Chapter 4

1618 Words
"Clara I want to talk to you." Agad akong napa-angat ng tingin dahil sa sinabi nya. Ang nakakalokong ngiti ni Yvette ang nagpainit ng ulo ko. "Wag mo akong ngitian ng ganyan baka tusukin ko yang peke mong dibdib." Saad ko at sumunod kay Sir. Rinig ko pa nang isigaw nito na totoo ang mga yon pero hindi ako naniniwala. Sa bilog non? Totoo? Gagawin nya pa akong bobo. "What is it, Sir?" Magalang na tanong ko. Iniiwasan na mabadtrip ko sya dahil baka tuluyan na yung si Yvette ang maging sekretarya at mawalan ako ng trabaho. "I'm relieving you from duty." Saad nito habang tinatanggal pa ang coat na suot nya. Relieving me from duty? Hindi pa pangsundalo yon? "Po?" Hindi ko talaga naintindihan ang sinasabi nya. "I am firing you." Halos mabuwal ako sa kinatatayuan nang marinig ang sinabi nyang iyon. Hindi pa rin maprocess ng utak ko ang mga salitang iyon. Agad akong napahawak sa upuan nang maramdaman ang panghihina ng aking tuhod. Ganon na lang kabilis tumulo ang aking mga luha nang makitang seryoso talaga ang demonyong ito sa desisyon nya. "Sir please. Ako ang bumubuhay sa pamilya ko. Ako ang tumatayong tatay ng pamangkin ko." Nakaluhod na ako nang magsalita. Sinabi ko kahapon na gusto ko nang magresign pero ngayong ako yung tinanggal parang hindi ko kayang lisanin ang kompanyang 'to. "Ikaw ang tumatayong tatay?" Pabalik na tanong ni Sir. Naglakad ito palapit sa akin at umupo sa single sofa. Halos halikan ko na ang mga sahig sa papamakawa para lang wag ituloy ang plano nya ngunit ang pagiging desidido ay mababakas sa kanyang mga mata. "Opo Sir. Kahit Cup D ako, ako ang tumatayong tatay ng mga pamangkin ko." Saad ko at saka sinalubong ang kanyang tingin. Halos mabuwal ako sa pagkakaluhod nang makitang nakitingin na sya sa aking dibdib. "Cup D?" Hindi nya pa rin inaalis ang kanyang mga mata roon dahilan para makaramdaman ako ng pagkailang. Tumingin pa muna ito sa gilid at hindi makapaniwalang ibinalik nya ang tingin sa mga dibdib ko, tila ba tinatantya kung totoong cup d nga ako. Punyeta naman eh. "Sure ka na cup d ka?" Tanong nya at nag-angat ng tingin sa aking mukha. Sinilip ko rin ang dalawang bundok ko at saka sumimangot. "Cup C." Nakangusong sagot ko. "Wee?" May asar na tinignan ko sya dahil sa sinabi nyang iyon. "Parang maski cup b ata hindi aabot yan. Ano bang gamit mo? Baby bra?" Napapikit ako sa inis dahil sa tuluy-tuloy nyang pagsasalita. Hindi ko na naalala na tinatanggal ako sa trabaho. Inis akong tumayo at dinuro sya. Hindi naman ito nagulat dahil medyo madalas ko nang gawin iyon sa kanya. "Hoy! Napaka-- HA!" Hindi ako makapaniwala na nagtitiis ako sa bunganga ng amo ko na 'to. Mas lalo akong nainis nang marinig ang mahinang pagtawa nya. Inilapag nya ang tablet na dala at saka nakatalumbabang tumingin sa akin. Dineretso ko ang aking katawan at talagang sobra ang chest out na ginawa ko. Taas-noo ko itong tinignan nang umayos sya ng umupo at hawakan ang kanyang baba. Tila ba nag-iisip. "Tss. Hindi ko pa rin talaga makita eh. Actually para kang lalaki. O baka lalaki