"Hello?" Inaantok na sagot ko sa cellphone. Punyeta naman ngayon nga lang ako makakatulog ng matagal, iistorbohin pa!
Inis kong ibinangon ang sarili ko at saka tinignan kung sino ang tumatawag.
Big B
"Hello!" Inis na sigaw ko nang walang sumasagot sa kabilang linya. "Punyeta ka Yvette ha!" Sigaw ko pero katahimikan pa rin ang nangibabaw sa kabilang linya.
Agad kong pinatay ang tawag dahil baka nauulol lang si Yvette kaya binubwisit ako ngayon. Minsan talaga naiisip ko na baka expired yung vitamins na nainom nya nung bata pa sya kaya medyo makulang kulang sya eh.
Kakaday off ko lang mang-iistorbo pa. Muli akong humiga sa kama at pumikit.
Kailangan kong bawiin lahat ng tulog na hindi ko nakuha nitong mga nakaraang linggo kaya naman matutulog lang ako maghapon.
Napangiti ako sa naisip ko. Ilang linggo kong hinintay ang panahon na ito at ngayong dumating na ay hindi ako magsasayang maski isang minuto.
Halos isang linggo na ring nagtatrabaho si Yvette sa kompanya bilang isang sekretarya kaya naman nabigyan na ako ng pahinga ngayon. Paniguradong nasestress lang iyon sa lahat ng ipinapagawa sa kanya kaya ginugulo ako.
Magdusa ka ngayon. Ginusto mo yan. Napangiti ako nang pumasok sa aking isip ang mukha ngayon ni Yvette. Paniguradong kinakawawa rin sya ngayon ng amo naming si Satanas na nagkatawang lupa pa para lang pahirapan kami.
Nilalamon na ako ng antok nang muli kong marinig ang pagtunog ng cellphone ko. Inis akong bumangon muli at saka sinagot ang tawag doon. Kung hindi lang krimen ang pumatay, papatayin ko talaga itong babaeng na 'to.
"Ano nanaman ba?!" Malakas na sigaw ko sa taong nasa kabilang linya. Hindi ko na tinignan ang caller ID dahil paniguradong si Yvette yon. Nakakapunyeta na talaga ang ugali ng babaeng ito. Pag nakita ko talaga sya gagawin kong melon ang dalawang dibdib nya.
"Hello!" Pag-uulit ko nang walang sumagot sa kabilang linya. Nakabibinging katahimikan lamang ang naroon. Inis akong tumayo at naupo sa gilid ng kama habang sinusuntok ang unan ko.
Aaaaargh! Mga gago talaga kayo! Kung nakakapatay lang ang pagmumura sa isip, paniguradong may libreng pakape na sa bahay nila Yvette ngayon.
"PUNYETA KAYO HA!" Sigaw kong muli ngunit wala pa rin masking ano ingay ang nagmula sa kabila. Nauubusan nang pasensya na itinapon ko ang remote sa gilid. Rinig na rinig ko pa ang paghampas at paglaglag no'n sa sahig.
Kung nakakapagsalita lang siguro ang remote na yon ay baka puros mura lang din ang narinig ko doon.
"Gago kayo. Yari kayo sa akin bukas!" Pagbabanta ko. Pabagsak kong inuupo ang aking sarili sa kama.
Papatayin ko na sana ang tawag nang marinig ko ang pamilyar na tinig mula sa kabilang linya.
"Minumura mo ba ako?" Halos malaglag ako sa kinauupuan nang masigurado kung sino ang may-ari ng tinig na iyon. s**t. Say goodbye to my job na talaga. King ina.
Agad akong napaayos ng upo at saka ibinaba ang cellphone. Ngayon ko lang naisipan na tignan ang caller ID. Kilala ko naman ang boses pero dahil sa pagsigaw ko kanina, hinihiling ko na sana kaboses nya lang talaga ang tumawag.
Mr. Levi, the Devil
Nasabunutan ko ang aking sarili nang makita ang pangalan nya. Walang boses na sumigaw ako. Gusto kong iuntog ang sarili ko sa lamesa at tuluyan nang bawian ang sarili kong buhay.
Tatlong malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan bago tuluyang ibinalik ang cellphone sa aking tainga.
"Ehem. Good morning Sir." Bati ko, hinihiling na sana hindi sya sapian ng kung sino mang demonyo at bigla akong tanggalin sa trabaho.
"Minumura mo ba ako?" Muling tanong nya. Halata ang pagiging irita sa tono.
King ina mo Clara. Isang maling sagot mo lang mayayari ka talaga.
"Hindi po Sir. Yung ano kasi..." s**t! Anong idadahilan ko. Halos maubos na ang kuko ko kakaisip ng palusot pero wala pa ring pumapasok sa utak ko.
"I'll count up to 5. Come up on an excuse." Saad nya. Agad na nagsikip ang dibdib ko nang magsimula syang magbilang. "2 and a half. Talk or leave your work." King ina talaga. Bahala na!
"Yung butiki!" Sigaw ko nang sabihin nyang papatayin nya na ang telepono. Gusto kong maawa sa butiki dahil nadamay pa sya kaso wala eh. Kailangan ko ng rason.
Tutal isang pamilya naman silang nakikitira dito sa kwarto ko, okay lang naman sigurong pagbayarin nila kaunti ang kasalanan ko at isa pa, di naman malalaman ni Mr. Levi kung sinong buti ang sinasabi ko eh.
"Anong butiki?" Sa tono pa lang ng pananalita nya mahahalata mo na wala na sya sa mood. Paniguradong magkasalubong nanaman ang mga kilay nya at kung nasa office lang ako paniguradong binubulyawan nya na ako ngayon.
"Yung butiki kasi Sir naglalandian sila sa harap ko. Sila yung minumura ko. Nang iinggit kasi eh." Napapikit ako sa sinabi ko. Bobo Clara!
"What?! Nevermind. Pumunta ka sa office ngayon. I need you." Gusto ko sanang kiligin sa sinabi nyang yon pero naalala ko na kailangan nya lang pala ako kapag may ipapagawa sya.
Inis akong bumangon at tinungo ang banyo para mag-ayos.
Para saan pa't kumuha pa sya ng isqng sekretarya kung ako't ako lang rin naman pala ang tatawagin nya pag may ipapagawa.
May sama ng loob na nag-ayos ako ng sarili at nagtungo sa kompanya.
Isang beses ko pa munang tiningala ang langit para mawala ang inis sa akin at saka pumasok sa loob.
"Clara?" Napalingon ako nang tawagin ng janitor ang napakagandang pangalan ko. "Akala ko day off mo?" Tanong nya. Kinukwestiyon ang presensya ko roon sa kompanya ngayon.
Agad akong napa-ismid nang maimagine ko kung gaano na sana kasarap ang tulog ko ngayon. Para akong batang nagmaktol bago tuluyang tapunan sya ng nagpapa-awang tingin.
"Akala ko rin eh." Malungkot na saad ko. Tinawanan lamang nya ako at tinapik sa likod bago tuluyang naglakad palayo.
Kilala na nila ako at alam nila ang relasyon namin ng amo namin, ika nga nila sya si Luciper at ako naman ang alalay nya kahit alam ko namang walang alalay si Luciper.
Laylay ang balikat ko na sumakay ng elevator. Maski ang pagpindot ko sa button ng floor ko ay may sama ng loob. Tuloy ay agad akong nilingon ng babae naroon ng may masamang tingin.
Hindi ko na sya pinansin dahil pag pinatulan ko pa eh baka mabasag ko lang ang mukha nya sa sobrang badtrip ko.
Isinandal ko ang aking katawan at saka doon pumikit. Inaantok ako. Pakiramdam ko ngayon ay umiiyak din ang kama ko kasi nagkawalay nanaman kami kaagad.
"Clara? Clara?" Naramdaman ko ang marahas na pag-alog sa akin. Nang magdilat ako ng mata ay pagmumukha agad ni Clint ang bumungad sa akin.
Maganda ang pagkakangiti nya pero may kung ano sa akin na nabubwisit dahil sa mga iyon.
"Sabi ko na hindi mo kayang hindi pumasok dahil mamimiss mo ang mukhang 'to eh." Confident na saad nya habang nakaturo pa sa pagmumukha.
Agad na sinakop ng kamay ko ang pagmumukhang itinuturo nya at saka iyon tinulak palayo sa akin.
"Lumayas ka sa daanan ko at baka mabasag ko yang pagmumukha mo."
Lumabas ako ng elevator na mas doble ang init ng ulo. Bawat hakbang ko ay bumibigat dahil sa sama ng loob. Pakiramdam ko nga mababasag na ang tiles sa lakas ng pagbagsak ng mga paa ko roon.
"Clara umamin ka na kasi sa akin na gusto mo rin ako." Agad tumawa si Clint matapos sabihin iyon. Hindi ko na sya pinansin at nagtuloy na lamang sa paglalakad hanggang marating ang table ko.
Nang makaupo ako ay wala si Big B. Baka may pinapagawa sa kanya.
Inilapag ko ang bag sa upuan at saka pumasok sa loob ng office ng demonyo kong amo.
Gusto kong takbuhin ang kinaroroonan nya para bigyan sya ng isang napakalakas na hampas sa ulo pero dahil napakabuti kong impleyado nanatili akong kalmadong naglalakad kahit sa loob-loob ko ay gusto ko na syang sapakin.
Peke akong ngumiti nang iikot nya ang swivel chair paharap sa akin.
"What are you doing here?" Nakakalokong tanong nya. Agad akong napapikit upang pigilan ang sarili kong punan ang distansya na mayroon kami at ihampas ang ulo nya sa lamesa nya.
'Ayusin mo tanungan mo dahil mas mainit pa sa impyerno ang ulo ko ngayon.'
"You ask for me Sir." Malumanay na saad ko. Ang kamay ay nasa likod at halos bumaon na ang matatalim kong mga kuko sa aking balat dahil sa sobrang pagpipigil ng inis.
"Oh did I?" Patanong na sagot nya. Nakapako na ang paningin nya roon sa ipad na hawak nya habang naglalakad patungo sa direksyon ko. "Why didn't took you day off? Did you miss me?" Nakakalokong ngiti ang sumunod non matapos nyang magsalita.
Baliw na talaga sya.
"Ha? Nauulol ka na ba?" Tanong ko na may inis sa tono ng pananalita. Mahina syang tumawa dahil sa inakto ko na naging dahilan para mas lalong mag init ang ulo ko. Hindi ko na nagawang pigilin pa ang sarili ko nang humakbang ako palapit sa kanya at itinutok sa pagmumukha nya ang cellphone ko para ipakita na tinawagan nya talaga ako.