"Babe." Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Third sa aking likuran. Laglag ang balikat nya at masama ang tingin sa akin. Dalawang araw ko na yata syang hindi nakikita. Hindi rin sya tumatawag sa akin sa hindi malamang dahilan. Ang sabi ko nga sa sarili ko ay baka nauntog na sya at natauhan. "Bakit di mo ako sinipot nung nakaraang araw?" Puno ng sama ng loob na tanong nya. Agad na binigyan ko sya ng nagtatakang tingin. "Ha? May lakad ba tayo?" Wala akong maalala na nag-oo ako sa kanya? Nagsimula akong maglakad. May mga dapat pa akong tapusin pero itong si Third ay mukhang walang pake sa trabaho ko. "Kayo na?" Rinig kong tanong ni Yvette. Sinulyapan ko sya pero naroon ang paningin nya sa lalaking panay ang pagsunod sa akin. "Tinawagan kita," para syang bata na nakanguso sa a

