Hinang-hina na pinindot ko ang button ng elevator. Pakiramdam ko babawian na ako ng buhay ano mang oras ngayon dahil sa pagpupuyat ko.
"Wag po muna ngayon please? Wala pa po akong first kiss." Saad ko na nakatingala pa.
Parang hindi ko yata kakayanin na mamatay na lang pero kung sabagay, kahit hindi pa naman ako patay ay para na akong nasa impyerno dahil sa amo ko. "Free trial na po ba ito?" Saad ko at saka malungkoy na tinignan ang aking paanan na parang kinakausap ang namamahala doon sa ilalim ng lupa.
Malamlam ang mga matang pinanuod kong humarang ang isang kamay sa pagsara ng elevator. Laking pasasalamat ko nang makitang si Wendy ang pumasok.
"Good morning." Walang ganang bati ko sa kanya. Imbis na batiin pabalik ay nakangiwing tinignan ako nito, tila ba inaaral kung ano ang kakaiba sa itsura ko.
"Sis don't tell me hindi ka nanaman natulog kagabi?" Tanong nya habang pinagmamasdan ako. Bitbit ko ang isang katutak na papeles na paniguradong pinarush lang ng demonyo kong amo para banasin ako at tuluyan nang linasin ang trabaho ko.
Noong mga nakaraang taon naman kasi ay hindi sya ganito karami magbigay ng trabaho pero ngayon parang ako na ata ang nagpapatakbo ng kompanya dahil sa dami ng pinapagawa nya. Kulang na lang ata ako na ang pumirma sa mg papeles na to eh.
Hindi nya na lang ako diretsang tanggalin sa trabaho. Ipagpapasalamat ko pa yon hindi yung ganitong idinadaan nya pa sa pagpapahirap sa akin.
"Malapit na yata ako maging kriminal Wends." Minsan naiisip ko na lagyan na lang ng lason ang kape ng lalaking yon. Minsan naman ay gusto ko na lang agawin ang baril sa gwardya namin at ipaputok iyon sa dibdib nya para makita ko kung wala nga ba talaga syang puso.
"OMG!" Bulalas nya nang tumango ako. Peke akong umiyak. Agad nyang hinawakan ang ulo ko at isinandal iyon sa kanyang balikat.
"Mamamatay na yata ako Wends," mas lalo ko pang idiniin ang ulo ko sa kanya.
"I'll buy you coffee mamaya," saad nya habang patuloy na hinahaplos ang buhok ko. Agad kong inayos ang sarili ko nang maramdaman ang antok dahil sa ginagawa nya.
Ilang beses nya pang tinapik ang balikat ko at saka tumango. Tila ba sinasabi na kaya ko ito.
Kahit naman hindi ko kaya wala akong ibang choice kundi kayanin talaga.
"Just resign," narinig kong sabi ng babae sa harapan. Agad kong tinignan ito mula ulo hanggang paa pero hindi ko talaga sya makilala. “Or kahit hindi na. You’ll get fired anyways.” Dagdag pa nito at nilingon kami ni Wendy.
Gusto kong mainsulto nang tignan nya ako mula ulo hanggang paa, “You must be the old secretary. Kaya pala.” Matunog itong ngumiti matapos sabihin iyon. Muli nya kaming tinalikuran.
Punyeta. Kung wala lang akong hawak ngayon baka nasabunutan ko na sya. At talagang pinagdiinan nya pa ang old ha? Samantalang mas mukha pa syang nanay kaysa sa Lola ko eh.
"Uhmm. Excuse me, who are you?" Tanong ni Wendy na nakaturo pa sa kanya. Maski ako ay nagtataka kung sino sya para makisali sa usapan namin eh mukhang bago lang naman sya dito. Ni hindi ko nga matandaan na nakita ko na sya dito sa kompanya maski isang beses eh.
Taka kaming nagpalitan ng tingin nang gumilid ito at itinuro ang espasyong ibinibigay nya.
"Dadaan ka?" Lingon nito sa amin. Halos lumuwa ang mga mata ko ng umikot ito at tumambad ang dibdib nya sa akin.
Ano bang meron sa mga tao ngayon at napakalaki ng mga hinaharap?
"Bobo ka?" Sagot pabalik ni Wendy na naging dahilan para ismiran kami ng babaeng akala mo nagtitinda ng pakwan dahil sa dalawang naglalakihang bilog na nakasabit sa dibdib nya.
"I'm the new sexytary." Proud na saad nito at nakatalikod pa. Aba! Kung sya na ang bagong secretary ay magpapasalamat pa ako dahil suko na ako sa impyernong trabaho na 'to 'no.
"Miss." Pilit ko syang inabot ng bakanteng daliri ko. Halos malaglag pa ang mga papeles na hawak ko bago nya ako lingunin. Nang humarap ito ay saka ko pabatong ibinagsak sa kanyang dibdib ang mga papeles na hawak ko.
"Whoa! Sa wakas!" Bulalas ko at saka sya nginitian. Rinig ko pa ang mahinang pagtawa ni Wendy dahil sa ginawa kong iyon.
Agad naman itong nagulat dahil sa dami non at hindi nya maintindihan kung bakit ko ibinibigay iyon sa kanya.
"How dare you?!" Sigaw nya na pilit binubuhat ang mga papeles.
Ang laki-laki kasi nyang dibdib mo. Tignan mo ngayon harang pa sa trabaho mo yan. Saad ko sa isip nang makita kung paano itinutulak ng hinaharap nya ang mga papeles palayo sa kanya.
“Ano ba! Nahihirapan ako!” Sigaw nya na hindi pa rin malaman kung paano iaayos ang mga binigay ko sa kanya.
“Tanggalin mo yang dibdib mo kung sagabal sa trabaho mo.” Malakas na tumawa si Wendy matapos kong sabihin iyon.
Rinig ko pa rin ang pagrereklamo nya hanggang sa bumukas ang elevator. “Unang trabaho mo yan total ikaw na kamo ang bagong secretary hindi ba?” Saad ko. Nagkatinginan naman kami ni Wendy at sabay na lumabas ng elevator nang bumukas ito. Isang beses ko pang nilingon iyong BAGONG secretary daw kuno. Hirap na hirap ito sa bitbit nya. Patuloy pa rin ang reklamo nya pero hindi ko na lang sya pinansin at nagdiretso na sa table ko.
Panay ang ngiti ko sa mga katrabaho dahil sa wakas, makakalaya na ako sa pagiging sekretarya.
"Dito na ako sis. Yung bagong secretary tulungan mo." At saka tumawa ito nang malingunan ang bagong salta.
Tinanguan ko naman sya at pinanuod na maglakad ang babaeng yon palapit sa akin.
Pabagsak nitong inilapag ang mga papeles na dala sa table ko nang sa wakas ay makarating sya sa harap ko. Kitang-kita ko ang kagustuhan nyang sabunutan ako pero nginitian ko lang sya.
Pinagpipyestahan na rin sya ng mga manyakis na nasa floor na 'to dahil napakaiksi ng pananamit nyang hapit na hapit sa katawan.
Parang ipinamumukha sa akin na wala talaga akong dibdib.
"Sino ka ulit?" Tanong ko sa babae na hindi ko na tinapunan pang muli ng tingin.
"I am Yvette Alonzo. The new secretary." Proud na pagpapakilala nya. As if naman secretary ka talaga eh hindi pa nga ako umaalis sa trabaho ko.
"Okay." Walang ganang saad ko at saka nagsimulang iayos ang nga dala kong papeles sa lamesa.
Kailangan ko pang icheck to bago dalhin sa amo kong si satanas.
Hindi ko na muling pinansin ang secretary kuno at hinayaan na lamang syang tumayo sa harap ng table ko.
"Can you move aside?! That's my sit!" Malakas na sigaw ni Yvette the big boobs. Tinignan ko lamang ito at saka nagpatuloy sa ginagawa. Napahinto lamang ako nang makitang paparating na ang boss namin. Tumayo ako at saka nag bow. Kitang-kita ko namang nakabukas na ang iilang butones ng damit ni Yvette at halos masuka ako nang makita itong yumuko ng bahagya at parang mga tangang naglabasan nang kaunti ang kanyang dibdib.
Punyeta. Parang naghahi ah.