ka talaga?" Nakangiting saad nya at saka dinampot ang reading class na nasa tabi nya. Agad kong nadampot ang throw-pillow na nasa sofa. Matinding pagpipigil ang ginawa ko sa sarili para hindi maibato sa kanya ang unan na hawak ko. Imbis na pakinggan pa ang mga kagaguhan nya lumakad na ako papunta sa pinto ng silid. Bahala na kung diretso akong tanggalin sa trabaho ko. Punyeta sya. Akala mo naman napakalaki rin ng talong. Mukhang maliit naman. Akmang bubuksan ko na sana ang pinto nang muli itong magsalita na naging dahilan upang lingunin ko sya gamit ang masamang tingin. "I'll increase your salary para may pambili ka ng maraming baby bra." Saad nya at saka tumawa ng malakas. Pabagsak kong isinara ang pinto at padabog na umupo sa aking pwesto. "Hey girl san ang pwesto ko?" Tanong ni Yvette nang makitang bumalik na ako. Nakaupo ito doon sa gilid at mukha talagang hinihintay ang pag-alis ko. Umasa ka. Tinignan ko lang ito at muling bumalik sa trabaho. Nagulat na lang ako nang may kung anong tumama sa likuran ko at paglingon ko ay naroon na sa sahig ang isang notebook. Inis kong tinignan si Yvette na inismiran lang ako. Ha! "Wag mo akong pairalan ng ganyan mo pag ganitong badtrip ako. Baka tusukin ko syang dibdib mo at ilabas yang silicon na nanjan!" Sigaw na nakatutok pa ang gunting na hawak sa kanyang dibdib. Halos lahat ng malapit na empleyado sa floor na yon ay sumilip sa gawi namin. Isang tingin ko lang sa kanila ay nagpulasan na ito at nagsipagbalik sa kani-kanilang trabaho. Inis kong ibinalik ang paningin kay Yvette na hanggang ngayon ay hindi pa rin ata matanggap ang mga sinabi ko. Tumayo ito at saka patakbong lumapit sa akin. Tuloy umaalog ng umaalog ang dala nyang pakwan. "Tunay nga to! Tunay!" Agad nyang kinuha ang aking kamay upang mailagay sa kanyang dibdib para kompirmahin na totoo nga ang sinasabi nya. Aba tunay nga ah. "Ano ba!" Sigaw nya nang isang beses ko pang pisilin ang dibdib nya. Medyo lumayo na sya sa akin kaya naman hanggang tingin na lamang ako roon. Totoo nga yon ah. "Anong sikreto mo?" Tanong ko at hinila pa ang upuan palapit sa pwesto nya. Agad akong tumutok sa kanya nang magsimula syang magsalita. "Lamas girl." Proud na saad nya. Ikinuwento nya pa sa akin kung paano lamasin ng lalaki ang pakwan nya. Halos masuka ako habang kinukwento nya ang bagay na hindi na dapat pang ikwento. Halata mong naeenjoy nya na ang pagkukwento dahil umabot na sya sa parte kung saan nagsalubong na ang mansanas at saging habang pumipikit-pikit pa at parang inaalala pa ang pakiramdam non. "Ano ba! Bakit ba nambabatok ka?!" Sigaw nya nang batukan ko sya. Isa-isa nanamang nagsisipagsipilip sa amin ang mga empleyado na naroon. "Punyeta ka! Sikreto lang tinanong ko bakit pati pakikipagsex mo kwinento mo na?!" Malakas na bulong ko. Pilit na iniiwasang marinig ng iba kung ano ang pinag-usapan namin. Nakita ko namang papalapit na si Wendy sa gawi naman kaya agad akong umayos ng tayo. "Akala nyo nasa magkabilang bundok kayo eh no. Ang lapit nyo lang sa isa't-isa nagsisigawan pa kayo. Mga bobo ba