"Good morning." Maganda ang ngiting bati ni Third sa akin pagkalabas ko ng bahay. Syempre hindi mawawala ang mga chismosa sa kalsada na kunwari ay hindi ako pinagchichismisan. Maganda ang ngiti nila na akala mo naman magbibigay ng ayuda ang lalaking ito na naghihintay sa akin. "Napaka-aga mo?" Tanong ko. Yumuko sya para bigyan ako ng isang halik sa noo. Kinilig ang lola nyo syempre. Sino ba namang hindi? Ang hahalik ba naman sa'yo ay mala-adonis ang mukha eh. Mamaya nga titignan ko kung mala-adonis din ang katawan nya. "Ayokong pinaghihinty ka." Sagot nya at saka ako binigyan ng pinakamatamis na ngiti. Palihim akong ngumiti at saka hinawi ang ilang buhok na napunta sa mukha ko dahil sa hangin. "Pasensya ka na, di kita mapapakilala kay Mama ngayon at umalis sya ng maaga eh." Nitong mg

