo, ang laki ng pinagbago niya ang dating payat na katawan ay medyo nagkalaman na at ang dating mapusyaw na kutis ay lalong pumuti at kuminis. Lalong lumaki din ang hinaharap niya na mas nagbibigay ng kurba sa kanyang katawan. Those kissable lips is still the same. I regret everything, even the day she left.
Sana hindi ko siya hinayaang umalis noon. Sana kasama ko parin at malayang napagmamasdan ang mukha niya ngayon.
Shit! Pagmumura ko sa isip ko. Hindi ko dapat nararamdaman ang ganito. Ilang araw ko lang naman siya nakasama pero ang lakas ng epekto ng babaeng to sa pagkatao ko.
Agatha's POV
Nilibot ko ang paningin ko dahil kanina pa ako hindi mapakali, alam kong may nakatingin sa akin. Hindi ko lang alam kung saan ko hahanapin ang mga matang ito.
"Hey Elise, you sure you're okay?" Tanong ni Tanya na isa sa mga kaibigan ko.
"I'm okay Tanya."sagot ko naman dito.
"Tell me if you wanna go home, I'll call kuya Ethan to fetch you." tumango na lamang ako. Nagpaalam muna ako sa kanila and went straight to the bathroom. Mukhang hindi naman nila napansin ang pag-alis ko sa table.
Pagsara ko ng pinto ng isang cubicle ay may sumunod namang pumasok. Hindi ko na lamang pinansin kung sino ang pumasok at nagpatuloy sa aking ginagawa. After I flush the toilet at maayos na ang suot kong dress ay lumabas na ako ng pinto. Napapitlag ako ng mapansin ko ang isang lalake na naka tayo sa harap ng salamin.
"Welcome back Agatha.." Wika nito sa malamig na boses.
"Why are you here?" natatakot man ay hindi ko pinahalata dito. Ngumisi lamang ito at humarap na sa akin.
Naglakad ito palapit at wala naman akong magawa kung hindi humakbang patalikod upang makalayo sa kanya at wala na akong nagawa ng tuluyan ng lumapat ang aking likod sa malamig na pader ng banyo.
Kinulong niya ako sa dalawang braso niya na nasa magkabilang gilid ng ulo ko. Ramdam ko ang mainit na pagdampi ng hininga niya na pinagsamang mint at alak sa mukha ko. Para akong nalulusaw sa mga titig niya.
"Let me go King."matigas na wika ko sa kanya. Mukha namang hindi siya natinag sa sinabi ko at inilapit niya pa ang mukha niya sa mukha ko.
"Let me go or I'll call Kuya Dark." unti-unting bumaba ang tingin niya sa mga labi ko na hindi man lang natinag sa pagbabanta ko. Sinubukan ko siyang itulak pero sadyang mahina ang pwersa ko kaya hindi ko man lang siya natulak palayo.
"Call him but let me finish kissing your lips first." seryosong sagot nito at agad inilapat ang labi nito sa mga labi ko. Gustohin ko mang itulak siya palayo pero sadyang nakakapanghina ang mga labi niya, para nitong hinihigop ang lakas ko. Sumasabay pa ang lakas ng t***k ng puso ko.
His lips were warm and soft. He bit my lower lip and when it parted slightly he allows his tongue to slip inside my mouth.
Para akong mauubusan ng hininga matapos ang maalab na halik na yun. Noong nahimasmasan ako ay tinulak ko na siya palayo hindi naman na siya nagmatigas at ng tuluyan na akong nakawala sa mga braso niya at tinakbo ko na ang pinto palabas sa banyo. Hindi ko na nagawang magpaalam sa mga kasama ko at tuluyan ng lumabas ng bar.
's**t!'
's**t!'
's**t!'
Sunod-sunod na mura ko sa isip ko. Pumara na ako ng taxi ng tuluyan na akong makasakay ay saka kumawala ang mga luha ko. Bakit ako nagpadala sa emosyon ko? Bakit ko hinayaang gumanti sa mga halik na yun. Pero hindi ko maikakailang nagustuhan ko ang tagpong iyon. Hindi ko lang matanggap sa sarili ko na hinalikan ako ng kaaway ng pamilya ko. Para ko na ding niloko ang Kuya ko.