kayo?!" Nagulat ako sa biglaang pagsigaw ni Wendy sa mukha ko. Lahat ata ng laway nya tumalsik na sa mukha ko. "Yan kasi eh. Binatukan ako." Nagmamaktol na turo ni Yvette sa akin kaya naman napamaang ako. Gaga talaga sya. Gaga na gaga talaga sya. Panay dibdib lang ang meron sya pero wala syang utak. Kung hindi nya sana ikwinento yon edi hindi ko sya babatukan. Anong gusto nyang ireact ko sa pagkukuwento nya kung paano nya isinusubo ha? "Ikaw naman pala may kasalanan eh!" Sigaw nanaman ni Wendy sa mukha ko. Agad ko itong tinulak palayo sa akin dahil pakiramdam ko basang-basa na ang mukha ko dahil sa laway nya. "Sinisigawan mo ko?" Tanong ko at dahan-dahang naglakad papalapit sa kanya habang pinupunasan ang aking mukha. Mahina naman itong napahagikgik at saka tumakbo sa likod ni Yvette. "Ah at ngayon may bago ka ng kaibigan." Dagdag ko pa habang patuloy pa ring syang hinuhuli. Humanda ka talaga Wendy. Duduraan kita pag nahuli kita. King ina ka. "Bakit mo kasi sya sinisigawan?" Tanong nya. Ang dating sa akin ay ipinagtatanggol nya sa Yvette the big boobs ngayon ha. "Hindi mo alam kung anong kagagahan ang kwinento sa akin nyan. Halika dito." Hinila ko sya paalis sa likod ni Yvette at saka ilang ulit na pinikit ang noo. "Wait. Don't tell me na-------" Napatakip pa sya ng boses at nagkunwaring nagulat nang maisip ng maliit na kukote nya ang kagagahan na nasa isip nya. "Virgin ka pa?" Halos maubo ako sa tanong nyang iyon. "OMG VIRGIN KA PA?!" Muling sigaw nya na naging dahilan para muling lumingin sa amin ang mga tao. "Punyeta halika dito at isigaw mo pa." Inis kong saad. Napatakip naman ito ng bibig at saka inilibot ang paningin sa kabuuan ng floor na ito. Sya rin ang nahiya nang makitang ang mga mata ng lahat ay nasa gawi namin. Nakapeace sign syang bumalik sa pwesto nya kanina at saka diretson tumingin sa akin. Rinig na rinig ko ang bulungan ng dalawa sa akin likuran. Gulat kaming napatayo nang biglang bumukas ang pinto ng offfice ni Mr. Levi at iluwa sya nito. "Tapos na ba kayong magsigawan? Pwede na ba tayong magtrabaho lahat?" Tanong nito at saka muling pumasok sa loob. Napaismid na lang ako sa sinabi nya. Akala mo naman nagtatrabaho talaga. Nanunuod lang naman ng porn sa loob. FYI lang no. Lahat ng papeles na dapat nirereview nya ngayon ay naireview ko na. Feeling ko nga dapat sa akin na ito ipamana at hindi na sa kanya no. "Balik na ako don." Tinanguan ko lang si Wendy nang magpaalam ito. Itinuro ko ang maaring pwesto ni Yvette pansamantala habang hindi pa sinasabi ni Mr. Levi kung anong purpose nya. Patuloy pa rin ito sa pang-aasar sa akin dahil sa edad ko daw na to ay virgin pa rin ako. Muntik ko na nga syang pasakan ng isang katutak na papel buti na lang tumigil na syang magsalita. Ano ba kasing problema kung virgin pa ako? Hindi ko naman ikakamatay yon db? Pero gusto ko rin matry HAHAHAHAHAHA Bumalik na ako sa pagtatrabaho at inalis na sa isip ang mga bagay na iyon. Baka tuluyan na akong tanggal pag nagpapetiks-petiks lang ako dito ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD