Chapter 6

1603 Words
"Oh is that me? Ang gwapo ko jan ha?" Napapikit ako nang hindi ang call history sa contact number nya ang tinignan nito kundi iyong picture na nilagay ko para sa kanya. Agad kong nabawi ang aking cellphone nang marealize kung ano iyong picture na naka-set doon sa pangalan nya. "That's a devil right?" Nakangiting tanong nya. Hindi mapakaling tumungo ako at basta na lamang tumakbo palabas ng office nya. Halos habulin ko ang aking hininga nang maisara ko ang pinto non. Isang beses ko pang tinignan ang cellphone ko at saka sinabunutan ang aking buhok. Mawawalan talaga ako ng trabaho nito. Aargh! "Mamatay ka na Clara!" Patakbo akong pumunta sa table ko at agad na umupo. Ipinagdarasal na sana hindi nya dibdib iyong nakita at biglang topakin na tanggalin ako ng tuluyan. Nang bumalik sa matinong pag-iisip ay mabilis akong naglog-in sa f*******: account ko at saka hinanap ang account ni Sir. Nang mahanap ko ay mabilis kong isinave ang profile picture nya at saka pinalitan ang picture na naroon sa contacts ko. Mabuti na lang at mabilis kong nahanap ang f*******: nya dahil hindi jejemon ang pangalan. Akala ko nga nung una ang pangalan nya ay ik4w lH4n6xZ s4pU4t nHu4. "Akala ko day-off?" Nag-angat ako ng tingin kay Yvette nang magtanong ito. Kadarating lang nya at mukhang galing pa sa café sa baba dahil may dala syang kape. "Miss mo naman kami kaagad. Grabe ka Cla ha." Dagdag nya pero nginiwian ko lamang sya. Agad na nahagip ng mata ko ang paglapit ni Wendy na mukhang kasama ni Yvette sa café kanina dahil may dala ring kape. Pesteng 'to. Nung una kung anu-anong katangahan sinasabi sa akin tungkol kay Yvette ngayon iyon na ang kasama nya. Plastika talaga kahit kailan. "Oh Clara pinatawag ka nanaman no?" Humagalpak ito ng tawa matapos magtanong sa akin. "Wag kang tumawa-tawa jan baka masampal kita." Inis kong tinignan si Wendy na hindi man lang tumigil sya pagtawa. Agad kong inagaw ang iniinom nya kape at saka iyon basta na lamang ininom. "Ano ba?!" Sigaw ni Yvette nang matalsikan ng ibinuga kong kape. Rinig ko pa ang malakas na pagtawa ni Wendy na akala mo nauulol na. Bilang matalik nyang kaibigan, siguro kailangan ko na syang dalhin sa mental hospital dahil hindi talaga sya tumitigil sa pagtawa. Agad akong tumayo dala ang isang piraso ng papel at saka iyon ipinalsak sa bunganga nya. "HAHAHA." Malakas na pagtawa ni Yvette. Agad din naman itong tumigil nang maramdaman ang malakas na pagtusok ko sa dibdib nya. "Ano ba?!" "Wag ka ngang umasta na akala mo naman mawawalan ng hangin yan pag tinusok ko ng tinusok." Walang sa mood na saad ko at ipinagpatuloy ang ginagawa. Pakiramdam ko medyo nawawala ang pagkainis ko sa tuwing nakikita ang inis na mukha ni Yvette. Hay! My calming haven! "Ano ba! Nasasaktan na ako!" Sigaw nya na bahagya pang pinalo ang kamay ko. "Bakit? Aalpas ba yang dibdib mo? Di ba sabi mo totoo yan? O baka naman...." Nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya. Inilibot ko pa ang mukha ko para makita kung may ibang tao roon. Nang makasiguradong walang tumitingin sa amin ay muli kong tinusok ang mga pakwan nya. "Isampal ko sayo to makita mo!" Napaismir ako nang sabihin nya iyon. Gaga ba sya? Baka mamaya mawalan pa ako ng malay sa gagawin nya eh. Muli akong umupo sa harap ng computer. Tutal andito naman na ako mas mabuti pang gumawa na ako ng resignation letter dahil pakiramdam ko ang pagtatrabaho dito ang babawi ng buhay ko. "Girl have you heard?" Napatigil ako sa biglaang pagsasalita ni Wendy. Agad na lumapit si Yvette para makichismis. Marahan ko pa syang itinulak dahil tumatawa ang mga pakwan nya sa akin. Punyeta kasi. Bakit pati pakwan kailangan dalhin sa trabaho! Mukhang ngayon alam ko na kung bakit sya tinanggap ng demonyo kong amo kahit hindi naman ako nagresign o tinanggal. Napakahilig sa mga pakwan. Hindi man lang tignan na bulok na yung puno. "So there's someone sa company na inakit DAW si Sir the other day." Agad akong sumandal dahil sa kwentong iyon. Parang hindi naman na bago ang chismis na yon. Sa kagustuhan ng iba na umangat ang posisyon sa kompanya, halos ibinebenta na nila ang sarili nila sa amo namin. "Bakit hindi mo itry yon Cla? You know. Ilang years ka na rito pero secretary ka pa rin." Saad ni Yvette at saka tumawa. Malakas na hampas naman sa ulo ang iginawad ko sa kanya. Sa sobrang lakas ay halos masubsob na sya sa lamesa ko. "Manahimik ka baka pakainin kita ng stapler." Saad ko at ibinalik ang atensyon kay Wendy. Inaantay ko na sabihin nya kung sino ang babaeng iyon. "Pero hindi ata pumayag si Sir. Alam mo naman ang gusto non ay iyong malalaki ang hinaharap at nakaraan." Itinuro nya pa ang likurang bahagi nya. "Ibig sabihin kahit akitin ni Clara si Sir hindi yon maaakit?" Kunwaring nagugulat na tanong nya. Proud naman na tumango si Wendy at saka sila sabay na tumawa ng malakas. Gusto ko talagang maging kriminal kung hindi lang masa eh. "Tignan mo naman sya." Tinuro ako ni Wendy bago nagtuloy magsalita. "Wala na ngang hinaharap at nakaraan eh mukha pang nanay." Dagdag nya at patuloy na tumawa. "At least maganda ako." Sagot ko saka sila inismiran. "Maganda?" Hindi makapaniwalang tanong ni Wendy. "Nasaan?" Kunwaring nagtatakang tanong ni Yvette. Agad kong itinuro ang mukha ko. Ilang beses pa akong nag beautiful eyes. "Pakiabot nga ng salamin Wends. Bigla atang nanlabo ang paningin ko." Dagdag nya at inilabit muli ang mukha sa akin para matignan ko ng maigi. "Lumayo kayo sa akin at nagdidilim ang paningin ko." Iyon lang ang sinabi ko at nagsimula na muling magtype. Nang matapos ako ay agad ko iyong itinupi at inilagay sa sobre na naiprint ko na. May nakalagay iyong resignation letter sa labas. Huminga pa muna ako ng malalim bago tuluyang pumasok sa loob ng opisina ni Mr. Lopez. "What is this?" Tanong nya nang makita ang inilapag ko sa table nya. Hindi ko alam na minsan may pagkabobo pala talaga sya. "Ang tawag jan ay resignation letter." Saad ko at itinuro pa ang sobre. "No. I mean this." "Ah ayan? Ang boring kasi pagwalang ganyan kaya drinawing ko na lang." Proud na paliwanag ko patungkol sa crying face na naroon sa labas ng envelop. Nakangiwing kinuha nya ang letter sa loob. Mas lalong nangunot ang noo nya nang simulang basahin iyon. "Ballpen." Saad nya at inilahad sa akin ang kamay kaya naman agad kong inabot sa kanya. Pinanuod ko lamang syang magsulat roon. "Sa susunod wag ka makipagchismisan pag magsusulat ka ng resignation letter. You may go out." Taka kong tinignan ang papel na ibinalik nya at halos manlumo ako na iyong ibang nasa isip ko kanina ang naisulat ko roon. Pati ang pag-iisip ko kay Mr. Lopez bilang si Satanas ay nailagay ko rin. "Magreresign na po talaga ako Sir." Saad ko. Isang beses nya lang akong tinapunan ng tingin. "Talaga? Anong ipapakain mo sa pamilya mo? Di ba sabi mo ikaw ang tumatayong tatay ng pamangkin mo?" Agad syang ngumisi nang makitang napatigil ako dahil sa sinabi nyang iyon. "Gusto ko na po talagang umalis." Matigas na saad ko at saka ng iwas ng tingin. "Kahit itaas ko ang sahod mo?" Napangiti sya nang makita ang marahang paglingon ko sa kanya. Agad ko iyong binawi para naman hindi nya isipin na gusto ko lang tumaas ang sahod ko. "Opo." Ang pagmamatigas ay naroon pa rin sa tono ng pananalita ko. Syempre kahit minsan kailangan nating magpabebe no. Hind porket sinabing tataasan na ang sahod ay mag-o-oo kaagad ako. Anong tingin nya sa akin? Marupok? "P50,00.00 per month. Wala pa ang OT mo." Umiling ako sa suhestiyon nyang yon. "P55,000.00." Pag-offer ko. Ba't ba? Mas marami naman akong trabaho sa kanya eh. "P50.000.00." Matigas na saad nya kaya naman mabilis ko syang inilingan at saka magkakrus ang mga brasong nag-iwas ng tingin sa kanya. "Deal or no deal?" "Ay game show pala ito?! Taray!" Bulalas ko. "Wala ka talagang silbi kausap." "Kala mo ikaw may silbi." Saad ko at saka sya binigyan ng masamang tingin. Mas lalo kong itinuon sa kanya ang aking paningin nang isandal nya ang kanyang katawan sa upuan at saka diretso ang tingin sa akin. Taray! Panibagong game show. Ilang minuto rin kaming nagtitigan at halos magdiwang ako nang kusa nyang iiwas ang kanyang paningin sa akin pero agad na nawala ang pagsasaya ng puso ko nang magsimula itong magsalita. "Oh sige tawagin mo si Yvette at sasabihin kong aalis ka na." Saad nya at saka muli nitong itinuon ang atensyon sa papel na binabasa. "Joke lang. Ito naman. Wala ng dagdag? 60k?" Nakangiti kong sinilip ang mukha nya. "52k." Sagot nya na hindi pa rin tumitingin sa akin. "58k?" Tanong ko, hinihiling sa isip na sumang-ayon na sya para tapos na ang usapan. "52.5k." Matigas na sagot nya at saka inilapag ang salamin nya sa gilid. "500 lang? 55k naman jan oh." "Yve...... " Agad kong hinawakan ang kamay nya ng pindutin nya ang intercom. "52,500.00 ha!" Pagpayag ko. Hindi ko alam kung ngiti nga ba ang nakita ko sa kanya bago tumalikod. Nakasalubong ko pa si Yvette pag labas. "Tawag ako ni Sir wait." Saad nya na pilit tinatanggal ang kamay ko. Mas hinigpitan ko pa ang pagpulupot ng braso ko sa leeg nya at pilit syang kinaladkad pabalik sa upuan nya. "Nakausap ko na sya." Saad ko at nagtuloy na lamang sa pagtatrabaho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD